Share

Kabanata 6

Author: Suzie
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Nang lumabas sila ng munisipyo, nagpaalam na si Sabrina kay Sebastian. "Mr. Ford, hindi na pwede ang mga bisita sa hapon sabi ng mga doctor, kaya hindi na ako susunod sayo. Bibisitahin ko na lang si Auntie Grace bukas ng umaga."

Matino naman talaga siyang kausap.

Kapag wala siya sa harap ni Auntie Grace, magkukusang na siyang ilayo ang sarili niya kay Sebastian.

"Ikaw ang bahala," kalmadong sagot ni Sebastian.

Umalis na nang mag-isa si Sabrina.

Sa loob ng kotse, nagtanong si Kingston, "Young Master Sebastian, hindi ka ba natatakot na baka tumakas siya?"

Ngumiti si Sebastian na parang nang-iinsulto. "Tumakas? Kung gusto niya talagang tumakas, bakit siya magtatrabaho bilang waitress sa restaurant na lagi kong kinakainan? Bakit din siya pupunta sa nanay ko para mangutang? Kaya lang siya tumakas ng dalawang beses eh para tumaas ang halaga niya."

Sabi ni Kingston, "Wala namang kumukontra..."

"Magmaneho ka na lang dyan," sabi ni Sebastian.

Lumagpas ang kotse kay Sabrina, pero hindi man lang siya tiningnan ni Sebastian.

Inuwi na ni Sabrina ang pagod niyang katawan pauwi sa tinitirhan niya.

Merong humarang sa kanya nang palapit na siya sa pintuan. "Sabrina! Dito ka nga talaga nagtatago."

Si Selene yun!

Dalawang taon na ang nakalipas, dahil sa magulo niyang pribadong buhay, pinagsamantalahan si Selene ng isang matanda at bastos na lalaki. Nang komportable na ang lalaki sa gitna ng pagtatalik nila, ginamit ni Selene ang takong ng sapatos niya para ipalo sa ulo ng lalaki, at napatay niya ito agad. Kaya binalak ng Lynn family na lasingin si Sabrina at patago siyang dinala sa pekeng lugar ng krimen na pinagplanuhan nilang maigi.

Kaya ang nangyari, hinatulan si Sabrina ng sampung taong pagkakakulong dahil sa hindi na sinasadyang pagpatay ng tao.

Si Selene naman, sa kabilang banda, ay nakaligtas sa ginawa niya at hindi siya nakulong.

Sa tuwing naiisip niya ito, gustong sakalin ni Sabrina si Selene hanggang sa mamatay ito.

Suplada siyang tumingin kay Selene. "Paano mo naman ako nahanap?"

Mas nagmataas si Selene. "Sabrina, alam mo bang ang tawag sa ganitong klaseng lugar? Urban village. Ito lang ang nag-iisang urban village dito sa South City. Yung mga nakatira dito ay halos puro mga pokpok. Pwede kang magpasama sa pokpok ng isang gabi sa halagang limang dolyar lang. Isang gabi lang na maraming customer, kikita ka na ng isang daang dolyar, ang laking pera na nun."

"So, kaya mo ba ko pinuntahan dito para ipagyabang na kinaya mong kumita ng isang daang dolyar sa isang gabi lang? masungit na tanong ni Sabrina.

"Ikaw!" tinaas ni Selene ang kamay niya at gusto niya na sanang sampalin si Sabrina, pero pinigilan niya din ang kamay niya.

Ngumiti siya at sinabi, "Muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko. Sasabihin ko nga pala sayo, malapit na kong ikasal at kailangan ayusin ang bahay. Nakakita ang mga katulong ng kaunting mga litrato mo at ng nanay mo habang nililinis ang basura..."

Nagtanong agad si Sabrina, "Litrato ng mama ko? Wag mong itapon, pupunta ako at kukunin ko yun."

Namatay na ang mama niya, kaya sobrang importante sa kanya nung mga naiwang litrato.

Kalmadong nagtanong si Selene, "Kailan mo kukunin ang mga yun?"

