Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
Geraldine's Point of View* Lumakad na kami paalis sa meeting room para hindi maghinala sa akin si Mike pero hindi ko inexpect ang pagtawag niya sa akin. "Miss?" Natigilan kami sa paglalakad dahil alam ko na ako ang tinatawag ni Mike. Napalunok ako ngayon at dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya at binitawan ko ang kamay ni Josh. "Mr. Muller?" Nakita ko na ang lapit na niya sa akin ngayon! At huminto siya sa harapan ko at tiningnan niya ang ID ko na kinatingin ko din doon. "Jerah Sanchez?" "Yes, Mr. Muller." Iniba ko talaga ang boses ko para hindi niya ako mahalata at tiningnan ko ang mga mata niya ngayon na parang binabasa ang boung katauhan ko. "Do you need help? Hinaharass ka ba ng lalaking ito?" Balita pala sa boung Pinas ang pagtakbo ko sa kasal namin dahil sa mga babae niya. "You!" Pinigilan ko naman si Josh at sinamaan siya ng tingin. "Mag-uusap lang po kami para malinawan po sa lahat." Tiningnan niya ako sa mga mata ko at hindi din ako nagpapatalo. "Anong
3rd Person's Point of View* Naglalakad siya pabalik sa opisina kung nasaan naghihintay ang Asawa niya ngayon. Pero habang naglalakad ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. Habang nakatingin sa babaeng nakaharap niya kanina. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang matigilan siya bigla sa paglalakad at natigilan din ang kanang kamay niya na si John. "Boss?" "Bagong employee ba si Miss Jerah Sanchez?" walang emosyong ani ni Mike kay John. "Titingnan ko po sa information sa HR po." Kinuha niya ang tablet niya at hinanap niya ang pangalan ni Jerah Sanchez at napakunot ang noo niya nung makita sa information sa kompanya nila na walang nagpapangalang Jerah Sanchez na nagtatrabaho sa kompanya nila. "Wala pong nakapangalan ng ganun, boss." Napakamao si Mike sa sinabi nito at mabilis na tumakbo papunta sa opisina kung nasaan ang Asawa niya at pagbukas niya ng pintuan ay wala siyang nakikitang Gerry sa loob ng opisina. "Boss? Ano pong problema? Ire-report na po ba natin ang
Geraldine's Point of View* Nakatingin ako ngayon sa mga mata ni Josh. Alam mo Gerry, bakit yun ang sinuot mo sa kasal mo kay Mike? Nagiging b*bo na ba ako? Emergency situation na kasi ang nangyayari kaya ganun... "Pinahiram ko si Mrs. Muller." Natigilan naman siya sa sinabi ko. Yun talaga ang lumabas sa bibig ko? "Pinahiram mo siya? Hindi ba't sobrang yaman ni Mrs. Muller?" "That's an emergency situation. Hindi niya matanggap na ikakasal si Mr. Muller sa magiging Asawa niya. You know may past relationship silang dalawa tapos ikakasal si Mr. Muller sa ibang babae." Pwede na akong maging novelist nito ha. "Ganito kasi ang nangyayari." Ipapaliwanag ko sa kanya ang nangyayari para mas lalo siyang maniwala sa akin. Kailangan niyang malaman ang nangyari sa gown niya dahil ang mahal din nun kaya i-explain natin sa kanya. 3rd Person's Point of View* Ipapaliwanag kuno ng Bida natin ang nangyari kuno sa kanya. Nung tumakbo siya palabas ng hall ay nakita niya si Miss Geraldine nun
