Sinugod nila sa hospital si Matteo. Pagkatapos ng isang oras nagising ito na nakaupo siya sa tabi nito iyak ng iyak. "Matteo?" tumayo siya at hinawakan ang pisngi nito. Pagkakita nito sa kaniya matapos ang ilang pagkurap napaangat ito ng ulo, "Mahalia?" Agad ring napadaing dahil nakaramdam ng sakit sa likod. "Oh teka, hindi ka pa okay. Napalo ka daw kanina sa likod, kaya masakit dyan, diba?" sabi naman niya, mugtong-mugto ang mga mata. Hinawakan siya nito sa braso. "Mahalia, are you okay? Nasaktan ka ba?" Umiling siyang umiiyak. "Ikaw nga tong nasaktan eh. Dapat sarili mo tinatanong mo."Sandali itong napatitig sa kaniya at natawa. "Ba't ko naman tatanungin ang sarili ko?" Saka lang din niya narealize ang tanong niya, mali pala. Napatingin ito banda sa paligid. "Nasaan si Finn?"Bumalik siya sa pag-upo. "Ayon kausap ang doctor mo, tapos si Hunter bumili ng pagkain." Huminga ito nang malalim at hinaplos ang mga luha sa mga mata niya. Ramdam niya ang inis ng palad nito sa pisngi n
Pagkatapos niyang magpaalam kay Matteo through phone call, agad silang bumaba. Plano kasi nila, pupunta sila sa bahay nila at saka idaan sa Enflame Roses ang mga kaibigan niya. Sandaling nag-usap muna si Sezy at ang kuya nito, pagkatapos napatanong siya dahil naalala niya ang kapatid nito. "Kamusta pala si Kobe, naoperahan na?" Napangiti si Sezy na parang naging emotional, "Woi, oo teh, tinulungan kami ni Finn. Grabe ang bait non." Nagulat siya. "Talaga? Alam kong mabait si Finn pero wow, hindi ko inasahan na mapagbigay din pala siya," ngiting sabi niya. "Naku, dahil sa tulong na yun, crush na crush na yun ni Sezy," singit naman ni Miarta at kilig-kilig naman ang kaibigan niya. "Paano kasi, simpleng hmm lang niya, nakakakilig," sabi pa nito. Natawa siya, at inakbayan ito. "Ewan ko sayo, halika na nga." Hinila niya ito papunta sa sasakyan pero may narinig siyang pumito. Pagtingin nila sa loob kung saan sila nanggaling, nakita niya si Hunter. "Saan kayo pupunta, Mahalia?" "Sa Tu
Napabuntung-hininga na lang ang mga kaibigan ni Mahalia habang pinapanood siya na nilalagay sa isang sako bag ang mga gamit na binigay ni Teehan noon sa kaniya. Iyak siya nang iyak sa isiping lahat ng taong minahal niya niloko siya. Nagpunas siya nang luha at tumayo. Inangat ng kunti ang bag para maisaayos ang mga laman nito sa loob pero kumilos si Hunter. "Ako na yan. Saan ba to dadalhin?" tanong nitong mahinahon. "Dun sa kabilang bahay," humihikbi niyang sagot. Tumango ito, "Okay-okay." Lumabas sila sa bahay nila at saka lumapit sa gate sa malaking bahay nila Teehan. Ang nga kapitbahay nila nandiyan pa rin, parang pinagmamasdan lahat ng magara sa paligid niya. Pinindot naman niya ang doorbell at sandaling naghintay. "Grabe naman tong mga kapitbahay mo Mahalia, para kang artista sa kanila," bulong-bulong naman ni Miarta. "Intindihin mo na, kung nakakulong kasi dito si Mahalia, sa bahay nila talagang agaw pansin siya kapag lumabas. Tsaka ang gara ng sasakyan na dala natin, may m
Sobrang bored si Matteo nang pagpasok niya sa unit niya, wala si Mahalia. Alas sais pa lang naman ng hapon at alam naman niya kung nasaan ito. Naisip niya rin, si Mahalia lagi ang nagluluto para sa kanila, ngunit dahil wala ito, siya na lang ang nagluto. Nagsangag din siya ng kanin na may iba't ibang sahog para ganahan naman kumain ang isa. Puno ang plato palagi non ng kain, na para sa kaniya, kakaiba talaga kumain ang babae pero shempre para kay Mahalia, weird din siyang kumain kasi pakonti-konti lang. Iba kasi ang perspective nila pagdating sa pagkain pero marunong silang mag-adjust sa isa't isa. Stake lang din ang niluto niya, katulad ng nakagawian nilang pagkain. Nagtosta siya ng tinapay at nilagyan ng buttercream. Isang oras ang lumipas pumatak na ang alas-siyete. Nagtanong siya sa mga security kung kamusta si Mahalia at ang sabi ng mga ito ay pauwi na. Napangiti naman siya at dama ang excitement dahil makakasama na niya ulit si Mahalia. Alas otso imedya, dumating si Mahalia
