Kinabukasan, inabot pa sila hanggang tanghali sa lugar na iyon. Sila Matteo naman ay balik sa mga pinagkakaabalahan ng mga ito sa mga computer, sa kabila habang sila namang mga babae ay nagluluto sa kusina. Si Bree lang ang hindi nila kasama dahil, umalis ito, at ayon sa babaeng iyon, may importanteng lakad daw. "Okay na ba to guys? Tikman niyo nga," tawag sa kanila ni Yanvi na nagtitimpla ng sauce na ginagawa nito. Siya ang lumapit para kilatisin ang lasa. Creamy parang gravy, at maalat-alat ng kaunti. Napakuha siya ng karne at nilagyan iyon ng sauce na tinikman niya. "Sarap?" atat naman na tanong ni Yanvi. Mapatango siya. "Sarap, okay na iyan, gusto na nila yan."Napangisi naman ito, at napatingin-tingin sa ibabaw ng lamesa. "Kompleto na ba? Design na natin, para maganda," sabi naman nito."Sarap mo mag-timpla, bakit hindi ka na lang nagtrabaho tulad nito?" biglang tanong niya. "Sa laki ng utang ng tatay ko, hindi kasya ang sasahurin ko dun," sabi naman nito na kumuha ng plato
Five days later, trip to Korea. Excited si Mahalia ngunit nangangamba rin dulot ng kainosentehan niya. Hindi niya sigurado kung kaya ba niyang makipagsalamuha sa mga tao doon, ngunit shempre wala naman siyang magagawa kung si Matteo ang nagdidisisyon. Nasa loob sila ng sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Matteo. Mahaba ang biyahe nila papuntang Airport, kaya habang pinagmamasdan niya ang paligid, nagtanong naman siya, "Gaano kalamig ang Korea?" "Pati leeg at tenga mo kailangan mong takpan," sagot naman ni Matteo habang nasa kandungan ang laptop nito. "Diba mas okay yun, kasi dito? Sobrang init eh," sabi naman niya. Hindi ito tumugon dahil mukhang busy nga. Nanahimik na lang siya dahil baka mainis pa ito sa kaniya. "Ang ganda ng Manila, manila pa lang to ha," aniya kinausap na lang ang sarili niya. Ngumiti siya habang nakatingin sa matataas na building na dinadaanan nila. Buong buhay niya, nasa bahay lang siya. Kung may napuntahan man siya dati, iyon ay palengke, tindahan at eskw
Lihim lang na inoobserbahan ni Matteo si Mahalia na natutuwa sa mga bagong bagay na nakikita nito. Nang nasa taas na ang lipad nila, mas lalo pa itong natuwa. Nakatutok lang ang attention nito sa labas ng bintana at napabulong pa, "Ang daming icing..."Kumunot ang noo niya sa icing na tinutukoy nito. Pagtingin naman niya sa bintana, nakita niya ang nga tampok tampok na clouds sa ilalim. Natawa siya nang mahina, kahit na ang lalaki na nasa kabilang upuan narinig ang bulong nito at natawa pa. "Clouds, not icing," sabi naman niya rito."Ha? Ay! Ito ang ulap?" bulalas nito at hindi niya maiwasang matawa. Sa mga nakakarinig naman, mahinang nagtawanan lamang ang mga ito. "Ang ganda..."Nag-cross na lang siya ng mga braso at pasimpleng isinandal ang ulo sa sandalan ng inuupuan niya. May private jet naman siya ngunit sinadya niyang maging ganito ang travel nila para magkaroon naman ito ng idea tungkol sa mga dapat pa nitong matutunan. Siguro sapat na itong mga ginagawa niya para tanggalin a
Pagkarating sa mansion ni Matteo, mansion na sarili niya mismo, mansion na ayaw niyang puntahan ng kahit sinong pamilya niya na walang permiso, at ang unang dinala niya rito ay talagang si Mahalia lang, awtomatiko namang bumulalas ang babae sa appreciation nito sa pag-aari niya. "Wah ang laki ng bahay, ang ganda!" Napangiti siya sa hagikhik nito na talagang kay sarap pakinggan. "Mansion na tawag sa ganito di ba? Sobrang laki!""It's mega mansion Mahalia, may pito akong kusina, pitong hapag-kainan, tatlong swimming pool, isa dito sa harap, may isa sa likod at isa sa rooftop," sabi niya at napanganga naman itong nakatingin sa kaniya. "Hala...tapos sino ang mga nakatira dito? Hala! Nandito ba nanay at tatay mo?" tanong nitong nangangamba."Bawal sila dito," sagot naman niya habang nag-dudukot ng phone sa bulsa. "Tapos ako pwede?" tanong naman niya. "Yeah, so feel at home." Tinaas niya ang phone niya at sinabing, "May tatawagan lang ako." Sinenyasan niya ang mga katulong na asikasuhi
