”Catherine Jones, baliw ka!” Sigaw ni Rebecca at wala sa isip na sumugod para balikan ito. Binigyan siya muli ni Elle ng panibagong sampal sa kabilang pisngi nito, na naging dahilan kung bakit walang masabi si Rebecca dahil sa sakit.Masama niyang tinitigan si Catherine pero hindi na naglakas ng loob para humakbang paharap.Nginitngit ni Catherine ang ipin niya. “Kahit si Jeffery ay kaya kong sampalin, ikaw pa kaya. Kung hindi mo mag-iisipang mabuti ang mga salita mo sa susunod, bubogbugin kita hanggang sa matuto ka.”Pagkatapos, tinulak niya si Rebecca sa gilid at naglakad na paalis nang nakangiti.Hinawakan ni Rebecca ang pisngi niya, umapoy ng pagkamuhi ang mata niya.‘Catherine Jones, maghintay ka at makikita mo. Personal kitang papatayin isang araw.’...3:00 p.m.Sa ika-17 na palapag sa gusali, isang meeting ang kasalukuyang nangyayari.Ang general manager, Larry Chaplin, ay umupo sa dulo ng lamesa, sinundan ng senior management ng Hudson.Sinabi ng deputy manager Wol
”Ituloy na natin ang meeting. Anong pinag-uusapan niyo?” Hindi siya pinatapos ni Catherine at tumingin sa mga tao nang walang ekspresyon.“Pinag-uusapan namina ng disenyo sa developmental project. Naka-isip si manager Jones ng kaunting ideya. Sa tingin ni General Manager Chaplin at ng natitira sa amin ay maganda ito.” Hindi kompurtableng pinasa ni deputy manager Wolfe ang mga disenyo.Tumigil si ang pagtibok ng puso ni Rebecca. Hindi niya naisip na magpapakita si Catherine. Malamang ay makikilala ni Catherine ang mga disenyo na iyon.Ngunit, wala na siyang pakialam. Kahit na sabihin ni Catherine na ninakaw ni Rebecca ang mga disenyo walang maniniwala sa kanya. Mas kukutyain lang siya ng mga executives. Kinuha ni Catherine ang mga disenyo at binulungan ng mga salita si Elle.Pagkatapos, tumango si Elle at lumabas, tumuloy si Catherine, “Maganda nga ang mga disenyo. Na print pa ito ng 1:00 a.m. ngayong umaga. Manager Jones, mukhang late ka natulog para idesenyo ang mga ito.”“Oo,
Masama ang ekspresyon ni Larry. “Kung si Chairman Jones ang nagduda sa abilidad ko, saka mo ako pwedeng tanggalin.”Tumingin siya ng diretso kay Catherine nang matapos siya magsalita. Hindi siya naniniwala na meron siyang lakas ng loob para gawin iyon. Ang mga board of directors ay hindi siya kakalabanin.“At bakit naman iyon? General Manager Chaplin ang performance ng kumpanya ay tumaas ng malaki. Natural lang na maniniwala ako sa’yo.” Biglang ngumiti si Catheriine. “Ikaw ang magtatapos ng meeting na ito.”Saka, tinapos niya ang sinasabi niya at umalis na.Mapahamak siyang tinignan ni Larry. Sino siya sa tingin niya? Mas may karanasan naman ito kaysa sa kanya.Ngunit, pagkaalis na pagkaalis ni Catherine, ang asawa niya ay biglang pumasok at sinampal siya sa mukha.”“Larry Chaplin, P*tangina ka! Sino ka sa tingin mo para magkaroon ng kabit sa labas?”“Kung hindi kita pinakasalan noon, makakapasok ka ba sa Hudson?”“Ngayon sa tingin mo mas magaling ka, da tingin mo ba masyado na
”Wala akong pakialam hanggang gusto niya ‘yun. Oo nga pala, nasa kulungan si Rebecca Jones. Tratuhin mo siya ng ayos ha.”Kumislap ang mata ni Shaun nang may malamig na hangarin.Lahat ng pagdurusa ni Catherine kay Rebecca ay bumalik sa kanya at dinala siya sa kulungan....Sa susunod na araw, ang balita tungkol sa kabit ng general manager ng Hudson ay kumalat sa buong network.Galit na galit si Larry Chaplin. Tuluyan nang nasira ang reputasyon niya.Ang mga litrato na nakikipaghalikan siya sa kabit niya sa publiko ay nakakalat sa buong lugar at kahit ang bidyo na binubugbog niya ang asawa niya ay kumalat din.Libo-libong komento sa internet ang pumupuna sa kanya araw-araw.Sa opisina ng chairwoman, pumasok si General Manager Chaplin na galit na galit at tinuro ang ilong ni Catherine. “Ikaw ba ang may gawa nito? Kinalat mo ang bidyo sa meeting room, hindi ba?”“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” umupo si Catherine nang may pagsisising ekspresyon. “General Manager Chaplin, hindi k
