Sabi ni Sabrina, "Mr. Payne, hindi ko alam kung anong kalokohan ang tinatago mo dyan, at wala rin akong masyadong pakialam para hulaan pa ang tinatago mo. Pwede bang sabihin mo na lang samin? Hayaan mong malaman naming dalawa kung bakit kami mamamatay ngayon."Tumingin si Holden kay Sabrina. Tapos, tumingin siya sa munting bata na buhat niya.Ang mga mata ng munting bata ay nangintab sa luha, pero ang mga salita niya ay parang matanda pa rin sa pagiging arogante. "Mr. Payne! Ibaba mo na ako!"Holden: "..."Bahagya siyang umubo, tapos sinabi niya, "Tinakot mo ang bata."Tumawa nang malakas si Sabrina. "Hindi mo kailangan alalahanin ang tungkol dyan."Pagkatapos nun, gumalaw na siya para kunin si Aino sa mga braso niya.Ang munting bata ay agad namang tumakbo papunta sa naghihintay na yakap ng nanay niya.At ganun na lang, hinawakan ni Holden ang binti ni Aino habang ang kamay naman ni Sabrina ay nakahawak sa mga braso ni Aino.Nang makita na ayaw bumitaw ni Holden, tumalikod si
Bukod dito, kapag siya ay naadik sa bagay na yun, ang katawan niya ay masisira sa loob lang ng ilang buwan!Ngayon, si Jade ay sabik nang mawala ang lalaking yun. May plano siya. Uutusan niya ang lalaking yun na paalisin si Sabrina, tapos bibigyan niya ito ng malaking pera.Kapag nagtagumpay siya na paalisin si Sabrina, siguradong hahabulin siya ni Sebastian para maghiganti.Sa oras na yun, napagtagumpayan niya na ang pagtira sa dalawang ibon gamit ang isang bato.Pero hindi niya pwedeng hayaan si Lincoln na malaman ang plano niya. Kung hindi, baka baliin pa nito ang mga binti niya. Silang tatlo ay umupo sa may sala, bawat isa ay inaalagaan ang mga sarili nilang kaisipan at plano kapag pinalayas na sila ng katulong ni Holden."Pasensya na, Mr. at Mrs. Lynn, Miss Lynn, umalis na kayo!" sabi ng katulong nang walang kahit kaunting respeto.Silang tatlo ay pinalayas palabas ng sala, pero nung mismong sandaling yun, si Sabrina, Aino at Holden ay nasa courtyard pa rin.Si Aino ay ti
Ito ang lugar kung saan siya, si Aino at Sebastian bumaba ng kotse nila nung nakalipas na tatlong oras."Mommy, tayo..." Agad ding nakilala ni Aino ang lugar.Pero, nung si Aino ay may sasabihin na sana, tinakpan ni Sabrina ang bibig nito gamit ang palad niya. "Wag kang magsalita, anak."Siya ay nag-aalala na baka aksidente ulit na matraydor ni Aino ang tatay niya.Sa tabi nila, nakita ni Holden ang reaksyon ni Sabrina at hindi nito napigilang ngumisi, "Anong gusto mong pigilan na sabihin ng anak mo? Ayaw mo bang malaman ko na ang asawa mo ay bumaba galing sa kotse niya sa mismong lugar din na to? Sabrina, may nangyari ba sa isla na to na ako, si Holden Payne, ay walang alam?"Nang marinig ang mga salita niya, nahulog ang puso ni Sabrina hanggang sa pinakailalim ng tiyan niya.Pinigilan niya ang kawalan niya ng pag-asa at tinanong, "Pwede mo bang sabihin sakin kung nasaan ang asawa ko ngayon at kung patay ba siya o buhay?"Sabi ni Holden, "Kapag sinabi ko sayo, anong gagawin mo?
