Hindi pa niya nakikita ang tita niya noon. Taon nang tumakas ang tita niya sa bahay, hindi pa siya pinapanganak 'non. Pero, nang nakita ng pares ng kanyang mga mata, bigla na lang niyang binulalas sa hindi malaman na rason. Gayunpaman, nang nagmamadali niyang binuksan ang kanyang pinto at lumabas ng kanyang sasakyan, ang pares ng mga mata na iyon ay hindi na makita. 'Saan siya pumunta?'Tumingin si Marcus sa bawat direksyon ng paligid. Gayunpaman, hindi na niya makita ang gulanit na pigura na iyon. Ang matandang babae na may hawak na basket ang lumagpas sa tabi ni Marcus, at bumubulong siya sa sarili niya. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sa intersection na ito. Kahapon, isang babae ang humahagulgol at sumisigaw sa kanyang ina, at ang iyak na iyon ay nakakaawa."Tanong ni Marcus, "Ano pong sabi niyo, ma'am."Nagpatuloy ang matandang babae sa pagsasalita, "Ngayon, may kung sinong tumatawag sa kanyang tita."Pagkatapos sabihin iyon, hindi tumingin ang matandang babae
Tanong ni Marcus nang nagtataka, "Pero ano?"Hindi sinagot ni Sebastian ang tanong niya. "Umakyat muna tayo."Tapos ay sinundan ni Marcus si Sebastian at umakyat. Sa malaking sala, si Yvonne, Ruth, Ryan, Jane, at Alex ay nakaupo 'ron. Nang nakitang papasok si Marcus, agad na tumalon si Ryan. Tumakbo siya at tumungo sa harap ni Marcus, at hinakawakan siya sa kwelyo. "Marcus! Ang pamilya mo, ang mga Shaw, hindi na makatao!"Pagkatapos sabihin iyon, sinuntok niya si Marcus. Hindi pumalag si Marcus. Bumaling siya sa lahat, tapos ay tinuon ang kanyang titig kay Yvonne. "Kumusta si Sabrina ngayon?""May lagnat, nagsasalita ng kung ano ano minsan, paulit-ulit sumisigaw ng 'Mama'. Minsan bumaluktot siya sa takot at patuoy na sinasabi na 'huwag niyong kuhain ang mga bato ko, huwag!'"Nang narinig niyang sinasabi ito ni Yvonne, si Marcus, na isang malaking lalaki, ay naluha rin. "Dalhin mo ako para makita siya," sabi ni Marcus. Ginabayan ni Yvonne si Marcus sa labas ng kanyang k
Hindi nakapagsalita si Marcus. Lahat ng nandoon ay hindi nakapagsalita. Biglang tumayo si Sebastian at hinila si Aino para yakapin. Tumitig din si Yvonne kay Marcus at sinabi, "Batang Master ng pamilya Shaw, maganda kung hayaan mo ang lolo mo na pumunta sa impyerno!""Yvonne!" galit na pinagalitan ni Kingston si Yvonne. "Paano mo napagsasalitaan ng ganito si Master Shaw!""Kingston!" tumingin si Yvonne kay Kingston. Sabi ni Kingston, "Si Master Shaw at ang matandang Master Shaw ay magkaiba. HIndi mo pwedeng ibunton ang galit kay Master Shaw. Maapektuhan nito ang relasyon niyong dalawa!" "Ang relasyon na 'to, hindi ko gusto ito! Dahil hindi ko kayang pagsilbihan ang lolo niya ng ganito!"Hindi nakapagsalita si Kingston.Hindi rin nakapagsalita si Marcus. Sumulyap siya sa paligid at nakita na balot ng luha si Ruth. Lumuluha rin si Jane. Tapos ay biglang sinabi ni Marcus, "Ang lahat ng bagay na ito ay dahil sa pamilya Shaw. ang babaeng 'yon, si Selene, na apo rin ng lo
Tanong ni Selene, "Sigurado ka na po ba, Lolo?""Oo naman!" taas noong sabi ng matandang Master Shaw. Agad na ngumiti nang masaya si Selene. "Salamat, Lolo."Pagkatapos magsabi ng mga ilang bagay para pagaanin ang loob ni Selene, umalis siya ng ospital. Ang pagmamaneho niya ang nagdala sa kanya diretso sa residente ng mga Shaw. Sa pagkakataong ito, nakaupo si Marcus sa sala at hinihintay ang matanda. Nang makita na pumasok ang matanda, tumingin si Marcus sa kanyang lolo nang may sobrang lamig na ekspresyon. Masasabi rin ng matanda ang kaibahan sa ekspresyon ni Marcus. Naging malalim ang kanyang tono. "Hindi ba ay tinawagan mo ako at sinabihan na umuwi para pag-usapan ang tungkol sa kondisyon ng iyong pinsan sa akin? Hindi ba ay pumunta ka kina Sebastian ngayon, at sinabi sa akin na pumayag na si Sabrina na ibigay ang bato kay Selene?"Umismid si Marcus, "Lolo, hindi ba sumasakit ang konsensya mo?"Umismid ulit ang matanda, "Ang lolo mo, ako, ay naging tapat sa buong buhay
