Muling itinaas ng madrasta ko ang kaniyang kamay pero sa pagkakataong ito ay agad kong hinawakan ang kamay niya at matapang kong sinabi “Nandiyan si Arthur sa labas, sigurado ka bang gusto mo kong sampalin ulit ng hindi napapansin ang bakat nito sa mukha ko?” Nang marinig ng madrasta ko ang pangalan ni Arthur ay galit niyang binawi ang kaniyang kamay sa akin, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad na akong umakyat sa aking kwarto at kinuha ang mangilan ngilang kong gamit. Walang lingon akong nag-impake sa aking maleta. Iniwan ko ang lahat ng mga pinaglumaang gamit na binigay sakin ni Leonor na pinasa sa akin. Mga ilang damit, gamit at mga importanteng dokumento lang ang kinuha ko. Pagkababang-pagkababa ko ay narinig ko ang galit na sigaw ni Daddy “Punyeta kang bata ka! Sige sabihin na nating nagpakasal ka. Pero napakatanga mo talaga at nagpakasal ka sa isang Piloto na halos tinakwil ng kaniyang pamilya? Haha akala mo ba yayaman ka kung sasama ka sa kaniya! Sige nga tatanungin kit
Tumango ako ng may ngiting nakakainsulto, bahagyang nag-isip at saka nagsalita “nabigyan ko na ng condo si Frances sa Ayala Subdivision bago kami bumalik ng Pilipinas. Pag-iisipan ko pa kung ano pa ang dapat kong ibigay sa kaniyang regalo. Sa mga oras nayun ay biglang dumating ang step-sister ni Frances na si Leonor, nanlaki ang mga mata niya sa sinabi kong binigyan ko ng unit si Frances sa Ayala Subdivision. “Ano? Binigyan mo ng condo si Frances sa Ayala Subdivision? Wow!. napakamahal ng condo dunn, kahit maliit lang ay inaabot ng halos 50-100million”Agad niyang kinapitan ang bisig ng kaniyang ina at excited na sinabing “Mommy, gusto kong tumira dun!”Muling namintog ang mga mata ni Leonor “Mommy, alam mo bang may kaibigan ako, yung parents niya binilhan siya ng unit duon, at napakaganda talaga. Sobrang elegante!”"Okay, okay." sumang-ayon naman ang kanilang ina ng walang pag-aalinlangan. Masayang hinalikan, yumakap ito at hinalikan ang kaniyang ina sa pisngi . “Eee… wow Mommy.. n
Sa totoo lang kung titignan ko ang kalagayan ng pamilya ni Frances ay walang wala naman talaga sila kundi lang dahil kay Frank hindi naman sila makakakilala ng malalaking tao. Isa iyan sa sa nakikita kong dahilan kung bakit humingi ng tawad ang Daddynila sa kanila . Malamang ay isa din iyan sa rason kung bakit pinaghihigpitan na ng mga ito si Frances. Dahil mawawalan na sila ng pinaka-malaking mag suporta. Tumingin ako kay Frances at pinalamlam ko ang aking mga mata. “Gusto mo ba nitong mga collection ng labubu ng parents mo?”Alam kong nabighani si Frances sa isa sa mga item, dahil unang tingin pa lang ay tuwang tuwa na siya dito. Napako ang mata niya sa isang painting mula sa likha ng isang sikat na artist sa europe. Sa pagkakaalam ko ay ayundin din ang pinaka mahal na nabili ng pamilya nila noong nag travel sila dahil na din kay Frank. Kaya lang isa sa mga nakakatawa ng mga sandaling tangkain kong hawakan ito na nakalagay sa isang glass cabinet ay agad na nagsalita ang Daddy ni
THIRD PARTY POVNgayon, alam na ni Frances na gusto lang ni Arthur na ilabas niya ang kaniyang galit na nararamdaman sa kaniyang 2nd family. Kung paano niya nalamang may hinanakita siya? Ayun ang hindi niya alam. Dahil duon ay unti unting nanumbalik ang init ng pagmamahal niya para kay Arthur. Sa mga sandaling ito, nang makita ni Roy ang pagiging malapit ng dalawa, hindi siya makapaniwalang nagkakasundo ang dalawa. May iba silang plano para kay Frances pag-alis ni Frank at hindi nila inaasahang mauunahan sila ni Arthur na mapakasalan siya sa Las Vegas. Dahil sa impluwensya ng aming pamilya , hindi na nagsalita ng masasama sa akin ang Daddy nila Frank. Kaya imbis na magalit ay pilit siyang ngumiti. Isang pilit na ngiti. “ahh Arthur! Kailan kaya… yung pera?… kailan mo ibibigay sa amin?…” “ahmm no worries po, ibibigay ko ngayon din!”Napabuga ng malalim na hininga si Roy at bahagyang tatawa tawa sa kaniyang asawa at anak na si Leonor na buong pagyayabang. Habang nakatingin si Arthur
