'Pumunta sa ospital?'Nagulat si Sabrina nang narinig niya ito, tapos ay nakaramdam siya ng saya sa kanyang puso. 'May sakit kaya ang matandang Master Shaw?'Maganda ito. Kung mamamatay na ngayon ang matandang Master Shaw, hindi luluha si Sabrina kahit ni isang patak ng luha. Tumingin si Sabrina kay Sebastian, tapos ay tinanong ni Sebastian sa isang kalmadong ekspresyon, "Lolo Shaw, ano pong nangyari? Hindi po ba maayos ang pakiramdam mo? Pupunta na po ako ngayon din."Sa kabilang banda, hindi sumagot ang matandang Master Shaw, pero bulong niya, "Pumunta lang kayo ngayon.""Sige po!"Pagkatapos ibaba ang tawag, bumaling ang matandang Master Shaw sa loob ng silid. Nanatili rito ng isang buong araw si Selene. Kahapon, pagkatapos makipag-usap ng matandang Master Shaw kay Sebastian sa clubhouse tungkol sa mga sikreto ng pamilya Ford at Star Island, pumunta siya pagkatapos sa ospital para bisitahin si Lincoln. Nang nakarating siya sa ospital, naka-benda ang kamay ni Lincoln.
Agad na tumayo si Jade, tapos ay lumuhod at ipinalagay ang isang nakahandusay na posisyon sa harap ng matanda. Alam ng tatlong miyembro ng pamilyang Lynn na agimat ang matandang Master Shaw. Siguradong kailangan nilang hawakan ng mahigpit ang agimat. Nang natapos humandusay ni Jade, nakita niya si Selene na nahimatay sa sahig nang may malakas na dagundong. Agad pagkatapos 'non, ang mga labi niya ay naging asul at nagsimula rin siyang sumuko ng dugo mula sa gilid ng kanyang bibig. "Selene! Selene! Anong nangyari sa'yo, anak ko! Selene!" iyak ni Jade at sumigaw sa takot. Nagmadali din si Lincoln kay Selene at umiyak, "Selene, anak ko..."Ang matandang Master Shaw lamang ay pinaka kalmado. "Sumakay kayo sa sasakyan! Pumunta na kayo sa ospital ngayon din!"Doon lamang naisipan nina Lincoln at Jade na kailangan nilang dalhin sa ospital si Selene. Ang tatlong tao ay binuhat si Selene sa sasakyan, at ang driver ay nagmaneho papunta sa ospital. Pagkatapos 'non, dumiretso sila sa
Ang mga salita ng doktor ay parang kidlat sa hangin at malakas na tinamaan nito sina Lincoln at Jade. Mas malakas pa ang tama nito sa matandang Master Shaw. Nang makita ang tatlo na bumagsak sa kanilang mga upuan, nakikiramay na sinabi lamang ng doktor, "Ang pinaka importanteng bagay ngayon ay ang makahanap agad ng donor ng kidney."'Makahanap agad ng donor ng kidney.'Saan sila makakanap ng kidney donor sa isang buwan?Nag-aalala ng sobra ang matandang Master Shaw na halos hindi siya makatulog ng buong gabi. Mas lalo siyang tumatanda sa tuwing pagsapit ng gabi. Kinaumagahan, pumunta siya sa ospital para dalawin si Selene at tingnan kung nagising na ba siya. Sa dulo, nang nakarating siya sa silid ng ospital, nakiya niya si Selene na gising na. Ang mukha niya ay kasing puti na ng kumot, at ang parehong mga mata niya ay namamaga na mukha siyang multo. Nang nakita niya ang pagdating ng matandang Master Shaw, nasasabik na umikot si Selene pababa ng kama at yakapin ang paa ng
Sa pagkakataong ito, biglang lumuhod si Lincoln sa matandang Master Shaw at sinabi, habang puno ng mapapait na luha, "Master Shaw, may tinatago po ako sa inyo, at hindi ko pa ito nasasabi."Gulat na nagtanong si Master Shaw, "Ano iyon?""Ako po ay... Bago ko natagpuan ang ina ni Selene, isa akong mahirap na lalaki," sambit ni Lincoln nang may labis na paghihirap. Sinabi ng matanda, "Oo, tapos ay ano?""Sa oras na iyon, wala akong trabaho at walang permanenteng tirahan. Nananatili lang ako isang pinakamurang hotel. Lumalabas lang ako para maghanap ng trabaho, tapos ay babalik sa gabi para magpahinga."Parang pang-grupong dormitoryo ang hotel na iyon, kaya anim na tao ang natutulog sa isang silid. Isang gabi, para samahan ang isang customer, gabing-gabi nang makabalik ako pagkatapos uminom. Tapos, hindi ko inaasahang gigising akong natutulog kasama ang isang babae sa kama ko."Kalmado ang ekspresyon ni Lincoln at hindi man lang ito nagbago habang ginagawa ang walang kabuluhang ito
