Ang ekspresyon ni Alex ay mas naging mapait nung nakita niya si Jane na humahagulgol sa pagtulog niya. Ilang taon na ang nakakaraan at kahit kailan hindi siya nag-abala na isaalang-alang kung ano talaga ang nararamdaman niya, dahil lang sa sobrang pag-unawa niya, hanggang sa umabot sa punto na hindi niya na kinailangan mag-alala pa sa kanya. Kahit kailan si Alex ay hindi naging magaling sa pagpapapansin sa isang tao, lalo na pagdating sa mga babae. Hindi siya sigurado kung dapat ba na pinapagaan niya ang loob nito, o kung gigisingin niya ba ito. Nung siya ay nahihirapan magdesisyon, Nagising si Jane na umiiyak.Nung nakita niya ang luha sa mga balikat nito, napagtanto niya na siya ay umiiyak talaga. Naaalala niya pa kung ano ang nakita niya sa panaginip niya. Sa panaginip niya, may isang batang babae na ngayon lang natutong maglakad. Ang matataba niyang braso at binti ay umalog nung siya nadapa, pero siya ay naglalakad nang mabilis na parang halos tumatakbo na siya. Kahit na gaano kal
"Gusto mo bang magkaanak?" Tanong ni Alex sa paos na boses.Umiling si Jane nang may determinasyon. "Hindi, Alex! Ayaw ko ng mga bata!""Talaga ba?"Ngumiti siya at sumandal sa dibdib nito. "Isa akong babae, Alex. Ako ay isang buhay na nilalang na kakagaling lang sa pagpapalaglag, hindi imposible para sa akin na sumama ang loob. Pero matanda na ako, alam ko kung ano ang ginagawa ko. Kailangan kong magplano para sa anak ko kapag isinilang ko siya, kaya ayaw ko ng anak. Hindi ko inakala na mananatili ako sa tabi mo sa loob ng anim na taon. Anim na taong halaga yun ng kaligayan. Hindi ako gahaman, Alex." Pumikit siya at bumulong sa kanya, "Basta't nasa tabi mo ako, para pagsilbihan at bantayan ka, sa tingin ko yun na ng pinakamagandang regalo na ibinigay sa akin ng Diyos. Para bang lagi akong nasa paraiso araw-araw. Nakuha ko na ang higit pa sa halaga ko, Alex, naiintindihan mo ba?"Nang gumaan ang loob niya, hinigpitan ni Alex ang yakap sa kanya at hinila pa ito papalapit. Tinungo ni
Nananaginip na naman ba siya? Simula nung pinalaglag niya ang anak niya nung nakalipas na mga linggo, siya ay minumulto ng mga panaginip na puno ng mga bata. Ang boses ng kumakatok sa pinto niya at sumisigaw na buksan ito ay para bang inosente at bata na parang isang maliit na bata. Kaninong anak ba yun?Biglang bumangon si Jane at nagmamadaling kinuha ang robe sa damitan niya bago siya tumakbo para buksan ang pinto. Gusto niyang malaman kung sino ang bata. Sa ilang sandali, siya ay nag-iisip pa nga kung nananaginip pa rin ba siya.Nung nabuksan niya na ang pinto, nakita niya ang maliit na nilalang na nakasuot ng napakapulang bestida, at nakatingin sa kanya habang nakangisi. "Ang ganda mo naman, auntie, katulad ng Mommy ko. Siguro ang Mommy ko ay medyo mas maganda lang nang kaunti, kaunti lang naman."Ang maliit na bata ay nagpacute nang masaya kay Jane. Nakatago sa mga mata niya ang pagkatuwa ng isang matandang babae sa mata niya, pero hindi nito mahihigitan ang hindi maitatagong p
Paanong ang isang maliit na bata ay napakatalino? Siya napaalalahanan ng bagay na laging sinasabi sa kanya ni Alex. Madals niyang sinasabi, "Si Sebastian ay naging alipin na ngayon ng anak niya! Ang lalaki na dati ay hindi kumukurap nang dalawang beses sa pagpatay ng iba, kahit kailan hindi siya ngumiti o nakaramdam ng kahit kaunting pagmamahal sa iba! Ngayon, tingnan mo siya! Nagmamadali siyang umuwi araw-araw para makipaglaro sa batang yun."Naiintindihan ito ni Jane. Sino bang hindi matutunaw kapag meron silang malambing na anak sa bahay?"Halika na, auntie. Naghihintay na po ang Mommy ko sa baba."Naghilamos na si Jane at naglagay ng make-up, tapos bumaba na siya papunta sa sala habang hawak ang kamay ni Aino. Narinig lang ni Aino na ang nanay niya ay mag-iimbita ng isa pang auntie para mamili kasama nila. Wala siyang ibang gusto kundi magkaroon ng bagong kaibigan. Marami siyang kaibigan sa eskwelahan, at ang isang kaibigan ng nanay niya ay kaibigan niya din. At ganun na lang, a
