Geraldine's Point of View*Nagsign siya na mag-usap kami at dahan-dahan akong tumango. "Hubby, Daddy, punta muna ako sa kwarto. May naiwan kasi ako."Napatingin naman silang dalawa sa akin."Samahan mo na ang Asawa mo, Michael.""Ah! Wag na po. Kaya ko na po ang sarili ko. Hubby, dito ka na lang okay? Samahan mo si Dad."Dahan-dahan niya akong niyakap at inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. At ramdam ko din ang mahigpit na yakap niya sa bewang ko."Bumalik ka agad.""Oo naman. Ayokong mawala ka ng matagal sa paningin ko eh."Dahan-dahan naman siyang tumango at humiwalay na ako sa kanya at lumakad na ako papasok ng mansion.Kinuha ko ang phone ko at pinindot ko ang location ko kaya agad akong naglakad papunta sa likod ng mansion na walang nakakakita.Napabuntong hininga na lang ako lalo na't nakita pa talaga ng lalaking iyon ang nangyayari. Akala ko hindi siya pupunta?"Astraea."Napatingin ako sa taas ng sanga at tumalon siya sa tabi ko at nagkatinginan kami ngayon. "Akala ko wa
Geraldine's Point of View*"No room for mistakes," walang emosyong ani ko kay Sky."Kahit anong mangyari ay tawagin mo talaga kami dahil nandidito lang kaming Apat sa tabi mo kahit anong mangyari."Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya.Kaya heto tutulungan talaga nila ako sa dating mga mission ko dahil may ibang mga subject ko na nakakulong pa din sa illusion na gawa ko mismo at hindi yung realidad na sinabi ko sa kanila mismo sa araw na tinapos ko ang mission ko sa kanila.Napabuntong hininga ako."Sobrang galing mo naman kasi sa mga ganoong bagay at dinadala mo talaga sila sa mundong ginawa mo mismo. Pwede ka na maging female lead sa mga novels sa libro. Baka gusto mong maging artista?""Seriously? Gusto mo once lumabas ang movie ko ay marami ang dadagsa sa scene na mga ex subjects ko?""Ayaw mo nun? Maraming dadagsa, edi maraming fans at sponsors at marami ka na namang pera."Napakunot ang noo ko sa sinabi niya."Parang may something sa sinabi mo ha?""Hmm...bakit hindi b
3rd Person's Point of View*Napapansin ni Mike na mukhang mag-iisang oras ng wala ang Asawa niya ngayon at napatingin naman siya sa paligid at wala pa din ito sa paligid.Kinuha niya ang phone niya at wala din namang message na kinakunot ng noo niya.Lumapit naman ang Dad niya sa kanya at napatingin naman siya doon."Where's Geraldine?""Nasa kwarto namin, sabi niya may kinuha lang siya saglit.""49 minutes na siyang wala.""Ganun nga. Kailangan ko na siyang hanapin baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Lapitin pa naman iyon ng disgrasya.""Find her now."Tumango naman si Mike at tinawagan niya ang phone ng Asawa niya at narinig naman niya na naging ito ngayon habang naglalakad.Iba ang kutob niya ngayon at iniisip niya baka kung ano na naman ang ginawa ng Asawa niya."Where's my wife?" ani niya kay Manang."Hindi ko po siya nakita, master.""Sabi niya na nasa kwarto daw siya."Napatingin naman si Manang sa taas."Hindi ko napansin po at pupuntahan ko na lang po.""Ako na lang po."