Geraldine's Point of View* Damn this bastard! Sakal-sakal pa din niya ako ngayon. "You're mine at walang ibang aangkin sayo at ako lang. Jerah, ito ang tatandaan mo. I will kill those who can stop us at papatayin ko din ang mga babaeng naging sagabal sa lahat ng plano ko!" May plano pa talaga ang lalaking ito! Mga inosente ang lahat ng mga naging biktima niya at nakita ko ang mga record interview nila at sobrang kinurot ang puso ko sa mga naririnig at may iba na ginawang s*x slave ng demonyong ito. "Try that o baka ako ang unang magpapatumba sayo. Hindi ako kailanman magiging sayo dahil ginamit lang kita or in short pinerahan lang kita." "I don't care! Wala akong pake kung pinerahan mo ko o hindi. You're mine, Jerah." Akmang hahalikan niya ang labi ko pero agad kong tinuhod ang alaga niya na kinasigaw niya sa sakit. Wala akong emosyon na nakatingin sa kanya habang nakahiga sa sahig. "Hindi mo kailanman magagalaw ang mga biktima mo," walang emosyong ani ko sa kanya. Biglang bu
3rd Person's Point of View* Walang emosyong naglalakad si Mike papasok ng restaurant. Kasama ang mga gwardya niya at nakikita na din niya ang mga police car sa labas at biglang may humarang sa kanya sa may entrance. "Sire, pasensya na po sandali po munang pinapasara sandali ang restaurant." "My wife is inside." Nagkatitigan naman sila at napatingin ang mga police sa mga bisita na inilagay sa isang room. "Anong pangalan po ng asaw---" Lumakad na papasok si Mike na kinagulat ng mga police at agad siyang pinigilan ng mga ito. "Sire, hindi nga po kayo pwede pumasok!" "Ako na ang bahala sa bagay na ito." Napatingin naman sila sa gilid at ito yung detective na kaibigan ni Astraea na si Detective Aldren. "Oh, Mr. Muller, it's nice to see you here. Sino ang hinahanap ninyo po?" "My wife." "You mean si Mrs. Geraldine? Ah oo nakikita ko siya kanina nag-te-take out siya ng foods sa counter." Napakunot naman ang noo ni Mike sa sinabi ni Aldren. "What?" Lumakad na ulit si Mike papas
Geraldine's Point of View* Nakakunot ang noo ko dahil iba ang daanan namin ngayon at hindi sa kompanya niya o sa condo na tinitirhan muna namin. Napatingin ako sa kanya na wala pa ding emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa labas na kinalunok ko pa din. Ano ba ang nalaman niya? Bakit ganun ang mukha niya? Dahan-dahan akong napatingin sa labas ng bintana at siniksik ko ang sarili ko doon at napakagat sa labi ko. May nalaman na ba siya tungkol sa pagkatao ko o may nasabi ba sa kanya si Josh? "Dammit..." mahinang bulong ko habang nakatingin doon sa malayo at napakamao pa ako. Ano ba ang nakaligtaan ko? Napatingin ako sa singsing na sout ko ngayon. Syempre hindi ko yun nakalimutan. Isang beses ko na itong nawala noon sa swimming pool at di ko na ulit iwawala ito sa susunod. "Wife." Napatingin naman ako sa kanya na nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Why are you cursing?" Di ako sumagot at tumingin ako sa labas at ako na naman ngayon ang hindi pumapansin sa
Geraldine's Point of View* "W-What did you say, wife?" Tiningnan ko ang mga mata niya ngayon. "Kung ayaw mo na sa akin ay maghihiwalay na tay--" "No, ayoko. Never na mangyayari ang bagay na yun, wife." Naging seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin at hinawakan niya ang kamay ko na parang ayaw na niyang bitawan ang kamay ko ngayon. "Lumalamig na kasi ang trato mo sa akin akala ko ayaw mo na sa akin. At naging mahina ako kanina at akala ko parang nawala ang pagka gusto mo sa akin dahil sa bagay na yun." Napahawak naman siya sa ulo niya at dahan-dahan na niyakap niya ako ngayon. "Wife, my love for you has never faded. I'm sorry if I haven't shown it enough, but you are still my heart, my home. I love you more today than yesterday, and I will love you for a lifetime." Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa sinabi sa akin ni Mike at naramdaman ko din ang bilis ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa akin at ganun din ako sa kanya. Damn, mas lalo atah lumalala ang pus