"Bukas ng hapon."

"Okay sige bukas ng hapon. Kung hindi, lahat ng basurang yun ay susunugin ko kapag tinago pa sila ng isa pang araw sa bahay ko!" Pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na si Selene nang nakatakong at puno ng kayabangan.

Hindi pa matagal na nakaalis si Selene, natulog na agad si Sabrina.

Nasa first trimester na siya ng pagbubuntis at talagang napagod siya sa araw na 'to dahil sa mga nilakad niya kaya gusto niyang magpahinga nang maaga at gumising ng mas maaga bukas para pumunta sa ospital at magpacheck-up.

Kinabukasan, dumating nang maaga si Sabrina para pumila sa ultrasound room ng ospital. Nung meron na lang isang nakapila bago siya, nakatanggap siya ng tawag galing Sebastian at sinagot ito. "Ano yun Mr. Ford?"

Ang malamig na boses ni Sebastian ay rinig na naman sa kabilang linya. "Namimiss ka ng nanay ko."

Nakita ni Sabrina na isa na lang tao harap niya, kaya inisip niya yung tagal ng oras at sinabi, "Andyan na ko sa ospital ng mga isa't kalahating oras."

"Sige." Maikli lang sinagot ni Sebastian.

Lumunok si Sabrina at sinabi, "Uh... Gagawin ko ang makakaya ko para pasayahin si Auntie Grace. Pwede mo pa ba kong bigyan ng allowance? Pwede mo bang ibawas na lang yung sa divorce settlement fee?"

"Pag-usapan natin yan pag nandito ka na." Binaba agad ni Sebastian ang tawag.

Pinakaayaw niya talaga yung mga taong nakikipag-bargain sa kanya!

Tinuloy lang ni Sabrina ang paghihintay sa pila.

Nung papasok na sana siya, isang emergency patient ang siningit doon para ipa-ultrasound, at nagtagal pa ito ng mahigit sa kalahating oras. Nung si Sabrina na dapat ang kasunod, doon niya lang naisip na kailangan niyang gumawa ng medical record dahil ito ang una niyang check-up. Na-delay ng isa pa ulit na kalahating oras ang ultrasound niya.

Nang makarating siya sa ward ni Grace, narinig niya na umiiyak ito sa loob ng kwarto. "Bakit ka ganyan anak, nagsisinungaling ka ba sakin? Tinanong kita kung nasaan si Sabrina!"

"Ma, nakuha na namin yung marriage certificate kahapon." Binigay ni Sebastian ang certificate sa nanay niya.

"Gusto kong ibalik mo na dito sa Sabrina ngayon!" tinulak ng matandang babae ang anak niya nang malakas.

"Aalis na ko para hanapin siya." Tumayo si Sebastian at lumabas ito.

Sa may pintuan, nakita ni Sabrina ang nakakatakot na titig ni Sebastian.

Tumungo siya, at naglakad papunta sa harap ng kama ni Grace na may hawak na bag, at sinabi nito, "Auntie Grace ako po talaga yung late. Naalala ko dati madalas mong sinasabi na paborito mo ang cream puffs nung nasa kulungan pa tayo, kaya binilhan kita ng isang box."

Tumigil sa pag-iyak si Grace at ngumiti, "Sabbie, naalala mo pa pala na paborito ko ang cream puffs?"

"Opo naman." nag-abot ng isang cream puff si Sabrina kay Grace at sinabi, "Tikman mo po, Auntie Grace."

Masayang nakatingin si Grace kay Sabrina. "Sabbie, pwede mo na akong tawaging "Mama" ngayon.

Sabi ni Sabrina, "... Mama."

"Oo," sinabi ito ni Grace at ramdam ang pasasalamat niya, "Ngayong nasa tabi ka na ni Sebastian, mapapanatag na ko kapag nakatawid na ko sa kabila."

Naluha bigla si Sabrina. "Mama, wag ka namang magsalita ng ganyan. Pwede ka pang mabuhay nang mahaba..."

