”Wala tayo sa posisyon para husgahan kung sino ang tama at kung sino ang mali.”“Sa tingin ko mabait naman talaga si Mister Caven. Sampung taon na rin ang business niya at ang masasabi ko lang ay sobrang bait at magalang niya.” “Tama ka. Pati yung anak, ang pagkakaalam ko ay matalino, mabait at masipag na bata yun kaya sa tingin ko ay yung nanay niya talaga ang may kasalanan.”“Infairness sa nanay, kakaiba siya ah!” “Nasikmura niya talagang pumatol sa ex ng anak niya at talagang dito pa sa harap ng bahay nila ha!” “Wala talagang perpekto sa mundong to…”“At ang masaklap pa dun ay mas marami ang mga walang hiya!” Marami ang naawa sa mag ama kaya nang mapansin yun ni Hector ay malakas siyang humagulgol, “Anak, pasensya ka na kung ngaing miserable ang buhay mo nang dahil sa sarili mo nanay. Wag kang mag alala… kahit na paulit-ulit ka niyang iwanan, nandito lang si Daddy, okay?” “Daddy… Mula ngayon, hindi na natin kilala ang babaeng yun at sinusumpa ko na hinding hindi ko siya
Biglang kumunot ang noo ni Hana, “Tessa Caven, nakalimutan mo na bang Caven ang apilyido mo at Sharpe naman ang akin? Kung pagiging mag ina lang ang koneksyon natin, ako na mismo ang nagsasabi sayo na mula noong pagbuhatan mo ako ng kamay ay pinutol ko na yun. Saan nanggagaling ang kakapalan ng mukha mo na tanungin pa ako ng mga ganyang bagay? Akala mo ba hindi kita kayang labanan? Kung kinakailangan kitang patayim para ipagtanggol ang sarili ko ay hindi ako manghihinayang.” Sobrang lamig ng tono ng boses ni Hana at nasabi niya yun dahil tuluyan na siyang nawalan ng pag asa na magkakaayos pa sila ni Tessa. Sa kabilang linya, hindi inaasahan ni Tessa ang naging sagot ni Hana kaya nauutal siyang sumagot, “A-ah-a… tinatanong ko lang naman. Bakit ba galit na galit ka?” “Wag mo na akong tatawagan ulit.” Walang emosyong sagot ni Hana, sabay baba. Umiiyak si Hana kaya pinunasan ni Zayn ang kanyang mga luha, “Huwag mo nang sasagutin ulit ang tawag niya. Iblock mo na ang number niya.”Hi
"Mm-hmm."“Kaya niya kaya akong mahalin?” “Hana…” Bulong ni Zayn. Nang sandaling yun para bang bigla nilang nakalimutan na kaninang umaga lang ay pinag uusapan pa nila kung paano tatanggapin ni Hana ang pagiging baog ni Zayn, pero ngayon ay tuluyan na nga silang nadala ng bugso ng kanilang mga damdamin. Lalong lalo na si Zayn, ngayon niya lang yun naramdaman para sa isang babae. Itinaas niya ang kanyang kamay para ilock ang fitting room. Nakatitig lang siya kay Hana at habang mas tumatagal ay mas lalo siyang namamangha rito. Ngayon, sigurado siya na ito na nga ang babaeng matagal niya ng hinihintay."Hana, natatakot ka ba?" tanong ni Zayn. Pahina ng pahina ang boses ni Hana, “Hmmm… oo Zayn, natatakot ako… wala bang makakakita satin dito?” “Wag kang matakot. Halika dito.” Malambing na sabi ni Zayn. “Sige.” Bagamat alam ni Hana na may makakakita at makakakita sakanila sa labas ng fitting room lalo na at sobrang daming tao sa mall noong oras na yun ay mas pinili niyang magtiwala
Nnalaki ang mga mata nina Sabrina at Aino sa sobrang gulat.“Zayn?” Tanong ni Sabrina, na hindi makapaniwala. Hindi niya alam ang nangyayari at wala siyang ideya sa iniisip ni Zayn. Maging si Aino ay ilang segundo rin bago nahimasmasan, pero bandang huli ay abot-tenga ang kanyang ngiti na nagtanong, “Uncle Zayn, totoo ba ‘to?” “Mhm! Oo naman! Tatawagin mo na siyang Auntie Hana mula ngayon dahil kasal na kami.”“Uncle Zayn… wag mong sabihin sa akin na pinakasalan mo su Auntie Hana para sa akin?” Tanong ni Aino. Walang kahirap-hirap sakanya na tawaging Auntie si Hana dahhil ito naman talaga ang matagal niya ng gusto! Isa pa, noong unang beses niya palang itong nakita ay alam niya ng ito na ang magiging asawa ng kanyang Uncle Zayn. Tumango si Zayn. “Mhm. Dahil sayo, pinakasalan ko nalang siya. Ikaw ang nanalo, masaya ka na ba?” Ngumiti si Hana at nakisakay, “Aino, nakita mo na kung gaano ka kamahal ng Uncle mo?” Tumawa si Aino. Siya ay sobrang masaya.Natawa si Aino ng malak
