Nakaramdam siya ng kirot sa puso nung narinig niya ang sinabi ni Alex, at sobrang sakit nito, pero pinwersa ni Jane na ngumiti. “Okay, kahit anong sabihin mo, magpa-implant nalang tayo.”Nung araw na yun, sinamahan siya ni Alex para magpalagay ng subdermal contraceptive implants at tintrato siya nito ng may mas care pagkatapos. Ipinadala din nito ang pamilya ni Jane sa kulungan at hinayaan na maparusahana ang iba sa batas. Inialis na rin niya si Jane sa Sheen Family at ipinapirma ng official declaration na wala na silang kahit anong koneksyon sa anak nila.Agkatapos nila, umalis si Jane ng hindi man lang lumilingon habang ang pamilya niya ay hindi makagalaw. Medyo malayo na siya nung sumigaw ang mama niya, “Stupidang Jane, inaabandona mo ba ang Mommy at Daddy mo?”Nagsimulang umiyak si Jane. Kumuha siya ng ilang sandali para mastabilize ang sarili niya bago harapin ang mga magulang niya na may nakakatakot na kalmadong expression. “Patay na ang Stupidang Jane.” Walang amsabi ang mga
Pagkapansin na nagdidilim ang expression niya, kaagad na sumagot si Jane ng may gentle na tono. “I’m sorry Mr. poole, hindi ko dapat sinabi yun. Mas magiging maingat ako sa future, hindi na ito mangyayari ulit.”Nanatiling tahimik si Alex habang nakatingin sa kanya. Siya ay isang babaeng na alam umadvance at umatras. Kinuha ni Jane ang bowl na hawak niya at itinabi ito, bago ito pumulupot ito sa leeg niya. “Para makabawi ako sa sinabi kong hindi maganda, pwede mo naman ako parusahan na kahit anong gusto mo, paano kung ganyan?”“Mahal mo ba talaga ako?”Yumuko siya at nag-alinlangan bago tumango. “Mahal talaga kita. Yun ang nararamdaman ko kaya gusto ko ito sabihin ng malakas, kahit na hindi dapat. Alam kong masisira nito ang ganda ng mga bagay pag sobra. Pero huwag kang mag-alala, Mr. Poole. Ayokong maging pabigat sayo sa kahit anong paraan. Matanda na ako, at hindi na twenty-year-old na batang babae. Hindi ka na dapat mag-alala pa. Balang araw kapag gusto mo akong umalis pero ayaw
Hindi niya kailanman pinilit itong sabihin ang anumang bagay na parang mahal niya siya, tumanggi pa nga siya nung inalok siya nito ng pera para itago at ipunin niya. Sasabihin nito sa kanya, "Alex, nasa akin pa ang lahat ng paa at kamay ko, kaya kong kumita ng sarili kong pera. Magaling akong magluto, kaya ko din magmasahe, yan ang mga kakayahan ko. Hindi ko kailangan ng pera galing sayo."Nang makita niya ayaw niya talaga nito, nagdesisyon siyang wag nang ipilit ang bagay na ito, dahil na rin siguro sa pansarili niyang konsiderasyon. Matagal na siyang nasa tabi niya, pero hindi niya matukoy ang nararamdaman niya para sa kanya. Pagmamahal ba yun? Hindi! Matagal nang nawala ang abilidad ni Alex na magmahal ng iba, marahil sila ay nagsama na lang sa isa't isa. Natakot siya na baka pag binigyan niya ito ng pera, siya ay tatakbo kasama ng ibang lalaki at magsisilang ng mga anak nito para sa mas payapang buhay. Kung mangyari yun, hindi na masisigurado ni Alex na mabubugbog niya ang lalakin
Ang ekspresyon ni Alex ay mas naging mapait nung nakita niya si Jane na humahagulgol sa pagtulog niya. Ilang taon na ang nakakaraan at kahit kailan hindi siya nag-abala na isaalang-alang kung ano talaga ang nararamdaman niya, dahil lang sa sobrang pag-unawa niya, hanggang sa umabot sa punto na hindi niya na kinailangan mag-alala pa sa kanya. Kahit kailan si Alex ay hindi naging magaling sa pagpapapansin sa isang tao, lalo na pagdating sa mga babae. Hindi siya sigurado kung dapat ba na pinapagaan niya ang loob nito, o kung gigisingin niya ba ito. Nung siya ay nahihirapan magdesisyon, Nagising si Jane na umiiyak.Nung nakita niya ang luha sa mga balikat nito, napagtanto niya na siya ay umiiyak talaga. Naaalala niya pa kung ano ang nakita niya sa panaginip niya. Sa panaginip niya, may isang batang babae na ngayon lang natutong maglakad. Ang matataba niyang braso at binti ay umalog nung siya nadapa, pero siya ay naglalakad nang mabilis na parang halos tumatakbo na siya. Kahit na gaano kal
