Share

Chapter 39 The Rescue

Nang makarating sa gubat ay nagtulungan silang lahat para mahanap si Peruvian. Katunayan, si Michael at ang mga tauhan nito ang gumawa ng paraan. Sila ang may alam sa pasikot-sikot doon kaya hindi sila nahirapan na ma-track ang mga patak ng dugo sa daan.

"Sir! Nandito po!" sigaw ng isang tauhan ni Michael sa isang banda. Kasama pa rin nito ang alagang aso. Tahol ito nang tahol sa oras na iyon. Nang makita sa itaas ng puno ay nandoon nakalambitin si Peruvian. Duguan ito at halatang walang malay. May saksak ito sa bandang tiyan.

"Madali kayo!" sigaw pa nina ginoong Jaranilla nang makita ang apo.

Tulong-tulong sila para makuha ang katawan ng binata sa itaas. Nang maibaba nila ito ay doon lang nila nabasa ang isang papel na nakalagay sa bulsa ng pantalon nito.

It's just started...

Laking-gulat nila sa nabasa. Alam nilang isa lang itong diversion plan ng kalaban. Hindi si Peruvian ang target...dahil kung ito man ang target, dapat ay tinuluyan na ito ng sinuman, at hindi dinala sa malayong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status