"Lincoln Lynn!" biglang pagalit na sigaw ni Jade, at iyon ang naghila pabalik kay Lincoln mula sa kanyang ala-ala. Agad na tumingin si Lincoln kay Jade, Selene, at Old Master Shaw. "Kinakausap ka ni Dad!" Kinuha na ni Jade ang inisyatiba matagal na para tawaging Dad si Old Master Shaw. Agad na sabi ni Lincoln, "Sige lang po, Old Master Shaw.""May impormasyon ka pa ba tungkol sa mga krimen na ginawa ni Sabrina noon? Halimbawa, paano niya pinatay ang isang tao nang hindi sinasadya at kung ang tao rin ba na pinatay niya ay may pamilya?"Nang narinig niyang binanggit ni Old Master Shaw ang pagkakulong ni Sabrina noon, natakot ulit bigla si Lincoln. Pakiramdam niya ay parang mapipigtas ang mga ugat niya. Walang makukumpara ang sakit nito. Noon!Noon, nasa sophomore year pa lang si Sabrina sa kolehiyo. Sa oras na iyon, karaniwan na hindi umuuwi sa bahay si Sabrina at hindi humihingi ng gastusin sa bahay. Simpleng nag-aaral lang siya sa kolehiyo buong oras. Nagkataon lang na s
Hindi nakita ni Sabrina ang nanay niya sa loob ng sampung taon. Minsan, hindi niya na nga maalala ang boses at ekspresyon ng nanay niya habang nakangiti siya kahit pa gaano niya subukan.Minsan, ang boses at ekspresyon ng nanay niya ay makikita niya nang malinaw sa mga mata niya.Gustong gustong kunin ni Sabrina ang sandaling yun.Pero, ang mga sandaling yun ay panandalian lang at ang ipinalit sa kanila ay ang malalabong alala sa mga mata niya.Nagbuntong-hininga si Sabrina at bumangon na sa kama.Ang katawan niya ay mahina pa din, pero ang espiritu niya ay mas maayos kumpara sa wasak na estado kung nasaan siya kahapon.Matapos na mabalik ang katahimikan niya, ang unang bagay na naisip ni Sabrina ay ang anak niyang si Aino.Nang maisip niya kung ano ang itsura ng anak niya nang tumayo siya protektahan ang nanay niya, nanggigil ang ngipin ni Sabrina at umiyak.Malakas nga talaga siya!Lumabas siya ng kwarto, at naglabas siya ng isang simple ay propesyonal na damit para isuot at
Biglang napangiti si Aunt Lewis sa mga salitang yun. "Madam, dahil nakita ko na bumalik ka na ulit sa sarili mo, bigla ko ulit naramdaman na ligtas ako."Habang silang dalawa ay nag-uusap, lumabas si Sebastian ng kwarto.Nang makita na si Sebastian ay nakakunot ang noo at mapula ang mga mata, agad na nadurog ang puso ni Sabrina at tinanong ito, "Sebastian, hindi... hindi ka ba natulog buong magdamag?"Tiningnan ni Sebastian si Sabrina mula ulo hanggang paa, ngumiti, at mahinahong sinabi, "Mas maayos ang itsura mo ngayon kumpara kahapon. Dahil nakita kitang ganito, talagang masaya ako para sa'yo."Umiling si Sabrina. "Hindi ka ba talaga natulog kahapon?"Hindi sumagot si Sebastian, pero sinabi niya, "Lahat ng mga pinagmulan ng mga video ay naasikaso ko na. Sa mga reporter na pumunta kahapon, isa sa mga malalaking media site ay sinira ko kagabi. Wala nang mga reporter ang pupunta ngayon."Matapos tumigil, sinabi muli ni Sebastian, "At saka, wala nang kaugnay na impormasyon ang maki
Nakita rin ni Jane ang ilang mga salitang yun.Ang sulat-kamay sa postcard ay partikular na maayos. Pero, ang paghagod ng sulat ay para bang merong pang-aakit at may dala ding pagka agresibo. Nang makita ni Jane ang sulat-kamay na yun, naisip niya ang babaeng nagdala ng sulat na nagpapadala ng mga padala galing ibang bansa nung nakaraang umaga.Pakiramdam ni Jane na ang sulat-kamay na ito ay sobrang katulad nung sa babaeng yun.'Alex, nakabalik na ako.''Sino naman kaya yun?'Sinabi ng sarili niyang intuwisyon kay Jane na ito ay hindi isang lalaki.Hindi rin naman ito tungkol sa negosyo.'Ito ba ay isang personal na bagay?'Nadurog ang puso ni Jane nang kaunti.Matapos makita ni Alex ang tatlong salitang ito, nagmadali na siyang itago ang postcard. Tinaas niya naman ang titig niya at tumingin kay Jane nang walang ekspresyon."Alex...," Mahinahon siyang tinawag ni Jane.Walang kahit anong sinabi si Alex.May kaunting bahid ng pagkainip sa ekspresyon niya.Nababahalang tinan
