‘Sigurado ka bang hindi siya ganid sa pera?’Gayunman, hindi niya sinabi iyon. Sa halip, sinubukan niyang pagaanin ang loob ni Hana. "Madam Sharpe, alam ko na mabait na bata si Tessa.”“Mhm. Kaya Master Zayn, huwag kang susuko kay Tessa dahil lang sa nag-away kami. Ako ang nagkamali sa kanya. Iniwan ko siya nang bata pa siya. Dapat lang na hindi niya ako magustuhan. Malaki ang pagkakamali ko sakanya."Napakamot na lang ng ulo si Zayn. Hindi siya makapaniwala na ang Madam Sharpe na nasa harapan niya ngayon ay iisang tao sa babaeng nakita niyang nakasalampak sa harapan ng Ford Group noong isang linggo. Parang kailangan lang, tutol na tutol pa ito sa relasyon nila ni Tessa, pero ngayon ay ito pa mismo ang nakikiusap na wag niyang hiwalayan ang anak nito. "Master Zayn, dahil iniligtas ko ang buhay mo, maging mabuti ka sa anak ko sa buong buhay mo, okay?" Nakatingin si Hana kay Zayn na puno ng pag-asa sa kanyang mukha.Paano naman magagwang tamggihan ni Zayn ang pakiusap na yun ni Han
“Kumuha na tayo ng marriage certificate marriage certificate,” sabi ni Zayn.Napatingin si Tessa kay Zayn sa gulat. “Za-Zayn, seryoso ka ba?”“Matagal na noong huling beses akong nagbiro,” sagoti ni Zayn.Biglang umiyak si Tessa “Zayn, I’m sorry. Nagkamali ako noong pinagbintangan kita. Pero… bakit ka ba kasi nakikipag-ugnayan sa babae na 'yon? Siya…”Nakita ni Tessa na kumunot ang noo ni Zayn kaya hindi niya na ipinagpatuloy ang gusto niyang sabihin, at biglang binago ang topic. “Zayn, sigurado ka ba na gusto mo talaga akong pakasalan?” Ngumiti si Zayn. “Oo, pinag-isipan ko yun nang mabuti.”Sa totoo lang, wala pa talagang plano so Zayn na magpakasal dahil sa kanyang pananaw, ang kasal ay isang bagay na panghabang-buhay at kung siya ang tatanungin, hindi niya gustong magpakasal ng dalawang beses sa kanyang buhay. Sa halip, nais niya munang makilala pa ng lubusan si Tessa at alamin kung talaga bang magkakasundo sila. Ngunit matapos niyang marinig ang sinabi ni Hana kahapon, nag
"Sebastian, ano'ng nangyari?" tanong ni Zayn.Hindi sumagot si Sebastian sa halip ay nagtanong siya, "Zayn, bakit nandito ka?" "Sebastian, ang laki ng opisina mo pero ang kapal-kapal ng usok. Ilang sigarilyo na ba ang naubos mo? Binilinan pa naman ako ni Sabrina na kapag daw nakita kita na sobrang nagyoyosi sa opisina, pigilan daw kita. Bro, hindi yan maganda sa baga ang sobrang paninigarilyo!" Mabilis na naglakas si Zayn papunta kay Sebastian at kinuha ang hawak nitong sigarilyo."Gaano kayo kaclose ni Sabrina?" Malungkot na tanong ni Sebastian. Nagulat si Zayn. Umikot siya at tinitigan si Sebastian ng diretso sa mga mata. "Ford! Huwag mong isipin na matatakot ako sa iyo dahil ikaw ang Hari ng South City, alam ko na kayang kaya mong pumatay nang hindi nagdadalawang-isip! Pero naranasan ko nang malapit mamatay, kaya hindi ako natatakot sa iyo! Uulitin ko ito sayo! Wala kaming relasyon ni Sabrina! Inosente kami parehas kaya kung pagseselosan mo ako dahil sa anim na taon naming pa
Nagulat si Zayn. Walang sinuman sa South City at Kidon City ang naglakas-loob na makipag-usap kay Sebastian sa may ganung boses, tono, at kayabangan na katulad ng tao sa kabilang linya. Kaya agad na naunawaan ni Zayn kung sino ang kausap niya sa kabilang linya. Mahinahon niyang sinabi, "Holden, ako... kayo ni Sebastian ay magkapatid, kaya hindi naman siguro malaking bagay kung tatawagin kita sa pangalan mo diba?"Sino ka ba? Lumayas ka diyan! Sabihin mo kay Sebastian na sagutin ang telepono!" Sobrang lamig at yabang ng tono ng boses ng lalaki sa kabilang linya.Hindi na alam ni Zayn kung anong isasagot niya kaya tumingin siya kay Sebastian at tinakpan ang receiver para tawagin ito, "Sebastian..."“Ibaba mo na yan," mahinahong sagot ni Sebastian.Hindi nakasagot si Zayn, at mga ila ng segundo rin siyang nakatulala bago niya tuluyang ibaba ang tawag. Dahil hindi nagsalita si Sebastian, hindi rin nagsalita si Zayn. Madalas na magkabanggaan snai Zayn at si Sebastian kaya halos alam na
