Nnalaki ang mga mata nina Sabrina at Aino sa sobrang gulat.“Zayn?” Tanong ni Sabrina, na hindi makapaniwala. Hindi niya alam ang nangyayari at wala siyang ideya sa iniisip ni Zayn. Maging si Aino ay ilang segundo rin bago nahimasmasan, pero bandang huli ay abot-tenga ang kanyang ngiti na nagtanong, “Uncle Zayn, totoo ba ‘to?” “Mhm! Oo naman! Tatawagin mo na siyang Auntie Hana mula ngayon dahil kasal na kami.”“Uncle Zayn… wag mong sabihin sa akin na pinakasalan mo su Auntie Hana para sa akin?” Tanong ni Aino. Walang kahirap-hirap sakanya na tawaging Auntie si Hana dahhil ito naman talaga ang matagal niya ng gusto! Isa pa, noong unang beses niya palang itong nakita ay alam niya ng ito na ang magiging asawa ng kanyang Uncle Zayn. Tumango si Zayn. “Mhm. Dahil sayo, pinakasalan ko nalang siya. Ikaw ang nanalo, masaya ka na ba?” Ngumiti si Hana at nakisakay, “Aino, nakita mo na kung gaano ka kamahal ng Uncle mo?” Tumawa si Aino. Siya ay sobrang masaya.Natawa si Aino ng malak
"Sabrina.""Tama ka, Hana! Kailan niyo balak ganapin ang wedding niyo?" tanong ni Sabrina.Nagulat si Hana at bigla siyang nahiya sa naging tanong ni Sabria. Sino ba namang babe ang hindi nangangarap na maikasal? Siyempre gusto niya pero Forty years old na siya at sobrang dami na ring nangyari sa buhay niya kaya ang magkaroon ng taong makasama kung saan alam niyang tanggap at mahal siya, ay kuntento at sobrang saya na niya. “Hindi na kailangan ng wedding Sabrina.”Natawa si Sabrina. “Anong ibig sabihin mong sabihin na walang wedding? Makinig ka sa akin, Hana. Hindi rin ako nakaranas ng wedding, pero hindi ibig sabihin nun ay ayoko. Sadyang sobrang dami lang talagang dapat asikasuhin at noong pwede na sana, nalaman naman namin na buntis ako! Kaya please? Kahit sa wedding niyo nalang muna ni Zayn ako aattend!” Tumingin si Sbrina kay Zayn at nagpatuloy, “Zayn, naiisip mo na ba kun saan niyo gustong ganapin ang wedding niyo?”“Hmm.. medyo biglaan ang naging pagpapakasal namin kaya mar
Sumasang ayon siya sa hiyawan ng mga bisita nila dahil tunay ngang napaka ganda ng kanyang bride. Para sa mga hindi nakakaalam, mahirap paniwalaan na nasa forty na ito dahil sa taglay nitong ganda, ngunit malaki rin ang ambag ng mga pinagdaanan nito sa buhay para mas lalo pa itong gumanda. Bagay na bagay sa mukha at hubog ng katawan ni Hana ang wedding dress na suot niya. Simple lang ang design nito ngunit sobrang elegante. Sobrang haba nito kaya para siyang diwata noong naglakas siya. Napaka minimalistic lang din ng design sa harapan dahil mayroon lang itong kumbinasyon ng mga tunay na white at blue diamonds. Si Sabrina ang nakaisip nun na personal nitong pinadisenyo sa kaibigan nito. Bagama’t limitado lang ang mga naging pagkilos ni Sabrina, sinigurrado naman ni Sebastian na maasikaso niya ang lahat kaya pansamantala muna siyang nag leave sa trabaho. Hindi man tunay na magkapatid sina Sabrina at Zayn, hindi maikakaila na mahal na nahal ito ng buong pamilya ni Sebastian dahil kung
Sobrang saya nina Sabrina at Jane habang pinagmamasdan kung gaano kaganda ang venue ng kasal ni Zayn. Dala na rin ng pagbubuntis nila, medyo mas naging emosyunal sila kaya hindi nila napigilang maiyak. Nanunuod lang sila kina Zayn at Hana, dahan-dahang lumapit si Jane kay Sabrina at bumulong, “Sabrina, tignan mo kung gaano kasaya ang kapatid mo oh. Sobrang dami rin natong pinagdaanan sa nakalipas na walong taon kaya sana magkaroon din tayo ng ganito kagandang kasal no?”“Mhm. Sobrang saya ko rin para sa kapatid ko dahil hindi man siya makakabuntis at magkakaroon ng pagkakataon na makabuo ng anak, maswerte pa rin siya na nakatagpo siya ng babaeng mamahalin siya habambuhay. Tignan mo naman oh, mahal na mahal nila ang isa’t-isa kaya feeling ko ay wedding ko rin ‘to!” “Ako rin! Haha. Kinikilig din ako habang pinapanuod sila at iniimagine na kasal ko ito.” Sagot ni Jane. Mangilan-ngilan lang ang nakakaalam ng sitwasyon ni Zayn kaya naman marami sa mga bisita ang natuwa nang makita sina