3rd Person's Point of View* Sa party... Malalim pa din ang iniisip ngayon ni Josh habang inaalala pa din niya ang babaeng asawa ni Michael. May kahawig kasi ito sa dating fiancee na mahal na mahal niya noon at hindi niya tinitigilan sa paghahanap. "B1," tawag niya sa right hand niya. "Yes, boss." "Investigate the wife of Mr. Muller." Nagulat naman ito sa sinabi ni Josh. "Bakit naman po, Boss?" "Parang may iba akong nararamdaman sa kanya. Mamaya ko na sasabihin sayo." "Masusunod po." Ininom niya ang wine na nasa baso. Naalala pa din niya ang maganda at maamong mukha nito ay mga mata na nakaka-akit na katulad sa kanyang fiancee na si Jerah. "My Jerah, ikaw ba yan?" Napakagat siya sa labi niya. Namimiss na niya ang mabangong amoy ng fiancee niya at ang nakaka-akit nitong katawan na matagal na niyang gustong tikman at inasam asam at ang mala-tigre din nitong ugali pag nagseselos. Gusto niya ang lahat sa babae pero ang hindi niya alam na pinag-aralan muna lahat ni Gerry ang gu
Geraldine’s Point of View* Napalunok ako ngayon habang nakatingin sa kanya ngayon at napatingin ulit ako sa kamay ko na parang minu-murder na niya ngayon na parang naging cannibal na ang lalaking ito! “H-Hubby, masakit.” Dahan-dahan namang napatingin sa akin ang kanyang nakaka-akit na mga mata ngayon. Mukhang mas magaling pa siyang umakting kesa sa akin eh! Nakita ko na hinalikan niya ang kinagat niya kanina na kina-init ng mukha ko ngayon. “I don’t care where you came from, whether you’re poor or rich, or whose child you are. You’re mine, and no man will ever take you away from me. Remember that, wife.” Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Hala bakit siya ganito ngayon? Naamoy ko ang inumin na galing sa bibig niya. Jusko, naka-inom atah ang lalaking ito! “Hubby, mukhang lasing ka na atah… lasing ka na talaga. Ilang baso na ba ng wine ang nainom mo ha?” “I’m not drunk.” Malapit isang oras na akong nawala at ito siya ngayon nalalasing na. “Look at me.” Nap
3rd Person’s Point of View* Sa isang kagubatan sa America ay naglalakad ang mga sundalo para libutin ang boung kagubatan kung may mga kalaban bang nasa paligid ng kanilang teritoryo. Nang may narinig silang isang batang tumatawa kay nagmamadali silang naghanap kung nasaan ngayon ang batang tumatawa. “Sir, we found the girl… but, there’s a big problem.” Napatingin naman sila sa isang tauhan nila at agad naman nilang nilapitan ang kinaroroonan ng kasamahan nila at nakita nila ang isang babaeng bata na nasa mga anim na taon na ito at nasa gilid nito ang dalawang lion na parang pinuprotektahan nila ang babaeng bata. “Impossible.” Di makapaniwalang ani ng General nila sa nakikita na wala man lang galos ang batang babae habang may mga lion na nagbabantay sa kanya na parang ginawa lang nitong pusa ang mga lion na nakapaligid sa kanya. “Baby Girl.” Biglang naging alerto ang mga lion sa paligid nito at napatingin naman ito sa kanila. Nakikita nila na parang hindi naman ito nak
3rd Person's Point of View* Flashback... Nakayakap ngayon ang batang Mike sa Ina niya sa kwarto niya. "Son." Napatingin naman si Mike sa Ina niya na nakayakap sa kanya ngayon. "Yes, Mom?" "In the future, kung mamimili ka ng babae ay siguraduhin mong pu-protektahan mo siya at mamahalin mo talaga siya ha at wag mo na siyang papakawalan." Dahan-dahan namang tumango si Mike sa sinabi ng Ina niya. "I will do that, mom. I will also hug my wife like this until morning and love her always. Hindi ako magiging kagaya ni Dad." "Mahiyain lang ang dad mo na ipakita ang emosyon niya dahil hindi siya sanay sa ganung bagay." Dahan-dahan na lang itong tumango. "Ayokong magaya ang Asawa mo sa akin na parang ibon na nakakulong sa mansiong ito. Ikaw lang ang makakabago sa pamilyang ito, makakahanap ka ng asawang makakabigay sayo ng kasayahan at siya ang makakapuno sa pang-araw araw mong kasayahan." "Siya na po ang babaeng para sa akin, mom. I love her and I will do everything for her." Napang