"Let her someone else broke her heart first, bago mo siya dalhin sa E-World," sabi ni Finn sa kabilang linya. Habang ang babae naman ay nasa loob ng banyo, naglilinis ng sarili. "Be a beacon of concern, ipakita mo na ayaw mong malungkot siya. First experience ito ni Mahalia sa isang lalaki na tinatrato ng ganon, for sure that Teehan, hindi nagawa yun because of their limitations thingy back then, pero ikaw, there you are, ibibigay mo lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kaniya," dugtong pa nito at napatangu-tango siya. "Anyway, kamusta ang plano?" Tanong nito kahulihan. "Hunter got the file, it's confirmed," sagot naman niya. "That's interesting huh, maliit nga lang talaga ang mundo," sabi naman nito. Napaayos siya ng sandal sa head board ng kama habang sinasabi, "Behind this group lies the support of the Russian mafia. I have a feeling I'll encounter some of them at the party.""Well, that's not surprising. Towering skyscraper doesn't work without the backing of architects, engi
Nagising lang si Mahalia na walang may nangyari sa kanila ni Matteo. Siguro pang-apat araw ng wala itong ginawa sa kaniya. Ang akala niya, noong nasa Pilipinas pa lang sila, nag-hahanda lang ito ng lakas, kaya hindi nagsasayang pero hindi niya akalain pati dito sa Korea ay mananatili itong tulog lang sa tabi niya na niyayakap siya, at yun lang. Nanibago rin siya sa sitwasyon kasi gusto niyang magluto para rito ngunit sinabi nitong wag na raw at hindi rin niya alam kung saan banda ang kusina sa laki ng mansion."Pitong kusina, tatlong swimming pool, grabe," bulong niya kahit nakahiga pa. Kung ano-ano lang ang sumasagi sa isipan niya at nababanggit niya itong wala sa sarili. Hinintay na lang niyang magising si Matteo lalo na't ang kamay nito ay nasa baywang niya. Nasanay na siya na ganito ito lagi matulog, yapos na yapos siya sa kama. Tinitigan lamang niya ang mukha nito, sa kilay sa ilong, sa bibig, sobrang gwapo. "Siguro gwapo ka pa rin kapag maitim ka," bulong niya. Dahan-dahan
"On the way na ako, Buck," mensahe ni Hunter kay Matteo. Ni-replyan lang niya ito ng okay at saka binalik sa bulsa ang phone. Tiningnan niya ang orasan at alas siyete na ng gabi, napahingin siya sa hagdan at wala pa si Mahalia. Napabuntunghininga siya dahil sa excitement na nararamdaman niya. Madalas niya itong naramdaman kapag nasa paligid niya ang babae. Excited siyang makita na suot ang gown na binili niya sa halagang limang milyon. Gown pa lang iyon, hindi pa kabilang duon ang halaga ng heels and jewelry nito na hindi rin nagpapahuli ng million. Walang kaidea-idea ang babae kung gaano kamahal ang suot nito ngayon. Pagkalipas ng ilang minuto, nilapitan siya ng alalay niya. "Sir, Miss Ramirez is done now."Miss Ramirez...mas gusto niya ang Elioconti na karugtong ng pangalan nito. It's not that na asawahin niya, since ampon lang si Mahalia ng kinikilalang ina nito, may kakayahan siyang baguhin ang apelyido nito. Pero siguro wag muna, gusto niyang malaman muna kung sino ang pamil
Pinagmasdan ni Matteo ang reaction ni Mahalia habang tinititigan ang lalaki sa entablado at katulad ng inaasahan niya nawala na ito sa sarili nang makitang hinalikan ni Sabrina Geun ang lalaki. Nagkunwari pa siyang inosente. "Are you okay, Mahalia?" Sinalo lang niya ito nang biglang mawalan ng balanse. Inalalayan niya itong makaupo ngunit nasagi nito ang baso sa ibabaw ng lamesa at nahulog ito sa sahig. Nagkanda pira-piraso itong nakakuha ng attention ng lahat. Lihim siyang napangiti dahil ito ang gusto niya, ang masira si Timothy sa lahat bilang kabayaran ng ginawa nito sa kompanya nila. Nalaman niyang si Timothy ang may kagagawan ng lahat at alam niya ang rason kung bakit. Malinaw si Mahalia ang dahilan kung bakit siya nito pinagdidiskitahan. "What's going on?" tanong ng ama ni Timothy sa entablado nang mapansin si Mahalia na tila kulang na lang lumupaypay ito sa sama ng loob. Inalalayan niya itong makaupo nang magsimula na itong umiyak. Binulungan lang niya ito, "Bakit?" Luma
"Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam
Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su
Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"
Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang
Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M
Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan
"Kailan kayo kinasal ha? Wag mong sabihin nagpirmahan lang kayo, at hindi mo siya hinarap sa simbahan, wala akong nababalitaang ganon, Matteo." Dinuro-duro siya ng ama ni Finn at Mahalia at tanging pagyuko lamang ang ginawa niya. Frustrated itong napahilamos ng mukha na para bang hindi nito alam ang dapat gawin sa kaniya. "I'm sorry, Uncle—""I don't know what to say, Matteo. This is what you are, right? This is how you manipulate people, right?" gigil na singhal nito. "W-What?" nagtataka naman niyang tanong. Dinuro ulit siya nito, pero sinasayaw nito ang daliri na parang pinapakita lang nito sa kaniya na kinukontrol nito ang galit. "You confessed... right here. Right time para sa'yo na masabing kapag nagalit ako, you can make me feel how dare I am. Na ngayon ko lang nalaman na anak ko siya, at mas ikaw ang nakasama niya from the start ibig sabihin, who am I to be mad, right?" Maang siyang napabuka ng bibig at napailing. "N-No, I just confessed to admit my mistake, Uncle. And yes
Habang yapos na yapos ng yakap si Mahalia ni Frenon Bianchi, luhaan siyang napanganga na napatingin kay Matteo. Hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito. Binaling niya ang kaniyang mga mata kay Finn na luhaan habang nakahingin sa kanila. Nang naging malinaw sa pandinig niya ang iyak ng nagsasabing ama niya doon na rin siya napaiyak dahil ramdam niya ang pamilyar na yakap. Nakanganga pa rin siya, at nadaluyan pa talaga ng luha ang bibig niya. Ngunit hindi niya ito alintana, dahil mas nangibabaw ang emotion niya. Kumalas ng yakap sa kaniya ang kaniyang ama at mukhang desperadong hinawakan ang pisngi niya. "How come na anak kita? I don't understand..." "H-Ha? Hindi mo alam?" nanginginig ang boses niya sa pagsasalita dulot ng hikbi.Umiling ito at humahagulhol na sinabing, "The result said yes. Pero hayaan mo na, kung sino man ang nanay mo, I don't care ang importante, nandito ka na. Nandito na ako, walang gagamit na ibang tao sa'yo para punan ang pansarili nilang intensyon."N
The DNA result says... it's 99.9% positive. Anak nga ito ng daddy ni Finn kaya naman lihim na napakuyom ang kamao niya sa ilalim ng lamesa. It means, his dad cheated on his mom. Napansin ni Mahalia ang reaction niya kaya napatanong ito, "Bakit, Kuya?" Pilit siyang ngumiti at umiling. Hindi niya muna sinabi sa kapatid ang katotohanan kahit na expected naman. Tinapos lang nila ang pagkain doon at saka bumalik na sila sa studio pero iniwan niya si Mahalia kay Victoria at siya naman ay umalis. Lumong-lumo siyang pumasok sa sasaktan thinking na pinagtaksilan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Matic na naawa siya sa kaniyang ina dahil wala itong kaalam-alam. Tumutulo lang ang luha niyang magmamaneho, at tinawagan ang kaniyang ama. Narinig niya itong tumunog sa kabilang linya at sinagot din agad. "Yes, son?" "Papunta na ako sa opisina mo. I have the result now," sabi niya sabay off ng call. Tinawagan niya para makapag-handa ito, in case may client sa loob ng opisina. Nang makarating na