Alam ni Sabrina na ang sinasabi ni Nigel ay si Selene at ang mga magulang nito.Sa kabilang linya, katulad ng inaasahan niya, sinabi nito, “Pero, huwag kang mag-alala Sabrina, hahanap ako ng paraan para pabagsakin sila! Silang tatlo ay valued guests ngayon ng Payne family. Nananatili pa nga sila sa west hall ng Payne manor. Originally, tanging ang dalawang Payne brothers lang ang nananatili sa manor, pero ngayon, kasama na nila ang Lynn family.”“Plus, ang eldest ng Payne family, si Harry Payne. Ay planong ipakasal si Holden Payne kay Selene.”Walang masabi si Sabrina. “...”Nagpatuloy si Nigel, “At, narinig ko na ang sinabi ni Selene kay Harry na rason kung bakit sobrang nagmamadali si Sebastian para mapatumba ang island ay dahil iniimpluwensyahan mo ito. Pero ngayon, sila Harry at Lynn family ay nag-uusap kung paano gagamitin ang opportunity ng pagiging sobrang focus ni Sebastian sa island para magpadala ng mga tao sa South City para sayo. Kaya naman, tinawagan kita ngayon par as
“Sebastian…” Tawag ni Sabrina sa kanya.“Ano yun? Kamusta ang shopping day niyo? Nakakuha ba kayo ng marami? Dapat ba akong magpadala ng kotse para sunduin kayo?” Gentle na sabi ni Sebastian sa kabilang linya.Pero, ang tono ni Sabrina ay nanatiling seryoso. “Sebastian, kakatawag lang sakin ni Nigel ngayon…”“Anong problema?” Pagkarinig niya na tumawag si nigel, biglang nanlamig ang puso niya.“Ang sabi niya ay tinatrato ng maayos ang lynn family sa Star Island. Silang tatlo ay nananatili sa Payne manor, at nag-eenjoy kasama ang payne family. Anong pinaparating nito? Pinaparating nito na si Old Master Shaw at Axel Poole ay nagbigay ng maraming benefits sa Paynes… narinig ko na nagpadala rin sila ng mga tao….”Bago pa matapos si Sabrina, kaagad nagsalita si Sebastian. “Nagpadala sila ng mga tao papunta sa South City?”Tumango si Sabrina, “Oo.”“Okay,” sagot nito.“Sebastian…” Biglang tawag sa kanya ni Sabrina.“Ano yun?”“Kailangan ay mag-ingat ka…. Ikaw… Walang dapat mangyari
Si Alex ay relaxed. “Ano? Bigla na lang siyang umaksyon?”Tumango si Sebastian. “Kamakailan lang, biglang dinagdagan ni Axel Poole ang military personnel na pinapadala niya sa island. Mukhang may alam siya. Pinadala niya ang thirds ng soldiers niya sa island kaya binubuhos niya ang lahat ng resources niya dito.”Tumawa si Alex. “Sebastian, hindi ba ito ang ending na gusto mo makita? Ang uncle ko ang nagbibigay ng military personnel at equipment sa Star Island.”Itinaas ni Sebastian ang kamay niya at pinat ang balikat ni Alex. “Hindi na nakakapagtaka na blood-brother kita!” Pagkatapos ng maikling pause, sinabi niya, “Alex, pagkatapos ng pag-atake ko sa Star Island, mawawala ang halos kalahati ng mga tauhan niya. Pagkatapos, hindi na siya maglalakas loob na kalabanin ako. Ang tanging inaalala ko nalang ngayon ay si Old Master Shaw…”Pagkabanggit sa matanda, naging cold ang expression ni Sebastian. “Pagkatapos mo masakop ang Star Island, huhulihin ko ang Lynn family at ibibigay ko sil
Pero ayaw niya ring iwan mag-isa si Ryan.Awkward na tumingin si ruth sa tatlong magagandang dilag at sa batang nasa harap niya, hindi niya alam ang gagawin.Sa sandaling yun, biglang tumawag si Sebastian. Kaagad itong sinagot ni Sabrina, “Sebastian?”“Pwede ka na bang umuwi ngayon? At isama mo na rin si Jane. Nandito si Alex kasama ko.” Sabi ni Sebastian.“Oh, sure. Papunta na ako,” sagot ni Sabrina.Pagkababa ng tawag, tumingin siya kay Ruth, na para bang ayaw niya umalis si Ruth.”Ruth. Hindi ka pa kinakasal pero sobrang compliant mo na sa mga demands ni Ryan. Ano ng gagawin mo kapag kinasal na kayo.”“Ano ba yan, Sabrina.” Kaagad namula si Ruth.“Sige, sige. Nagbibiro lang ako. Sige na. Hinihintay ka na ni Ryan.”“Okay!” Namula si Ruth at lumabas para puamra ng taxi.“Ikaw na user. Aalis kaagad pagkatapos makuha ang lahat ng benefits…” sa likod niya, tumatawa si Sabrina.Wala siyang choice kung hindi isama sila Aino at Jane pauwi.Pagkapasok niya sa pinto, naramdaman kaag
