Geraldine's Point of View* Napahawak ako sa buhok ko dahil sa pangyayari na doon nga sa ilalim ng tubig si Rafayel. "Sir Rafayel, anong trip ninyo diyan kayo nag-over night? Hindi ba kayo pinapasok ni Master?" "Uhmm.. miss..." "Kuya! Bakit naman pinabayaan niyo siya diyan sa ilalim? Ano siya shokoy?" Nakikita ko sa mukha ni Kuya na parang namumutla din siya. Hinawakan ko ang kwelyo niya. "Kuya! Iligtas niyo siya!" "M-Miss... Ano kasi..." "Kung hindi mo siya maliligtas ay ako na lang ang tatalon!" Agad kong tinanggal ang sapatos ko at tatalon sana ako nang biglang may humawak sa bewang ko para di ako tuluyang makatalon sa swimming pool. Napatingin ako sa humawak sa akin at si Mike iyon! As in ang position namin ay buhat buhat na niya ako ngayon habang nakahawak siya sa tiyan ko at napalunok ako dahil papagalitan na naman niya ako! Kaya pala namumutla si Kuya kanina dahil papunta pala ang dragon na ito. "M-Master..." "What do you think you're doing, naughty woman?" Bigla
Geraldine's Point of View*Napalunok ako habang nakatingin doon."Girlie, come here."Napatingin ako kay Sire Rafayel na nakatingin sa akin at pinapapunta ako doon.Napakagat ako sa labi ko at parang ayokong iwan ang lugar na yun. Tiningnan ko muna ang mga tiles dahil babalikan ko yun mamaya!"Bakit po, sire?""Umupo ka diyan at sumabay ka na sa aming kumain."Napatingin naman ako sa dragon na nagpatuloy pa din sa pagkain at hindi tumingin sa akin.At dahan-dahan na lang akong tumango."You want wine?" Napatingin ako kay Rafayel na may wine na hawak. Oh my God! Yan ang favorite kong grape wine at ang mahal niyan!"Hindi siya pwedeng uminom."Natigilan kaming dalawa ni Rafayel at napatingin kami kay Mike na nakatingin na pala sa akin."B-Bakit naman, master?"Napataas naman ang kilay ni Mike at napansin ko na kami lang tatlo ang nandidito ngayon. "Ahh I get it. Oo nga naman, hinding hindi ka na pwedeng uminom ng mga alcoholic drinks, Gerry."Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay
3rd Person's Point of View* Nasa opisina ngayon sila Rafayel at Mike. Nagbabasa ngayon si Mike sa table niya habang si Rafayel naman ay nag-aalalang iniisip si Gerry. Dahil baka masaktan ito sa sinabi ni Mike kanina. "Bro, hindi naman siguro niya sinasadya na nawala niya ang singsing na yun diba? Bakit parang galit ka atah? Sa pagkaka-alala ko ay wala ka ngang pake sa singsing na yun." "I don't care about the ring. It was so careless of her to lose that ring, especially since it was so expensive. It's gone now, so it’s probably best to just move on from it." Napabuntong hininga na lang si Rafayel sa sinabi nito. "Mukhang nawala ang singsing sa swimming pool. Nakita mo naman diba na parang may hinahanap siya sa ilalim ng tubig nung napasigaw siya kanina? Hindi niya agad mahahanap yun kung ganung kalalim ang swimming pool." Sa estimate ni Rafayel sa swimming pool ay lumalim ito hanggang sa 10 feet kung saan nagposition kanina si Gerry na parang may hinahanap. "I don't c
Geraldine's Point of View* Pinitik niya ang noo ko na kina-aray ko. Nandidito kami ngayon sa kwarto at pinapa-dryer niya ang buhok ko. Napapout ako habang nakatingin sa kanya. "Anong napasok sa isipan mo na kunin ang singsing na yun sa ilalim ng tubig ha?" "Uhmm... Nakita ko kasi na parang importante sayo ang singsing lalo na't galing pa ito sa kalolahan mo. Ayokong magalit ka sa akin, Hubby." "So balak mong magpakamatay sa ilalim ha? Paano kung di ako umabot sa pagligtas sayo! Nag-iisip ka ba?" Waaa bakit galit na naman siya! "Buhay naman ako diba?" "You! Kung gusto mong magpakamatay ay wag sa mansion ko." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sa totoo lang masakit sa puso ang sinabi niya sa akin ngayon. Napayuko na lang ako para matago ko ang sakit na sinabi niya. "Okay." "What?" "Don't worry, kung mamamatay man ako ay promise ko hindi sa mansion mo." Ngumiti ako sa kanya pero sandali lang. "Stupid." Agad na niyang niligpit ang dryer na ginamit niya sa buhok
