"Nanay tulong ang sakit!" Mangiyak-ngiyak na si Mahalia dahil hindi niya kayang baklasin ulit ang wax na nilagay niya. Sinubukan niya ng isang beses at nang makaramdam siya ng sakit parang ayaw na niyang ituloy ngunit kapit na kapit ang wax sa balat niya. "Hindi ko to kaya..." Naluluha na siya, at hirap na hirap. Hindi naman pwedeng hindi alisin ang wax sa kaniya. "Para hindi ako ma-refund, kaya ko to." Kung may ibang makakakita sa kanya sa sitwasyon na iyon siguradong pagtatawanan siya. Kasi para siyang tángáng palakang nakabukaka sa kama at naglagay ng wax na hindi naman niya kayang baklasin.Humihikbi na siya nang bigla namang bumukas ang pinto kaya mabilis siyang napatiklop ng mga binti sabay hila ng kumot takip sa katawan niya.Niluwa ng pintuan si Matteo na agarang nakakunot ang noo sa kaniya. "What are you doing."Humikbi siya. "Ah...k-kwan sir...""Bakit ganiyang ang mukha mo?" tanong pa nito, humakbang palapit at napatingin sa kumot na nasa harapan niya. Umiyak na siya.
"Hmp!" Halos maubo siya nang ibagsak siya nito sa kama. Kulay brown na kamang iyon, iba ang amoy kesa sa kama nila. Mas mabango ang nasa kabilang kwarto. Ngunit mas agaw pansin niya ang nakikita niya sa buong paligid. May mga posas siyang nakita, pompoms na gawa sa leather na tela, may mga kadena pa, clams...napalunok siya at napatanong rito, "D-Dati ka bang pulis sir?" Shempre pulis ang iisipin niya kasi may mga posas eh. Weird lang kasi parang kakaibang posas. "Yes," sagot naman nito at nag-hubad ng damit. Napabuka ang bibig niya. Busog na naman ang mga mata niya sa kagandahan at kásárápán ng katawan nito. Lumunok siya at tinuro ito. "G-Grabe ang katawan mo, sir. Parang pang-model.""Hmm...hindi ka mag-eenjoy, kung sa pagmomodel ko ito gagamitin. Hindi ba mas maigi ang mahawakan mo ito kesa sa makitang nagmomodel lang ako?" tanong naman nito, mahina, malambing, at talagang masarap pakinggan. Buong katawan niya nagre-react lalo na ang nasa gitna ng hita niya. Pumipintig ang tiy
"Mahalia naman, halik lang hindi mo alam? Alam mo ba na yan ang pinakamabilis matutunan na gawain sa tanang buhay natin? Minsan nga ang iba automatic alam agad," sabi naman ni Yanvi sa camera. Group call na naman iyon at nagtawanan ang mga ito. "Tsaka woi, ang swerte mo medyo rough yang nakabili sa'yo. Pangarap ko pa naman matali," sabi naman ng bakla. Nagsihalakhakan ang mga ito habang siya naman nasa sala pabalik-balik ng lakad dulot ng pag-aalala na baka ma-refund siya, habang nakaharap sa phone niya. Kumakagat pa siya ng kuko. "Marasap ba yun, ha? Bakit hindi ko pangarap?" tanong naman ni Yanvi na natatawa."Hindi mo pangarap kasi hindi mo na-appreciate," sabi naman ni Sezy. "Luh naranasan mo yun no?" taas kilay na tanong naman ni Yanvi. "Hindi pa, pero gusto ko maranasan, basta hot gumagawa," sagot naman ng isa. "Ito si Mahalia, parang pinaulanan ng swerte ang mga pangarap natin sa kaniya napupunta!" sabi pa ng bakla at nagsitawanan pa ang mga ito. Napabuntong-hininga siya
Ililibre sana ni Mahalia ang apat niyang security pero ayaw naman ng mga ito kaya bumili na lang siya ng icecream na para sa sarili lamang niya.Dinala siya ng mga ito sa seven eleven at ang dating ice cream na pangarap niyang tikman nabili naman niya ngayon. Napahagikhik siya. "Hmm ang sarap sarap mo!" Lumabas siya ng seven eleven saktong may batang lumapit sa kaniya. "Ate pwede pahingi?"Napatingin siya rito. Napakagusgusin itong bata, madumi ang damit at napakaluwag pa. Nakikita niya ang sarili niya bilang mahirap sa batang babae na ito. Alam niya ang pakiramdam na natatakam pero hindi makuha ang gusto. Hindi pa naman niya natikman ang ice cream niya kaya ngumiti siya at binigay rito ang hawak niya. Ngumiti naman ito nang malaki. "Thank you po!" Tuwang-tuwa itong tinikman ang ice cream at gumaan naman ang loob niya kasi may napasaya siyang iba. Pumasok siya ulit sa loob ng seven eleven at bumili na naman ng isa. Paglabas niya may sumalubong na batang lalaki naman sa kaniya. "
"Kamay..." nananakot na sabi ni Matteo sa kaniya. Dahil sa gulo na pinasukan niya kanina humaharap siya sa punishment ngayon. Napahikbi lamang siya, pero hindi naman umiiyak, kung baga arte lang at sinunod ang utos nito.Nakadipa siya, nakalahad ang mga palad kaliwa kanan at nilagyan nito ng plato na may tubig. "Tandaan mo, kapag ang mga iyan natapon, sa fantasy room ka mapupunta," sabi nito at kabado na naman siya. Alam nitong takot siya doon, ngunit nang mailagay na nito ang mga plato sa kaliwa kanan niyang mga kamay, ramdam niyang nangangawit siya agad. Nasa sala lang sila, nakatayo siya, umupo ito sa couch at nagtawag sa phone. Sinikap naman niyang hindi matapon ang tubig, dahil baka brutal ang gagawin nito sa kaniya."Any update?" tanong nito na nasa tenga ang phone. Curious siya kung sino ang tinawagan nito, ngunit tumango ito at nagsalita, "Good. Put pressure on each family, let's see how brave they are." Binaba nito ang phone at saka siya pinagtuunan ng attention. "Look a
Halos maubusan ng hininga si Mahalia nang bumaon buo ang kahabaan ni Matteo sa kaniya. Nahilo siya bigla at tumatagaktak ang pawis niya. Pawis niyang malamig sa pakiramdam niya tanda na hindi siya okay at mukhang napansin iyon ni Matteo. "You okay?""S-Sabi ko, kalahati lang muna," mahina niyang sabi at nanlalabo ang paningin niya. "It can't be kalahati lang—hey, Mahalia!" tinapik nito ang pisngi niya ngunit hindi na niya kayang labanan ang hatak ng dilim. "What the..."Hindi nagtagal dumilim ang paligid niya. _ Sa hospital, kaharap ni Matteo ang doctor ni Mahalia na kilala din niya. Si Doctor Del Cuevo. Babae, at nasa 40 plus na rin. "Pahingain mo muna siya ngayon, masyadong maselan ang genital part niya at Please, don't be rough, Matt. Hindi niya kaya ang size mo, for sure. Maawa ka sa babae, sensitive masyado yan kasi hindi sanay ang katawan niya." Sinamaan siya nito sa huling sinabi.Nagpanggap naman siyang hindi nahihiya at nagpatuloy pa ito, "Use lukewarm water kapag nag-hu
"Hey, Matteo!" Sa loob ng isang bar ulit, late na naman na dumating si Matteo sa pag-aaya ng mga kaibigan. Hindi lang circle of friends nila ang naroon dahil friends of friends nilang magkagrupo. May mga kasamang babae ang ilan sa mga ito na mukhang pwede pang-fück buddies. "Late ka, kamusta?" tanong naman ni Pax sa kaniya. Kumuha siya ng chips mula sa hawak nito. "Kamusta ang 10.5 natin? Nadiligan na ba?" Hindi gaano malakas ang sounds sa kinaroroonan nila kaya maririnig ng mga kasama nila ang sinasabi nito. Tinanggap niya ang alak na bigay ni Hunter at sinagot si Pax. "She's in the hospital.""Woah! Hospital guys! Did you hear that?!" agad na pag-iingay nito at tumayo pa, kinukuha ang attention ng lahat lalo na ang mga kaibigan nilang alam ang tungkol kay Mahalia. Hindi naman kailangan ipangangalandakan pero bungangero lang talaga ang kaibigan niyang ito. "Hospital what?" tanong pa ni Alvin, random friends lang ito, pero mas close kay Gavyn. "Matteo's 10.5 is in the hospital n
Nanlamig ang buong katawan ni Mahalia sa takot dahil sobrang sakto ang pagdating ni Matteo na ganon ang usapan nila. Napaawang lang ang mga labi niyang namamawis din ang mga palad niya dulot ng takot. Lumapit ang lalaking hindi inalis ang paningin sa kaniya, at sa mga mata nitong nangangasul, talagang masasabi niyang galit ito. Nilapag nito sa ibabaw ng lamesa ang isang basket ng prutas, at pareho nilang tinapunan ng tingin iyon."Who's Teehan?" ulit na tanong nito na tila pati si Sezy nagpigil ng hininga. "K-Kwan..." Hindi niya alam ang sasabihin. Natatakot siyang magbigay ng pangalan dahil baka paimbestigahan din ng lalaking ito si Teehan at malaman ni Teehan kung nasaan talaga siya. "What?" tanong pa nito, at kumatok-katok sa lamesa ang mga daliri nito. Dahan-dahan siyang napatingin kay Sezy lihim na nagtatanong kung ano ang gagawin, pero si Sezy nakatitig sa mga kamay ni Matteo na kumakatok sa lamesa. "You, Sezy..." Napasinghap si Sezy nang pansinin nito. "S-Sir?" tanong ng
"Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam
Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su
Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"
Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang
Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M
Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan
"Kailan kayo kinasal ha? Wag mong sabihin nagpirmahan lang kayo, at hindi mo siya hinarap sa simbahan, wala akong nababalitaang ganon, Matteo." Dinuro-duro siya ng ama ni Finn at Mahalia at tanging pagyuko lamang ang ginawa niya. Frustrated itong napahilamos ng mukha na para bang hindi nito alam ang dapat gawin sa kaniya. "I'm sorry, Uncle—""I don't know what to say, Matteo. This is what you are, right? This is how you manipulate people, right?" gigil na singhal nito. "W-What?" nagtataka naman niyang tanong. Dinuro ulit siya nito, pero sinasayaw nito ang daliri na parang pinapakita lang nito sa kaniya na kinukontrol nito ang galit. "You confessed... right here. Right time para sa'yo na masabing kapag nagalit ako, you can make me feel how dare I am. Na ngayon ko lang nalaman na anak ko siya, at mas ikaw ang nakasama niya from the start ibig sabihin, who am I to be mad, right?" Maang siyang napabuka ng bibig at napailing. "N-No, I just confessed to admit my mistake, Uncle. And yes
Habang yapos na yapos ng yakap si Mahalia ni Frenon Bianchi, luhaan siyang napanganga na napatingin kay Matteo. Hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito. Binaling niya ang kaniyang mga mata kay Finn na luhaan habang nakahingin sa kanila. Nang naging malinaw sa pandinig niya ang iyak ng nagsasabing ama niya doon na rin siya napaiyak dahil ramdam niya ang pamilyar na yakap. Nakanganga pa rin siya, at nadaluyan pa talaga ng luha ang bibig niya. Ngunit hindi niya ito alintana, dahil mas nangibabaw ang emotion niya. Kumalas ng yakap sa kaniya ang kaniyang ama at mukhang desperadong hinawakan ang pisngi niya. "How come na anak kita? I don't understand..." "H-Ha? Hindi mo alam?" nanginginig ang boses niya sa pagsasalita dulot ng hikbi.Umiling ito at humahagulhol na sinabing, "The result said yes. Pero hayaan mo na, kung sino man ang nanay mo, I don't care ang importante, nandito ka na. Nandito na ako, walang gagamit na ibang tao sa'yo para punan ang pansarili nilang intensyon."N
The DNA result says... it's 99.9% positive. Anak nga ito ng daddy ni Finn kaya naman lihim na napakuyom ang kamao niya sa ilalim ng lamesa. It means, his dad cheated on his mom. Napansin ni Mahalia ang reaction niya kaya napatanong ito, "Bakit, Kuya?" Pilit siyang ngumiti at umiling. Hindi niya muna sinabi sa kapatid ang katotohanan kahit na expected naman. Tinapos lang nila ang pagkain doon at saka bumalik na sila sa studio pero iniwan niya si Mahalia kay Victoria at siya naman ay umalis. Lumong-lumo siyang pumasok sa sasaktan thinking na pinagtaksilan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Matic na naawa siya sa kaniyang ina dahil wala itong kaalam-alam. Tumutulo lang ang luha niyang magmamaneho, at tinawagan ang kaniyang ama. Narinig niya itong tumunog sa kabilang linya at sinagot din agad. "Yes, son?" "Papunta na ako sa opisina mo. I have the result now," sabi niya sabay off ng call. Tinawagan niya para makapag-handa ito, in case may client sa loob ng opisina. Nang makarating na