Reveal the higads and traydors, queen.
Parang uod ang tatlo sa harapan ni Lorelay no’ng magising siya kaumagahan. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay habang natatawa sa gilid si Gregor. “God! I miss you, El.” Akmang lalapit si Zee nang harangan siya ni Gregor. Sumimangot ang gwapong mukha ni Zeebal at tumingin kay Lorelay. What is he doing? Tanong ni Zee habang nakatingin sa mukha ni Gregor na malapad ang ngiti sa kaniya. “Saan ‘yan napulot ni Lorelay?” bulong ni Ruchmoon kay Lee kaya agad siyang nasiko. “You dimwit! Lower down your voice.” Kahit pa magulungan sila ay naririnig pa rin sila ng dalawa. “Why Lorelay doesn’t move? Is she still a person?” Tumaas ang kilay ni Lorelay sa narinig mula kay Richmoon. “Idiot! Ano sa tingin mo?” galit at naiinis na sabi ni Lee. Bakit ba ako ngtitiis sa gagong ito? Naiinis na umalis si Lee sa tabi ni Richmoon at lumapit kay Gregor. “Are you her right hand?” Impressive. Komento ni Gregor sa kaniyang isipan habang nakatingin kay Lee. Tumango siya at saka gumilid. Saka pa sabay lu
This would be fun. Nakangiti si Lorelay habang pinapanood ang kinakabahang si teacher Han na tumatakbo papaalis ng bahay nila kasunod nito sina TG, Richmoon at Lee.“Hey! What was that?” tanong ni Zee na nalilito at walang ideya sa nangyayari.Si Teacher Han ang nakita ng mga bata noon kasama ni Vicente sa mga puno. Inakala ni Vicente na lalaki dahil sa balot ito at may sigarilyo pa sa kamay.But the twins are certain that it was teacher Han kaya sinabi nila ‘yon kila Lorelay kaya noon pa lang nagdududa na sila dito.“I don’t know. Sabi ko lang naman nakita siya ng mga bata na naninigarilyo. Wala namang nakakatakot doon. Women can smoke. Wala iyon sa gender.”Ngumiti si Lorelay kay Zee at nagpaalam. Nagkatitigan si Zeebal at Veron na mukhang naiintindihan na ang nangyayari.Umalis si Zee para sundan ang apat at nanatili si Veronica at sinundan si Lorelay sa kwarto nito.“Lor-““Sa karto tayo mag-usap,” sabi ni Lorelay kay Veron at pinagbuksan si Veronica.The young miss keeps on surpr
“Saan to ilalagay sissy?”“Pakisabit muna diyan, Gregor.” Utos ni Lorelay habang nagpapalit ng kurtina sa bintana.“Need help young miss?” tinaasan ni Lorelay ng kilay si Mr. Shein nang pumasok ito sa kwarto nila gamit ang bintana.“Hindi ko alam na si spiderman na pala ngayon ang asawa ko.”Natawa si Mr. Shein at agad hinigit si Lorelay sa bewang at siilin ito ng banayad na halik.Napakapit siya sa balikat ng asawa habang sinusuklian ang pagkikita ng labi nila.“Saan ka galing?” tanong nito matapos niyang putulin ang haIikan nila.“Dave is coming,” natigilan si Lorelay at kinabahan. Alam niya na kukunin ni Mr. Shein ang kapatid niya sa probinsya pero hindi niya aakalain na agad-agad iyon.“Is he still mad at me?” kinakabahang tanong niya.Umiling si Mr. Shein at ngumiti dito. “Nagtatampo pero hindi galit. Mahal ka no’n,”“Pero kinakabahan pa rin ako,”“Don’t be. Parang hindi mo naman kilala ang kapatid mo.”Matapos ang ilang taon, ngayon pa makikita ni Lorelay ang kapatid niya na si D
-Back to Paradiso-“Hindi ka pwedeng makakalabas,” nag-aalalang sabi ni Cindy.“Who says I can’t?” tanong ni Mr. Shein habang nakatanaw sa malawak na daanan ng Paradiso.“Papasamahan kita kay Pocholo.” Ani ng Don na ikinagulat ng dalawa.“Paano mo nalaman na nandito ako?”“You are my son, I ruled.” Matalinghagang sabi nito na para bang nasagot na nito ang lahat ng tanong niya kung paano nito nalaman na narito siya sa labasan.“I’m sorry.. Hindi ako mapakali.”“You trust him?”“Yes. Kaya gusto ko siyang makausap.”Wala ng sinabi ang Don at tinawag si Cindy. This is what Mr. Shein wants and the Don trust him.Unang araw na pumasok ang mag-ina niya at unang araw na lalabas din siya ng Paradiso para puntahan si Vicente.Nang makarating siya sa bahay nito, laking gulat ni Vicente nang makita siya.“Sir,”“Kaya mo bang ilagay sa kapahamakan ang pamilya ko Vicente?” natigilan si Vicente at nagulat sa diretsahang sinabi ni Mr. Shein sa kaniya.Yumuko ito. Matagal na siyang kinakain ng konsens
“Kuya, kumain ka muna.” Pang limang beses ng dumalaw si Dave sa kwarto ni Mr. Shein. Dalawang buwan na rin kasi itong nagkulong sa kwarto niya. “Tinatapos ko lang itong report, Dave. Kakain rin ako.” Hindi makatingin si Mr. Shein sa kapatid ng asawa niya at iginugol ang attention sa mga papeles sa harapan. Lumabas si Dave at tumingin sa mga tao sa labas na naghihintay ng sasabihin niya. “Ayaw pa rin?” Nag-aalalang tanong ni Lee dito. Tumango si Dave at sa hindi inaasahang pagkakataon, dalawang bata ang nag-unahan sa pagtakbo papasok sa kwarto ni Mr. Shein. Nagulat ang lahat sa presenya ni Rico at Sico. “Pa,” sa pintuan pa lang nabasag na ang boses ni Sico habang tinatawag ang papa niya. Malaki ang pagbabago sa mga bata at kapansin-pansin iyon. Walang nagsalita sa lahat, tanging luha at pag-iyak lang ni Mr. Shein ang narinig nila no’ng niyakap na siya ng mga anak. Walang pasakalye na tumakbo ang dalawa at niyakap ang ama. Sa byahe palang, puro iyak na ang naririnig sa mga bata.
