"Mga kamag anak ng pamilya Ford," sinabi ng babaeng iyon. Hindi nakapagsalita si Tita Lewis. Pagkatapos ng ilang sandali, hinarangan ni Tita Lewis ang pintuan. "Hindi kita kilala!"Nanghihinayang na ngumiti ang babae. "Hindi rin kita kilala!"Galit na galit si Tita Leiws na halos manginig ang buong katawan niya. Gayunpaman, hindi siya naglakas loob na itaas ang boses niya sa takot na magambala niya ang hindi maayos na kalagayan ni Sabrina. "Ikaw, sino ka? Sobrang mahigpit ang pagbabantay dito, kaya paano ka pinapasok ng bantay sa labas?"Ngumiti ulit nang nanghihinayang ang babae habang sinasabi, "Sinabi ko na kamag anak ako ng mga Ford, kaya malamang ay papasukin ako ng bantay sa labas!""Ikaw... dali at umalis ka na. Kapag hindi ka umalis, tatawag ako agad ng pulis!" Ani Tita Lewis sa babae nang hindi sumusuko. Nagkibit balikat ang babae. "Dahil ayaw mo akong papasukin, sundan mo na lang ako."Hindi nakapagsalita si Tita Lewis. Sinundan niya ang babae nang may pagdududa.
Gayunpaman, kilala ni Tita Lewis si Sabrina. Mabuting tao ang Madam. Dahil hindi maganda ang pakiramdam ng Madam, hindi gusto ni Tita Lewis na gambalahin siya ng mga taong ito. Para sa mga hindi nakakaintindi, kasama ito bilang magandang proteksyon para sa Madam. Bumuntonghininga si Sean. "Sabihan mo si Sabrina! Kung gusto pa rin niyang pumasok sa pintuan ng mga Ford, pilitin mo siyang kausapin ang anak ko kaagad, at hayaan ang pamilya nilang tatlo na bumalik sa lumang residente!"Hindi nakapagsalita si Tita Lewis. "Pagkatapos lumibot sa Star Island, 'di ba ay umuwi sila at pinag-usapan ang tungkol sa sitwasyon doon?"Sabi ni Tita Lewis, "Opo, Master Ford, naiintindihan ko po."Hindi na ulit kinausap ni Sean si Tita Lewis, pero tumingin siya kay Frost. "Frost, tara na!"Sinundan ni Frost si Sean sa sasakyan at umalis. Sa kabilang banda, nakahinga ng maluwag si Tita Lewis. Kailangan niyang bumalik at tingnan kung kumusta na ang espiritu ng Madam na sobrang durog ngayon
Tiningnan ni Jane ang babae mula ulo hanggang paa. Mukhang babaeng sundalo ang babae. Gayunpaman, hindi rin siya mukhang ganoon. Dahil sa kulay ng kanyang suot kaya siya mukhang ganoon. Ang mga damit niya ay parang mas mukhang damit pang-trabaho. "Ikaw ay..." sigurado si Jane na hindi niya kilala ang babaeng ito sa harap niya. Tsaka, ang mansyon na ito na siya at si Alex nananatili ay konsiderang bakasyong lugar para kay Alex. Kadalasang ginugugol nila ang kanilang oras sa Kidon City. Ang rason kung bakit sila nanatili rito sa oras na ito ay dahil hinihintay nila ang pagbabalik nila Sebastian at Sabrina. "Padala po," ani ng babae. Tanong ni Jane, "May babaeng nagpapadala? Pero... hindi ako nag-order ng kahit ano!"Kadalasan siyang nanatili sa bahay at hindi na lumalabas. Lahat ng mga damit, alahas, at kung ano pa ay kadalasang binili sa mall kasama si Alex na sinasamahan siya, at uuwi na sila ng bahay pagkatapo noon. Hindi pa siya nag-order ng kahit ano para maipadala
Naghihintay pa rin siyang dumating sina Yvonne at Ruth at pag-usapan ang tungkol kay Sabrina. Dumating sina Yvonne at Ruth ng ilang sandali pagkatapos. Nakarating sila sa mansyon kung saan nananatili sina Jane at Alex, na siyang nasa kalagitnaan ng kabundukan at malapit sa mga tubig. Kahit na maganda ang kapaligiran, walang oras sina Yvonne at Ruth para humanga rito. Pumasok ang dalawa sa sala at kinausap si Jane tungkol sa bagay na gustong kuhain ni Lincoln ang bato ni Sabrina. Galit na galit si Jane na malagim na namutla ang kanyang mukha. "Jane, anong sa tingin mo ang tungkol dito? Mga kaibigan tayo ni Sabrina, at hindi lang dapat natin pinapanood na apihin si Sabrina ng ganito." Pula ang mga mata ni Yvonne sa kakaiyak. Nang hindi pa niya nakikita ang itsura ni Sabrina, hindi pa ganoon kalala ang galit ni Yvonne. Gayunpaman, nang makita niya si Sabrina na nakahiga sa kama at sinusubukan na huwag maghinagpis, nangngalaiti ang mga ngipin ni Yvonne sa pagkamuhi. Bumuntonghi