Pagkatapos niyang mapapayag si Grace na matulog muna, pumunta ulit si Sabrina kay Sebastian at napakagat sa labi niya. "Mr. Ford, pwede ba akong makahingi allowance?"

Hindi nagbago ang mukha ni Sebastian, at kalmado niya lang na sinabi, "Nangako ka sakin na darating ka sa loob ng isa't kalahating oras, pero tatlong oras na ang lumipas saka ka lang nakarating. Kapag nalaman ko na iiwan mo lang ulit ang nanay ko, hindi lang pera ang mawawala sayo."

Nanginig bigla si Sabrina. Nararamdaman niya sa aura nito na kaya nitong pumatay kahit kalmado lang ang pagsasalita niya.

Alam niyang hindi lang yun ang sinasabi niya.

Ngumiti si Sabrina at sinabi. "Hindi madaling kitain ang pera ng mga mayayaman. Naintindihan ko yun! Hindi na ko magtatanong ulit-- Gusto ko lang din siguraduhin sayo, gagawan mo ako ng account sa isang malaking city, di ba?"

Sumagot si Sebastian, "Wala kang matatanggap na mas mababa pa sa mga kondisyon na nakasulat sa kontrata."

"Salamat. May mga gagawin pala ako sa hapon, kaya aalis na rin muna ko ngayon." Malungkot na umalis si Sabrina.

"Sebastian..," tinawag siya ni Grace na nasa kwarto.

Pumasok agad sa kwarto si Sebastian. "Ma?"

"Alam kong hindi mo gusto si Sabrina, pero anak, maraming gulo at hirap ang hindi ko kinaya sa loob ng kulungan pero tinulungan ako ni Sabrina sa lahat ng yun. Siya ang pinaka kilala ko sa lahat. Isa siyang napakabuting tao na pinapahalagahan ang pamilya at mga kaibigan niya higit pa sa kahit ano. Ilang beses tayong inapi ng Ford family, hindi pa ba yun sapat? Gusto ko lang hanapan ka ng makakasama na hindi ka iiwan. Naiintindihan mo ba yung mga ginagawa ko para sayo?

"Opo naiintindihan ko, Ma." tumango si Sebastian

Gustong bumangon ni Grace sa kama habang nagsasalita siya, "Gusto kong tawagan si Aunt Quinton para tanungin kung sa bahay mo na titira si Sabrina. Mapapanatag lang talaga ako kapag nasa tama ang pagiging mag-asawa niyo.

Walang nasabi si Sebastian.

Sa oras na yun, tumunog ang phone niya. Sinagot niya agad ang tawag at nagtanong, "Ano?"

Sa kabilang linya naman, parang bata at naglalambing ang boses ni Selene. "Darling Sebastian, gusto kitang imbitahin sa bahay ko para pag-usapan yung kasal natin, makakapunta ka ba? Please?"

"Hindi ako pwede ngayon!" tumanggi agad si Sebastian.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sabihin mong may asawa kana Sebastian para hindi na magmalaki pa yang Selene na yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 7

    Alam ni Selene na talagang ayaw sa kanya ni Sebastian.Pakiramdam niya 10,000 na karayom ang tumusok sa puso niya. Sobrang sakit, nakakahiya at nakakainis.Pero, takot din siya kay Sebastian.Magsasalita pa sana siya tungkol sa ibang bagay, pero biglang naputol ang tawag.Nadurog ang puso ni Selene."Anong problema, Selene?" nagtanong agad si Jade."Ma... Si Master Sebastian... Hindi siya pumayag na pag-usapan ang kasal namin... Hindi...naman niya yun malalaman, di ba?Nagsimula umiyak si Selene sa takot. "Hindi niya malalaman na nagpapanggap akong si Sabrina, di ba? Ma, ano bang dapat natin gawin? Marami nang pinatay na tao si Sebastian, natatakot ako..."Kahit si Jade at Lincoln ay natakot dahil sa mga ginawa nila.Buong hapon na nakakaramdam ng takot ang buong pamilya hanggang sa pumunta ang katulog at sinabi, "Sir, Madam, nandito po si Sabrina. Sabi niya pumunta siya dahil gusto niya kunin yung mga litrato nila ng mama niya.""Sabihin mo umalis na siya!" Binuhos agad ni S

