Hinatid lang ni Matteo si Mahalia sa unit niya, dahil nakatanggap siya ng hindi kaaya-kaayang balita tungkol sa isa sa mga kompaniya nila. Hindi iyon ang El Chantia Haven, kundi ang ELO Bank mismo. Nais sana niyang manatili sa unit ngunit nakatanggap siya ng ganoong mensahe sa kaniyang ina kaya napilitan siyang lumabas na lang. Pagdating sa conference room ng ELO naghihintay na roon ang buong pamilya niya.Ama niyang si Marshall Elioconti...Ina niyang si Cynthia Lopez Elioconti...Tiyohin niyang si Benedict Elioconti...Pinsan niyang si Peyton Elioconti. At may anak ang ama niya sa labas na lalaki rin, si Harlan Elioconti. "There he is," boses agad ng tiyohin niya ang nangunguna. Lahat ng mata nakatingin sa kaniya, tahimik lang at sa mga titig ng mga ito parang nakagawa naman siya ng kasalanan. Lagi namang ganun. "So now you need me for your business, that's why you called me?" sarkastiko niyang tanong sabay upo sa pwestong para din sa kaniya."The ELO has been hacked and you a
Wala siya sa mood pagbalik niya sa unit. Ang plano lang niya, dumaan doon para kumain dahil panigurado nagluto si Mahalia para sa kaniya. At pagkatapos asikasuhin agad ang dapat asikasuhin. Ngunit pagdating niya doon, nang makita niya ang babaeng nakatapis ng tuwalya, sumiklab agad ang init sa buong sistema niya. "Shît... there are still things I need to do..." bulong niya pero ang mga mata niya ay nasa cleavage nito. "Nandiyan kana pala, sir..." Bumusangot siya ng tawagin na naman siya nitong sir. Talaga bang amo lang ang tingin nito sa kaniya? Pero bakit ba siya nagrereklamo? "Magbibihis lang po ako tapos ihanda ko na ang pagkain mo."Inis niyang kinuha ang phone sa bulsa niya at tinapon ito sa ibabaw ng kama. Naiinis siya sa po at sir nito. Hindi ba pwedeng tawagin na lang siya nitong Matteo? Dahil noong narinig niya ang pangalan niyang binabanggit nito, iba ang nararamdaman niya. Mas lalong tumaas ang gana niya kapag naririnig niya itong tinatawag ang pangalan niya. "Don't cal
Pak! Medical chart iyon ni Dr. De Cuevo na hinampas sa ulo ni Matteo. Pumikit-pikit lang siyang napahawak sa ulo niya. "Napaka-unbelievable mo na talaga. Bakit hindi ka na lang bumayo? Bakit kailangan sakalin mo pa? Ikaw Matteo, pag-ito may pangatlo pa, ako na talaga magre-report sayo," sermon na naman nito sa kaniya. Napangiwi na lamang siya. Hindi naman siya umangal sa ginawa nito. Shempre mas nanay pa niya to kung ituring kaysa sa nanay niya. Kung meron mang matino sa pagkatao niya, mga turo lang iyon ni Dr. Cuevo or Auntie Tania niya. Ang totoong relasyon niya rito ay kapatid ito ng nanay niya ngunit anak din sa labas. Pero mas paborito niya ito kasya sa totoo niyang ina. Ngunit ang impormasyon na iyon ay lihim lamang dahil may kinikilalang ina itong doctor. "Ito turuan kita ha," sabi pa nito, kinalabit pa nito ang ilong niya gamit pwétan ng ballpen. "Baka kasi màlïbóg ka lang pero hindi mo pala alam ang tamang posisyon." Gusto niyang matawa pero shempre para hindi mapagalita
"Tabingi sa kaliwa, Tabingi sa kanan..." sabi ng doctor kay Mahalia na doctor niya rin noong unang sugod siya sa parehong hospital. "Alin ang masakit?" Kaliwa kanan tinuro niya, magkasabay ang dalawang hintuturo. "Dito doc."Nilista lang nito ang sinabi niya at tumango. Pagkatapos may kinuha ito sa bulsa ng white gown at pinakita sa kaniya. "Inumin mo ito, pagkatapos mong kumain. Gamot to sa pamamaga, para mawala yang kwintas mong bayolet," sabi nito at tinanggap naman niya ang binibigay nito. Tinuro pa siya nito gamit ang ballpen. "Nilagay mo ba ang cream, na pinabili ko kay Matteo?"Tumango siya, "Opo, salamat po."Binalik nito ang collar foam sa leeg niya habang nagsasalita, "Good. And next time, kapag sinakal ka ulit, suntukin mo ang mukha para matauhan."Napangiwi na siya, paano naman niya gagawin iyon, kung binili nga siya para sa ganon? Lumabas lang ito sa kwarto niya, at huminga na lang siya nang malalim na nakaupo sa kama. Nagtama ang mga mata nila ni Sezy na napanguso sa