"Sabrina.""Tama ka, Hana! Kailan niyo balak ganapin ang wedding niyo?" tanong ni Sabrina.Nagulat si Hana at bigla siyang nahiya sa naging tanong ni Sabria. Sino ba namang babe ang hindi nangangarap na maikasal? Siyempre gusto niya pero Forty years old na siya at sobrang dami na ring nangyari sa buhay niya kaya ang magkaroon ng taong makasama kung saan alam niyang tanggap at mahal siya, ay kuntento at sobrang saya na niya. “Hindi na kailangan ng wedding Sabrina.”Natawa si Sabrina. “Anong ibig sabihin mong sabihin na walang wedding? Makinig ka sa akin, Hana. Hindi rin ako nakaranas ng wedding, pero hindi ibig sabihin nun ay ayoko. Sadyang sobrang dami lang talagang dapat asikasuhin at noong pwede na sana, nalaman naman namin na buntis ako! Kaya please? Kahit sa wedding niyo nalang muna ni Zayn ako aattend!” Tumingin si Sbrina kay Zayn at nagpatuloy, “Zayn, naiisip mo na ba kun saan niyo gustong ganapin ang wedding niyo?”“Hmm.. medyo biglaan ang naging pagpapakasal namin kaya mar
Sumasang ayon siya sa hiyawan ng mga bisita nila dahil tunay ngang napaka ganda ng kanyang bride. Para sa mga hindi nakakaalam, mahirap paniwalaan na nasa forty na ito dahil sa taglay nitong ganda, ngunit malaki rin ang ambag ng mga pinagdaanan nito sa buhay para mas lalo pa itong gumanda. Bagay na bagay sa mukha at hubog ng katawan ni Hana ang wedding dress na suot niya. Simple lang ang design nito ngunit sobrang elegante. Sobrang haba nito kaya para siyang diwata noong naglakas siya. Napaka minimalistic lang din ng design sa harapan dahil mayroon lang itong kumbinasyon ng mga tunay na white at blue diamonds. Si Sabrina ang nakaisip nun na personal nitong pinadisenyo sa kaibigan nito. Bagama’t limitado lang ang mga naging pagkilos ni Sabrina, sinigurrado naman ni Sebastian na maasikaso niya ang lahat kaya pansamantala muna siyang nag leave sa trabaho. Hindi man tunay na magkapatid sina Sabrina at Zayn, hindi maikakaila na mahal na nahal ito ng buong pamilya ni Sebastian dahil kung
Sobrang saya nina Sabrina at Jane habang pinagmamasdan kung gaano kaganda ang venue ng kasal ni Zayn. Dala na rin ng pagbubuntis nila, medyo mas naging emosyunal sila kaya hindi nila napigilang maiyak. Nanunuod lang sila kina Zayn at Hana, dahan-dahang lumapit si Jane kay Sabrina at bumulong, “Sabrina, tignan mo kung gaano kasaya ang kapatid mo oh. Sobrang dami rin natong pinagdaanan sa nakalipas na walong taon kaya sana magkaroon din tayo ng ganito kagandang kasal no?”“Mhm. Sobrang saya ko rin para sa kapatid ko dahil hindi man siya makakabuntis at magkakaroon ng pagkakataon na makabuo ng anak, maswerte pa rin siya na nakatagpo siya ng babaeng mamahalin siya habambuhay. Tignan mo naman oh, mahal na mahal nila ang isa’t-isa kaya feeling ko ay wedding ko rin ‘to!” “Ako rin! Haha. Kinikilig din ako habang pinapanuod sila at iniimagine na kasal ko ito.” Sagot ni Jane. Mangilan-ngilan lang ang nakakaalam ng sitwasyon ni Zayn kaya naman marami sa mga bisita ang natuwa nang makita sina
Abala at masaya ang lahat kaya wlaang nakapansin sa babaeng nakatayo sa may pintuan. Medyo matagal na ring nakatayo doon si Tessa. Maging siya ay hindi makapaniwala sa sobrang ganda ng kanyang nanay. Habang lumalaki siya, palagi niyang sinisigawan at tinataboy ang nanay niya sa tuwing binibisita siya nito kaya nasanay siya na palagi itong mukhang malungkot. Nang lumaon, siguro sa hirap na rin ng buhay, normal nalang sakanya na makitang gutay-gutay ang mga damit nito. Hindi niya rin alam kung bakit pero sa tuwing ginagawa niya yun sa nanay niya ay gumagaan ang pakiramdam niya na para bang nababayaran nito ang mga sakit na naranasan niya habang lumalaking walang ina. Para sakanya, wala siyang pinagsisihan at sa totoo lang ay baka nga kulang pa ang mga pagmumura at sampal na binitawan niya. Bakit? Ilang taon ba siya noong iniwanan siya nito? Naisip ba nito na kailangan niya ng isang nanay noon? Hindi ba siya sapat para manatili ito sakanila ng daddy niya? Wala siyang ibang pangarap ku