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 8

    Natigilan din si Sebastian habang nakatingin sa babaeng nasa harap niya.Walang saplot ang katawan ni Sabrina, at namula nang kaunti ang balat niya pagkatapos maligo. Magulo at basa pa ang maikli niyang buhok, at ang maliit niyang mukha ay basang basa pa rin ng tubig at steam.Makikita na agad ang buong katawan niya sa isang tingin palang habang nakatayo siya sa harap ni Sebastian. Nanginig siya at tinakpan na lang sarili niya dahil wala na siya nagawa.Wala rin masyadong suot na damit si Sebastian.Matangkad siya, maganda at malaki ang katawan na kita ang muscles nito, makinis na balat, makisig ang balikat, at maliit ang balakang. Ang kamay niyang matigas at parang bakal ay merong dalawang nakakatakot na peklat, pero dahil dito mas nakita ang pagkakalaki niya at malakas ang dating nito.Nung nakita ni Sabrina ang mga peklat niya, parang tumiklop ang puso niya at natakot ito.Pero, nahiya din siya dahil nakita na ni Sebastian ang buong katawan niya.Nagpanic siya at tinakpan ang

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 9

    Nasaktan nang kaunti ang puso ni Sabrina.Syempre, hindi mawawalan ng girlfriend ang isang lalaking katulad ni Sebastian na galing sa mayaman at marangal na pamilya. Kaya lang naman nagpakasal si Sebastian sa kanya ay para pagbigyan ang kagustuhan ng nanay niya na malapit nang mamatay.Pero, hindi talaga inakala ni Sabrina na ang girlfriend pala ni Sebastian ay si Selene.Para kay Sabrina, napakarami talagang nangyayari sa buhay na di inaasahan.Yung mga taong umapi sa kanya ay mas lalo pang sumasaya at nagiging marangal. Sa kabilang banda, si Sabrina naman sira na ang kinabukasan, buntis at hindi kasal, at hindi nga rin alam kung anong pangalan ng ama ng anak niya.Pakiramdam ni Sabrina ay para siyang payaso habang nakatingin siya sa dalawa na para bang itinadhana talaga para sa isa't isa.Para bang ginawa lang dahilan ni Selene ang pagsabi niya kay Sabrina na kunin ang mga litrato ng mama niya. Ang totoong intensyon ni Selene ay para harapan niyang ipagmalaki ang boyfriend niya

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 10

    Natigilan si Sabrina sa paglalakad.Narinig niya ang insulto ni Selene. Gusto niya sana kalmutin at sirain ang mukha ni Selene.Pero, hindi niya kayang gawin 'yun basta basta.Kung gagawa man siya ng kung ano, hindi siya makakapagpigil na maging matindi ang away. Natatakot siya na baka masaktan ang bata sa sinapupunan niya.Tumawa siya at nagtanong, "Interesado ka ba sa ganitong negosyo?""Tsk!" naasar na ngumiti si Selene. "Nag-alala lang ako sa kalusugan mo, wag ka sanang mahawaan ng kung anong maruming sakit! Dudumihan mo pa ang bahay ko at babaho ang amoy dito.""So bakit mo ko inimbitahan dito sa bahay mo, at pinilit mo pang dito ako maghapunan? Akala ko tuloy interado ka sa ganung klase ng negosyo," kalmadong nagsalita si Sabrina, pero sapat na yun para masakal ang buong Lynn family hanggang mamatay sila.Walang nakapansin nung oras na yun na nakatitig lang si Sebastian kay Sabrina at nanlilisik ang mga mata nito sa kanya.Pagkatapos ng ilang saglit, kinuha ni Sebastian a