Sa una, kabado si Mahalia habang kumakanta ngunit kinunsidera naman iyon ni Ms Thalia at napatango, napapalakpak, napangiti nang makitaan ng Chemistry ang boses niya. "Ang galing! Ang ganda ng boses mo kahit medyo kinakabahan ka ng konti," sabi nito nang inakay siya ni Finn palabas sa vocal booth. Yung kinanta din kasi nila ni Finn noon sa KTV bar ang kinanta nila ulit. Bali sinamahan lang siya nito para hindi siya kabahan. Ngunit shempre kinabahan pa rin siya. Nahihiya naman siyang ngumiti kay Ms. Thalia na inaabot ang kamay sa kaniya.. "First time mo bang kumanta sa studio?" tanong nito. Tumango siya. "At sa may nanunood po." "Huh?" Napatingin ito kay Matteo. "You mean never mong ginawa to? Yung kahit sumali ka lang sa singing contest?" "Sa bahay lang po ako kumakanta, hindi ko po naranasan yung kumakanta sa maraming tao po," sagot naman niya. Umatras ang ngiti nito napalitan ng pagkalito pero nagtanong si Finn. "Pero okay ang boses niya, right?" "Kinakabahan lang siya
Ang totoo niyan, hindi nagustuhan ni Mahalia ang nakikita niya. Ngunit alam niya sa sarili niyang wala siyang karapatang magreklamo. Pet lang siya ni Matteo at wala silang relasyon at sinabi na nga niya ang totoo. Ngunit kumunot ang noo niyang pinandilatan siya ng mga mata ni Matteo tapos ang babae natawa. "Hindi naman pala boyfriend eh," asar pa nito. Tumikhim si Finn pero si Matteo biglang nagalit, "Hindi boyfriend?" Napaawang ang mga labi niya, biglang kinabahan sa reaction nito. "So hindi boyfriend?" ulit pa nito. "B-Bakit...diba..." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang mismo sa harapan niya hinalikan ni Matteo ang babae. Napanganga lamang siya nang makaramdam siya ng kirot sa kalooban niya. Tinagalan pa talaga ni Matteo ang paghalik sa babae parang gusto niyang umiyak. Galit itong kumalas sa paghalik at sinamaan siya ng tingin. Yun lang at umalis agad na namumula ang mukha sa inis. Nanginig ang labi niyang napayuko na lang, hindi niya alam ang gagawin niya tapos
Hindi na siya kinikibo ni Matteo kahit sa kanilang pag-uwi. Nag-aalala naman siya dahil mukhang galit nga ang lalaki sa kaniya. Kahit saan ito magpunta, sinusundan niya ng tingin hangang sa pagtulog nila at ang sabi pa nito, "Dito ako sa kabilang kwarto matutulog, diyan ka." Binuksan nito ng fantasy room at pumasok agad. "Luh, b-bakit?" tanong niya kahit alam naman talaga niya kung bakit. Nasabi ni Finn sa kaniya, na nahuhulog na nga raw itong lalaki sa kaniya. At nakonsensiya siya ng sabihin niya kanina sa studio na hindi niya ito boyfriend. Hindi na tumugon ang lalaki, hindi na rin siya nangulit. Pabalik-balikwas siya sa kama, hindi siya makatulog kahit na sumapit na ang alas dose ng gabi. Hindi siya sanay na hindi nakasiksik sa katawan nito habang natutulog. Nasasanay na kasi siyang katabi ito kaya nang hindi na niya kaya bumangon siya at dahan-dahang lumapit sa kwarto. Pero nadatnan niya itong nakadilat pa, nakahiga lang na nakatingin sa kisame, mukhang nag-iisip din. "Matte
Sa harap ng hapunan, tahimik na naman silang kumakain. Nawawalan ng gana si Mahalia dahil sa pakikitungo nitong sobrang lamig. Hindi umiimik kung hindi niya tatanungin. Pinaikot-ikot lang niya ang tinidor niya sa kanin na niluto lang din nito para sa kaniya. Inaalagaan siya nito pagdating sa pagkain, pero hindi siya pinapansin. Oo at hindi, sagot sa tanong lang niya ang ginagawa nito. "Bakit hindi ka kumakain?" tanong nito pero panay lang ang ipon ng pagkain sa plano sabay subo. Nakabusangot din siyang nagtanong, "Wala akong gana.""Dahil?" tanong pa nito, parang walang pakialam lang. "Kasi wala akong gana," sagot naman niya. "Kumain kayo ni Finn kaninang hapon?" tanong nito. Umiling siya, hindi pa rin sumusubo. "Hindi.""Oh bakit wala kang gana, dapat gutom ka," sabi naman nito. "Mamaya na lang siguro," sabi niya sabay tayo. Binalik niya papasok ang upuan sa ilalim ng lamesa at sumunod ang paningin nito sa kaniya. Lumabas siya sa kusina at nagpasya na lang na magbabad sa bath
"Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam
Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su
Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"
Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang
Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M
Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan
"Kailan kayo kinasal ha? Wag mong sabihin nagpirmahan lang kayo, at hindi mo siya hinarap sa simbahan, wala akong nababalitaang ganon, Matteo." Dinuro-duro siya ng ama ni Finn at Mahalia at tanging pagyuko lamang ang ginawa niya. Frustrated itong napahilamos ng mukha na para bang hindi nito alam ang dapat gawin sa kaniya. "I'm sorry, Uncle—""I don't know what to say, Matteo. This is what you are, right? This is how you manipulate people, right?" gigil na singhal nito. "W-What?" nagtataka naman niyang tanong. Dinuro ulit siya nito, pero sinasayaw nito ang daliri na parang pinapakita lang nito sa kaniya na kinukontrol nito ang galit. "You confessed... right here. Right time para sa'yo na masabing kapag nagalit ako, you can make me feel how dare I am. Na ngayon ko lang nalaman na anak ko siya, at mas ikaw ang nakasama niya from the start ibig sabihin, who am I to be mad, right?" Maang siyang napabuka ng bibig at napailing. "N-No, I just confessed to admit my mistake, Uncle. And yes
Habang yapos na yapos ng yakap si Mahalia ni Frenon Bianchi, luhaan siyang napanganga na napatingin kay Matteo. Hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito. Binaling niya ang kaniyang mga mata kay Finn na luhaan habang nakahingin sa kanila. Nang naging malinaw sa pandinig niya ang iyak ng nagsasabing ama niya doon na rin siya napaiyak dahil ramdam niya ang pamilyar na yakap. Nakanganga pa rin siya, at nadaluyan pa talaga ng luha ang bibig niya. Ngunit hindi niya ito alintana, dahil mas nangibabaw ang emotion niya. Kumalas ng yakap sa kaniya ang kaniyang ama at mukhang desperadong hinawakan ang pisngi niya. "How come na anak kita? I don't understand..." "H-Ha? Hindi mo alam?" nanginginig ang boses niya sa pagsasalita dulot ng hikbi.Umiling ito at humahagulhol na sinabing, "The result said yes. Pero hayaan mo na, kung sino man ang nanay mo, I don't care ang importante, nandito ka na. Nandito na ako, walang gagamit na ibang tao sa'yo para punan ang pansarili nilang intensyon."N
The DNA result says... it's 99.9% positive. Anak nga ito ng daddy ni Finn kaya naman lihim na napakuyom ang kamao niya sa ilalim ng lamesa. It means, his dad cheated on his mom. Napansin ni Mahalia ang reaction niya kaya napatanong ito, "Bakit, Kuya?" Pilit siyang ngumiti at umiling. Hindi niya muna sinabi sa kapatid ang katotohanan kahit na expected naman. Tinapos lang nila ang pagkain doon at saka bumalik na sila sa studio pero iniwan niya si Mahalia kay Victoria at siya naman ay umalis. Lumong-lumo siyang pumasok sa sasaktan thinking na pinagtaksilan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Matic na naawa siya sa kaniyang ina dahil wala itong kaalam-alam. Tumutulo lang ang luha niyang magmamaneho, at tinawagan ang kaniyang ama. Narinig niya itong tumunog sa kabilang linya at sinagot din agad. "Yes, son?" "Papunta na ako sa opisina mo. I have the result now," sabi niya sabay off ng call. Tinawagan niya para makapag-handa ito, in case may client sa loob ng opisina. Nang makarating na