Geraldine's Point of View*Wala namang abnormal sa kwarto niya. Ano ba ang tinatago niya dito? Wala namang secret door o ano pa. Habang naghahanap ako ay naglagay na din ako ng mga maliliit na CCTV dito at audio surveillance device para madali niyang marinig kung may biglang tawag si Mike.Napatingin ako sa ilalim ng kama nang may napansin ako na parang nakadikit doon."Ano yun?" mahinang ani ko at dahan-dahan na pumapasok sa ilalim.Nang biglang bumukas ang pintuan na kinatama ng ulo ko sa higaan."What are you doing?"Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Mike. Teka bakit di ko napansin ang footsteps niya!Dahan-dahan ko siyang tiningnan at napangiti ako at napaupo sa sahig."Nahulog ang tali ko sa buhok."Napahawak ako sa ulo ko nung tumama kanina sa steal sa ilalim."Tumayo ka diyan malamig ang sahig.""Okay.."Umupo ako sa higaan at nakita ko na magbibihis siya kaya agad akong lumapit sa kanya."Ako na ang mamimili ng susuotin mo.""May lalakarin ako."Natigilan naman ako s
Geraldine's Point of View* Nakatingin ako ngayon sa mga magaganda niyang mga mata dahil ang lapit talaga ng mukha niya. Dahan-dahan namang bumaba ang mga mata ko papunta sa labi niya at biglang bumalik sa ala-ala ko ang paghalik niya sa akin nung nasa ilalim kami ng tubig kanina. "Natulala ka?" Napatingin ako pabalik sa mga mata niya. "Ha?" Pinitik niya bigla ang noo ko na kinalaki ng mga mata ko at napapout dahil ang sakit nun! "Bakit mo na naman akong pinitik sa noo!" "Tsk, pervert." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at napalayo siya sa akin at umayos ng tayo at ako naman ngayon lang nag-sink in sa isipan ko ang sinabi niya sa akin. "Ako? Hindi ako pervert!" Tumalikod siya sa akin at nanatili pa din ako sa position ko ngayon habang gulat na gulat pa ding nakatingin sa kanya. "Hihintayin ko ang sagot mo sa tanong ko kanina." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Naalala ko ang tanong niya na kung bakit daw ako tumakas kung pinili ko siya bilang asawa ko. "Tumay
Geraldine's Point of View*Nasa airport na kami at nasa loob pa din kami ng sasakyan at alam niyo na ten minutes palang kami dito ay nakakabingi na ang katahimikan dito.Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin. Sa phone niya at ako naman ay nakasimangot at syempre wala akong dalang phone dahil akala niya na mahirap ako diba?"Uhmm, hubby."Napatingin naman siya sa akin. "What is it?""Pwede bang sa labas ako? Alam mo naman na di ako pwede magtagal sa loob ng sasakyan. Gusto ko ng fresh air, ganun ba.""Ayaw mo sa pabango ng sasakyan ko?"Nanlaki ang mga mata ko at agad napa-iling iling dahil sa sinabi niya."Ah hindi, you know may sickness ako sa mga cars lalo na pag-aircon."Napabuntong hininga siya at nagsign sa mga bodyguards niya."Go."Napangiti naman ako at agad naman akong pinagbuksan ng bodyguard niya ng pintuan at nakahinga naman ako ng maluwag. Ang totoo ay awkward sa loob ng sasakyan na makasama siya.Napatingin naman ako sa ibang bodyguards na naging active sa paligid
Geraldine's Point of View* "I didn't know that you're here." Natigilan ako dahil sa narinig at napakamao ako. Imposible na makikilala niya ako agad. Eh grabe naman ang disguise ko hindi lang niya ako makilala. Dahan-dahan akong napatingin sa gilid ko at nakahinga ako ng maluwag nung nakita ko na hindi naman ako ang tinawag niya. May kausap siya sa gilid niya. Napatingin naman ako sa labas nang matigilan ako nang makita ko si Mike na nakatingin sa akin kaya patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya at yung pagkakayakap ko sa kanya ay dala pagyakap ng mga paa ko sa bewang niya. Nanghihina ang tuhod ko ngayon kaya nagpapabuhat ako sa kanya. At mabuti nakuha naman niya ang gusto kong gawin at inanalayan niya ako sa pagbuhat. "Hubby, alis na tayo," mahinang ani ko sa kanya. "Hmm..." Lalakad sana siya nang biglang may nagsalita. "You must be Mr. Muller, right? Yung sikat na CEO?" Nanlalaki ang mga mata ko dahil narinig ko ang boses ni Josh. "Yes, I am, Mr.