"Ikaw!" Pagkatapos ni Selene, na nakahiga sa kama ng ospital, ay malinaw na nakita ng tatlong tao, ay agad siyang umupo. Si Lincoln, Jade, at matandang Master Shaw, Marcus at ang kanyang mga magulang ay napatigil lahat. "Ruth..." tawag agad ng ina ni Marcus, "Anong ginagawa mo rito? Para bisitahin ang pinsan mong si Selene?"Umismid si Ruth, "Pasensya na po, mahal kong tita. Nandito po ako ngayon para bigyan ng memorial service si Selene at pagnilayan agad ang kanyang kamatayan."Ang lahat nang andoon ay hindi nakapagsalita. Sabi ni Selene, "Ah... Kayong tatlo, mapunta kayo sa impyerno! Mapunta kayo sa impyerno! Gusto kong pumunta na kayo sa impyerno ngayon! Lolo, ipadala mo sila sa mga tauhan mo para bugbugin ang mga gagong babaeng ito hanggang mamatay..." hikb ni Selene. Nang si Selene, na talagang takot sa kamatayan, ay narinig na sabihin iyon ni Ruth, nanginginig na siya agad sa takot. Sa sobrang galit ng matandang Master Shaw ay matagal siyang nautal, "Ikaw-- Ikaw. Na
Hindi kasing galing ni Yvonne at Ruth si Jane pagdating sa pagsumpa sa ibang tao, pero kaya niyang harangan si Lincoln kasama si Yvonne. Tulad nito, kahit na gusto ni Lincoln sumugod para bayolenteng bugbugin si Ruth, hindi niya ito magawa. Sa pagkakataong iyon, ang pinto ng silid ay walang humpay na nabuhay. "Selene, tingnan mo 'to. Ang bulaklak na ito ay may halagang libu-libong dolyar. Ang bulaklak na ito ay mukhang normal na bulaklak. Sa katotohanan, tingnan mo mabuti ang nakasulat dito. Sinasabi rito na, 'Eternal Youth'."Nautal si Selene, "Ah... Oh..."Sa pagkakataong ito, ang kaya niya lang gawin ay humagulgol ng sobra. Tapos ay kinuha ni Ruth ang brochure. "Hayaan mong ipakita ko ito sa'yo. Ito ang Eternal Youth Memorial Park. Lahat ng mga kaluluwa ng kabataan ay nandito. Mga kaibigan kami ni Sabrina, at ikaw naman ay kapatid ni Sabrina, kaya nandito kami para bigyan ka ng pabor. Gusto mo ba sa ilalim ng puno o sa tabi ng tubig?""Pfft..." sumuka si Selene ng dugo. T
Umismid si Ruth, "Syempre mabuti 'yon!"Ang ngiti ng matandang Master Shaw ay sobrang kalmado. "Hangga't inaamin niyo na magkapatid sina Selene at Sabrina, ayos lang iyon."Ang mga salitang iyon ang nagpalito sa kanilang tatlo. "Maari na kayong bumalik," sabi ng matanda. "Wala na akong ibang kakayahan, pero hindi ko pa rin ga-garantiyahan na hindi kayo makulong tatlo dahil sa gulo na ginawa niyo. Mga bata pa kayo, kaya hindi ko kayo masisisi. Bumalik na kayo."Ang mga sinabi niya ang nagpahinto kina Yvonne, Ruth, at Jane. Umismid si Yvonne, "Babalik kami kahit hindi mo sabihin. Tara na!"Nang sinabi ang mga salitang iyon, umalis ang tatlo. Sa silid, sa kabilang banda, lumala ang kondisyon ni Selene dahil sa hindi matatag na emosyon at walang humpay na hagulgol. Patuloy na dumudugo ang kanyang ilong. Sumigaw si Jade, "Doktor, pumunta kayo agad at sagipin ang anak ko!"Si Jade din ay nababaliw at galit na galit na nagmumura, "Kapag namatay ang anak ako, sisiguraduhin kong
Matapos ang ilang saglit, kalmadong sabi ni Marcus, "Pinilit mo siya sa puntong ito, pero hindi mo pa rin siyang pinayagan na tumanggi?"Umismid ang matandang Master Shaw, "Paano namin siya pipilitin?""Tunay na magkapatid sila! Namamatay na ang nakababatang kapatid! May dalawang bato ang nakakatandang kapatid. Hindi ba dapat ay ibigay niya ang isa sa nakababata niyang kapatid?" sabi ng matandang Master Shaw nang may labis na katarungan. Sa pagkakataong ito, ganap na niyang nakalimutan na maraming beses sa nakaraan kung saan siya, oras at oras ulit, ay nakaramdam ng pandidiri kay Sabrina, at sinumpa niya at inusig si Sabrina. Kung hindi lang matatag na nakaligtas si Sabrina, siguradong patay na si Sabrina noon pa lang. Kung patay na siya, maibibigay niya kaya ang bato sa kanila?Galit na galit si Marcus sa matanda na halos matawa siya. "Sa anong birtud na i-blackmail mo siya ang emosyon niya sa pagsunod sa iyong mga pamantayang moral?""Sa anong birtud na tunay silang magkapa