Natigilan si Sabrina. "Ang bilis naman?"Kahit na alam niyang gustong pumunta ni Sebastian, at nasabihan na rin siya nung nakaraang linggo, si Sebastian ay nagkakaroon pa rin ng sunod sunod na meeting araw-araw para planuhin ang pananakop na ito, pero hindi niya inaasahan na magiging ganoon kabilis."Handa..." Nagtanong si Sabrina, nag-aalala ito, "Handa na ba ang lahat?"Hindi niya napansin si Sebastian nag-aayos ng kahit isang sundalo o baril.Ngumiti si Sebastian at tinanong niya ito, "Ano bang gusto mong ihanda?"Sabi ni Sabrina, "Hindi mo ba kailangan maghanda ng mga armas? O iba pa?"Tumawa si Sebastian. "Ang rason kung bakit pupunta ako sa Star Island, unang-una, ay hindi para patayin o sunugin ang lugar; pangalawa, hindi para kamkamin ang kahit kaninong ari-arian, at pangatlo hindi para magnakaw. Kaya hindi ko kailangan ang alinman sa mga bagay na iyon.""Nang marinig si Sebastian na sinabi ito, nalito si Sabrina. "Edi..."Iniisip niya noon pa man na ang pakay ni Sebast
Nung siya ay manganganak na saka niya lang nalaman na si Sean Ford pala ay ikinasal na, may asawa at anak na lalaking naghihintay sa kanyang pag-uwi sa South City.Nung oras na yun, pakiramdam ni Grace ay para bang gumuho ang mundo niya.Hindi niya naintindihan kung bakit pa siya hinabol ni Sean. Kahit kailan hindi niya ipinaliwanag ang sarili niya.Makalipas ang maraming taon, napagtanto rin ni Sebastian kung bakit. Hinabol ng tatay niya ang nanay niya at trinato ito bilang asawa niya dahil marami sa mga taga-isla ay sinusuportahan at nirerespeto pa din ang Summer family. Pinapalakas niya lang ang pamamahala niya sa isla.Nung kalaunan, nagkaroon ng bangayan ang Ford family at Payne family.Gusto sana ni Sean na bawiin ang lahat ng pinuhunan niya sa isla, pero nung oras na yun, manganganak na din si Grace.Gustong dalhin ni Sean ang buntis niyang asawa pabalik sa South City kasama niya at hintayin ang pagsilang sa anak nila, pero nung oras na yun, mahirap na para sa kanya na bum
Kahit kailan ay hindi sinabi ni Sebastian sa kahit sino ang kalahating pangungusap na sinabi ng nanay niya.Pero alam na alam niya na siguradong merong isang tao o isang bagay sa isla na inaalagaan ng kanyang ina. May kailangan pa siyang tapusin na isang mahalagang gawain.Ang pagtupad sa huling habilin ng nanay niya, ang pagpunta sa isla para hanapin ang sagot, ay ang rason kung bakit gustong sakupin ni Sebastian ang isla.At kay Old Master Shaw.Bago siya namatay, palagi siyang pinapaalalahanan ng nanay niya na tratuhin nang maayos ang matanda.Ito ang dahilan kung bakit hindi inatake ni Sebastian ang matanda sa pagkakataong ito. Para talagang maging totoo, kung tinago ni Old Master Shaw si Selene at ang pamilya nito sa bahay niya, edi mawawala na si Sebastian sa dapat niyang gawin.Pero ngayon, ang Lynn family ay nasa Star Island. Ngayon, may pagkakataon na siya!Makakapaghiganti na rin si Sabrina sa kanila, tamang tama lang ito.Nang marinig niya ang rason kung bakit gusto
Ang babae sa kusina ay hindi kapani-paniwalang mabait. Sinundan siya ni Aino na parang isang maliit na buntot habang abala siya sa kusina. "Aunt Jane, ang steamed clams na gusto ng Mommy ko, luto na po ba yun? Gusto ko na pong tumikim ng isa ngayon.""Hehe." Tumawa si Jane sa kalokohan niya. "Mainit yan. Maghahanda ako ng isa para sayo pero hintayin mo munang lumamig, okay?"Agad na tumango si Aino. "Sige po, Aunt Jane."Kumuha ng isa si Jane para kay Aino at nilagay ito sa platito para lumamig. Makalipas ang isang minuto, kinuha niya ito ng tinidor at dahan-dahang ipinasok ang tinidor sa bibig ni Aino.Ang sarap kumain ng munting bata.Masarap din siyang pinanood ni Jane, na para bang ang pagkain ay nasa bibig niya din.Sa sala naman, nang makita ng dalawang lalaki ang eksenang ito, isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Sebastian.Habang ang ekspresyon naman ni Alex ay nagpakita ng halo-halong emosyon.Ayaw niya ba ng anak?Gusto niya!Pero ayaw niya talagang magkaroon ng anak