Tumango si Alex. "'Yon ang pinag-usapan namin ni Sebastian sa opisina ngayon."Tanong ni Jane, "Anong plano niyo? Sinabi ng lahat na sobrang makatarungan ang matandang Master Shaw, pero bakit kailangan niyang apihin si Sabrina?"Hindi nakapagsalita si Alex. Mukhang may kailangan siyang sabihin kay Jane. Gayunpaman, nang nakita niya na ang lahat ng atensyon ni Jane ay may pagpapahalaga kay Sabrina, hindi siya nagsalita ng kahit ano."Alex!" tawag ni Jane. Sabi ni Alex, "Hmm?""Nagplano na ba kayo ni Sebastian sa mga Lynn? Inaapi nila si Sabrina!" hindi pa naging ganitong mapilit si Jane sa harap ni Alex. Nilagay siya ni Alex sa kanyang mga bisig. "Sobra ka bang nag-aalala kay Sabrina?"Sabi ni Jane, "Kaibigan ko siya!"Ngumiti si Alex at sinabi, "Gaano katagal mo na siyang nakilala?""Hindi naman sa tagal ng panahon ang pagkakaibigan. Bihira lang magkaroon ng pagkakatiwalaan," sabi ni Jane. Pagkatapos ng ilang saglit, sinabi niya ulit, "Kahit na nakilala namin ni Sabrin
Mahigpit siyang hinawakan ng lalaki sa kanyang mga bisig at hinalikan siya ng malupit sa mahabang oras. Sa dulo, diretsong bumagsak siya sa braso ni Alex. Nang makita na wala man lang siyang katiting na lakas para laban. malupit na sinabi ng lalaki sa malalim at malamig na tono, "Babae! Kalimutan ko nang nakauwi ka nang gabing-gabi ngayon, pero binabanggit mo ang tungkol sa problema ng ibang tao pagkabalik mo. Ano? May iba na ba diyan sa puso mo, at hindi mo na gusto ang asawa mo ngayon?"Tumawa si Jane na parang tuwang tuwa siya. "Anong sinasabi mo? May seryoso akong problema..."Bago niya matapos ang kanyang sinasabi, ang mga labi niya ay hinarangan ulit ng bibig ng lalaki. Sa oras na ito, hindi na siya binitawan ulit ng lalaki, pero diresto niyang binuhat ito sa taas. Binuhat niya ito habang hinahalikan siya. Hindi na niya binigyan ito ng pagkakataon na magsalita. Gustong sabihin lang sa kanya ni Jane na nakatanggap siya ng mga dokumento sa ibang bansa ngayon. Gayunpam
"Ikaw!" Pagkatapos ni Selene, na nakahiga sa kama ng ospital, ay malinaw na nakita ng tatlong tao, ay agad siyang umupo. Si Lincoln, Jade, at matandang Master Shaw, Marcus at ang kanyang mga magulang ay napatigil lahat. "Ruth..." tawag agad ng ina ni Marcus, "Anong ginagawa mo rito? Para bisitahin ang pinsan mong si Selene?"Umismid si Ruth, "Pasensya na po, mahal kong tita. Nandito po ako ngayon para bigyan ng memorial service si Selene at pagnilayan agad ang kanyang kamatayan."Ang lahat nang andoon ay hindi nakapagsalita. Sabi ni Selene, "Ah... Kayong tatlo, mapunta kayo sa impyerno! Mapunta kayo sa impyerno! Gusto kong pumunta na kayo sa impyerno ngayon! Lolo, ipadala mo sila sa mga tauhan mo para bugbugin ang mga gagong babaeng ito hanggang mamatay..." hikb ni Selene. Nang si Selene, na talagang takot sa kamatayan, ay narinig na sabihin iyon ni Ruth, nanginginig na siya agad sa takot. Sa sobrang galit ng matandang Master Shaw ay matagal siyang nautal, "Ikaw-- Ikaw. Na
Hindi kasing galing ni Yvonne at Ruth si Jane pagdating sa pagsumpa sa ibang tao, pero kaya niyang harangan si Lincoln kasama si Yvonne. Tulad nito, kahit na gusto ni Lincoln sumugod para bayolenteng bugbugin si Ruth, hindi niya ito magawa. Sa pagkakataong iyon, ang pinto ng silid ay walang humpay na nabuhay. "Selene, tingnan mo 'to. Ang bulaklak na ito ay may halagang libu-libong dolyar. Ang bulaklak na ito ay mukhang normal na bulaklak. Sa katotohanan, tingnan mo mabuti ang nakasulat dito. Sinasabi rito na, 'Eternal Youth'."Nautal si Selene, "Ah... Oh..."Sa pagkakataong ito, ang kaya niya lang gawin ay humagulgol ng sobra. Tapos ay kinuha ni Ruth ang brochure. "Hayaan mong ipakita ko ito sa'yo. Ito ang Eternal Youth Memorial Park. Lahat ng mga kaluluwa ng kabataan ay nandito. Mga kaibigan kami ni Sabrina, at ikaw naman ay kapatid ni Sabrina, kaya nandito kami para bigyan ka ng pabor. Gusto mo ba sa ilalim ng puno o sa tabi ng tubig?""Pfft..." sumuka si Selene ng dugo. T