Samakatuwid, sa oras na ito, hindi na siya makahanap ng kahit anong rason para sisihin siya.Biglang naramdaman ni Jane na siya ay sobrang katawa-tawa.Nung bumalik ang pamilya ng tatlo ni Sabrina galing sa Star Island nung nakaraang linggo, dinala ni Aino ang mala-halimaw na manikang yun para sa kanya. Ipinahiwatig nito ang paghiling sa kanya na magkaroon ng anak.Meron din talaga siyang ganitong intensyon sa puso niya.Nung una ay gusto niyang magkaroon ng lakas ng loob para sabihin kay Alex, "Alex, tayo ay magkasama na sa loob ng napakaraming taon, at dahil nakikita kong tumatanda na tayo pareho, bakit kaya hindi tayo mag-anak?"Gusto niya talagang magkaroon ng lakas ng loob para sabihin ito kay Alex nang isang beses.Pero, nagkataon naman na ang problema ni Old Master Shaw sa paghingi ng mga bato ni Sabrina ay nangyari sa nakaraang dalawang araw, kaya kinailangan ni Jane na isantabi muna ito.Sa kabutihang palad, hindi siya nagsalita tungkol dito.Kung hindi, hindi niya mai
Walang nasabi si Jane.Tinanong muli ng babae, "Ikaw yung katulong na kinuha ni Alex?"Kinagat ni Jane ang labi niya, at hindi siya sumagot.Ang mga kamao niya ay madiing sumara.Gusto niyang wasakin ang mukha ng babaeng nasa harap niya!Pero, hindi pa rin naman siya nakakasuntok dati, kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sa wakas, tinagilid niya ang katawan niya, dumaan siya sa paligid ng babae, at mabilis na tumakbo palayo.Tumakbo siya palabas ng mansyon ni Alex sa isang buga.Ito ay nakatayo sa taas ng bundok.Ang tanawin sa labas ng mansion ay talagang maganda.Pero, lahat ng nakikita ni Jane ay madilim at kulay abo.Pakiramdam niya ay nananaginip siya.'Totoo ba ito?'Kinurot niya ang sarili niya, at ito ay sobrang sakit. Totoo nga ito.Wala na siyang relasyon kay Alex.Wala nang relasyon?Paano naman siya?Isang halos tatlumpu't limang taong gulang na matandang babae ang walang tirahan sa oras na ito. Wala siyang kamag-anak o pamilya at kamakailan lang siya
Seryosong sinabi ni Alex, "Hindi naman sa ayaw ko siyang pakawalan! Nagkataon lang na meron akong kailangang asikasuhin nitong nakaraang dalawang araw."Sabi ng babae, "Hindi mo lang kasi kaya na makita siyang umalis.""Oo!" Diretsong sumagot si Alex.Ang malambot na mukha ng babae ay namula dahil sa galit, "Ikaw..."Tinaas niya ang kamay niya at gustong hampasin agad si Alex pagkatapos nun.Pero, ang malambot niyang braso ay hinawakan ni Alex. "Siya ay nakasama ko sa napakaraming taon. Ang mga pagsisikap niya ay hindi maitatanggi. Hindi lang siya basta isang pusa o aso. Kahit na hindi siya isang alagang hayop, pagkatapos na samahan ako sa maraming taon, hindi ko pwedeng basta nalang itapon yun!""Dapat itapon mo na yan!" Ang babae ay may luha na sa mga mata niya at nanlaki ang mata niya kay Alex. Ang puso ni Alex ay biglang natunaw. "Hindi ba wala na siya?""Yari ka sa akin mamayang gabi!" Sabi ng babae sa isang dominante at nakakaakit na paraan.Sabi ni Alex, "Tingnan mo ku
Ang mga mata ni Lily ay agad na napuno ng luha. "Anong sinabi mo, Alex?"Tiningnan ni Alex ang babaeng nasa harap niya.Hinintay niya ito sa loob ng sampung taon.Minahal niya na ito simula pa nung labing-anim siya. Siya ay mas ambisyosa, matapang, aktibo, cute, at talentado kumpara kay Jane. Marami siyang lakas at sarili niyang mga ideya. Walang sinuman sa mundong ito ang makakakontrol sa kanya.Siya ang pinakamamahal ni Alex.Siya ang babaeng pinagtuunan ng pansin ni Alex sa buhay niya.Pero, sa oras na ito, ano yung sinabi ni Alex? Hiniling ba niya na lumayas siya?"Sinasabi ko sa babaeng yun na lumayas na siya," sabi ni Alex.Ang galit ni Lily ay agad na napalitan ng saya, "Yan ang mas gusto ko!" Siya ay nakakaakit na tumingin nang patagilid kay Alex, at ginamit niya ang binti niya para sipain ito. "Hindi mo pa rin ba ako dadalhin sa kwarto mo?"Binuhat naman ni Alex si Lily papunta sa kwarto niya.Sa sandaling ito, tumunog ang phone niya.Matapang na sinabi ni Lily, "