3rd Person's Point of View* Sa kulungan ay nakatulala ngayon si Josh habang nakatingin sa dingding. Pilit niyang sinasabi sa sarili na hindi totoo ang mga nalaman niya kanina. "No, hindi iyon magagawa ni Jerah. Impossible na isa siyang agent. Hindi ako naniniwala sa bagay na yun." Hinawakan niya ang litrato ni Jerah nung nag pic silang dalawa. "She loves me so much! Hindi ako naniniwala sa bagay na yun!" Napatingin naman ang mga kasamahan nito sa kanya at kilalang kilala siya ng mga ito. "Rape ang kaso niyan diba?" "Oo. Ano, ang gagawin natin sa lalaking iyan? Mukhang nababaliw na atah oh." Wala siyang pake sa mga taong nakapaligid sa kanya at nakatingin lang siya sa litrato ni Jerah. "My love, I will do everything makalabas ako at lalayo tayo sa bansang ito." "Hindi ka na makakalabas oi. Wag ka ng umasa sa bagay na yun." Napatingin naman siya sa mga lalaking nakapaligid sa kanya ngayon. "Hindi ka mahal niya. Wag kang umasa sa bagay na yan. Ginamit ka lang niya para mahuli
Geraldine's Point of View*Nakatingin ako ngayon kay Mike na nag-aalalang nakatingin sa akin."Kaya nga sinabi ko na hawakan kita dahil alam ko na maiiwan kita at mawawala ka sa sobrang laki ng mansiong ito."Hinawakan niya ang kamay ko at mukhang pinaparinig niya talaga ang lahat ng iyon sa mga tao na nandidito."O-Okay."Tinabunan niya ako sa mga taong nandodoon at pinunasan niya ang mga mata ko. Hindi ko pala namalayan na umiiyak na pala ako. "Sorry.""I understand.""Mr. Muller, ayos lang po ba riyan?" rinig na ani ng butler namin sa taas ng hagdanan."Yes."Inilagay niya sa damit niya ang kamay ko para humawak ako roon."Ayos ka na?"Ngumiti ako at dahan-dahan na tumango.Lumakad na kami paakyat sa hagdanan at nagpatuloy na rin sila sa paglakad papunta sa lugar kung saan kami papunta.Nakarating kami sa isang pintuan at nakita ko na isa pala yung opisina.Pumasok na kami sa loob kasabay si Butler at sinirado nito ang pintuan ay nasa labas ang mga bodyguards at mga katulong."Mas
Geraldine's Point of View* Nakarating kami ngayon sa malaking gate at nakakalula sa sobrang taas nun. At gold pa ang kulay ng gate. "Totoo ba yan?" mahinang ani ko habang nakatingin sa gate. Kung ipe-prenda ko kaya ito ay mga magkano kaya? "Yes, gusto mong i-prenda?" Napatingin ako kay Mike at mahina na tumatawa pero natigilan ako sa sinabi niya. "Totoong gold, hubby?" "Oo nga." "Shocks! Gold na sa gate pa lang eh ano na kung sa loob?" "White gold and yellow gold ang makikita mo roon." "Daebak!" "Teka lang... Wife, ubos na ba ang allowance mo?" Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Uhmm... Meron pa naman. Sobra-sobra pa nga iyon." "Kung sobra yun... Eh bakit naghahanap ka pa ng isasangla?" Oo nga noh? Bakit ba ako naghahanap? "Sa isipan ko ganun eh. Mukhang nakasanayan na." "Fine, fine, dadagdagan ko ang allowance mo mamaya." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Hubby, di na kailangan. Marami na yun at hindi ko na alam kung ano ang gagastusin ko sa pera."
