Kahit kailan ay hindi sinabi ni Sebastian sa kahit sino ang kalahating pangungusap na sinabi ng nanay niya.Pero alam na alam niya na siguradong merong isang tao o isang bagay sa isla na inaalagaan ng kanyang ina. May kailangan pa siyang tapusin na isang mahalagang gawain.Ang pagtupad sa huling habilin ng nanay niya, ang pagpunta sa isla para hanapin ang sagot, ay ang rason kung bakit gustong sakupin ni Sebastian ang isla.At kay Old Master Shaw.Bago siya namatay, palagi siyang pinapaalalahanan ng nanay niya na tratuhin nang maayos ang matanda.Ito ang dahilan kung bakit hindi inatake ni Sebastian ang matanda sa pagkakataong ito. Para talagang maging totoo, kung tinago ni Old Master Shaw si Selene at ang pamilya nito sa bahay niya, edi mawawala na si Sebastian sa dapat niyang gawin.Pero ngayon, ang Lynn family ay nasa Star Island. Ngayon, may pagkakataon na siya!Makakapaghiganti na rin si Sabrina sa kanila, tamang tama lang ito.Nang marinig niya ang rason kung bakit gusto
Ang babae sa kusina ay hindi kapani-paniwalang mabait. Sinundan siya ni Aino na parang isang maliit na buntot habang abala siya sa kusina. "Aunt Jane, ang steamed clams na gusto ng Mommy ko, luto na po ba yun? Gusto ko na pong tumikim ng isa ngayon.""Hehe." Tumawa si Jane sa kalokohan niya. "Mainit yan. Maghahanda ako ng isa para sayo pero hintayin mo munang lumamig, okay?"Agad na tumango si Aino. "Sige po, Aunt Jane."Kumuha ng isa si Jane para kay Aino at nilagay ito sa platito para lumamig. Makalipas ang isang minuto, kinuha niya ito ng tinidor at dahan-dahang ipinasok ang tinidor sa bibig ni Aino.Ang sarap kumain ng munting bata.Masarap din siyang pinanood ni Jane, na para bang ang pagkain ay nasa bibig niya din.Sa sala naman, nang makita ng dalawang lalaki ang eksenang ito, isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Sebastian.Habang ang ekspresyon naman ni Alex ay nagpakita ng halo-halong emosyon.Ayaw niya ba ng anak?Gusto niya!Pero ayaw niya talagang magkaroon ng anak
At doon lang sinabi ni Kingston, "Madam, sa oras na ito, walang nakakaalam na nandito tayo sa Star Island. Ang taong sumundo sa atin ngayon ay ang tao natin sa loob.Tumango si Sabrina sa kaginhawahan. "Sige."Silang apat ay sumakay na sa kotse nang sabay-sabay, si Kingston ay nakaupo sa harapan.Sila Sebastian, Sabrina at Aino naman ay nakaupo sa likod.Nung oras na nakasakay na sila sa kotse, ang munting prinsesa ay masayang tumingin sa bintana, tuwang tuwa sa tanawin ng Star Island.Kahit na ang Star Island ay isa lang maliit na piraso ng lupa, kasing laki ng isang maliit na siyudad, ang tanawin dito ay nakakapigil-hininga ang ganda. Ang panahon ay mainit at humid.Nang makita ang mga paghinga ng munting bata habang hinahabol niya ang mga magagandang tanawin, nakipagpalit si Sabrina ng pwesto sa kanya, hinayaan siya na umupo sa tabi ng bintana, para mas madali sa kanya na tingnan ang mga tanawin sa labas.Sa harap naman nila, iniulat ng driver ang sitwasyon na nangyayari ngay
Pero nung nakita niya sa sarili niya mga mata ngayon, naniwala na talaga ang driver sa chismis.Lalo na ang Lynn family na tumakas papunta sa Star Island. Sa tuwing may nakikilala sila, sinasabi nila na ang asawa ng direktor ay isang bruha, kinukulam na si Master Sebastian nung oras na dumating siya. Pinipilit pa nga ni Selene Lynn na siya ang dapat na mapapangasawa ni Master Sebastian.Pero sa bandang huli, ang mapapangasawa niya ay naagaw ng bruhang babaeng yun.Sa tuwing naririnig nila si Selene na inuulit ang mga salitang ito sa iba't ibang okasyon, ang mga katiwala ni Sebastian na nakadestino sa isla ay gustong tumawa.Anak nila ay lima o anim na taong gulang na, at siya walang iba kundi isang nobya!Paano niya nasabi na ang nobyo niya ay inagaw ni Sabrina?Pero walang ni isa sa isla ang sumubok na makipagtalo sa tatlong miyembro ng Lynn family.Dahil nung oras na sila ay tumapak sa isla, silang tatlo ay masigasig na sinalubong ng Payne family.Ang Selene Lynn na yun!Ila
Si Sabrina ay nagulat at ipinasok ang sarili niya sa kotse nang walang pagdadalawang-isip. Kinuha niya si Aino at niyakap. "Aino, wag kang matakot, anak! Andito si Mommy! Andito si Mommy kasama mo!"Tapos, nung oras na siya ay lumingon, ang pinto ng kotse ay isinara na nang malakas.Sabrina" "..."Tumingin siya sa paligid niya.Ang nakaupo sa tabi nila ni Aino ay isang lalaki na nakasuot ng salamin. Isang hindi matukoy na amoy ang lumabas sa katawan niya, at ito ay medyo mabango."Ano...ano bang gusto niyo?" Bumilis ang tibok ng puso ni Sabrina sa dibdib niya. Niyakap niya si Aino nang mahigpit, at masama ang tingin sa lalaking nakasuot ng salamin.Ang lalaki ay nanatiling tahimik.Hindi rin ito tumingin sa kanila.Habang nakasiksik sa mga braso ng nanay niya, pinigilan ni Aino ang takot at luha niya at tumingin din nang masama sa lalaki. Tinikom niya ang bibig niya at sumigaw, "Ikaw masamang tao! Pakawalan niyo na kami ng Mommy ko ngayon na! Kung hindi, pagsisisihan niyo ito!"