Sa totoo lang, ang babaeng nasa harap niya ay ibang-iba sa kung ano siya dati. Bago dito, ang istilo ng pananamit niya ay mature pero medyo sexy, ito ang paborito ni Alex. Pero ngayon, siya ay nakadamit nang masigla, at matingkad na kulay, na talaga namang kapansin-pansin, pero hindi pa rin nawawala ang pagkamature at sexy niya. May dagdag na patong ng enerhiya at sigla. Pinananatili niyang maayos ang sarili niya. Habang nakasuot nang ganito, hindi siya nagmukhang isang babae na nasa thirties na. Sa halip ay nagmukha siyang maganda at maselang dalaga.Si Alex ay nakaramdam ng yakap sa puso niya. Nang may ngiti sa mukha niya, sinabi nito, "Ang ganda mo sa kahit anong damit."Ngumiti si Jane. "Alex, mamimili kami ni Sabrina ngayon."Tumango lang si Alex. Bihira lang siyang umalis ng bahay. Nung nasa Kidon City siya, hindi mabilang ang mga mayayamang babae na gustong mamili at magmerienda kasama siya, pero lagi siyang tumatanggi, halos hindi siya gumagala sa labas. Pumapayag lang siya
"Oh..." Tumingin si Jane kay Sabrina. "Sabrina, ayos lang ba kung makipagkilala ako sa mga kaibigan mo?""Bakit naman hindi? Ang isa sa kanila ay ang mapapangasawa ng isa sa magkapatid na Poole, baka magkita kayo nang madalas sa hinaharap. Ang pangalan niya ay Ruth Mann. Ang isa naman ay kasamahan ko, si Yvonne. Siguradong magugustuhan mo siya kapag nakilala mo na siya."Tama nga si Sabrina. Nung oras na nakilala ni Jane si Yvonne, na parang isang buhay na paputok, agad niya itong nagustuhan. Si Ruth, na nakatayo sa tabi ni Yvonne, ay parang mas mahiyain at mahinhin.Mahinang tinanong ni Jane si Sabrina, "Hindi ba sinabi mo na medyo matapang din siya?""Oh, siya!" Inirapan ni Sabrina si Ruth. "Siya ay isang introvert! Ipapakita niya lang sayo kung gaano siya katapang kapag naging malapit na siya sayo. Mukha siyang uto-uto at walang muwang sa mga taong hindi nakakakilala sa kanya."Tumawa si Jane."Uhm..." awkward na nagsimula si Ruth. "Nung pumunta ako dito sabi ni Ryan sakin ika
Ang babaeng ito ay si Autumn Poole. May rason kung bakit ikinasal si Autumn sa Smith family at lumipat mula sa Kidon City papunta sa South City. Ang Poole family ang isa sa mga pinakamayamang mga pamilya sa Kidon City. Syempre, di maiinlove si Autumn sa isang katulad ni Zach Smith, pero nung nasa twenties pa siya, nainlove siya sa isang foreigner. Pero, kailanman hindi niya inexpect na isang spy ito. Nilapintan siya nito dahil gusto nito makakuha ng impormasyon tungkol sa Poole family. Sa huli, nabisto siya, at nung mga sandaling yun, si Autumn ay lima o anim na taon ng buntis. Maswerte siya dahil ang pamilya niya ay mayaman at influential kaya natago nila ang bad publicity na ito sa publiko at pasikretong naipalgalag ang baby.Ito ay isang African na bata, ang balat nito ay kasing-itim ng uling mula ulo hanggang paa. Ang hugis ng katawan ito ay naform na pero wala pa rin itong karapatan na mabuhay sa mundo. Kahit na nilibing na ni Axel Poole ang insidenteng ito.nalaman pa rin ng mga
Pero, ang mas magulo tingnan ay si Ruth Mann! Siya ay sobrang uncultured at magulo tingnan na babae, at wala rin itong family background na karapa’t dapat ipagmalaki! Pero, ikinasal pa rin siya sa pangalawang anak ng Poole family, si Ryan Poole! Paano! At ang Jane Sheen na yun! Dati, isa lang siyang pulubi! Isang babaeng ipinagbibili na parang product! Pero, maswerte pa rin siya dahil naging girlfriend siya ni Alex! Isang homeless na babae, na halos mamatay sa gutom at kakahingi ng pagkain, ang mas namumuhay ng mas maayos kaysa sa kanya na panganay ng Poole family!Tumingin si Autumn sa apat na tumatawa at masayang nag-uusap. Habang mas matagal niya itong tinitingnan, mas lalo siyang naiinis. Silang apat ay mga walang class na b*tches. Si Sabrina ay isang ex-convict! Pagala-gala sa bawat city ng maraming taon! Hindi rin mas maganda ang naging sitwasyon ni Jane. Ang dalwa pang iba ay mas okay, pero ordinaryong mga tao lang sila. Kaya nga birds of the same feather flock together! Kahit