"Gusto mo bang magkaanak?" Tanong ni Alex sa paos na boses.Umiling si Jane nang may determinasyon. "Hindi, Alex! Ayaw ko ng mga bata!""Talaga ba?"Ngumiti siya at sumandal sa dibdib nito. "Isa akong babae, Alex. Ako ay isang buhay na nilalang na kakagaling lang sa pagpapalaglag, hindi imposible para sa akin na sumama ang loob. Pero matanda na ako, alam ko kung ano ang ginagawa ko. Kailangan kong magplano para sa anak ko kapag isinilang ko siya, kaya ayaw ko ng anak. Hindi ko inakala na mananatili ako sa tabi mo sa loob ng anim na taon. Anim na taong halaga yun ng kaligayan. Hindi ako gahaman, Alex." Pumikit siya at bumulong sa kanya, "Basta't nasa tabi mo ako, para pagsilbihan at bantayan ka, sa tingin ko yun na ng pinakamagandang regalo na ibinigay sa akin ng Diyos. Para bang lagi akong nasa paraiso araw-araw. Nakuha ko na ang higit pa sa halaga ko, Alex, naiintindihan mo ba?"Nang gumaan ang loob niya, hinigpitan ni Alex ang yakap sa kanya at hinila pa ito papalapit. Tinungo ni
Nananaginip na naman ba siya? Simula nung pinalaglag niya ang anak niya nung nakalipas na mga linggo, siya ay minumulto ng mga panaginip na puno ng mga bata. Ang boses ng kumakatok sa pinto niya at sumisigaw na buksan ito ay para bang inosente at bata na parang isang maliit na bata. Kaninong anak ba yun?Biglang bumangon si Jane at nagmamadaling kinuha ang robe sa damitan niya bago siya tumakbo para buksan ang pinto. Gusto niyang malaman kung sino ang bata. Sa ilang sandali, siya ay nag-iisip pa nga kung nananaginip pa rin ba siya.Nung nabuksan niya na ang pinto, nakita niya ang maliit na nilalang na nakasuot ng napakapulang bestida, at nakatingin sa kanya habang nakangisi. "Ang ganda mo naman, auntie, katulad ng Mommy ko. Siguro ang Mommy ko ay medyo mas maganda lang nang kaunti, kaunti lang naman."Ang maliit na bata ay nagpacute nang masaya kay Jane. Nakatago sa mga mata niya ang pagkatuwa ng isang matandang babae sa mata niya, pero hindi nito mahihigitan ang hindi maitatagong p
Paanong ang isang maliit na bata ay napakatalino? Siya napaalalahanan ng bagay na laging sinasabi sa kanya ni Alex. Madals niyang sinasabi, "Si Sebastian ay naging alipin na ngayon ng anak niya! Ang lalaki na dati ay hindi kumukurap nang dalawang beses sa pagpatay ng iba, kahit kailan hindi siya ngumiti o nakaramdam ng kahit kaunting pagmamahal sa iba! Ngayon, tingnan mo siya! Nagmamadali siyang umuwi araw-araw para makipaglaro sa batang yun."Naiintindihan ito ni Jane. Sino bang hindi matutunaw kapag meron silang malambing na anak sa bahay?"Halika na, auntie. Naghihintay na po ang Mommy ko sa baba."Naghilamos na si Jane at naglagay ng make-up, tapos bumaba na siya papunta sa sala habang hawak ang kamay ni Aino. Narinig lang ni Aino na ang nanay niya ay mag-iimbita ng isa pang auntie para mamili kasama nila. Wala siyang ibang gusto kundi magkaroon ng bagong kaibigan. Marami siyang kaibigan sa eskwelahan, at ang isang kaibigan ng nanay niya ay kaibigan niya din. At ganun na lang, a
Sa totoo lang, ang babaeng nasa harap niya ay ibang-iba sa kung ano siya dati. Bago dito, ang istilo ng pananamit niya ay mature pero medyo sexy, ito ang paborito ni Alex. Pero ngayon, siya ay nakadamit nang masigla, at matingkad na kulay, na talaga namang kapansin-pansin, pero hindi pa rin nawawala ang pagkamature at sexy niya. May dagdag na patong ng enerhiya at sigla. Pinananatili niyang maayos ang sarili niya. Habang nakasuot nang ganito, hindi siya nagmukhang isang babae na nasa thirties na. Sa halip ay nagmukha siyang maganda at maselang dalaga.Si Alex ay nakaramdam ng yakap sa puso niya. Nang may ngiti sa mukha niya, sinabi nito, "Ang ganda mo sa kahit anong damit."Ngumiti si Jane. "Alex, mamimili kami ni Sabrina ngayon."Tumango lang si Alex. Bihira lang siyang umalis ng bahay. Nung nasa Kidon City siya, hindi mabilang ang mga mayayamang babae na gustong mamili at magmerienda kasama siya, pero lagi siyang tumatanggi, halos hindi siya gumagala sa labas. Pumapayag lang siya