Sa loob lamang ng isang linggo, mabilis na inayos ni Deputy Manager Wolfe ang lahat sa Hudson. Tinanggal niya ang mga nasa top management na laban kay Catherine.At si Rebecca, ay natanggal din sa trabaho.Gayunpaman, hindi alam ng babae ang isyu na nangyayari roon.Nang nasa detention center pa siya, binugbog siya ng mga bilanggo at binuhusan ng malamig na tubig araw-araw. Dahil dito, ang kanyang balat ay talagang napinsala.Matapos magdusa ni Rebecca ng pito hanggang walong araw, walang tigil siyang niligtas ni Jeffery mula sa detention center matapos gumastos ng sampung milyong dolyar.Lumabas siyang nakakarga.Nang mapansin ang kanyang namamagang mukha, niyakap siya ni Sally at mapait na umiyak.“My darling, anong nangyari sayo? Sino ang bumugbog sayo? Hindi ko hahayaang makawala ang taong iyon.”“Dad, Mom, dapat kayong maghiganti sa ngalan ko. Talagang sobrang masakit… Boo-hoo.”Ang mukha ni Rebecca ay sobrang sakit na hindi niya magawang tumingala.Ang namamagang mukha
”Medyo madali makuha muli ang kapangyarihan,” Sinabi ni Stephen sa isang iglap.Tinamaan ng komento, si Jeffery at ang kanyang pamilya ay masidhing mabuti na tumitig sa lalaki.“Stephen, sabihin mo agad sa amin. Pamilya tayo,” Agad na sinabi ni Rebecca, “Sa oras na bumaba sa pwesto si Catherine, pakakasalan kita.”Pinakitid ni Stephen ang mga mata niya. “Si Willie Hill mula sa pamilyang Hill ay pupunta sa Melbourne para sa inspeksyon. Hangga’t mapapasaya mo siya, ang top management at directors ng Hudson ay nasa tabi mo.”Kuminang ang lahat ng mga mata nila.Nanginig si Jeffery sa pagkabalisa. “Ang pamilyang Hill ay ang pinakamakinang na pamilya sa buong Melbourne. Kahit na si Willie ay hindi direktang tagapagmana ng pamilyang Hill, maitatas natin ang ating estado basta’t magkaroon tayo ng ugnayan sa mga Hill. Sa kasong ‘yun, hindi na tayo magugulo ni Catherine.”“Maganda ang tunog niyan.” Tumango si Stephen. “Dahil ang assistant ni Willie ay may relasyon sa pamilya ko, pagsisilb
Nanatiling tahimik si Shaun. Tinaas ng lalaki ang kanyang kilay habang nakatingin kay Catherine, nagtataka kung paano ipakikilala ng babae ang lalaki.“Siya ang boyfriend ko,” Direktang sagot ni Catherine.“Alam ko ang intensyon ng lolo mo, Young Master Irvine, pero in love na ako sa isang tao. Pakiusap sabihin mo rin sa mga direktor na busy ako. Wala akong oras para ubusin sa mga young masters na kagaya niyo.”Ayaw sumuko, sinabi ni Young Master Irvine, “Matalinong tao ka. Mas magandang isipin mong mabuti. Kapag nagpakasal ka sa pamilya ng direktor sa kumpanyang ito, pareho tayong makikinabang. Sa opinyon ko, wala ang boyfriend mo kundi itsura. Hindi siya magandang kapareha para sayo.”Nagdilim ang mukha ni Shaun habang ang sulok ng bibig ni Elle ay bayolenteng kumibot. Tinignan ni Elle si Young Master Irvine bilang kakaibang lalaki.“Salamat sa payo mo, pero in love ako sa kanya. Wala nang magagawang nahulog na ko sa kanya, at siya ang karapat dapat sa pagmamahal ko. Pakiusap um
”Wala akong pakialam. Kailangan mong pumunta doon o magagalit ako sa’yo at hindi kita papansinin.” Ngumuso si Catherine ng malaki.Wala nang masabi si Shaun sa pagiging hindi makatwiran ni Catherine.Dahil doon, naglakad siya papunta doon at nag-atubiling umupo.Pagkatapos ng sampung minuto, hinawakan ni Catherine ang family bucket meal na may kasamang fries, maanghang na chicken burger, at ice cream.“Kainin mo itong chicken burger. Masarap iyan.” rekomenda ni Catherine sa kanya ng masigasig.“May ipapakita ako sa’yo.” Kinuha ni Shaun ang phone niya at nag-swipe sa isang page na naglabas ng hindi magandang balita tungkol sa KFC. saka, pinasa ito kay Catherine. Pagkatapos tingnan ang litrato na nagtatampok ng manok na may ilang pirasong pares ng pakpak at higit sampung paa, mapuno ng pandidiri si Catherine. “Shaun, pwede bang ‘wag kang KJ?”“Ito ang klase ng bagay na may kasamang malaking amount ng toxic na rekados. Pagkatapos ngayon, hindi ka na pwedeng kumain ng ganitong klas