“Hey pa,” pumasok si Sico dala ang skate board niya. Kagagaling niya sa labas at tagaktak pa ang pawis sa noo. Lumingon sa kaniya si Mr. Shein at ibinaba ang dala nitong laptop. “Saan ka galing?” “Just past time,” aniya at kumuha ng tubig sa ref nila. Past time, You mean, skate boarding at ubusin ang pera sa pagkarerahan? Mr. Shein wanted to say that but opt not to. Day by day, sumasakit ang ulo niya dahil sa mga anak niya. I wish you were here wife. Sico and Rico give me a headache. Napapainom nalang siya ng tubig sa katigasan ng dalawa. “Don’t leave at 3 pm. Sasama kayo kay Richmoon for your weekly training.” Tumango si Sico at tinignan ang relo sa kamay niya. “May isang oras pa ako, pa.” Sabi nito at tumakbo papalayo. Napailing nalang si Mr. Shein at bumalik sa study table niya. Una niyang binuksan ang file na pinadala sa kaniya ni Vicente. Just an update the org. After the Torre’s incident 3 years ago, wala namang naging problemang kasunod no’n. Lahat ay payapa at mukhang n
Pag-uwi ni Vicente ng mansion, naabutan niya ang lahat pwera ang mga bata. Pinapunta niya ang lahat dahil nais niya itong kausapin. Kaya naroon sina Lee, Zee, Richmoon, TG, Dave, Auntie Lorena, ang Don at si Mr. Shein. Gulong gulo ang mukha nila nang maabutan niya. “What is this all about?” tanong ni Mr. Shein sa kaniya na kunot ang noo. “May importante akong sasabihin,” sabi ni Vicente. Kumunot ang noo ng lahat. Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga. “Huwag sana kayong magugulat sa ibabalita ko.” Panimula niya. “What is it dude? Ikakasal ka na ba?” natatawang sabi ni Richmoon. “I think, buhay si Lady Lay at Gregor.” Agad na napatayo si Mr. Shein. Lahat ay nagulat at hindi makapaniwala sa tinuran ni Vicente. Nahulog pa si Zee sa upuan nito. “That’s not a good joke, Vicente.” Ani ni Lee. Ayaw niyang umasa ang kaibigan niya. After the breakdown 3 years ago, ayaw na niyang maulit ito. Tumitig ang Don kay Vicente. Tila ba binabasa siya kung nagsisinungaling ba siya o hin
“Kamusta? Anong balita?” mariin na tanong ni Edmund sa mga tauhan niya. “Clear sir. Wala namang dayong napadpad dito.” Tumango si Edmund sa balitang iyon. “Edmund, kamusta ang mag-ina mo?” Singit ni Pedring, ang siyang pinuno sa maliit na lugar na pinagtataguan nila. “Ayos naman sila.” “Wala pa rin bang naalala si Lorie?” Kumunot ang noo niya at dumilim ang mukha. “Wala siyang kailangan maalala. Wala na ang buhay niya dati. Siya na si Lorie at asawa ko ngayon.” Malungkot na tumingin sa kaniya ang pinunong si Pedring. Naaawa siya kay Lorelay dahil alam niya ang totoong sinapit nito. Ang lupaing tinitirhan ng mga tao ngayon ay pagmamay-ari ni Edmund. Bilang kapalit sa kabutihan nito, nagkukuta si Edmund sa lugar nila habang silang mamamayan ang siyang watcher nito sa mga dayo sa labas. “Pero Edmund, kawawa ang babae at ang bata-“ “Tumahimik ka Pedring. Hindi sila kawawa. Akin ang anak ko at asawa ko si Lorie.” Galit na sabi ni Edmund. Napatingin si Pedring sa kaniya at hindi na