Share

Kabanata 571

Sinundan ni Ruth si Yvonne at Sabrina, ang pagpapahalaga niya sa sarili ay mas mababa kaysa dati. Gustong kumain ni Yvonne sa buffet na nagkakahalaga ng isang libong dolyar kada tao, at talaga namang pareho silang dinala doon ni Sabrina.

Talagang malaki ang restaurant. Napakaraming pwedeng pagpilian at hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang mga pagkain ay mamahalin, meron silang truffle, caviar, at bluefin tuna. Para naman sa mga mumurahin, merong itlog ng isa, beef at iba pa. Natigilan si Yvonne at Ruth. Nanatiling kalmado si Sabrina. Wala siya masyadong alam sa pagkain, masaya na siya basta mabubusog ng mga pagkain ang tiyan niya kaya wala siya masyadong interes sa mga ganito kamahal na restaurant. Pero nung makita niyang masaya sila Ruth at Yvonne na kumukuha ng pagkain nila, natuwa siya. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng maraming kaibigan at hindi rin siya magaling makipagkaibigan. Pero naging sabik siya sa pagkakaibigan at palagi siyang totoo sa ibang tao. Katulad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status