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 11

    "Ano?" Inisip ni Sebastian na mali ang kanyang narinig. "Bigyan mo ako ng 50,000 USD! At gagarantiyahan ko na hindi ko na ulit guguluhin ang pamilya Lynn." Kalmado ang tono ni Sabrina na para bang handa siyang tanggapin ang kamatayan. Galit na galit si Sebastian, tumawa siya. 'At talagang naiintindihan niya paano sumakay.' "Sino ang nangako sa akin kahapon na hindi na siya hihingi pa ng pera?" Pabiro niyang tanong sa kanya. "Sa palagay mo ba ang isang maruming babae na tulad ko, na naglalaro nang husto upang makasama ka nang maraming beses, ay magkakaroon ng natitirang integridad?" Nanunuyang sagot niya. Walang imik si Sebastian.​​Halos nakalimutan niya kung gaano siya ka walanghiya. Malupit niyang biniro, "Kung kaya kitang mailabas mula sa bilangguan, hindi mo ba naisip na kayang kaya kita ibalik ulit?" Walang imik si Sabrina. Alam niya na talo lang siya kung makikipagkumpitensya kay Sebastian sa mga tuntunin ng pagiging walang awa. Gayunpaman, kailangan niyang m

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 12

    Nang marinig niya ang balita, biglang naramdaman ni Sabrina na sumakit ang puso niya sa kalungkutan. Si Sebastian at Sabrina ay mag-asawa, ngunit sila ay parang hindi magkakilala. Sadyang nangyari lang na ang taong makakasalamuha ni Sebastian ay ang kanyang kaaway. Oo! Kaaway niya ito! Hindi pa alam ni Sabrina ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina. Nais niyang siyasatin, ngunit wala siyang pera upang maglakbay pauwi, at siya ay nagdadalang-tao ng isang bata. Wala na siyang magagawa ngayon. Nagtiis lang siya. Nagmamadaling lumakad si Jade kay Lincoln at hinawakan ang kamay niya sa sobrang kaba. ‘Lincoln, totoo ba ang sinabi mo? Si Sebastian ay magkakaroon ng isang pakikipagsapalaran kasama si Selene? Hindi ba dapat magkaroon ng meet-up muna ang parehong magulang mula sa bawat pamilya? Tinanggap ng lolo at ama ni Sebastian si Selene? Hindi nila inisip na si Selene ay ampon?’Nang marinig niya ang salitang "ampon" na binanggit, lumaki ang kalungkutan ni Sabrina sa kanyan

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 13

    Sobrang gulo ng kwarto ni Sabrina. Pagbukas ng pinto, makikita ang isang malaking bag ng duffel na naiwang hindi nakasarado. Mukhang bahagi ito ng mga kuwadra sa merkado ng isang tiangge. Ang mga damit sa duffel bag ay magulo, at ang kama ay nakakalat din ng mga damit. Sinilip ito ni Sebastian, at ang mga damit ay alinman sa hindi kapani-paniwalang mura o pagod na tulad ng mga lumang basahan. Sa sobrang gulo ng silid, maaaring tumakas si Sabrina sa 50,000 USD na ibinigay sa kanya? Nanatiling kalmado ang titig ni Sebastian. Sinara niya ang pinto, kinuha ang kanyang mga susi, at dumiretso sa ospital kung nasaan ang kanyang ina. Si Sabrina ay wala sa ospital. Kinuha ni Sebastian ang kanyang telepono at tinawagan ang numero ni Sabrina. Kaya niyang tiisin kung siya lang ang niloko ni Sabrina, pero ang lokohin niya ang kanyang nanay na mayroon na lamang dalawang buwan para mabuhay ay sadyang pagsasagad sa kanyang limitasyon. Pagdating ng oras, kahit na kailangan niyang maligo s