Pero, may kaunting bahid ng mature na kagandahan na nakatago sa loob ng kanyang malamig at kalmadong ugali.Nagdulot ito sa kanya na magkaroon ng maanghang, at may karanasang pakiramdam sa paligid niya.Ang klase ng anghang na nakakaakit ng mga tao.Tapos ang mga tao ay tumingin sa munting bata sa tabi niya.Ang munting bata ay nakasuot ng isang pulang pula na sweater na may mahaba at mala-paniking manggas. Sa baba naman, nakasuot siya ng isang pares ng harem jeans na may cartoon na tatak. Nagmukha siyang dayuhan sa street-style na damit niya. Ang munting bata ay may hawak na malaking teddy bear na halos kalahati ng laki niya. Ang malaking teddy bear ay cute sa una, pero kapag tiningnan nang malapitan, ang ilang mga empleyado ay nagulat!Diyos ko po!Nasaan ang mga mata ng oso?Kakaiba na ba talaga ngayon ang pagkakagawa sa mga laruan ng bata?Gusto na ba nila ang mga teddy bear na walang mata?Tapos tumingin sila sa mukha ng munting bata. Ang pisngi niya ay bilog at maburok,
Ang mga nakasulat sa menu ay hindi listahan ng mga putahe, kundi isang linya ng mga salita."Sabrina, wag kang matakot. Manatili kayo ni Aino sa East Hall ni Holden Payne. Kung may mangyari man, may mga taong poprotekta sa inyo. Subukan mong manatiling masaya, at panatilihin mo ring masaya si Aino."Walang nasabi is Sabrina. "..."Tinaas niya ang ulo niya at tumingin sa waiter, pero nakaalis na siya.Tapos tumingin si Sabrina kay Aino.Nagtataka si Aino. "Ano pong problema, Mommy?""Makinig ka sa akin. Magsasaya tayo at kakain ng marami hanggat gusto natin, maging masaya ka lang, okay, anak?" Nagpalitan ng tingin sila Sabrina at Aino.Si Aino ay isang matalinong bata.Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ng nanay niya.Biglang ngumiti ang batang ito na ang mga mata ay kumikislap sa luha simula pa nung oras na pumasok sila ng hotel.Ang munting bata ay naglibot sa iba't ibang mga siyudad kasama ng nanay niya sa loob ng lima o anim na taon. Siya ay mahusay na sinanay sa pa
Nagpatuloy si Aino, "Baddie. Gusto ko yan. Baddie, pwede ko din bang pangalanan ng Baddie ang teddy bear ko? Ayos lang ba kung pareho kayong dalawa ng pangalan, Baddie?"Walang nasabi si Holden. "..."Pakiramdam niya ay nahulog siya sa isang patibong. Siya ay niloko at dinaya."Uhm..." Nauutal na tinanong ni Holden si Aino. "Munti... Munting prinsesa...""Tawagin mo akong Cutie Pie!" Sabi ni Aino nang may mataas at malakas na boses. "Meron nang munting prinsesa sa bahay niyo, yung Minerva na yun! Sobrang pangit niya. Kapag sinasabi mo ang mga salitang 'munting prinsesa' naalala ko ang isang pangit na babaeng tulad niya, kaya ayaw kong matawag na Munting Prinsesa. Tawagin mo nalang akong Cutie Pie.""Uhm... Cutie Pie, ikaw... Pa... pareho kami ng pangalan ng teddy bear mo, pero tingnan mo... Ang teddy bear mo ay sobrang pangit. Wala siyang mga mata, kaya paano naman magkakapareho ng pangalan ang isang gwapong tulad ko sa teddy bear na walang mata. Masyado naman...""Hmph!" Umiyak
Si Sabrina ay sobrang pamilyar sa mga matang ito. Ito ay mga mata ni Nigel.Sa katapat ng Star Island International Hotel, may isang tindahan, at si Nigel ay nakaupo sa likod nito.Obvious na siya ang may-ari ng tindahan.Walang masabi si Sabrina. “...”Sa mga sandaling ito, nakaramdam siya ng mixed emotions.Siya ay ang young master ng Connor Group, ang young director nito, at isa sa mga nakakataas na miyembro ng society sa South City. Kahit na bumaba ngayon ang Connor Group, ang identity ni Connor bilang nag-iisang maternal na apo ng Ford family ay sapat na para maenjoy niya ang buhay bilang binata sa South City, Nung nandoon siya, kahit saan siya magpunta, nagbabow ang mga tao doon at nirerespeto siya,Pero, ngayon, sa Star Island, si Nigel Connor ay nagtitinda ng mga gamit sa isang tindahan sa tabi ng daan.Tindahan sa tabi ng daan!Nakaramdam siya ng mixed emotions at namula ang mga mata niya.Kailanman ay hindi siya umiyak para sa sarili niya, pero kapag may taong buong
“Syempre! Ako ang owner ng East Hall. Dito, tinutupad ko ang lahat ng pangako ko.” sabi ni Holden.“Oh… Oh, may malaking horse na akong sasakyan ngayon.” Niyakap ni Aino ang teddy bear niya at masayang tumakbo para maglaro.Mahilig pa rin ang mga bata maglaro sa courtyard dahil malaki ito.Patuloy na nanigarilyo si Holden. Pagkatapos, sinabi niya kay Sabrina, “Ilang hithit nalang at tapos na ako.”Actually, kakasimula niya lang manigarilyo.Tumawa bigla si Sabrina. “Bakit… Bakit ang bait mo sa anak ko? Mukhang… mahilig ka sa mga bata?”“Bakit?” Tinap niya ang dulo ng sigarilyo niya. Pagkatapos, pumikit siya para ikonsidera ang tanong nito.“Lagi ako mag-isa nung bata ako. Nung kaedad ko si Aino, hinihiling ko na yakapin ako ng tatay ko, buhatin ako ng nanay ko, pero kailanman ay hindi nila ito ginawa. Siya ay laging cold at malayo sakin, at sabi ng nanay ko…”Habang iniisip ang childhood niya, biglang may hint na nasaktan siya sa mukha niya.Sabi ni Sabrina, “Ano ang sinabi ng