Sobrang dali nga manalo!Nung immersed na si Holden sa sobrang sayang pagkapanalo niya, may chubby na mga kamao ang biglang sumuntok sa hita niya.“Aray…” Napahawak si Holden sa hita niya. Bago pa siya makapagreact, may mga malalakas na dalawang maliliit na kamao ang biglang sumuntok sa kaliwang mata niya.“Aray…”Sabrina. “...”Nag-aalala at natatakot siyang tumingin sa anak niya. “Aino! Hindi siya ang papa mo. Huwag kang gumala, baby. Huwag mo siyang suntukin, naririnig mo ba ako!”Hindi niya alam kung itutulak ba ni Holden si Aino palabas ng kotse ng dahil sa galit.Kung gagawin niya ito, papatayin niya ito, kahit na kailangan pa niya kagatin ito hanggang sa mamatay!Iniisip niya na susunod sa kanya si Aino pagkatapos niya pagalitan ito, pero hindi niya alam na ang anak niya ay palaban.Lalo na nasa panganib sila, kahit na natatakot ito, gusto nito protektahan ang nanay niya. Ito ang dahilan bakit hindi siya nagpapatalo sa takot!Pinigilan niya umiyak dahil matatabunan nit
Pagkatingala ni Sabrina, nakita niya si Selene.Pagkakita niya ulit dito pagkatapos ng matagal na panahon, mas haggard ngayon tingnan si Selene. Ang balat sa pisngi niya ay may yeloowish tinge, na para bang zombie na nadrain ng dugo.Pero kahit na, ang aggressive nitong aura ay kaparehas pa rin.Kung ikukumpara dito, si Sabrina ay kalmado.Lagi siyang ganito.Kapag mas delikado ang sitwasyon, mas lalo siyang nagiging kalmado.Bumulong siya sa naak niya, “Baby, mamaya, hihilahin ko ang legs ng babaeng yan at dadaganan siya. Pagkatapos, tatakbo ka. Tumakbo ka ng malayo hangga’t kaya mo. Naalala mo ang route na dinaanan natin?”Ito ay kaagad na understanding sa pagitan ng mag-ina.Dati, nung unang pumasok si Sabrina sa Ford Residence kasama si Sebastian, pasikreto niyang sinabi kay Aino na tumakbo ng malayo kapag may napansin siya na kakaiba sa Ford Residendce, sa kundisyon na naalala niya kung saan sila pumasok.Nung mga sandaling yun, mahinang sinabi ni Aino sa nanay niya, “Naa
“Gusto kong pasabugin ang ulo mo na parang popcorn! Ang sama mong babae, bubugbugin kita, bubugbugin kita, bubugbugin kita! Ha!” umiyak ang batang babae habang sinasaktan si Selene.Kahit na matanda si Selene, ngayon lang, masyado siyang naging careless.Nung mga sandaling ito, nakaharap siya sa lapag kaya mahirap na sa kanya na i-flip ang sarili niya at dagdag pa dito, si Aino ay nasa ulo niya, kaya mas lalo siyangnahihirapan na tumayo. Ang steel eyeballs na humahampas sa ulo niya rin ay firm at solid. Sobrang sakit ng ulo niya.Ang tanging nararamdaman nalang ni Selene ay sakit at nakalimutan na niya depensahan ang sarili niya.Sa tuwing hahampasin ni Aino ang ulo ni Selene ng steel balls, instinctively na napapataas si Selene ng kamay para protektahan ang ulo niya. Wala na siyang oras para mag-isip kung paano lalaban pabalik.Haha!Si Aino ay mas ginanahan sa naging response nito kaya binilisan nito ang tempo niya.Nung mga oras na yun, maraming bukol ang biglang lumabas sa