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 14

    Natigilan si Sabrina. Napag-isipan lang ni Sabrina na ngayon ay ang engagement party nina Sebastian at Selene. Kasing aga lamang noong araw, narinig ni Sabrina na binanggit ito ni Lincoln nang pumunta siya sa bahay ng pamilya Lynn upang ibalik ang pera. Nakita niya si Selene na nakasuot ng isang napakagandang damit-pangkasal, isang kuwintas na brilyante sa leeg, mga hikaw na brilyante, at isang korona ng bulaklak sa kanyang ulo. Si Selene ay kasing ganda ng isang anghel mula sa langit. Si Selene talaga ang pangunahing tauhan. Hindi tulad niya, ano ba ang ginagawa niya rito? Tiningnan niya ang suot niya─ isang puting blusa na natakpan ng alikabok ng cinder block at isang itim na palda na gasgas at natatakpan ng mga bola ng lint. Nandito ba siya upang humingi ng pagkain?‘Anong uri ng mga ideya ang mayroon si Sebastian?’ 'Ano ang kinalaman sa kanya ni Selene at ng kanyang engagement party, at bakit hiniling sa kanya dito na gumawa ng kalokohan?' Isang malaking alon n

Pinakabagong kabanata

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2077

    "Lahat kayo ay inakusahan ako! Ako, at si Ryan Poole, at iiyak na lang dito!"Sa sandaling iyon, wala kang mapapansing bahid ng pagkapiyok sa tinig ni Ryan. Alam ni Sabrina na nagmamalaki lang siya. Siya'y lubos na nagmamalaki."Dalhin mo kami agad kay Ruth! Kung hindi mo kami ipapakita ang daan, bubugbugin kita ng husto!" sabi ni Sabrina na puno ng inis."Sige ba! Aunt Sabrina!" Tumalikod si Ryan at tumungo papunta sa ward."Sandali, Ryan. Sandali!" Tawag muli ni Sabrina. Lumingon si Ryan at tumingin kay Sabrina. "Anong mayroon?""Sabihin mo muna sa akin, mayroon ka bang mga lalaki, babae, o kambal?""Hindi ko sasabihin! Hindi ko muna sasabihin! Hindi ko lang sasabihin sa iyo!" Sinabi ni Ryan na may walang katulad na bastos na ekspresyon.Napakayabang ni Ryan na nagawa pa niyang humini sa tono. Nainis doon si Sabrina at kahit ang grupo ng tao sa likod niya ay sobra rin nakaramdam ng galit at gulat. Gayunpaman, nang makitang naging ama lang si Ryan noong araw na iyon, hindi ni

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2076

    Nakatayo mag-isa si Ryan sa labas ng delivery room at kakaiba ang kanyang ekspresyon. Takot na takot si Sabrina at sobra ang kalabog ng kanyang puso. Hinawakan niya si Ryan at nagtanong, "Nasaan si Ruth? Bakit hindi ko naririnig ang sigaw niya? Sabihin mo sa akin, kumusta si Ruth?"Tinaas ni Ryan ang mga kilay niya at tumingin kay Sabrina. "Alam mo ba, Aunt Sabrina?""Ano?" tanong ni Sabrina. "Si Ruth... pagkatapos niyang madala sa delivery room, inabot ng hindi aabot... hindi aabot ng isang oras at pinanganak niya ang dalawang bata!"Hindi nakapagsalita si Sabrina. Napatigil din si Sebastian."Walang sakit na naramdaman si Ruth, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako kailanman nakakita nang ganoong kabilis na pagpapanganak, Aunt Sabrina. Talagang nirerespeto ko noon noong ikaw, si Aunt Jane, at ang asawa ni Zayn na si Hana, noong nanganak, lahat kayo ang pineke ang mahirap na proseso. Hahaha..."Walang masabi si Sabrina. Pagkatapos ng mahabang panahon, tinaas niya ang kanyang kamay at

