acting lang ba talaga? ayieeee
Geraldine's Point of View* Nandidito kami ngayon sa isang guest room dahil dito ako papagandahin ng mga make up artist na nirentahan ng Dad ni Mike at galing pa daw ito sa Paris. Oh diba? Bigatin ako nito. "Make my daughter the most beautiful woman at my party. Do you understand?" "Yes, sir." Magalang na ani nila sa Dad ni Mike. "Dad, kahit hindi naman siguro ako papagandahin ay ako pa din po ang pinakamaganda sa paningin ninyo ni Mike diba?" Napatingin ako sa tabi ni Dad na si Mike na nagulat sa sinabi ko. "Yes, you're the most beautiful, with or without make up. My son is lucky to have a wife like you." "Daddy naman eh, ang dami niyo ng sinabi. Hubby, comment ka naman." Napatingin naman kami kay Mike na nakatingin sa akin. "Ano ba ang sasabihin ko? Wala namang makakapantay sa kagandahan mo." Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit iba ang sa kanya? Pinigilan ko ang sarili ko na makilig sa sinabi niya. "Ehem... Dad, di ko alam na ganyan si Mike." Mahina naman siyang natawa
Geraldine's Point of View*Napamulat ako dahil pakiramdam ko na may nakatingin sa akin ngayon at nagulat ako nang makita ko ang isang napakagandang babae na nasa harapan ko at nakatingin ang mga magagandang mata niya sa akin."Uhmm... May kailangan po ba kayo big sister?"Nagulat naman siya sa sinabi ko at napatawa siya na parang dalawang filipina.Napanganga naman ako habang nakatingin sa kanya."Kahit tawa ninyo ay maganda din. Teka asan ang mga nag-ayos sa akin?""They're done fixing you up, so I sent them away so I could spend time with you, little sister."Nagulat naman ako sa sinabi niya. Dahan-dahan naman akong napatingin sa salamin at nanlaki ang mga mata ko dahil ang ganda ko naman."Wow, di ko alam na may ikagaganda pa pala ako?" mahinang ani ko at natawa na naman siya at napatango tango."You're beautiful, little sister.""Katulad ninyo po... Teka lang po ngayon ko lang po kayo nakita. Bisita lang po ba kayo dito?"Napangiti naman siya at tumango."Waaa nakakasilaw po ang n
Geraldine's Point of View* Nakatingin ako sa phone ko dahil bigla itong tumunog at napakunot ang noo ko nang makita ko na tumatawag ngayon si Skyler. Baka nandidito na siya ngayon. "Hello, Sky." "Di ako makakapunta diyan dahil may pinapa-asikaso sa akin si Chief, biglaan." Kinabahan naman ako. "Sinabi mo ba?" "Hindi ko sinabi." Nakahinga naman ako ng maluwag. "You better explain to me, what's happening once magkikita tayong dalawa at hindi dito sa phone." "Yes, I will tell everything. Biglang may kumatok ulit sa pintuan. Baka bumalik na yung isang iyon. Iniwan ba naman ako? Para ano? Habulin ang babae niya? Kung sabagay maganda naman si Ate. Wala akong panlaban pag beauty na ang labanan. "Bukas yan," bored na ani ko. Bumukas naman ang pintuan at bored akong nakatingin sa salamin. "Oh, tapos mo ng habulin ang babae mo?" Napatingin naman ako sa taong nasa likod ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Rafayel na nagtataka habang nakatingin sa akin
Geraldine's Point of View*Nakarating na kami sa may pintuan nang may naalala ako. Di ko yun naisip agad."Sir Rafayel.""Gerry, don't call me that. Call me Rafayel or Raf. Hindi ka na din iba sa akin dahil asawa ka ng kaibigan ko."Ngumiti naman siya at napangiti na lang ako."Mukhang cute ang Raf. Okay, yung na lang ang tawag ko sayo.""Cute?"Natawa naman siya sa sinabi ko. Pati ba naman tawa ay gwapo siya?"You're cute too."Napatawa na lang din ako."Teka ano yung sasabihin mo kanina?""Ah, kailangan kong hintayin si Mike dahil kakaiba naman sa paningin nila na tayo ang magkasama at hindi kami. Alam mo naman yung kaibigan mo.""You're right.""Samahan na kita sa paghihintay sa kanya?""Nako wag na. Baka busy ka at may mga kasamahan ka sa labas na naghihintay.""You sure?"Ngumiti ako at tumango tango. "Okay, safe ka naman dito sa loob kaya okay lang.""Safe?"Ngumiti siya at nagpaalam na sa akin. Anong ibig niyang sabihin na safe? Don't tell me nakita nila yung mga lalaking yun