“Matalinong bata si Aino. Naipaliwanag ko na sa kanya, at naintindihan naman niya,” sabi ni Zayn.“Zayn, diba oras pa ng trabaho? Ano bang ginagawa mo dito? Ano ba kasing tumatakbio sa isip mo?” Kilalang kilala ni Sabrina si Zayn. “A..a…magpapakasal na kami ni Tessa bukas,” sagoti ni Zayn.Sobrang nagulat si Sabrina kaya ilang segundo rin bago siya nakasagot, “Pero bakit parang hindi ka naman masaya?” Huminga ng malalim at walang bahid ng pagsisinungaling na sumagot, “Sabrina, para sayo, sobrang kuripot ko ba? Siguro nasanay lang ako sa buhay natin noon na sobrang hirap kaya medyo naiilang ako sa mga taong magagastos.”“Magastos ba si Tessa?” Tanong ni Sabrina. “Hindi pa naman lumalagpas sa kinikikita ko, pero naka ilang milyong dolyar din kasi siya kahapon,” sabi ni Zayn. “Bukas, gusto pa niyang…”Hindi alam ni Sabrina ang kanyang sasabihin. Biglang kumunot ang kanyang noo at sumagot, “Hmm para sa akin, hindi naman na masyadong malaking issue yun. Sino bang babae ang hindi m
“Nakaranas ka ba ng matinding trauma noon?” Seryosong tanong ng doktor kay Zayn. “Nabalian ako ng mga binti dati. Nagpa-physical therapy ako at inoperahan din ako kaya masasabi ko na nakarecover na ng lubusan ang mga binti ko,” sagot ni Zayn.“Ganun ba… Sabihin nalang natin na parang ganito… Noong nabali ang mga binti mo noon, pwedeng naging dahilan yun ng…” hindi alam ng doktor kung paano nito itutuloy ang gusto nitong sabihin, pero naiintindihan nio Zayn kung ano ang pinupunto nito. Sobrang laking balita nito para kay Zayn. Kahit kailan, hindi niya naisip na posible palang maging dahilan ng pagkabaog niya ang naging aksidente niya noon kaya hindi rin sumagi sa isip niya na magpacheck up… “Pwede pa kayang magamot ito?” Mahinahon niyang tanong. Umiling ang doktor. “Mahirap yan maipangako. Bukod sa hindi ka pwedeng magkaanak, wala naman na akong iba pang nakikitang kailangan nating bigyan ng atensyon.” Hindi nakapagsalita si Zayn. Tinignan niya si Tessa, na halatang nagulat din
Hindi niya maintindihan ni Zayn kung ano ang ibig sabihin ni Tessa. “Parte ka ng Ford Group. Bayaw ka ni Director Ford kaya paano ko pa magagawang magtrabaho sa kumpanya niya?” Walang emosyong sagot ni Tessa. Pinilit ni Zayn na ngumiti. ‘Huwag kang mag-alala. Hindi ako mababaw na tao. Labas ang trabaho mo sa Ford Group sa paghihiwalay natin. Oo, bayaw ko nga siya pero hind naman ibig sabihin na hindi ka na pwedeng magtrabaho sa Ford Group. Bukod doon, hindi rin ganoon ang uri ng tao si Director Ford. Hindi makakaapekto sa kinabukasan mo ang paghihiwalay natin.” Ngumisi si Tesa. “Ang sarap pakinggan ng mga sinabi mo, pero pasensya ka na kasi hindi na ako magpapakatangang makikinig ulit sayo.” Natigilan si Zayn at ilang segundo rin ang lumipas bago siya nakasagot, “Nasa sayo kung ayaw mo ng maniwala sa akin.” “Bayaran mo ako. Kailangan mo akong bayaran para sa lahat ng mawawala sa akin.” Sa wakas, nailabas na rin ni Tessa ang tunay niyang intensyon. Gulat na gulat si Zayn,at
Hindi makapaniwala si Hana. "Ano... anong sinabi mo?" Naramdaman ni Hana base sa ekspresyon ng itsura ni Zayn na sobrang lungkot nito. Malayong malayo sa Zayn na nakilala niya, nakita niyang nagpipigil ito ng luha na tila ba para itong isang kawawang bata na iniwan ng mga magulang. Mangiyak-ngiyak na tumingin si Zayn kay Hana, “Ayaw na sa akin ng anak mo dahil baog ako. Ang sabi ng doktor sa akin, hindi raw ako makakabuo ng anak. Anong klaseng lalaki ako? Wala akong kwentnang tao!’ Ito na siguro ang pinaka masakit na balitang narinig ni Zayn sa loob ng tatlumpung dalawang taon niyang buhay. Noong nabalian siya ng mga binti, six years ago, si Sabrina lang ang umagapay sakanya. Ilang taon din siyang naka wheelchair pero ni minsan, hindi niya naramdaman na naging pabigat siya. Pero noong narinig niya kanina ang sinabi ng doktor, bigla siyang nanghina at pakiramdam niya ay hindi siya karapat dapat na mahalin ng ninuman. Tumingin siya kay Hana nang may sobrang putlang mukha. "O… o