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2075

    Bago pa malaman ng kahit na sina, agad binuhat ni Ryan ang asawa niya at nagmadali palabas nang nagmamadali. Ang lahat sa kasal at masasabi na agad kung anong nangyayari. Tumabi sila nang sa dalawang grupo kasama ang isang grupo na umatras sa kasal ni Yvonne at ang iba ay sinundan si Ryan sa kasal. Doble ang saya ni Yvonne sa araw na iyon. Hindi dahil sa kasal niya lang, pero pati na rin dahil manganganak na ang kaibigan niya. Nadala pa rin ang kasal sa isang sobrang buhay kasiyahan. Pagkatapos matapos ang kasal at hinatid na nila si Yvonne at Marcus paalis para matapos na nila ang kasal pagkatapos ay si Sabrina at ang iba pang mga tao ay pumunta sa hospital. Hindi maikukumpara ang pag-alala ni Sabrina sa buong biyahe niya papuntang hospital. Dahil iyon din ang unang pagkakataon na manganganak si Ruth at kambal pa ito, hindi lang alam ni Sabrina kung magiging maayos ang magiging delivery ito at kung cesarean na seksyon ba ang kailangan. Sa buong paglalakbay, pinipilit ni Sabrina si

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2074

    Hindi makapaniwalang tumingin si Old Master Shaw kay Yvonne. "Anak ko, pinag-isipan mo na ba ito nang mabuti? Hindi ka na ba... natatakot sa akin? Hindi ka na ba... galit sa akin?"Nakaramdam ng hiya si Yvonne. "Alam mo po 'yon?""Siyamnapung taon na ako. Magiging matandang halimaw na ako. Ano pa ba ang hindi ko malalaman? Inisip ko na ito. Kung ayaw mo sa akin, pupunta ako sa nursing na pabahay pagkatapos niyang makasal ni Marcus..." sabi ni Old Master Shaw. "Hindi..." Hindi ganoo'ng kawalang puso si Yvonne. "Pasensya na. Malapit ako kay Sabrina at natuklasan ko ang maraming tao na abusuhin at pahiyain siya. Mula nung mga impostora mo pong mga apo na patuloy siyang sini-set up para paulit-ulit na abusuhin si Sabrina. Talagang galit ako sayo nang sobra mula noon. Hindi mo maiisip kung paano tumakas si Sabrina at ang kanyang ina nang may ngipin sa mga balat nila. Sobrang nakakaawa sila. Kaya, sa mahabang panahon, natatakot po ako sa'yo dahil...""Simula ngayon, nag-iba na ang opinyon

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2073

    Kahit na takot si Yvonne magpakasal, siya ang pinakamasaya sa lahat ng mga babae. Simula pagkabata, Parehas na minahal si Yvonne ng kanyang mama at papa, at kahit ang kanyang tito, tita, at pinsan ay minahal din siya ng sobra. Hindi kailanman nagdusa ng kahit anong paghihirap at pagdurusa si Yvonne sa paglaki niya. Lumaki siyang malambing na babae sa pamilya.Ang relasyon niya kay Marcus ang tanging nagparamdam sa kanya ng pagkagipit. Tulad ng naramdaman niya mula kay Old Master Shaw. Ito ay dahil nasaksihan niya kung paano malupit na tratuhin ni Old Master Shaw si Sabrina na siyang sobrang nakaramdam ng takot si Yvonne kay Old Master Shaw. Habang lumilipas ang panahon, kahit si Old Master Shaw ay naramdaman ang takot niya sa kanya. Sa isang pagkakataon, kumuha na ng inisyatibo si Old Master Shaw na tanungin si Yvonne, "Anak ko, para kang isang takot na maliit na uwak. Bakit sa tuwing nakikita mo ako ay lilingon ka sa iba at hindi makapagsalita kahit na isang katiting na salita sa a

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2072

    Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ryan.“Sa kasalukyan, buntis ang aking pinakamamahal na asawa ng kambal! Isipin niyo yun! Nabuo ang kambal namin habang sobrang abala siya sa pagdadraft ng architectural design! Ang galing ng asawa ko diba?” Masayang sabi ni Ryan. Dahil dito, biglang namula si Ruth. Siya ang bride kaya kung siya ang papapiliin, ayaw niya muna sanang iaannounce na buntis siya! Pero huli na ang lahat dahil saktong sakto ang sinabi ni Ryan para sindakin ang mga mayayabang na babaeng pinagtatawanan siya kanina. Sobrang laki ng benepisyo ng ginawa ni Ryan dahil may tradisyon sa KIdon City na sa araw ng kasal, ipapahiya ng mga bisita ang bride. Pero ngayong sinabi na ni Ryan na buntis siya, wala ng naglakas ng loob na gawin yun!Sobrang engrande ng kasal nina Ruth at Ryan, kaya sobrang nakatulong ito sa confidence ni Ruth. Alam niya na kumpara sa asawa nina Jane at Sabrina, hindi hamak na mas mababa si Ryan, pero dahil hindi naman nagkaroon ng engrandeng kasal ang mga ito