"Woi, alas-syete na!" balisang sabi ni Yanvi na nag-aapura. Shempre inaalala nito ang trabaho. "Alin ba ang mas mahalaga? Ma-late ka o sahod mo kay Sir Matteo?" tanong naman ni Sezy. "Bakit sigurado bang tig-iisa niya tayong bigyan?" tanong naman ni Yanvi. "Siguro ah.""Oh diba? Siguro?" "Sabihin nga natin mamaya!" "Baka nga hati pa tayo sa sahod mo, same amount dun sa binigay sa'yo," sabi naman ni Yanvi. "Alam mong hindi tayo pwedeng umabsent, malaki ang multa." Huminga na lang nang malalim si Sezy. "Trust me na lang kasi. Sinabi niya, you two, dalawa tayo. Sinundo tayo, dalawa tayo, so dalawa tayo bibigyan niya." Huminga na lang siya nang malalim at nagsabi, "Ako na lang magbabayad ng multa mo, Yanvi, may pera pa naman ako dito.""Woi, ipunin mo yan, Mahalia, in case of emergency," sabi ng kaibigan niya. Bigla namang nakarinig sila ng mga grupo ng yapak sa labas ng pintuan, at mga boses ng mga kalalakihan. "They cannot hide like that, whoever did it.""2.8 billion has been
"Ano ba ang nangyari kanina? Bakit may namaril? Grabe natakot ako dun," tapik-tapik niya ang dibdib niya habang nakaupo sa couch. Malawak pa pala an kwarto na iyon, kasi may couch, may center table, pero sa harapan nila, may limang computer na nakahelira, mga upuan din tapos may daanan pa iyong hanay ng mga computer na sinisilip naman ni Yanvi. "Nagkapikunan siguro, wala namang may natamaan, saka baka ang iba dun, high," paliwanag naman ni Sezy. "High? As in nagdroga?" tanong naman niya. Tumango si Sezy kaya napahawak siya sa dibdib niya. "So maraming àdik dito?" bulong niyang tanong. "Parang gano'n na nga," bulong din ni Sezy."Sa tingin niyo guys saan papunta to?" tanong naman ni Yanvi na nakasilip pa rin sa daanan na iyon. Tumayo si Sezy, tumayo din siya. "Tsaka ano ba ang sabi ng kuya mo kanina, Sezy. Hindi ko talaga gets," sabi pa ni Yanvi. "Oo nga, nasa baba sila na wala sa baba. Ang gulo kaya," gatong din niya. "Ewan ko, pero kung nasa baba sila pero wala dun sa baba na
Nagkatinginan sila ng mga kaibigan niya. Hindi niya makuha ang punto ni Matteo, kahit mga kaibigan nito, tila nalilito rin. "Eh...ano kung..." Gulong-gulo na sabi ni Hunter at nagpatuloy, "So pareho sila ng nunal? Baka sabihin mo mag-ina sila?" Napatingin dito si Finn, sandaling seryoso pero sa huli natawa at napahaplos ng mukha. "Ano ba naman yan?" Hinawakan ni Finn sa balikat si Matteo at sinabihan, "Mamaya na yang nunal ni Mahalia. Focus muna tayo. Importante to, Buck." Tinapik din ito ng bagong mukha na lalaki sa balikat. "Yeah, focus, kailangan masolusyunan natin to agad."Napaiwas ng tingin si Matteo at napalunok naman siya. Pakiramdam niya may ibig sabihin si Matteo pero hindi niya mawari kung ano. Iba rin kasi ang maramdaman niya ng makita niya ang litrato. Bumalik si Matteo sa pag-upo, nagkatinginan ang bagong mukha na lalaki at ang babae saka nagtanguan. Napabuga ito ng hangin at ngumiti. "Keep going guys, let me deal with these chix," sabi nito at hinarap silang magkak
Hinampas ni Matteo ang countertop na pinapatungan ng computer nang failed hacked na naman ang hina-hacked niya. "Ang bilis!" reklamo niya."Relax, kaya yan," sabi naman ni Finn na tutok pa rin sa computer. "Fuck you, wala kang kawala ngayon," mura naman ni Pax na tila nakahatak na. "Transferring, Buck." Napatingin siya rito. "Accounts mo, Buck pa-check kung pumapasok," sabi nito. Nag-dukot naman siya ng phone niya. Sandamakmak na notification ang natatanggap niya, pumapasok ang mga pera sa iba't ibang account niya. Sapat na iyon para makaramdam siya ng relief. Pero shempre, nanggagalaiti pa rin ang loob niya sa galit, kung sino man itong pinaglalaruan sila. Bumitaw sa computer ang dalawa, Hunter and Finn. Maging siya rin, at si Pax lang ang kumikilos. Pagkatapos ng ilang minuto, napatigil si Pax at siya naman ang kumilos, para ibalik ang pera sa ELO. Alam niyang nakaabang doon ang ama niya at tiyohin niya para ibalik sa mga may-ari ang pera. "May kalahating billion pa," ani ni Fi
"Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam
Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su
Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"
Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang
Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M
Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan
"Kailan kayo kinasal ha? Wag mong sabihin nagpirmahan lang kayo, at hindi mo siya hinarap sa simbahan, wala akong nababalitaang ganon, Matteo." Dinuro-duro siya ng ama ni Finn at Mahalia at tanging pagyuko lamang ang ginawa niya. Frustrated itong napahilamos ng mukha na para bang hindi nito alam ang dapat gawin sa kaniya. "I'm sorry, Uncle—""I don't know what to say, Matteo. This is what you are, right? This is how you manipulate people, right?" gigil na singhal nito. "W-What?" nagtataka naman niyang tanong. Dinuro ulit siya nito, pero sinasayaw nito ang daliri na parang pinapakita lang nito sa kaniya na kinukontrol nito ang galit. "You confessed... right here. Right time para sa'yo na masabing kapag nagalit ako, you can make me feel how dare I am. Na ngayon ko lang nalaman na anak ko siya, at mas ikaw ang nakasama niya from the start ibig sabihin, who am I to be mad, right?" Maang siyang napabuka ng bibig at napailing. "N-No, I just confessed to admit my mistake, Uncle. And yes
Habang yapos na yapos ng yakap si Mahalia ni Frenon Bianchi, luhaan siyang napanganga na napatingin kay Matteo. Hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito. Binaling niya ang kaniyang mga mata kay Finn na luhaan habang nakahingin sa kanila. Nang naging malinaw sa pandinig niya ang iyak ng nagsasabing ama niya doon na rin siya napaiyak dahil ramdam niya ang pamilyar na yakap. Nakanganga pa rin siya, at nadaluyan pa talaga ng luha ang bibig niya. Ngunit hindi niya ito alintana, dahil mas nangibabaw ang emotion niya. Kumalas ng yakap sa kaniya ang kaniyang ama at mukhang desperadong hinawakan ang pisngi niya. "How come na anak kita? I don't understand..." "H-Ha? Hindi mo alam?" nanginginig ang boses niya sa pagsasalita dulot ng hikbi.Umiling ito at humahagulhol na sinabing, "The result said yes. Pero hayaan mo na, kung sino man ang nanay mo, I don't care ang importante, nandito ka na. Nandito na ako, walang gagamit na ibang tao sa'yo para punan ang pansarili nilang intensyon."N
The DNA result says... it's 99.9% positive. Anak nga ito ng daddy ni Finn kaya naman lihim na napakuyom ang kamao niya sa ilalim ng lamesa. It means, his dad cheated on his mom. Napansin ni Mahalia ang reaction niya kaya napatanong ito, "Bakit, Kuya?" Pilit siyang ngumiti at umiling. Hindi niya muna sinabi sa kapatid ang katotohanan kahit na expected naman. Tinapos lang nila ang pagkain doon at saka bumalik na sila sa studio pero iniwan niya si Mahalia kay Victoria at siya naman ay umalis. Lumong-lumo siyang pumasok sa sasaktan thinking na pinagtaksilan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Matic na naawa siya sa kaniyang ina dahil wala itong kaalam-alam. Tumutulo lang ang luha niyang magmamaneho, at tinawagan ang kaniyang ama. Narinig niya itong tumunog sa kabilang linya at sinagot din agad. "Yes, son?" "Papunta na ako sa opisina mo. I have the result now," sabi niya sabay off ng call. Tinawagan niya para makapag-handa ito, in case may client sa loob ng opisina. Nang makarating na