Salamat poooo. Pasenya kung 10: 30 pm na na e post. Natagalan ng uwi. Huhu
Good day, everyone.. Kailangan ko na talagang e note ito lalo't hindi ko talaga ma e focus ang utak ko sa susunod na update. May defense po kami sa Martes kaya kailangan kong mag extra effort sa pagsusunog ng kilay. Pasensya na po kayo. Babalik po ako sa pag update ngayong Myerkules na po. Sana ay ayos lang sa inyo. Sa Myerkules, susubukan ko ang double or triple update diyan. Gusto ko rin pong magsulat pero kada nagtitipa na ako, iyong utak ko nasa research namin kaya wala akong nagagawa. Babalik rin po ako agad. Salamat po sa inyo. Sana mahintay niyo 'ko at sana ay maintindihan niyo ang sitwasyon ko. Salamat po uliiiit. While waiting po, pwede niyong basahin ang ibang competed stories ko. The Lust Love His Personal Affair Binili Ako ng CEO Love In Mistake Pasensya na po at maraming salamat.
Naabutan ni Lorelay na nagyayakapan ang anak niya at si Mr. Shein. Natigilan siya nang makita si Rico na umiiyak na nakayap sa papa niya. Tumingin sa gawi niya si Mr. Shein at iniwas ni Lorelay ang kaniyang mga mata dahil ayaw niyang makita siya nitong naluluha.“Mama, are we leaving?” tanong ni Rico sa kaniya na hindi magawang sagutin ni Lorelay.Gusto niya sabihing oo pero hindi niya kayang makita ang reaction ng dalawa sa harapan niya na nasasaktan.“Can we stay here a little longer mama?” tanong ni Rico. Sasagot na sana si Lorelay nang biglang umalingawngaw ang boses ni Sico sa labas.“Uncle! What are you doing? Saan mo ba ako dadalhin?” papalapit ang boses ni Sico sa tatlo. Narinig din nila ang boses ni TG na hindi malinaw sa kanila kung ano ang sinasabi kay Sico.“NO! This is kidnapping. Hinahanap na ako ni mommy Mia.” Sagot ni pa ni Sico.Nanlalaki ang mata ni Lorelay nang makita niya ang isa pa niyang anak na kunot ang noo at galit na galit na nakatingin kay TG.“Mama?” gulat
Lorelay Hindi ako agad nakabalik kay Mr. Shein dahil tumawag ang doctor dahil sa kundisyon ni auntie Lorena. Sinabihan ko na si Lee dito para hindi magpadala ang asawa ko ng isang batalyon para ipasundo ako dito. Isang linggo din akong pabalik-balik sa hospital lalo’t nagkakamalay na si auntie Lorena. Under observation pa nga lang siya ng mga doctor. Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Mia na pabalik na ng Valencia. “Aalis ka na?” tanong ko nang makita ang sandamakmak na maleta niya. Umikot ang mata niya at nakasimangot na sinugod ako para yakapin. “Kailangan kong puntahan si mommy lalo’t may ipapakilala siyang prospect boyfriend kuno.” “Si tita talaga,” naiiling na sabi ko. Laging ganito si tita sa kaniya dahil wala naman siyang nobyo. Maya-maya pa ay nakita ko rin si Zee na palabas. Nakaporma ito ng damit at parang may lakad. “Mom called. Bye,” aniya at hinalikan ako sa ulo saka umalis. Ni hindi na nga napansin si Mia sa gilid dahil sa pagmamadali. “Anyare do’n?”