Geraldine's Point of View* Nakarating na kami sa port ng island at tahimik lang akong nakasunod sa mga likod ni Mike. "Welcome back, Mr. Muller." "Hmm.." Napatingin naman sila sa akin na nasa likod ni Mike at ngumiti naman ako sa kanila. "Mr. Muller, sino po itong kasama ninyo? Ngayon lang po namin nakita. We need to know her identification." Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ko naman alam na strict talaga dito. Pero nevermind, dapat lang noh. "She's my personal assistant." "Her identification?" Hala ang strict nga! "Wh---" "Here, sir." Inilahad ko sa kanila ang ID ko at mabuti dinala ko ang identification ko bilang Girlie noon na nagtatrabaho bilang assistant sa company ni Mike. "Palagi po akong kasama ni Mr. Muller sa company." Napatingin naman ang tauhan kay Mike. "Mr. Muller, may alam po ba siya tungkol sa island na ito?" "Yes, I want her also na pumasok sandali sa school dito kasi gusto niyang subukan ang competition sa phantom syndicate. Welcome naman ang lahat
Geraldine's Point of View* Nakasakay kami ngayon sa yatch ni Mike papunta sa island ng pamilya namin. Hindi ko alam na may island pala kami. Ang yaman naman atah ng pamilya ko at lalo na itong lalaking ito may pa-yatch pa. Maaga kaming sumakay sa yatch dahil mga pitong oras ang travel papunta doon sa island namin. Exclusive pala ang island na iyon at para lamang iyon sa mga assassins. Oh diba? Delikado ang lugar na yun. Nakatingin ako sa dagat habang nakatayo sa gilid at hinahayaan ang hangin na tumama sa mukha ko. Nang naramdaman ko na may yumakap sa likuran ko at nung tingnan ko ay nakita ko si Mike. At pinatong niya ang jacket sa balikat ko at niyakap niya ako sa likuran ko. At naramdaman ko na hinalikan niya ang leeg ko at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. "Baka mahulog ka, wife." "Nahulog na ako sayo." Humarap ako sa kanya at nakita ko na napangiti siya at dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko. "Wife, ipagpapatuloy mo ba ang disguise mo roon?" Napangiti ako
Geraldine's Point of View* Natigilan ako nang makita ko sa di kalayuan. Nakita ko ang dad ko na nakahiga sa sahig at nagkakagulo ang paligid. "Dad!" Agad akong lumapit sa kanya at tiningnan ko siya. Napaluha ako bigla nang makita ko na nag-aagaw buhay na siya ngayon. Paano nangyari ang bagay na ito? "Daddy, lumaban ka, please! Hindi pa tayo nag-uusap ng maayos." Dahan-dahan naman niyang hinaplos ang pisngi ko at ngumiti kahit namimilipit na siya sa sakit. "N-No, hihingi pa ako ng tawad sayo at mamamasyal pa tayo, dad." "My Princess... gusto ko ring gawin ang lahat ng iyon. Pero mukhang limited na ang oras ko ngayon. Pasensyahan mo na ang dad mo dahil ginawa ko lang yun para protektahan ka." "Ayos na po yun. Okay na tayo and please, don't leave me like mom." Naamoy ko ang dugo at napatingin ako sa tiyan niya at malaki ang hiwa doon na ginawa ng mga kalaban. "Mahal na mahal kita, anak. Mukhang kailangan ko na ring mamahinga dahil matagal na akong hinihintay ng mom mo at isa pa