Hindi pa niya nakikita ang tita niya noon. Taon nang tumakas ang tita niya sa bahay, hindi pa siya pinapanganak 'non. Pero, nang nakita ng pares ng kanyang mga mata, bigla na lang niyang binulalas sa hindi malaman na rason. Gayunpaman, nang nagmamadali niyang binuksan ang kanyang pinto at lumabas ng kanyang sasakyan, ang pares ng mga mata na iyon ay hindi na makita. 'Saan siya pumunta?'Tumingin si Marcus sa bawat direksyon ng paligid. Gayunpaman, hindi na niya makita ang gulanit na pigura na iyon. Ang matandang babae na may hawak na basket ang lumagpas sa tabi ni Marcus, at bumubulong siya sa sarili niya. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sa intersection na ito. Kahapon, isang babae ang humahagulgol at sumisigaw sa kanyang ina, at ang iyak na iyon ay nakakaawa."Tanong ni Marcus, "Ano pong sabi niyo, ma'am."Nagpatuloy ang matandang babae sa pagsasalita, "Ngayon, may kung sinong tumatawag sa kanyang tita."Pagkatapos sabihin iyon, hindi tumingin ang matandang babae
Tanong ni Marcus nang nagtataka, "Pero ano?"Hindi sinagot ni Sebastian ang tanong niya. "Umakyat muna tayo."Tapos ay sinundan ni Marcus si Sebastian at umakyat. Sa malaking sala, si Yvonne, Ruth, Ryan, Jane, at Alex ay nakaupo 'ron. Nang nakitang papasok si Marcus, agad na tumalon si Ryan. Tumakbo siya at tumungo sa harap ni Marcus, at hinakawakan siya sa kwelyo. "Marcus! Ang pamilya mo, ang mga Shaw, hindi na makatao!"Pagkatapos sabihin iyon, sinuntok niya si Marcus. Hindi pumalag si Marcus. Bumaling siya sa lahat, tapos ay tinuon ang kanyang titig kay Yvonne. "Kumusta si Sabrina ngayon?""May lagnat, nagsasalita ng kung ano ano minsan, paulit-ulit sumisigaw ng 'Mama'. Minsan bumaluktot siya sa takot at patuoy na sinasabi na 'huwag niyong kuhain ang mga bato ko, huwag!'"Nang narinig niyang sinasabi ito ni Yvonne, si Marcus, na isang malaking lalaki, ay naluha rin. "Dalhin mo ako para makita siya," sabi ni Marcus. Ginabayan ni Yvonne si Marcus sa labas ng kanyang k
Hindi nakapagsalita si Marcus. Lahat ng nandoon ay hindi nakapagsalita. Biglang tumayo si Sebastian at hinila si Aino para yakapin. Tumitig din si Yvonne kay Marcus at sinabi, "Batang Master ng pamilya Shaw, maganda kung hayaan mo ang lolo mo na pumunta sa impyerno!""Yvonne!" galit na pinagalitan ni Kingston si Yvonne. "Paano mo napagsasalitaan ng ganito si Master Shaw!""Kingston!" tumingin si Yvonne kay Kingston. Sabi ni Kingston, "Si Master Shaw at ang matandang Master Shaw ay magkaiba. HIndi mo pwedeng ibunton ang galit kay Master Shaw. Maapektuhan nito ang relasyon niyong dalawa!" "Ang relasyon na 'to, hindi ko gusto ito! Dahil hindi ko kayang pagsilbihan ang lolo niya ng ganito!"Hindi nakapagsalita si Kingston.Hindi rin nakapagsalita si Marcus. Sumulyap siya sa paligid at nakita na balot ng luha si Ruth. Lumuluha rin si Jane. Tapos ay biglang sinabi ni Marcus, "Ang lahat ng bagay na ito ay dahil sa pamilya Shaw. ang babaeng 'yon, si Selene, na apo rin ng lo
Tanong ni Selene, "Sigurado ka na po ba, Lolo?""Oo naman!" taas noong sabi ng matandang Master Shaw. Agad na ngumiti nang masaya si Selene. "Salamat, Lolo."Pagkatapos magsabi ng mga ilang bagay para pagaanin ang loob ni Selene, umalis siya ng ospital. Ang pagmamaneho niya ang nagdala sa kanya diretso sa residente ng mga Shaw. Sa pagkakataong ito, nakaupo si Marcus sa sala at hinihintay ang matanda. Nang makita na pumasok ang matanda, tumingin si Marcus sa kanyang lolo nang may sobrang lamig na ekspresyon. Masasabi rin ng matanda ang kaibahan sa ekspresyon ni Marcus. Naging malalim ang kanyang tono. "Hindi ba ay tinawagan mo ako at sinabihan na umuwi para pag-usapan ang tungkol sa kondisyon ng iyong pinsan sa akin? Hindi ba ay pumunta ka kina Sebastian ngayon, at sinabi sa akin na pumayag na si Sabrina na ibigay ang bato kay Selene?"Umismid si Marcus, "Lolo, hindi ba sumasakit ang konsensya mo?"Umismid ulit ang matanda, "Ang lolo mo, ako, ay naging tapat sa buong buhay