Abala at masaya ang lahat kaya wlaang nakapansin sa babaeng nakatayo sa may pintuan. Medyo matagal na ring nakatayo doon si Tessa. Maging siya ay hindi makapaniwala sa sobrang ganda ng kanyang nanay. Habang lumalaki siya, palagi niyang sinisigawan at tinataboy ang nanay niya sa tuwing binibisita siya nito kaya nasanay siya na palagi itong mukhang malungkot. Nang lumaon, siguro sa hirap na rin ng buhay, normal nalang sakanya na makitang gutay-gutay ang mga damit nito. Hindi niya rin alam kung bakit pero sa tuwing ginagawa niya yun sa nanay niya ay gumagaan ang pakiramdam niya na para bang nababayaran nito ang mga sakit na naranasan niya habang lumalaking walang ina. Para sakanya, wala siyang pinagsisihan at sa totoo lang ay baka nga kulang pa ang mga pagmumura at sampal na binitawan niya. Bakit? Ilang taon ba siya noong iniwanan siya nito? Naisip ba nito na kailangan niya ng isang nanay noon? Hindi ba siya sapat para manatili ito sakanila ng daddy niya? Wala siyang ibang pangarap ku
’Dahil simula palang ay si Auntie Hana na talaga ang gusto ko kaya binalaan ko ang Uncle o na hindi siya pwedeng mag girlfriend kung hindi si Auntie Hana!” "At nangako naman ang tito mo na gagawin niya yun?" tanong ng isa.“At talagang ginawa ng Uncle mo yun?”“Siyempre naman!” Mayabang na sumagot si Aino. “Si Uncle Zayn ang the best Uncle sa buong mundo at si Auntie Hana naman ang pinaka mabait at pinaka magandang Antie! Haha.” Sa lahat ng mga nandoon, si Aino na ata ang pinaka masaya!“Baby, kung ikaw ang matchmaker nila, aba dapat pala na magpasalaat sila ng sobra sayo dahil napaka laki ng utang na loob nila sayo!” “Baby, the best ka!”“Mahal na mahal ka namin!” Masayang binuhat ni Zayn si Aino at nilapit kay Hana. Sa hindi kalayuan, nanunuod si Tessa gamit ang kanyang binoculars at nang sandaling makita niya si Aino ay hindi niya napigilang maging emosyunal at tuluyan na nga siyang naiyak. Ang maliit na batang yun! Kung hindi yun anak nina Sabrina at Sebastian, na ma
Tanong ni Tessa bilang ganti, “Anong sabi mo? Sino ang…nakakaawa?” Gusto sana niyang itanong, “Pinag- uusapan mo ang tatay ko sa pagiging nakakaawa, di ba? Lalaki ang tatay ko at kinailangan niyang gampanan ang pagiging ama at ina. Hindi mo ba naiisip na gaano kahirap iyon sa kanya?" Gayunpaman, bago iyon matanong ni Tessa, dahan- dahang sinabi ng matandang babae na iyon, “Ang tinutukoy ko ay ang iyong ina! Nakakaawa namang nilalang ang nanay mo! Ang pagsama sa iyong ama ang pinakamasamang kapahamakan sa buhay ng iyong ina! Ikaw din! Wala pa akong nakitang batang katulad mo sa mundong ito! Naglakas- loob ka pang manira sa sarili mong ina! binibini! Gusto ko talagang makita kung ikakasal ka na sa buhay na ito at kung magkakaanak ka na."Hindi nakaimik si Tessa. Ang awkwardness na naramdaman niya sa sandaling iyon ay higit na hindi matiis kaysa sa naramdaman niya sa kasal ng kanyang ina. Pinagalitan siya ng matandang babae kaya hindi tama na umalis o manatili siya. Kung tutuusin, dalawa
Alam ng lahat sa nayon na ang batang babae ay matino at masipag. Matapos siyang iuwi ni Hector, naglalaba, nagluluto, at lahat ng iba pang gawain para kay Hector. Hinimok ng mga tao sa nayon si Hector, “Napaka- bata pa ng dalaga. Ibalik mo siya sa kanyang mga magulang Nasa iyo na ang balo, kaya huwag mong sirain ang dalaga."Sino ang nakakaalam na sasabihin ni Hector ang ganoong bagay? Ngumisi si Hector. “Sinira ko na siya! Hindi na niya gusting bumalik. May madrasta siya sa bahay na araw- araw siyang binubugbog nang husto. Napilitan siyang lumabas at maging bargirl sa nightclub. Dahil bata pa siya, hindi niya alam kung sino ang dapat ipagmalaki sa iba, kaya't may nasaktan siya at binugbog. Kung hindi ko siya niligtas, baka binugbog na siya ng taong iyon hanggang sa mamatay. Malaki ang pasasalamat ni Hana sa akin, kaya sabi niya gusto niya akong makasama habang buhay.”"Ilang taon na siya?" tanong ng may pag- aalala."Halos labing pito," sabi ni Hector.Walang imik ang lahat.“Hah