Geraldine's Point of View* "Hindi namin alam na ganito pala ang Asawa ni Mr. Muller! Woah! Nagseselos ako sa Asawa niya! Sana all!" "Makikita mo talaga na in love na in love si Mr. Muller sa kanya." Napatingin ako sa mga tao na nakatingin sa amin. Wala ba kaming private moments dito? "Ehem... Pwede naman siguro na akin lang ang Asawa ko diba? Date namin ito kaya wag kayong epal." Kunot noong ani ko sa kanila. Napatingin naman ako kay Mike na parang natutuwa pa sa pinagsasabi ko dito. "Please, kailangan naming ng time ng Asawa ko na mag-date." Napatango naman ang mga tao at agad naman silang lumakad at nakahinga na lang ako ng maluwag. "Okay na, wife. Moment na natin ngayon dito." Napangiti naman ako at napatango. "I want Mr. Penguin now." "Okay, fine, fine. Kailangan muna kumuha ng card." Tumango naman ako at lumakad na kami sa cashier at binayaran na niya bago kami pumunta sa claw machine. "Go, hubby!" Natawa naman siya at nakailang try naman siya nang makita ko na nagi
Geraldine's Point of View* Naglalakad kami ni Mike sa mall at syempre patuloy pa rin namin ang date namin. Date sa umaga hanggang hapon tapos labanan sa gabi. O diba? Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad at napagdesisyonan namin na hindi na muna kami mag-di-disguise. Kahit weird at hindi ako sanay pero sasanayin ko sarili ko dahil hindi naman ako nag-iisa. Dalawa naman kami. Kaya heto ngayon habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Sinong hindi mapapatingin sa Asawa ko? Ang gwapo-gwapo niya sa sout niya ngayon at mas lalo atah akong nahuhulog sa kanya. At ako naman ay naka white dress naman ako at nakasapatos para sa pagtakbo namin mamaya kung may mangyayari man. "Hala nandidito si Mr. Muller!" Hindi namin pinansin ang mga taong nakatingin sa amin. "Saan tayo pupunta ngayon, wife?" "Hmm... Arcadeeee!" Natigilan naman siya at napatakip siya sa bibig niya at pinigilan niya ang sarili niya na kumilig. Jusko! Alam ko na lahi mo, Muller! May be
Geraldine's Point of View* Ilang players na ang bumagsak sa sahig dahil may bet itong Asawa ko na kung sino ang makakatalo sa akin ay mananalo within 1 hour sa gitna ng ring. Isa-isang kinukuha naman ang mga wala ng malay sa ring may mga pumapasok pa ring mga players. "Bakit hindi ka napapagod?" Mabilis niya akong inatake at napaiwas na lang ako at na-out of balance naman siya kaya hinayaang ko na lang mahulog sa ring at ibig sabihin nun ay wala na siya sa laro. "Hindi ka atah tao!" Mahina naman akong napatawa dahil sa sinabi nung isang lalaki. "Hmm... noon iyon na hindi ako tao pero ngayon ay tao na ako wag kayong mag-aalala." Nanlalaki naman ang mga mata nila dahil sa sinabi ko at sabay-sabay naman silang lahat na umatake at napa-smirk naman ako at isang iglap ay nawala ako sa harapan nila at ayun nga nagbungguan silang lahat na kinapikit ko na lang. "Uhmm... sorry?" Napatingin naman sila sa akin sa unahan na nakatayo sa gilid ng stage. "P-Paano..." "L-Lumaban ka ng patas
Geraldine's Point of View* Naglalambingan kami ni Mike dito sa park nang makita ko na may limang lalaki na may hawak na binatilyo. "Wag na wag kang magnanakaw. Alam mo naman na masama ang bagay na yan diba? Ipapatawag natin ang mga magulang mo." "Bitawan mo ko!" Mabuti nahuli nila ang binatilyong iyon. Marami na talagang mga ganitong tao sa boung mundo. Napatingin ako sa kanila at dinala nila ito sa mga pulis. Mukhang mga tagabantay sila dito sa park para sa kapayapaan. Nabalitaan ko na walang sweldo ang mga ganito. Parang incentives lang atah ang binibigay sa kanila pero mabuti na din iyon dahil wala na masyadong krimen kung walang pulis dito. Napangiti na lang ako at napatingin sa kalangitan. Napabuntong hininga na lang ako. Ang sarap sa pakiramdam lalo na nasa likod mo ang taong mahal mo na mahigpit na yumayakap sayo. Napatingin naman ako kay Mike na nakayakap pa din sa likuran ko habang naka-rest ang ulo niya sa balikat ko. "Hubby, are you sleeping?" Tiningnan ko siya at