Geraldine's Point of View*Nakarating na kami sa may pintuan at hinila ako ni Mike na kinagulat ko."Put your hands in my arm.""Hmmp!" Napabuntong hininga na lang siya at inilagay niya ang kamay ko sa braso niya. "Continue your work as my lovable wife. Wag ka munang magminaldita, okay?"Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Ako, maldita? Nandidiri ka nga sa akin paghinahawakan kita. Halata ka masyado at ako ginagawa ko ang lahat maging lovable wife mo. Mag-support ka naman noh.""Fine, don't be angry at isa pa hindi ako nandidiri sayo.""Dapat lang."Bumukas ang pintuan at napatingin sa amin ang lahat ng mga bisita. Sanay na ako sa ganito kaya naging isang mahinhing babae ako ngayon."Okay, let's start."Nagsimula na kaming lumakad palabas ng pintuan.Nakikita ko ang pamamangha ng mga taong nandidito at ngumiti lang ako habang nakatingin sa kanila. Ngayon lang nila akong nakita na lumabas sa publiko. 'Siya ba ang Asawa ni Mr. Muller?''Mukhang siya nga. Ang ganda naman n
Geraldine's Point of View*Nagsign siya na mag-usap kami at dahan-dahan akong tumango. "Hubby, Daddy, punta muna ako sa kwarto. May naiwan kasi ako."Napatingin naman silang dalawa sa akin."Samahan mo na ang Asawa mo, Michael.""Ah! Wag na po. Kaya ko na po ang sarili ko. Hubby, dito ka na lang okay? Samahan mo si Dad."Dahan-dahan niya akong niyakap at inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. At ramdam ko din ang mahigpit na yakap niya sa bewang ko."Bumalik ka agad.""Oo naman. Ayokong mawala ka ng matagal sa paningin ko eh."Dahan-dahan naman siyang tumango at humiwalay na ako sa kanya at lumakad na ako papasok ng mansion.Kinuha ko ang phone ko at pinindot ko ang location ko kaya agad akong naglakad papunta sa likod ng mansion na walang nakakakita.Napabuntong hininga na lang ako lalo na't nakita pa talaga ng lalaking iyon ang nangyayari. Akala ko hindi siya pupunta?"Astraea."Napatingin ako sa taas ng sanga at tumalon siya sa tabi ko at nagkatinginan kami ngayon. "Akala ko wa
Geraldine's Point of View*"No room for mistakes," walang emosyong ani ko kay Sky."Kahit anong mangyari ay tawagin mo talaga kami dahil nandidito lang kaming Apat sa tabi mo kahit anong mangyari."Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya.Kaya heto tutulungan talaga nila ako sa dating mga mission ko dahil may ibang mga subject ko na nakakulong pa din sa illusion na gawa ko mismo at hindi yung realidad na sinabi ko sa kanila mismo sa araw na tinapos ko ang mission ko sa kanila.Napabuntong hininga ako."Sobrang galing mo naman kasi sa mga ganoong bagay at dinadala mo talaga sila sa mundong ginawa mo mismo. Pwede ka na maging female lead sa mga novels sa libro. Baka gusto mong maging artista?""Seriously? Gusto mo once lumabas ang movie ko ay marami ang dadagsa sa scene na mga ex subjects ko?""Ayaw mo nun? Maraming dadagsa, edi maraming fans at sponsors at marami ka na namang pera."Napakunot ang noo ko sa sinabi niya."Parang may something sa sinabi mo ha?""Hmm...bakit hindi b
3rd Person's Point of View*Napapansin ni Mike na mukhang mag-iisang oras ng wala ang Asawa niya ngayon at napatingin naman siya sa paligid at wala pa din ito sa paligid.Kinuha niya ang phone niya at wala din namang message na kinakunot ng noo niya.Lumapit naman ang Dad niya sa kanya at napatingin naman siya doon."Where's Geraldine?""Nasa kwarto namin, sabi niya may kinuha lang siya saglit.""49 minutes na siyang wala.""Ganun nga. Kailangan ko na siyang hanapin baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Lapitin pa naman iyon ng disgrasya.""Find her now."Tumango naman si Mike at tinawagan niya ang phone ng Asawa niya at narinig naman niya na naging ito ngayon habang naglalakad.Iba ang kutob niya ngayon at iniisip niya baka kung ano na naman ang ginawa ng Asawa niya."Where's my wife?" ani niya kay Manang."Hindi ko po siya nakita, master.""Sabi niya na nasa kwarto daw siya."Napatingin naman si Manang sa taas."Hindi ko napansin po at pupuntahan ko na lang po.""Ako na lang po."