“Should we live here, mama?” nagri-reklamong sabi ni Sico habang papasok kami sa bahay ng papa niya. “Your dad can’t go home for a month dahil pinapunta siya ng mommy niya sa States.” Humaba ang nguso ni Sico at nagdadabog na pumasok sa loob ng bahay. Si Rico naman ay humarap sa akin. “Tititra ba tayo kay papa na mama?” Tumango ako. “He needs us. Walang mag-aalaga kay papa.” Sumilay ang ngiti sa labi ng anak ko at agad na sumunod kay Rico sa loob. Nilingon ko si Vicente na siyang bumuhat sa mga maleta namin. “Salamat Vicente,” sabi ko. Tumango lang siya at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa loob ng bahay. Sumunod ako sa dalawang kong anak. Naabutan ko si Rico na yakap yakap na ang ama habang si Sico ay nasa gilid at nakasimangot. Nakitang kong nag-aalalang tumingin si Mr. Shein sa kaniya. Iniisip siguro niya bakit ganoon ang pakikitungo ni Sico sa kaniya. “Sico!” Tawag ko sa anak ko. Pinandilatan ko siya ng mata. Sinabi ko sa kaniya ang sitwasyon ng papa niya and now, he’s acting li
“Mama! Bend! You need ro bend more mama.” Namumula ako sa sigaw ng anak kong Sico habang nasa gilid at nakatingin sa akin.Hindi ko alam kung chini-cheer ba niya ako o ano."You heard our son wife. You need to bend!" Inikutan ko ng mata si Mr. Shein sa likuran na halatang enjoy na enjoy sa nangyayari. Kalaro namin si TG at teacher Han ng volleyball at itong mga anak ko ay kung anu-anong sinasabi.Itinira ni TG ang bola at hindi ko na receive ng maayos kaya tumalsik ang bola sa kinatatayuan ni Sico."Mama you're doing it in a wrong way. You need to bend your knees.""Anak, nakatuwad na si mama." Namumula kong sabi at narinig ko ang mahinang halakhak ni Mr. Shein sa likuran ko."That's the purpose mama. You're just standing straight there kaya hindi mo na ri-receive ang bola." Sumimangot si Sico.Narinig ko ulit ang mahinang tawa ni Mr. Shein sa likuran. Agad niyang itinikom ang bibig niya ng lingunin ko siya at sinamaan nang tingin. Hindi ko alam kung pinagti-tripan ba ako ng mag-aam
“Mama, bakit hindi pa po tumatawag si dad?” tanong ni Sico nang maabutan niya ako sa kusina na naghihiwa ng mga sahog para sa lulutuin mamaya.Napatingin ako sa pintuan nang makita na nakatayo doon si Mr. Shein.Tumingin ako kay Sico at ngumiti dito. “Your dad is busy, Sico.”Bumuntong hininga ang anak ko. “I miss dad, mama.” Aniya at malungkot na umupo sa harapan ko.Hindi na ako nagkomento pa sa harapan niya. Pinabayaan ko lang siya na kunin ang bawang at balatan ito.Tumingin ako ulit kay Mr. Shein na nakatalikod na at paalis na sa kinatatayuan niya kanina.Hindi naman namin mapipilit ang mga bata na kalimutan si Zee lalo’t siya na ang tumayong ama sa dalawa.Alam kong hindi pa iyon naintindihan ni Mr. Shein dahil wala nga siyang maalala. Buti nga at hindi niya ako tinatanong bakit ganoon nalang kalapit ang mga bata kay Zee.Dahil oras na tanungin niya ako, alam kong magsisinungaling lang ako sa kaniya.Ganoon pa man, napapansin ko namang napapalapit na rin si Sico sa kaniya. Wala
Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko ang dalawang bata na nakahiga na sa lap ng papa nila habang mahimbing na natutulog. Si Mr. Shein naman ay nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa. Nang magtama ang paningin namin ay hindi man lang siya ngumiti. Kinabahan tuloy ako sa hindi ko malaman na dahilan. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harapan niya. “How’s the day?” tanong niya. Tumaas ang sulok ng labi ko dahil pakiramdam ko ay alam niya ang nangyari sa lakad ko. “I saw an old friend,” sabi ko sa kaniya. “Old friend…” Ulit niya sa sinabi ko. Tuloy ay hindi ko mapigilang hindi mangiti. Umupo ako sa harapan niya mismo ay humiga sa dibdib niya. “Bakit? Kilala mo ba ang old friend na ‘yon?” tanong ko. Hindi siya nakasagot. “Wala namang kaso ‘yon. Old friend lang ‘yon.” Hindi na siya nang komento pa at hinawakan ako sa ulo at hinimas himas ang buhok ko. “Bakit ba kasi ang ganda mo? Alam naman nang lahat na kasal ka na, heto’t pinipilit pa rin nilang kunin ka sa ‘kin.” Nakangusong aniya
“Lorelay, this is Grant Pabelico.” Sandali akong natigilan habang nakatingin kay Grant na nakangiti sa akin ngunit parang kinikilatis ako sa pamamagitan ng mata. I offered my hand for a shake hand at nagpakilala. “It’s nice meeting you, Grant Pabelico.” Tumingin ako sa iba pang nasa loob at saka bahagyang nag bow sa kanila. “Let’s start,” ani ni Grant. Masiyadong bata si Grant. Gusto kong tanungin si Lee kung ilang taon na si Grant lalo’t mukhang bata pa nga. Lumapit ako sa iba pa at doon ko lang namukhaan iyong bartender 5 years ago. “Good day, Mrs. Shein. Hivo Alvante at your service.” Lumapit siya sa akin at nakipag kamay. “I’m Masson Villaranza,” sabi naman no’ng lalaking gwapo rin. “I’m Hiro Acuesa…” sabi naman no’ng isa na hindi pala ngiti. “Ang ga gwapo pala ng mga nandito.” Narinig ko si Lee sa gilid ko na humalakhak kay napatingin ako sa kaniya. “Mamaya nandito na ang asawa mo sa labas.” Sabi niya kaya lumabi ako. Nasa gilid ko si Grant habang nasa gitna ako. Si Vice