Geraldine’s Point of View* Sarap na sarap ako sa pagkain dito at siya naman ay nakatingin lang sa akin at napahinto naman ako sa pagkain nang may narealize na hindi pa din kumakain ang isang ito. “Ehem…” mahinang ubo ko na kinatingin naman niya sa akin at syempre nandidito pa din kami sa kwarto ngayon at alas 7 na ng gabi at narinig ko pa na may dadating daw na bisita mamayang 9pm at artista daw iyon. Kilalang kilala ko yung artista na yun. Siya si Hestia Angela Gonzaga. Isang sikat na actress at idol, ilang taon ko na siyang idolo sa larangan ng pag-aacting. Excited na akong makita siya! Kaya kailangan kong magpakabait sa isang ito. "What?" kunot noong ani niya sa akin. “Hubby, kumain ka na din.” Tinapat ko sa kanya ang kutsara at kinain naman niya iyon at napangiti naman ako. “Masarap?” Nakikita ko na tahimik siya habang nilalasahan niya ang kinain niya. Nakikita ko sa mukha niya na nalalasahan niya ang kinain niya ngayon! “Hindi mo luto pero nalalasahan ko. Paano
Geraldine's Point of View*Pero bago niya ako dalhin sa assassin world ay ilalakad daw muna niya ako sa underworld nila. Exciting na ako sa bagay na yun. Yes, pamilyar na sa akin ang Assassin na underworld pero ang Mafia Underworld na pinamumunuan ng hubby ko ay hindi ko pa nakikita.Ganito ang nangyari sa amin...Flashback... Natapos ang ehersisyo namin at nakikita ko na hinihingal na ang mga bodyguards at kaming dalawa ay normal na sa amin ang bagay na iyon."As usual, hindi pa din nawawala ang energy mo, Astraea."Napatingin ako kay Skyler na nagsalita sa gilid. Nandidito rin ang mga brothers ko dahil kasali sila sa training namin.At hindi ko pa sinasabi ang tungkol sa pagbalik ng alaala ko."Salamat, Sky. Ikaw din hinihingal ka pa din parang tumatanda ka na ha.""Araw-araw naman kasi--- Teka tinawag mo kong matanda, Astraea?! Hindi mo ba naaalala na sinabi mo na ako ang pinakagwapo sa mga brothers mo?"Napakunot ang noo ng tatlo na nasa likod niya."Hindi ko alam ang bagay na yu
Geraldine's Point of View* Umiiyak ako habang nakahawak sa kamay ng hubby ko. Nandidito kami ngayon sa kwarto namin at natutulog pa din siya na parang patay na. Pero hindi naman siya patay. Ang sabi nila Jane at Rafayel ay may ininom si Mike na parang kagaya sa ininom ni Juliet sa Romeo at Juliet na movie. Hindi ko alam na totoo pala ang bagay na yun. Pinapahina niya ang heartbeat ng isang tao pero babalik din ito sa normal matapos ang dalawang oras. "Milady, ito na lang ang naisip na paraan ng Grandpa mo para madali mong maalala ang nakaraan mo." Napatingin ako kay Jane. "Delikado man ay kailangan pa din naming gawin dahil yun ang inutos sa amin. At nakikita naman namin na effective naman ang bagay na yun." Napakagat ako sa labi ko pero di pa din ako mapapanatag lalo na kinakabahan pa din ako sa sitwasyon ni Mike na hindi pa din nagigising. "Bakit di pa din nagigising si Mike?" Nagkatinginan naman sila. "Lampas na tatlong oras ang nagdaan simula nung ininom niya ang gamot n