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2071

    ”Tamaaa! Pero ano pa nga bang magagawa natin. Siya ang type ng young prince kaya kahit na sumalampak pa tayo dito, wala na tayong magagawa.” “May naisip ako! Bakit kaya hindi natin batiin ng bagong kasal ng Spanish mamaya? Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya.” “Uy, gusto ko yang ideya na yan.”“Haha! Gusto ko siyang makita na mamula sa kahihiyan.” “Eto nga… balita ko napaka baba daw ng self esteem niya.”“Haha! Tara batiin na natin siya..”Galing sa mga prominenteng pamilya ang grupo ng mga babae. Hindi sila maawat sa paguusap at pagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ni Ruth. Nang oras na yun, kasalukuyang nakikipag usap si Ruth sa mga Poole. Hindi naman siya nakakaramndam ng anumang kaba at takot dahil kagaya nga ng sinabi ni Sabrina, wedding niya yun at siya ang host kaya tama lang na kausapin niya ang mga bisita nila.Noong malapit na ang grupo ng mga magagandang babae kay Ruth, sakto namang may dumating na isang napaka gwapong foreigner na nakas

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2070

    Ika-labing-apat ng Pebrero noon at malamig ang panahon. Subalit para sa Grand Enigma Hotel, ito ay tila nasa kalagitnaan ng tagsibol. Maraming magagandang babae at mga marilag na babae mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagtipon sa marilag na hotel na iyon. Ngunit ang pinakamagandang babae sa araw na iyon ay ang bungang-bisig na si Ruth.Normal na sobrang lamig tuwing February 14, pero pinainit ng mga nagagandahan at eleganteng kababaihan ang Grand Enigma Hotel. Siyempre, ang pinaka maganda sa lahat ay walang iba kundi ang bride na si Ruth. Ang wedding dress na suot niya ay nagkakahalaga ng mahigit one million dollar na personal na dinesign at pinatahi ni Sabrina sa ibang bansa. Sahill hindi nakasuot ng magandang wedding dress, gusto niyang maranasan ito ni Ruth. Habang nakaupo sa dressing room, hindi napigilan ni Ruth na humagulgol. “Sabrina, sobrang swerte ko talaga na nkilala ko kayo. Maaga akong nawalan ng mga magulang at pamilya kaya kung hindi dahil sainyo ni Yvonne, bak

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 2069

    Noong nine years old ako, sobrang hirap ng pamilya namin na hindi kami makabili ng sapatos. Nagkataon, isang araw nakita ko nag nagtapon ka ng sapatos sa basurahan. Hinintay kitang umalis bago ako lumapit, pero bumalik ka at kinuha mo sa akin yung sapatos. Ginawa mo akong katatawanan. Ang sabi mo sa akin, kumahol ako na parang aso, pagkatapos, naaliw ka at marami ka pang ibang pinagawa sa akin. Siyempre, bata pa ako nun at gustong gusto ko na magkaroon ng bagong sapatos kaya ginawa ko lahat ng mga pinagawa mo.”Hindi nakapag salita si Lily. Naalala niya yun. Noong mga panahon na yun, bilang anak ng isang mayamang pamilya, hindi niya naman kailangang personal na magtapon sa basurahan, pero nang makita niyang may nagkakalkal ng basura na kaedaran niya, naisip niya na mukhang masayang pag tripan ito kaya kumuha siya ng isang pares ng luma niyang sapatos bilang pain. Hindi naman ikinakaila ni Lily na sobrang natuwa siya sa ginawa niya at para sakanya wala lang yun. Sa totoo lang, ang bu

DMCA.com Protection Status