Sa gabing ito, maliban kay Marcus at sa pamilya Lynn, walang nakakaalam sa tungkol sa binabalak na mayroon ang matandang Master Shaw kay Sabrina. Hindi rin ito malalaman nina Sebastian at Sabrina. Sa gabing ito, nawawala na ang lagnat ni Sabrina. Minsan ay sobrang misteryoso ng mga tao at malalim na nilalang. May lagnat si Sabrina, at ito ay lumalabas lang at nawawala nang hindi umaalis. Gayunpaman, sa gabing iyon, pinpanood ni Aino ang kanyang ina sa kanyang tabi, at patuloy na tinatawag siya sa matamis na batang tono niya, "Ma, ma."Maya't maya, hawak ni Aino ang isang baso ng tubig at ginagamit ang bulak para basain ang mga labi ng kanyang ina. Ang batang ito ay anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ama at mga katulong ay nasa bahay at sinasabihan siya na pumunta na sa kanyang kama, pero laging sinasabi ni Aino na hindi siya pagod. Hindi naman sa ayaw niyang matulog. Gusto niya lang alagaan ang kanyang ina. Noong mas bata pa siya, inaalagaan na niya ang kanyang i
Pagkatapos nun, tumayo si Sabrina at niyakap niya si Aino. Humikbi siya at sinabi, "Habang nabubuhay ako, hindi ko hahayaan ang sinuman na saktan ang Aino ko, hindi kailanman! Siya ay isang matanda lang na may apelyidong Shaw! Ang kabaitang ipinakita niya sa tatay mo ay naubos na hanggang sa mawala nitong mga nakaraang araw! Pupunta ako sa ospital at sasabihin sa kanya ngayon, kapag nagtangka siya na puntiryahin ang bato ko, tatapusin ko na agad ang buhay niya doon!"Si Aino ay malakas, at tumingin din siya sa nanay niya, "Opo! Dapat lang yan sa masamang taong yun!"Bumulong si Sabrina kay Aino, "Hindi pwedeng mamatay si Mommy. Kailangan kong maging malusog. Kailangan kong protektahan ang anak ko. Kailangan ko!"Matapos na sabihin yun, pinilit niya ang sarili niya na bumangon sa kama. Hinawakan niya ang kanyang noo, at wala na siyang lagnat.Lumabas siya para humanap ng pagkain. Kailangan niyang palakasin muli ang kanyang katawan.Kailangan niyang maging malakas para malabanan niy
Isang grupo ng mahigit ilang dosenang mga reporter ang nagtipon sa labas mismo ng gate ng lugar ni Sebastian.Bawat isa sa kanila ay may mga hawak na DSLR camera, microphone, mobile phone, recorder, at iba pa.Ang mga reporter ay lahat nakatingin sa loob ng lugar at ang mga leeg nila ay humaba na para bang may inaasahan silang makitang isang tao.Ang ilan sa kanila ay hindi na makapaghintay pa, kaya tinanong nila ang gwardya, "Pwede ko po bang malaman kung kailan lalabas sila Mr. at Mrs. Ford?"Si Sebastian ay biglang natigilan nung nakita niya ang eksenang ito.Ang isang taong kasing kalmado at lupit tulad ni Sebastian ay hindi talaga inasahan na ang ganitong eksena ay mangyayari sa gate ng bahay niya."Anong nangyayari?" Tumalikod si Sebastian at tinanong ang guwardya.Nanginginig na sinabi ng guwardya, "Master Sebastian, hindi... hindi rin po namin alam kung ano ang sitwasyon. Maraming mga reporter ang bigla nalang dumagsa dito kanina. Sinabi nilang lahat na nakatanggap sila
Diretsahang sinabi ni Sebastian kay Old Master Shaw, "Tanda, napaka kampante na kahit anong sabihin mo tungkol sa akin, hindi kita sisisihin, tama ba?""Tama!" Galit na sumigaw si Old Master Shaw, "Pamilyar na pamilyar ako kung anong klase ng tao ang nanay mong si Grace Summer! Siya ay isang babae na may magandang ugali! Imposible para sa kanya na magpalaki ng isang anak na walang prinsipyo at limitasyon! Imposible na ang anak niya ay hindi alam kung paano magbalik ng kabaitan!"Walang nasabi si Sebastian."Sebastian, nakita ko ang paglaki mo. Mas alam ko kung anong klase ng ugali ang meron ka! Maari kang magdugo, mawalan ng isang piraso ng laman, mabali ang ulo, at tratuhin ang mga kaaway mo nang walang awa. Pero, ikaw din ay isang tao na may isang salita at tapat."Ang sinabi ni Old Master Shaw ay talagang totoo.Si Sebastian ay talagang matapat.Nang makita na hindi nagsalita ni Sebastian, patuloy lang na sinabi ni Old Master Shaw, "Sebastian, kung hindi ka tapat, paano naging