Sa totoo lang hindi naman talaga ako nasaktan sa nasaksihan kong kaguluhan ngayon, bagkus ay nakaramdam ako ng matinding tuwa dahil sa tuwing wala si Kuya Frank, matinding pagpapapahirap ang ginagawa sa akin ng mag-inang ito. Hindi ko din maintindihan sa tatay ko kung bakit hindi niya nakikita ang kasamaan ng mga ito. Mali din ako dahil ako ang naghikayat kay kuya na patawarin na si Daddy sa mga nangyari sa nakaraan. Ang nangyari kay Mommy ay matagal ng tapos. Mali pala ako doon. Hindi pala dapat ako nagpakampante. Sana pala ay hindi na lang kami bumalik ng pakikisama sa kanila kaya paano ko ngayon sasabihin kay Kuya ang lahat. Kaya nga kinikimkim ko na lang ang sama ng loob ko. Hindi ko pa rin nakukwento ang nangyari sa pagitan namin ng hayop na Aljur na yun. Hinding hindi ko siya mapapatawad. Siya ang dahilan ng matinding pagbabagong nangyari sa buhay ko. Kaya kahit na natutuwa ako ay hindi ko ito pwedeng ipakita sa kanila ito, kaya bahagya na lang akong tumango sa harapan nilang
Habang patuloy na minamaliit ni Katie ang partner ni Frances, lalong nasasaktan ang damdamin ni Frances. Hindi na sumagot si Roy sa pagkakataong ito. Pakiramdam niya ay magulo ang lahat. Sa kanyang pananaw, mas may kakayahan naman talaga si Arthur kaysa kay Andrew, kilala niya ang pamilya Santiago ngunit ang landas na tinahak nito ang nagdulot ng kahihiyan sa kanilang pamilya. Tinalikuran niya ang pagiging tagapag-mana at naging isang piloto at naging professor. At dahil sa hindi matukoy na dahilan ay bigla na naman itong umalis sa pagiging professor at bumalik sa pagiging piloto. Hinagod ni Katie ang balikat ni Leonor"Ngayon, na ang ate mo ay nakapang-asawa na, kailangang galingan mong magpakitang gilas sa pamilya ni Andrew para makuha mo ang loob niya” Tumango si Leonor nang walang kahihiyan. Sa labas ng bahay ng 2nd family ni Frances, pagkapasok pa lamang niya sa kotse ay narinig na niya ang mahina at nahihiyang boses ni Arthur."Pasensya na... Hindi ko pa kayang magbigay ng
Napabuntong-hininga si Daddy at sa medyo seryosong tono ay sinabi niya sa akin "Tandaan mo ang mga kalaban natin Arthur. Hindi ka man kumapit sa ngayon sa negosyo natin alam kong nasa paligid lang ang mga iyan. Isa pa ang pinsan mong si Marlon, kapag pinakielaman niya ang ari-arian ng ating pamilya, pagsasabihan ko siya. Kailangang maging malinaw sa kaniya kung sino ang namumuno sa pamilya Santiago.” seryoso at galit na sabi ni Daddy. Sa kasalukuyan, ang pamilya namin ay may naka pending na project para sa mga wind mill na itatayo dito sa Rizal. Magandang benepisyo dahil kami ang mamamahala ng magiging eco-friendly na proyektong ito at magiging supply chain upang bumaba ang kuryente sa aming bayan at sa mga kalapit pang probinsya. Kaya lang ang nagiging hadlang ay ang pagsasabwatan ng pinsan kong si Marlon at ni Joyce, kaya naman hinding hindi talaga namin nagustuhan si Joyce. Naghihintay lang kami ng tamang pagkakataon para sa lahat. "Okay Dad, i know… sige po papayag na ak
“Anong sinabi mo?!” hindi makapaniwalang tanong ni Miller “Talaga lang a?” hindi naniniwalang sabi ni Lander Nananatiling mayabang ang pagkakangiti ni Arthur sa mga kaibigan habang patuloy ang mayabang na pagtango. Nanlaki ang mata ni Miller sa sinabi ng kaibigan. Ngayon parang naniniwala na sila sa sinasabi ni Arthur. Naniningkit ang mga mata ni Lander at nagtanong “bakit nakuha niyo na ba ang marriage certificate niyo?” “YES” “Teka nga muna! Paano mangyayari yun? Pumunta ka lang ng Las Vegas nakasal ka na?” Natatawang sabi ni Arthur. “Dun lahat nangyari!. Owww I LOVE LAS VEGAS” Pagkasabi ni Arthur ay bigla niyang nilabas ang kaniyang marriage certificate sa bulsa ng kaniyang suit, binuksan ito sa harapan nilang dalawa at nilatag sa lamesa. Hindi makapaniwala si Miller kaya naman aabutin niya sana ito, pero agad din itong binawi ni Arthur bago pa makuha ni Miller. “Hoy..hoy…hoy…hoy… naghugas ka ba ng kamay mo? Wag mong kapitan tong marriage certificate ko baka
Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s
Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu
SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila
FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al