Geraldine's Point of View* Huminga ako nang malalim, pinakiramdaman ang mga tali sa aking pulso at hindi ko iniinda ang sakit aa ulo ko ngayon. Kailangan kong kumalma, kailangan kong makahanap ng paraan upang makatakas. Sa isang iglap, nakahanap ako ng tiyempo. Gamit ang lahat ng lakas na natitira sa akin, iginiling ko ang aking pulso, pilit na inaalis ang tali habang hindi sila nakatingin. Dumaan ang ilang segundo bago ko naramdaman ang bahagyang pagluluwag nito. Ngunit bago ko pa tuluyang makawala, lumapit si Jane at marahas akong sinampal. Napangiwi ako sa sakit, ramdam ko ang hapdi sa aking pisngi. "Sa tingin mo makakatakas ka?" bulong niya, may halong pang-aasar sa kanyang tinig. "Huwag kang magpumiglas, Geraldine. Mas magiging masakit lang ito para sa iyo." Muling bumaling ang tingin ko kay Mike. Dugo ang tumulo sa kanyang labi, mahina na siya, pero naroon pa rin ang apoy sa kanyang mga mata. Pilit niyang itinaas ang kanyang ulo at sa isang iglap, isang mahinang
Geraldine's Point of View* Nararamdaman ko ang sakit ng katawan ko ngayon habang nakaupo sa upuan kaya dahan-dahan akong nagising. Napamulat ako at agad akong nagising kasabay ng pagtingin-tingin ko sa paligid kung nasaan ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ako ngayon at naaamoy ko din ang paligid na parang amoy limang mga gamit ang nandidito ngayon. Madilim ang paligid pero may kaunting liwanag naman ang nanggagaling sa gilid. Nakikita ko din ang hagdan paakyat na pamilyar sa akin. Hanggang sa makita ko ng maliwanag ang nasa paligid at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Mike sa tabi na walang malay. "H-Hubby..." Nagpapanik ako ngayon. Doon ko napansin na nakatali pala ang kamay at paa ko ngayon. "Damn! Hubby! Wake up!" Nakikita ko ang dugo at pasa sa katawan at mukha niya na mas lalo kong kinaiyak ng maigi. "Mike, di ako pumapayag na mamamatay ka! Please, wake up! Susuntukin talaga kita kung umuna ka." Pinilit kong tumakas sa pagkakatali ko pero nararamdaman k
Geraldine's Point of View*Sa isang kagubatan ay may mga taong nakahawak sa akin at kahit anong galaw ko ay di pa din nila ako binitawan.Nanghihina ako noon at wala din akong masyadong naririnig dahil sa nangyari sa aking aksidente."Nasa atin na ngayon ang heiress ng assassins!"Nagtawanan sila at nag apiran pa habang naglalakad.'Somebody help me.'Nagpatuloy pa din sila sa paglalakad nang matigilan sila nang makita nila nila ang dalawang Leon na handa nang umatake sa kanila.Napatingin ako sa dalawang Leon. "H-Help me...""Rawr!"Nagulat naman sila sa sigaw ng Leon na kinahulog ko at agad silang naglabanan ng baril.Paputukan sana nila ang mga Leon nang napansin nila na nasa harapan na nila ito ngayon at dinamba ang taong may hawak sa akin.Nakita ko na pinu-protektahan naman nila ako."Damn! Lions! Let's leave!"Agad na silang nag-alisan at ako na lang ang naiwan at kasama ang mga lions dito.Tinulungan naman ako nila na makatakas sa pagkakatali ko noon at niyakap ko sila. At do
Geraldine's Point of View* Nakarating ako sa opisina ni Mike habang dala ang gawa ko. Nagulat pa ako nung umiyak si ate cooker kanina kasi bigla naman kasing umiyak eh! Flashback... "Bakit ka po umiiyak, ate. Hindi po ba masarap? Pasensya na po." "Milady, sobrang sarap po ng luto ninyo. Naalala lang niya ang mga luto ninyo noon kaya siya naiiyak," paliwanag ni Manang sa akin at tumango-tango naman si ate. "Namiss ko lang po ang luto ninyo, milady. Sana po wag na po kayong mamatay. Hindi po namin kaya po." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Gagawin namin ang lahat maligtas ka lang po namin. Gagawin po namin ang lahat maging safe ka lang po, milady." Napangiti ako habang nakatingin kay ate cooker. Lumapit ako sa kanila ay niyakap ko silang dalawa. "Thank you po. Wag na po kayong umiyak dahil nadadamay po ako eh." "Hindi ko po mapigilan po." Mas lalo siyang napaiyak niyakap ko na lang siya ulit. End of Flashback... Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarat
Geraldine's Point of View* Napapout ako habang nakaupo sa higaan at si Mike ngayon ang nagsusubo sa akin ng almusal. Pagod na pagod ako ngayon dahil sa kagagawan niya at siya naman parang ang blooming ha. Hindi niya talaga ako tinigilan at nagustuhan ko naman pero di pa din niya pa din ako tinigilan at nakailang rounds pa kami! "Bawing bawi ha." Kunot noong ani ko sa kanya at nagpatuloy pa din siya sa pagngiti sa akin at siningkitan ko lang siya ng tingin. "You want this, right? Ikaw mismo ang nagsabi sa akin sa bagay na ito tapos ikaw yung magtatampo." Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "For your information. Ang sabi ko ay kiss sa lips at hindi ko sinabi na iyon ang gagawin natin." Napasimangot naman siya habang nakatingin sa akin. "Ayaw mo ba?" Napakagat ako sa labi ko at napahawak sa ulo ko. Napatingin ako sa binti ko na may mga kiss marks. "Nag-iwan pa talaga ng ebidensya oh." "Uhmm... Mark lang yan na akin ka, wife." "Yung mark ba kailangan boung kataw
Geraldine's Point of View* Gulat pa din silang nakatingin sa akin ngayon. Totoo naman ang sinabi ko eh. Malinaw sa aking alaala ang mga nangyayari noon. Ang Phantom Syndicate ay isang grupo ng mga malalakas na assassins sa boung mundo. At mahirap ang pagdadaanan mo para makapasok sa grupong iyon. Maaga akong sinalang ni Dad sa grupong iyon at sa batang edad ko ay madali akong nakapasok dahil natapos ko ang lahat ng task na binigay sa akin. Malaki din ang pasasalamat ko kay dad nun dahil maaga niya akong sinanay nun at madali na lang sa akin ang makapasok doon. Kahit ilang taon na akong hindi nagpapakita doon ay kasali pa din ako sa grupo dahil never sinabi na patay na ako sa lahat. Nawala lang ako at babalik ako kung kailan ko gusto. "Teka lang ano ba ang kailangan niyo sa grupo namin?" "Teka, teka! Kung kasali ka sa grupo ng Phantom Syndicate ay sigurado na kasali ka sa top nila diba? S-Sino ka... I mean ano ang assassin name mo?" ani ni Zeke sa akin. "I'm Nyx. Yun ang ni
Geraldine's Point of View* "Come here, wife." Dahan-dahan naman akong lumabas sa pinagtataguan ko at tumakbo ako papalapit kay Mike at niyakap ko siya habang nakatingin sa mga taong nandidito ngayon. Nakikita ko ang gulat na gulat sa mga mukha nila na parang hindi makapaniwala sa nakikita. "Astraea? Siya ba yan?" nauutal na ani nung isang lalaki na may pangalang Skyler. Napatingin ako kay Mike na nakangiting nakatingin sa akin. "They're your team nung agent ka pa. This is Ethan, Zeke, Xavier and lastly Skyler. May naalala ka sa kanila?" Napakunot naman ang mga noo nila habang nakatingin kay Mike. "Muller, what do you mean? Di niya kami kilala?" "Hindi. Nagka-amnesia siya at ang tanging naalala niya ay ang nangyari sa kanya nung bata pa siya." "Bata pa siya?" tanong ni Xavier sa kanya. "Hmm... Nung panahon na hindi niyo pa siya kasama sa America. She's the daughter of Maximus Morgan." Nanlalaki naman ang mga mata nila sa sinabi ni Mike. "Teka si Maximus Morgan ay ang Mas