(Andrew's POV)
"Everything has a Reason."
"Andrew ang papa mo inatake sa puso." Agaran akong napauwi sa amin at nagtungo sa hospital kung saan dinala si Dad. Pagkarinig ko pa lamang sa sinabi ng tito ko ay hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan siya.
"Drew!" ang tawag sa akin ni Mama habang namumugto ang kaniyang mga mata. Nilapitan ko siya na may mabigat na paghakbang. Tila nanlalambot at nanghihina ang buong katawan ko sa biglaang pangyayari.
Niyakap niya ako ng mahigpit at doon ko lang narinig ang malakas na paghagulgol ni Mama. Halos nasa loob pa rin ng ICU si Dad at ang sabi sa amin ng doktor ay may chance daw na maparalyze ang buong katawan niya.
Nang marinig ko ang tungkol doon ay para akong binagsakan ng malaking pader
"When you truly care for someone, their mistakes never change your feelings, because it's the mind that gets angry but the heart still cares." LIMANG buwan na ang nakakalipas magmula nung magtrabaho si Andrew sa isang restaurant. Habang nag-aaral naman ang nobya nitong si Mara sa unibersidad ng kolehiyo. Lingid sa kaalaman ng dalaga na hindi tumuloy ang nobyo nito sa pag-aaral dahil sa biglaang pangyayari sa kaniyang pamilya. Wala siyang kaalam-alam na araw-araw itong kumakyod sa pagtatrabaho at sinuko na rin niya ang sarili pangarap upang matustusan lamang ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Subalit, ang lahat ng lihim o sikreto ay mayroong hangganan. Naglalakad-lakad si Mara ng araw na iyon, kasama ang mga bago niyang kaibigan at kaklase. Kabilang na roon sina Roy at Ethan na napalapit na rin sa kanila. "Hoy, Roy! ano, saan mo ba kami ililibre?"
(SA RESTAURANT)Habang isa-isang inilalapag ng mga service crews ang mga inorder nila sa lamesa ay hindi naman maalis ang tingin ni Ethan sa dalagang katabi niya na si Mara.Ang sarap talaga niyang pagmasdan. Hindi siya nakakasawang titigan. Bulong nito sa kaniyang isipan. Saglit namang napalingon ang dalaga sa kaniya at nagtama ang mga tinginan nila sa isa't isa.Nagulat naman si Ethan at mabilis siyang iniwasan ng tingin."Hi, salamat! makakain na rin tayo." Ani ni Roy at saka nilantakan ang pastang nasa harapan niya.Nagsimula na rin kumain sina Mara, habang ninanamnam ang pagkaing inorder nila."Wow! ang sarap nitong carbonara nila!" namamanghang saa
Sometimes we create a walls around ourselves, not to keep people out but to see who cares enough to break them down." ***Mara's POVPagkauwi ni Mara sa kanilang bahay ay nadatnan na lamang niyang nakakalat ang mga gamit nila sa kung saan-saan na lang.May damit na nakasabit sa electric fan, may medyas sa nakakalat sa sahig, pares ng sapatos na nasa likuran ng pintuan pati sa ilalim ng lamesa, mga librong nakalatag sa lamesa at mga huhugasing plato na naghihintay na mahugasan sa lababo.&nbs
Pagkatapos makita ni Mara ang flyer ng restaurant na pinuntahan nila nuon ay kaagad siyang nagbihis at nagtungo sa nasabing lugar.Bawat paghakbang ay bawat pagbigat ng kaniyang dibdib at kabang nadarama.Halos hindi siya mapakali at natutuliro siyang malaman ang katotohanan sa likod ng paglilihim sa kaniya ng nobyo niyang si Andrew.Pagkasakay pa lamang niya ng jeep ay balisang-balisa na siya at panay ang pagtingin sa bawat paligid na kanila madaraanan."Bayad po." Ani ng isang pasaherong kasabayan l
Nagkukumahog na pumasok sa loob ng bahay si Andrew, nagtungo din siya kaagad sa kwarto ng kaniyang nobya subalit wala siyang nahagilap.Basang-basa ang buong niyang katawan nang dahil sa malakas na ulan. Maging ang suot nitong sapatos ay napasukan ng tubig sa loob.Apurahan kasi siyang tumakbo palabas ng restaurant upang madatnan lamang ang dalaga at makapagpaliwanag siya bago pa man lumubha ang hindi pagkakaunawaan nilang dalawa.Halos napaupo na lamang siya sa sahig at napabuga ng malalim na paghinga. Ramdam niya ang pag-agam agam sa kaniyang dibdib at lubos na pag-aalala sa kaniya.
