Tumayo si Sabrina at mukhang pagod itong tumingin kay Sebastian. "Alam kong naging abala ka nitong mga nakaraang araw. Hindi ka na nagkaroon ng oras para intindihin pa ang ibang bagay dahil sa kondisyon ni Aunt Grace, pero...hindi pa ba ito yung oras pag-usapan ang kontrata?"Napalunok si Sabrina habang nakatingin kay Sebastian.Nagtrabaho siya ng buong araw, kaya medyo pagod siya. Inalis na rin siya ni Kenton sa club na yun at hindi pa rin siya nakakausad sa pagkabigla niya sa buong insidente.Nagsimula siyang mag-alala nung kumalma na siya sa galit niya kay Kenton kanina. Kahit na tumulong si Nigel, nakaratay pa rin sa ospital ang lalaki. Pero, hindi kayang bayaran ni Sabrina ang bill sa ospital. Ang pwede niya lang pagkunan ng pera ay si Sebastian at ang kontrata nila.Sobrang lamig ng tingin ni Sebastian kay Sabrina. Sobrang sama ng mood niya ngayon.Tatlong araw ng walang malay ang nanay niya at ang lagnat nito ay hindi rin talaga bumababa. Malaki ang tsansa na hindi na siya
Sa may sala niya, may mga gamit siyang pamatay ng tao. Tuwing may mga taong kumakalaban sa kanya, hindi niya na sila binibigyan ng pagkakataon para magmakaawa. Kahit kailan hindi niya pinatagal ang mga bagay, at tuwing papatay siya ng tao wala ng maririnig na salita sa kanya..Sa oras na yun, hindi alam ni Sabrina kung ano ang nasa isip ni Sebastian. Ang pwede niya lang gawin ay kumalma.Ang tono ng pananalita niya ngayon ay walang halong emosyon. "Ang sabi sa kontrata, babayaran lang kita pagkatapos mamatay ng nanay ko. Sa ngayon, buhay pa naman ang nanay ko."Hindi alam ni Sabrina ang sasabihin niya. Nung natigilan siya, binuksan na ni Sebastian ang pinto at pumasok sa loob. Wala siyang intensyon na papasukin siya, kaya sinara niya ito at iniwan si Sabrina sa labas.Nang sumara na ang pinto, nawala ang panlalamig sa mga mata ni Sebastian. Ilang beses niya ng gustong sakalin ang babaeng yun. Pero, pinigilan niya ang sarili niya. Lagi niyang naalala kung paano niya inalagaan nang m
Malalim na sugat ang dala ng pagkamatay ni Grace kay Sebastian.Nalungkot din nang sobra si Sabrina dito na halos maapektuhan na ang pagbubuntis niya. Kahit na gaano kalungkot si Sabrina, hindi niya mahahatid si Aunt Grace sa huling hantungan nito.Ang burol na inayos ni Sebastian para sa nanay niya ay talagang magarbo. Dumalo ang mga mayayaman sa lipunan pero, si Sabrina ay hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na makilamay. Hindi nga rin niya pwedeng malaman kung saan nakalibing si Aunt Grace. Ito ay dahil ang buong Ford family at mga kamag-anak nila ang nagburol sa kanya. Kahit si Nigel ay nandoon rin para makipaglibing sa tita niya.Mag-isang naglalakad si Sabrina sa isang kalye nang may biglang tumigil na itim na limousine sa harap niya. Agad siyang hinila papasok sa loob. Natakot si Sabrina. "Kayo...sino kayong lahat?"Hindi nagsalita ang lalaki sa kotse, nagmaneho lang ito hanggang sa makarating sila sa entrance ng ospital. Saka lang napansin ni Sabrina na ito ang ospital
Naaawa talaga si Kingston kay Sabrina, pero siya pa rin naman ang bodyguard na talagang pinagkakatiwalaan ni Sebastian at kay Sebastian lang siya tapat."Anong nakikita mo?" Hindi nakatingin si Sebastian kay Kingston nung nagtanong ito.Walang nasabi si Kingston."Sabihin mo na!""Para bang si Mrs..." naisip ni Kingston na nagkamali siya, at tinama niya agad ang sarili niya. "Mukhang may nangyari kay Sabrina, at si Young Master Nigel ang pupunta para ayusin ito."Walang nagbago sa mukha ni Sebastian, walang makitang emosyon dito."Naintindihan ko na." Kalmado niyang sinabi.Pagkatapos nito, tinuloy niya ang paglamay para sa nanay niya.Walang may alam kung ano ang iniisip ng lalaking ito na madalas ay marahas at madilim. Walang patid ang pagdating ng mga bisita para makipag lamay. Nandun din si Old Master Shaw. Nang malapit na siya sa entrance, tahimik na sinabihan ni Old Master Shaw ang apo niya, "Marcus, napaka walang hiya mo talaga. Anong klaseng lugar ba 'to? Unahin mo muna
"Hindi po, hindi hindi hindi. Young Master Nigel, wag po kayong magalit. Kasalanan ko ito, nagkamali po ako, okay na po?" nag-panic si Kenton at sinubukan bumangon sa kama, pero aksidente nitong natamaan ang sugat niya."Aray!" hinawakan ni Kenton ang namamaga niyang sugat. bumaluktot ang paa niya, at hindi niya sinadyang mapaluhod sa harap ni Nigel at Sabrina.Aroganteng ngumiti si Nigel. "Hindi na kailangan niyan."Walang nasabi si Kenton. Nakatingin lang siya habang matapang na dinala ni Nigel si Sabrina palabas ng ward, sa sobrang galit ni Kenton sinuntok niya ang bed frame.“Sino nga ba ang kinatatakutan ko!"Hindi na nagtangka pang magsalita ang mga alagad niya.Pinaghirapan ni Kenton kung anong meron siya ngayon, at marami siyang kilalang tao sa kalye. Akala niya walang sino man sa South City ang susubok na hamunin siya kahit pa nasa kadiliman sila o nasa liwanag. Pero, hindi niya inaasahan na mawawala ang kalahati ng yaman niya kay Sebastian, na isang bastardong anak ng F
Nang makita niya ang malamig na reaksyon ni Sebastian, pineke agad ni Selene ang emosyon niya."Young Master, nag-alala lang naman ako kaya hindi ko sinunod ang babala mo samin na wag pumunta dito. Alam kong malaking bagay sayo ang burol ng nanay mo, at hindi naman ako pumunta dito para gumawa ng gulo, pero si Kenton..." tumigil si Selene sa gitna ng sinasabi niya.Nang marinig niyang binanggit ni Selene si Kenton, nanlisik agad ang mga mata ni Sebastian.Si Kenton na naman pala!Bago mamatay ang nanay niya, nakita niya si Sabrina at Kenton na nagiging pisikal sa isa't isa sa labas ng ospital, at ngayon nabanggit na naman ang pangalan ni Kenton."Magsalita ka." halatang malamig ang boses ni Sebastian."Pwede ko bang banggitin si Sabrina?" tanong ni Selene."Oo."Natuwa si Selene. Tama nga ang mga magulang niya, ngayon na pumanaw na ang nanay ni Sebastian, hindi na kailangan ni Sebastian si Sabrina. Kaya ngayon na ang tamang oras para sirain si Sabrina sa mata ni Sebastian.'Sa
Kahit na ba meron ng nangyari sa kanila.Gayunpaman, hindi pwedeng pabayaan ni Sebastian ang sanggol sa tiyan ni Selene. Hindi niya hahayaang matulad sa kanya ang anak niya nung bata pa siya. Para sa sanggol sa tiyan ni Selene, kailangan niya itong pakasalan.Nagulat si Selene sa pagsaway sa kanya ni Sebastian. Nautal siya at sinabi, "Sige, a-alis na ako ngayon.""Umuwi ka na at magpahinga ka! Wag kang pupunta kung di ko naman sinabi! Pupuntahan kita pagkatapos kong ayusin ang mga bagay dito! Bilang isang ina, ang una mo dapat responsibilidad ay alagaan ang bata sa sinapupunan mo!""Na...naiintindihan ko." masiglang ngumiti si Selene bago siya tumalikod at umalisSa tabi niya, lumapit agad si Kingston kay Sebastian. "Young Master, yung mga sinabi ni Miss Lynn... totoo kaya yun?"Hindi sigurado si Kingston kung pwedeng pagkatiwalaan ang mga sinabi ni Selene.Pero, pinigilan niya na lang sabihin ito.Hindi sumagot si Sebastian sa tanong ni Kingston, may iniisip kasi siyang ibang
Sa ilalim ng ulan, nakaluhod si Sabrina sa harap ng puntod ni Grace at may hawak na itim na payong sa ulo niya. Sa harap ng puntod ni Grace ay mayroong isang bungkos ng dilaw at puting bulaklak. Umagos ang luha sa mga mata ni Sabrina habang sinasabi niya kay Grace, "Pasensya na Aunt Grace kung hindi kita naihatid sa huling hantungan mo nung inilibing ka. Alam kong patuloy ka lang sumasabay sa agos ng buhay at alam ko rin na lagi kang naghihirap. Pero, ngayon nasa maayos na kalagayan ka na. Nakalibing ka sa tabi ng mga magulang at kapatid mo. Hindi ka na mag-iisa ngayon sa kabilang buhay."Aunt Grace, naiinggit po ako sayo. Nung namatay ang nanay ko, ikaw na lang ang nag-iisang pamilya ko, pero ngayon nawala ka na rin."Humikbi si Sabrina.Mahina ang pag-iyak ni Sabrina, at kahit sila Kingston at Sebastian ay hindi ito narinig nung lumapit pa sila dito. Si Sabrina ang unang nakarinig ng mga yabag nila. Nakita ang malamig at seryosong si Sebastian, pati na rin si Kingston, na hindi ma