Inangat ni Lincoln ang kanyang ulo at tumingin sa matandang Master Shaw. "Nahulaan mo na agad, Master Shaw?"Tumango ang matandang Master Shaw nang nakahalukipkip. Matanda na siya, pero hindi siya tanga. Nanirahan si Sabrina kasama ang pamilya Lynn ng walong taon. Ito ang bagay na alam ng lahat sa South City. Na-drop out din si Sabrina sa kolehiyo at nabilanggo. Iyon din ang alam ng publiko. Ibig sabihin, sa walong taon na pananatili ni Sabrina sa mga Lynn, pabaya siya na minsan lang sumunod. Noon, maraming mga tao ang nagsasabi na walang utang na loob si Sabrina. Kahit ang matandang Master Shaw ay laging iniisip na wala siyang utang na loob sa pananatili niya sa mga Lynn. Hanggang sa pagkakataon na naintindihan ni Master Shaw na may kaugnayan si Sabrina kay Lincoln. "Master Shaw, mas matanda ng dalawang taon si Sabrina kay Selene. Kung anak ko nga siya, siguradong siya ang magsasagip kay Selene. Iyon lang ay kung..." tumigil si Lincoln sa kalagitnaan ng kanyang sinasabi
Nang sinabi iyon, biglang bumugso ang mga luha ni Selene. "Lolo, narinig ko rin po na maaring kapatid ko sa labas si Sabrina."Hindi po maganda ang kilos niya sa tuwing nasasali siya sa mga lalaki noong nasa kolehiyo siya, at muntik pa siyang makapatay dahil dito. Pagkatapos niyang makalabas sa presinto, nakikita mo pa rin po kung ilang mga tao ang nasira niya hanggang ngayon. "Lolo, ang mga taong gaya niya ay kaya nang mamuhay ng mapayapa, pero paano naman po ako?"Nakaramdam ng awa ang matandang Master Shaw. "Selene... Apo ko."Sa tuwing mas lalong umiiyak si Selene, mas lalo siyang nalulungkot. "Pakiramdam ko ay tulad lang ako ng aking ina, pinanganak kami para mabuhay ng maikli."Namatay ang aking ina noong nasa edad niya ako. Kung wala tayong mahanap na kapareha... magiging ganoon din ako..."Miserable siyang ngumiti, tapos ay pinagpatuloy niya, "Mas maayos din ang paraang ito. Pwede akong sumunod at samahan ang mama ko sa ganitong paraan. Nahirapan ang mama ko noong pinang
Si Sabrina at Sebastian na pupunta na sana sa trabaho ay nagkatinginan sa isa't-isa.Pagkatapos ng ilang saglit, sinabi ni Sabrina, "Tawagan mo si Marcus, at tanungin mo kung anong uring sakit mayroon ang matandang Master Shaw?"Kahit na sobrang kinamumuhian ni Sabrina ang matandang Master Shaw, alam niya rin kung gaano siya ka-importante kay Sebastian. Nang nasa harapan na siya ni Sebastian, napuksa ni Sabrina ang lahat ng sama ng loob sa kanyang puso na naramdaman niya sa matandang Master Shaw. Tumango si Sebastian. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si Marcus. Sa kabilang banda, mabilis na sinagot ni Marcus ang tawag. "Pasensya ka na, Sebastian. Naging abala ako noong nakaraang araw. Hindi rin ako makapunta sa airport para sunduin ka noong nakabalik ka mula sa Star Island."Sa katotohanan, hindi talaga abala si Marcus noong oras na iyon. May pina-plano siya laban sa matandang Master Shaw sa mga araw na iyon. Pagdating sa usapin ng Star Island, matatag na nanini
Walang nakakaalam kung anong nangyayari. Pero, mabilis pa ring hinawakan nina Sabrina at Sebastian ang mga kamay ni Aino at dinala siya sa baba. Nang nakababa na sila at nakita si Kingston, sinabihan ng mag-asawa si Kingston na ihatid si Aino sa kindergarten. Pagkatapos 'non, personal na nagmaneho si Sebastian sa ospitak kasama si Sabrina. Ilang sandali, nakakaramdam pa rin ng pagsisisi si Sabrina sa kanyang puso. Iniisip niya sa kanyang puso, kung mamamatay ba ng ganoon ang matandang Master Shaw, siguradong bubuti ang pakiramdam niya, pero paano naman ang kanyang ina?Maaring buhay pa rin ang kanyang ina. Hindi pa rin kayang sabihin ng kanyang ina kahit na isang salita tungkol sa tunay niyang ama, kaya magiging patas kaya ito para sa kanya?Hindi alam ni Sabrina. Sa pagkakataong iyon, hindi maikumpara ang halu-halong emosyon ni Sabrina. 'Ma!'Ma, bakit hindi ka pa rin po nagpapakita sa harapan ko?'Ma, bakit ka po ba talaga nagtatago sa akin?'Ma, ikaw po ba 'yan?'Ang