Apurahang isinugod sa hospital si Andrew. Panay naman ang pagtulo ng luha sa mga mata ng dalaga habang inaalalayan siya ni Ethan sa braso."Mara, uminahon ka lang. Magiging maayos rin ang kalagayan niya." Mahinang isinaad niya sa dalaga sabay ipinatong ang kaniyang ulo sa dibdib ng binata. Tila nabigla naman si Ethan at bumilog ang kaniyang mata. Napakapit na lang siya ng mahigpit sa long sleeves jacket nitong suot.Nanigas siya na parang batong nakatayo lang roon at napalunok ng malalim sa laway niya."Mara, ta- tahan na. Huwag ka ng umiyak." Mautal niyang sambit, habang pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng kaniyang puso."Kasalanan ko 'tong lahat. Kung nakinig lang sana ako sa kaniya, hindi ito mangyayari sa kaniya ngayon." Mabigat siyang napahikbi at napayuko na lamang
Bumuti na ang kalagaya ni Andrew. Kalaunan ay nakalabas na rin siya ng hospital at nakauwi sa bahay nila. Ngunit hindi muna sila dumeretso sa bahay nila ng ni Mara, kun'di sa tahanan na kaniyang kinagisnan, kung saan siya lumaki at tumira kasama ang kaniyang mga magulang. Kasa-kasama pa rin niya ang nobya at magkahawak kamay silang tumuloy sa loob.Mula sa pintuan ay dama na ng dalaga ang sobrang kaba sa kaniyang dibdib na makita at masilayan ang kalagayan ng ama ni Andrew.Huminto siya sandali sa tapat ng pintuan, kung kaya't napalingon at napatingin ang binata sa kaniya."Mara, okay ka lang?" usisa niya nang mapansin niyang nag-aalinlangan itong pumasok sa loob."Hindi ko alam pero kinakabahan ako." Mahina naman niyang itinugo sa binata at siyaka
"Anong sinabi mo? dito tayong dalawa matutulog sa loob ng kwarto mo?!" halos nanlaki ang mga mata ni Mara sa gulat nang sabihin sa kaniya ni Andrew, na magkatabi silang matutulog ngayong gabi sa iisang kwarto.Napagdesisyunan kasi nilang dalawa na manunuluyan muna sila sa bahay ng magulang nito sa loob ng dalawang linggo. Subalit, hindi naman inaakala ng dalaga na magkasama pala silang matutulog sa dating kwarto nito.Hindi gaano kalakihan ang kama niya. Sakto lamang para sa iisang tao. Kung kaya't nangangamba rin ang dalaga, kung papaano siya makakatulog na katabi ito sa kama."Bakit? ano nam
"Paniguradong masaya na si Lolo Andrew, kung nasaan man siya ngayon." Ang winika ni Juanito sa kaniyang nobya habang nakatayo ito sa harap ng puntod ni Andrew."Siya nga pala, maaari ba akong magtanong tungkol sa lolo mo?" usisa ni Maria sa kaniya."Oo naman. Ano ba yung itatanong mo?" nakangiting saad nito sa kaniya."Bakit dito inilibing ang lolo mo, imbis sa tabi ng asawa niya?" tanong niya, sabay inakbayan siya sa balikat ni Juanito."Ang totoo niyan hindi talaga sila ikinasal dalawa. Nabuntis si Lola noon ng ex boyfriend niya at hindi siya pinagutan nito. Tinakbuhan siya nito at nagtago sa malayong lugar kung saan hindi siya mahahanap ni Lola." Ang tinugon niya sa kaniya."Ibig mong sabihin, hindi niya tunay na anak ang Papa mo?" aniya at saka naman tumango sa ulo si Juanito."Hindi man niya tunay na kadugo si Dad, pero itinuring niya kami na parang tunay niyan
(Andrew's Epilogue)Nabalitaan ko na lang mula sa mga dati naming mga kakilala at kaibigan noon, na namaalam na si Mara.Huli na nang malaman ko ito at limang taon na ang nakakalipas magmula ng pumanaw siya.Pasikreto akong tumungo sa puntod niya na walang ibang kasama, kun'di ako lamang mag-isa.Matanda na kasi ako at hindi na rin gaanong kalakasan ang mga buto't laman ko. Makalimutin na din ako at palagi akong naliligaw ng daan, kaya madalas akong sinasamahan ng apo kong si Juanito.Pero nung nalaman ko ang tungkol kay Mara ay inilihim ko sa kaniya ang plano kong pagpunta sa puntod niya.Ayokong makaabala pa sa kaniya lalo na't marami rin siyang inaasikaso tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan niyang si Maria.Sa araw na iyon ay tumakas ako sa bahay namin. Dala ang lumang pitaka ko na halos magsasampung taon na at isang pirasong rosas na binili ko lang sa batang naglalako ng
(Epilogue)"Masyado ba kitang pinaghintay ng matagal?" Bigla na lang napalingon si Mara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig."Ethan?" aniya na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Gumuhit naman ng malawak na ngiti sa labi ang binata at saka ito humakbang palapit sa kaniya. Halos natulala naman si Mara at hindi makapaniwala nang muli niyang masilayan ang mukha ni Ethan."Patawad kung pinaghintay kita ng kay tagal." Mahinang sambit nito sa kaniya.Bigla naman tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Mara, habang pinagmamasdan niya si Ethan."Siya nga pala, para sa pinakamamahal ko." Dugtong nito sabay inilabas mula sa likod niya ang isang palumpon ng mga rosas.Tinitigan muna ito ni Mara at saka siya gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi."Namiss kita ng sobra, Mara. Patawad kung iniwan kita ng mag-isa at pinaghintay
Mara's POVSumapit ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ethan, ang araw ng kasal naming dalawa.Kahit bumigay na rin ang kaniyang katawan at hindi na siya nakakakita pa ay tinuloy pa rin namin ang aming kasal. Hindi ako umalis sa tabi niya, katulad ng mga ipinangako ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at binantayan minu-minuto, oras-oras. Ayokong mawalay siya sa aking paningin kahit isang segundo lang o kahit sa isang kisapmata. Kung minsan ay napapaiyak na lang ako sa loob ng banyo at tinatakpan ang aking bibig, upang mailabas ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nalaman ko na lang din na tumungo na si Andrew sa ibang bansa, upang kamtin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang professional photographer.Hindi na rin siya naka-attend pa ng kasal naming dalawa, marahil ay dahil ayaw na rin niya akong makita pa. Pagkatapos kong bitawan sa kaniya ang masasakit na salitang iyon at mas nakakabuti na rin iyon para sa ikatatahimik naming lahat.
Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil
Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan
"Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa
Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa
Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni