Share

CHAPTER 2

Author: escapade0105
last update Last Updated: 2021-09-07 12:27:34

ESTELLA'S POV

Pagkarating ko ng office ay dumeretso agad ako sa aking table at nagpahinga sandali. Naabutan kasi ako ng traffic, kaya past 6 na ako nakarating.

Napansin ko namang wala sila Ely, Tessa ang Grace sa mga pwesto nila kaya sinubukan kong hanapin sila sa mini pantry namin baka nagpofood trip nanamn sila.

"Ely--"

Sabay sabay silang lumingon sa akin at natigil ang kanila kanya kanyang ginagawa.

Unti unti silang humarap sa akin at malamig ko naman silang tinignan.

"A-Ate, nandyan ka na pala? Kanina ka pa?" Utal na tanong ni Ely at pasimpleng tinatago ang pagkain sa kanyang likod.

"Ella-- hi~~" Grace na biglang sinubo ang last bite ng pizza.

"Hala-- Ella," Tessa na pinunasan ang mukha matapos magkalat ang sauce ng teriyaki sa bibig nito.

Sabi ko na nga ba at nagpofoodtrip nanaman sila eh.

"Foodtrip? Without me??" I said without taking my eyes of them.

"Hehe-- akala kasi namin ate, matatagalan ka pa kaya nagorder na kami. Nagugutom na kasi kami eh." Paliwanag agad ni Ely.

"Meron pa ditong pizza Ella oh," saby abot sa akin ni Tessa ng slice na pizza

"Ito oh-- my Chicken feet pa" sabi naman ni Grace na kinuhaan pa ako ng plato at inabot din sa akin ito.

"Kayo talaga, sana kasi magtext kayo o tawagan nyo ko." I said and took a bite of pizza.

"baka kasi ate di pa tapos client meeting mo kaya di ka na namin inistorbo." Paliwanag ni Ely.

"Next time sabihan nyo nalang ako okay? Iaawas ko naman sa sahod nyo yung pambayad nung order eh--"

"Ate naman~~"

"Hala--" Grace

Si Tessa no comment pero ang mukha parang di na maipinta.

Natawa naman ako sa mga itsura nila.

"Im just kidding, next time pag di nyo pa ako sinabihan, at pag ako bumili ng makakain ililista ko kung magkano total lahat nun." I said at muling natawa sa mga reaksyon nila.

"At magkakautan pa nga tayo ano?" Sabi nalang ni Grace.

Tinignan kong muli ang mga pagkain, parang ang dami kasi, may isang bila-o ng palabok, may tatlong box ng pizza, apat na 1.5 na sodas, may dalawang bila-o ng chicken barbeque, may dalawang container ng pasta pa.

"Teka? Kaya nyo bang ubusin yan? Parang ang dami naman nito, diba ikaw Grace next month pa birthday mo?" Tanong ko kay Grace na sinangayunan naman nito.

"And ikaw Ely, sa December pa and ikaw Tessa next year pa. Wala din naman tayong achievement today pwera sa client natin by next week? Ano bang meron at ang dami naman ng pagkain na to?" Lito ko naman tanong sa kanila.

"A-Ano kasi ate--"

"May nanlibre kasi Ella." Si Grace sabay tingin kay Ely with matching taas baba ng kilay.

Tinignan ko namn si Ely pero umiwas ng tingin sa akin at napakamot ng noo. Pinanlakihan naman nya ng mata si Grace. Natatawa naman si Tessa sa reaksyon nito.

"Ely? May di ka ba sinasabi sa akin?" Sabi ko dito at pinakatitigan sya maiigi.

"May manliligaw na--shhaaa--mmmhhh!!" Naputol ang sasabihin nito ng biglang takpan ni Ely ang bibig ni Grace.

Natigilan naman ako doon. Well, nasa tamang edad na din namn si Ely and I'm sure matutuwa din naman sila mommy if meron man syang suitors. Nung mage-eighteen upto twenty six sya sobrang strict ko talaga dahil ayoko ngang masira ang kinabukasan nya.

I know she understand why, but now is different. Ely is 31 kaya na nyang tumayo sa sariling mga paa, and i know she can do it.

If ever this will be her first time.

"Ely?" Tanong kung muli dito.

Dahan dahan nyang tinanggal ang pagkakatakip ng bibig kay Grace saka di ka makatinging humarap sa akin.

"Is it true?"

"Y-Yes ate." Utal na sagot nito. Halatang pinipilit nyang wag kabahan sa harap ko.

"Kailan pa?"

"Matagal na ate, pero promise i didn't do anything. Nanliligaw palang sya sa akin." Paliwanag nito at marahang hinawakan ang kamay ko.

Napangiti naman ako sa inasal nito. She really knows how i hate fibsters.

"So, who's the lucky guy then?" I asked habang di mawala ang ngiti sa aking labi. Mukhang mauunahan pa ako ng kapatid ko ah.

Kung sya man mauna, okay lang. I'm not in a hurry anyway. 

"S-Si Tristan Salvador ate." She said at yumuko naman.

Iniisip ko kung saan ko narinig ang pangalan na yun dahil napaka pamilyar ng pangalan na iyon. Parang narinig ko na somewhere else.

Nang mapansin ni Ely na iniisip ko kung kaninong pangalan ba yun, ay agad naman nyang nasagot ang tanong sa aking isip.

"Yung dating nerd sa school natin noong college, si Nerdy boy." She said at pinanlakihan ko naman mata at unti unti syang tinawanan.

"That guy? Really? Akala ko ba ayaw mo sa mga kagaya nyang lalake na nerd at may sariling mundo?" I said and can't stop laughing na ikinamula naman ng mukha nito.

"What!? Ely?! Seryoso?! Akala ko hindi sya yun, di ko talaga sya nakilala! Hahaha!" Sigaw tawa ni Grace.

"Eh kasi nga ubod ng dulas yang dila mo!! Dinaig pa may baby oil sa dulas! Kung sinabi ko kaagad sa inyo na sya yun edi di na nakaalis yung tao!" Saway nya Kay Grace.

Wala namang tigil sa pagtawa si Grace.

"Hahaha! Ayan, may pa 'i will never inlove with that kind of guy' ka pang nalalaman, tapos sa kanya ka lang din pala babagsak! Hahaha!!" Asar naman ni Tessa.

Napairap nalang sya sa amin, at kumain ng pasta na kanina pa nasa plato nya.

"Kasi naman eh~~ di ko naman din kasi expected na magiging ganun sya kagwapo ngayong nagkita kami ulit, kaya ayun."

"Kaya nagpaligaw ka na? Ikaw talaga Ely, wag mo kasi hinuhusgahan ang tao sa panlabas ng itsura. Ayan, kinain mo ngayon ang sinabi mo?" Sabi ko dito at kumain na din ng chicken barbeque.

"Hmmf! Grace kasi eh!"

"Oh! Kung di ko pa sasabihin eh di mas lalong yari ka sa ate mo! Baka pati kami madamay, tsaka atleast ngayon alam na namin kung sino ba talaga yung lalake na palaging dinadalhan ka ng flowers dito. Si nerdy boy lang pala! Hahaha!" Pang aasar pa lalo ni Grace.

"Ewan ko sayo! Kahit kailan talaga yang dila mo, paputol mo na yang dila mo! Pahamak ehh!" Busangot ni Ely sabay kain ng fried chicken.

"Alam nyo, tama na yan. Now i know who he is, pakausap mo sa akin ah. Don't worry, i wont hurt him--HARD." Biro ko dito sabay inom ng soda saka kumindat.

"Ate naman ehh~~"

"Anyway, kamusta pala meeting mo sa client kanina?" Singit ni Tessa na kumakain naman ngayon ng pizza.

"Okay naman, they decide na sa Batangas gaganapin ang wedding and it's a beach wedding, so kayo na bahala doon. Natawagan ko na din ang mga suppliers, hotel saan gaganapin yung wedding and kung saan magchecheck in ang magasawa, and anything na kailangan natin for the wedding." Sabi ko sa mga ito.

"Anong theme daw ng wedding nila?" Grace.

"Sa beach nga gaganapin yung wedding, edi Beach yung theme! Hmmf!" Ambang babatokan sana ni Ely si Grace pero nakailaga naman ito.

"Sabi ko nga." Sabay kain ulit.

Inilingan ko nalang ang mga ito. Mga pasaway talaga.

"Nga pala Ely, may isa pang Client ang gustong magpaassist sa atin para sa wedding daw ng kapatid nya. Sila mommy ang nagrecommend sa atin kaya kayo nalang kumausap." Sabi ko dito at kinuha ko ang cellphone tsaka binigay kay Ely ang contact number nito.

"Hmm-- hulaan ko, binugaw ka nanaman ni mommy no?" Here she goes, bilis nya talaga ibaling sa akin ang situation. Kanina sya ang inaasar now, ako naman.

Inirapan ko lang ito at kumain nalang.

"Haha! Sabi ko na eh, alams na!" Sabi ni Ely tsaka ako sinundot sundot sa tagiliran.

"Ely--" sundot.

"Yiiee! Si ate magkakalove life na ulit~~~" sundot ulit.

"Ely-- isa--" sundot.

"Yiieee~~" sabay sabay naman nilang kantsaw.

"Tse! Di ko pa nga nakikita yung tao! Tsaka anu bang malay natin mamaya may asawa na pala yun oh? Sige nga?" Sabi ko sa mga ito.

"Ate, hindi ibibigay ni mommy ang number mo kung di nya din gusto para sayo yung lalake, and kung single ba yun o hindi. Yiieee~~ HAHAHAHA!" Sabi ni Ely at muling sinundot ang tagiliran ko, pero this time pinitik ko na kamay nito.

"Aray! Ayiiiee~~~" pangaasar ulit nito.

"Isa Ely Jane ah, tumigil ka na dyan kung ayaw mong matulog sa dito ngayong gabi." Warning ko dito.

"Sabi ko nga--AYIIIIEEE~~" sabay taas baba ng kilay naman sa akin.

"Ewan ko sayo Ely." Sabi ko dito at inabot na nya ang aking phone at sinave na nito ang number ng client na ibinigay ni mommy.

"Kausapin mo na yan. Kanina pa text ng text yan eh." Sabi ko dito at natigilan naman silang tatlo, saka sabay sabay tumingin sa akin.

"What?" Taka kong tanong sa mga ito.

Sabay nagtinginan ang tatlo,

"AYIIIIIEEEEE~~~~ at nagkatext-san pa nga sila~~~" sabay sabay sabi ng tatlo.

Napakamot nalang ako ng aking noo. Minsan talaga di ko alam bakit nagging kaibigan ko tong mga to, at bakit si Ely pa naging kapatid ko. Lakas din nila mang asar eh.

"Ewan ko sa inyo." Tumayo na ako at kumuha ng pwede kong kainin sa lamesa ko at tsaka lumabas ng pantry.

Sige parin sila tawanan ng tawanan nang lumabas ako.

Alam kong isa din sila sa gusto nang magkalove life ako, pero ayoko naman madaliin lahat ng bagay.

At alam ko pa sa sarili ko na hindi pa ako handa. Kaya, i want this to take slow. Kahit papaano naman eh, di pa matatapos ang buhay ko kung wala akong love life diba??

Naiiling nalang akong nagfocus sa aking computer at tinapos ang dapat kong tapusin.

Nang matapos na namin ang kanya kanya naming trabaho ay, nagpasya na din kami magsi-uwi dahil past 9 pm na ng gabi, at maaga pa kami bukas ulit, para naman sa photoshoot ng couple namin tomorrow.

Pagkasakay namin ng sasakyan ni Ely ay wala parin tigil sa pangaasar ito. Kaya tinakot ko na sya na isa pang pangaasar nya ay iiwan ko talaga sya dito sa opisina at dito na sya magpalipas ng gabi.

Natakot naman, kaya tumigil na.

Habang asa byahe ay naikwento sa akin ni Ely ang about doon sa client na kaibigan nila Dad.

"Diba ate, sabi mo kanina na co-investor yun nila dad?" Tanong nito.

"Oo." Wala kong ganang sagot dito. Nakafocus kasi ako sa pagmamaneho at medyo inaantok na din.

"Ilan taon na kaya yun? Sana kaedaran mo lang, noh? Kasi dating boses nya kanina habang kausap ko sya sa phone, parang ang gwapo gwapo nya sa totong buhay." Sabi nito.

Napatingin nalang ako dito at inilingan ito.

"Isusumbong kita kay Tristan, ikaw ah di pa kayo unfaithful ka na." Asar ko dito. Nakita ko namang nagulat ito.

"Hala si ate naman! Di naman sa ganun, P-Pero, seryoso ate ang pogi ng boses nya." Sabi nito.

"Bahala ka dyan. Basta ako sa iba ako nakafocus--"

"Sa negosyo nanaman? O kay kuya david?" Puto nito sa akin.

Di ko alam, pero di agad ako nakasagot. Parang kahit sarili ko alam na nagsisinungaling ako.

"Alam mo, ate mahal na mahal ka namin nila mommy, daddy, Grace and Tessa. Gusto namin makita yung dating Estella na masayahin, palabiro, makulit, and a happy go lucky person. Sa totoo lang ate nawala lahat yan simula ng mawala din si kuya David. Masyado ka nang nagpaiwan sa kung anong meron kayo noon ni kuya, na pwedeng pwede mo parin makita sa iba. Ano bang pumipigil sayo o dyan sa puso mo?" She said ng magstop kami dahil sa stop light.

Di ako makatingin sa kanya, natigilan ako sa tanong nya.

Di ko alam if tama bang irason ko ang takot na magmahal ulit.

"Ate?" Sabi nito this time ay hawak na nya ang kamay kong sobrang higpit na pala ang kapit sa manibela.

"H-Hindi ko alam Ely. Di pa talaga ako ready."

"Di ka ba talaga ready? O takot ka na maulit ulit nangyari sa inyo ni kuya David?" Deretsang sabi nito. Now ako naman napalingon sa kanya.

Meron sa akin na nagsasabi na tama si Ely, na di ko pa kayang maulit uli yung nangyari noon bago kami ikasal ni David. Sobrang nahirapan ako makabalik ulit sa trabaho dahil doon, halos di na din ako kumakain at sobrang laki ng ipinayat ko.

Halos ayoko na din noon na lumalapit si mommy at daddy sa akin, dahil pakiramdam ko ay ako ang nagbibigay ng kamalasan sa kanila.

But they're not give me anything na mararamdaman kong ganun nga ako, they gave the attention that i really need. They gave me a love that i really need. Hangang sa unti unti na akong nakakapasok sa trabaho, at nagagawa na ulit ang makapag meeting sa iba.

Kaso, trabaho at bahay lang ako. Dati nakakapag bar hopping pa kami, ngayon hindi na. Nakakatravel, pero ngayon sila Ely nalang.

Sobrang iniwasan ko yung mga bagay na ginagawa din namin ni David noon. Kaya pati sila nadamay doon.

"Ate, please gave your self a chance to love and be loved again. Let's face the reality na lahat talaga tayo may finish line, iba iba lang talaga ng pagkakataon at panahon. Masakit ate, pero wala eh di naman natin mababago ang nangyari at mangyayari. All we need to do is make the most out of it. Ienjoy mo ulit ate, walang masama doon. I know kuya David will understand and happy as well if makatagpo ka ng lalakeng mamahalin ka din kagaya ng pagmamahal ni kuya David."

Di ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha kaya mabilis ko itong pinunasan.

"I-I don't know Ely, I don't know. Ayoko magmadali." Tanging sabi ko na lamang.

"We understand. But please come back ate, come back to the old ate Estella. We really missed you so much." Sabi nito at naiiyak na din.

Di na ako nakasagot at marahang hinaplos ang pinge nito saka mahigpit na niyakap.

"I love you so much ate." Sabi nito.

"I love you too so much Ely." Tanging sabi ko at mahigpit syang niyakap.

Ayokong na magsalita ng tapos, dahil baka magsisi nanaman ako sa huli.

--------

Thank you for reading ✨💕

Related chapters

  • PERFECT STRANGER   CHAPTER 3

    ESTELLA'S POVBZZT!BZZT!BZZT!BZZ---!Mabilis kong tinignan ang alarm clock ko, pagkamatay ng tunog nito. Kahit antok na antok pa ay, pinilit ko bumangon."Seven a.m.--ugh!" sabay inat, tayo at exercise sandali tsaka ginawa ang daily morning routine ko.Maligo. Prepare my clothes i need to wear today. Cleanse my face and wear my simple make up.Napili kong suotin today is my blue spaghetti strap, na panloob, white coat, blue skinny ripped jeans, and a black stalletos, of course my brown Hermes bag.

    Last Updated : 2021-09-07
  • PERFECT STRANGER   CHAPTER 4

    ESTELLA'S POV7:35 am.Nang marating namin ang Resort ay pinaasikaso na namin sa mga bell boy ang bagahe namin at sinabi namin sa receptionist ang reservation namin dito. Naconfirm naman nila kaya pinapunta na nila kami sa aming magiging kwarto.It was a deluxe room na good for three person. We choose the room that's near at the sea view, mas nakakarelax tignan kapag gigising kami sa umaga o kung gusto man namin makita ang sunset."Wow, ang ganda." Manghang sabi ni Ely pagkapasok ng kwarto. tumakbo ito papunta sa kama, saka sumalampak doon."Yeah, sarap ng simoy ng hangin talaga dito, di kagaya sa Manila puro tambotso ang naamoy mo!" Grace said at tinanawa ang buong

    Last Updated : 2021-09-07
  • PERFECT STRANGER   PROLOGUE

    "Ate!" "Ate!" Sigaw ni Ely ang bunso kong kapatid sa labas ng simbahan. Kasagsagan ng pagaayos at pagpapraktis sa magaganap naming kasal ni David. My long term boyfriend, for ten years. Sobrang excited ako kasi, this time mangyayari na ang matagal na naming gusto at balak. "Ano ba yun Ely? Nagpapraktis pa tayo oh?"taka kong tanong dito at halatang hingal na hingal. "Ano kasi ate-- si kuya--," "Yeah i know, papunta na yun dito." Sabi ko dito at tinalikuran na sya. "Ate, si kuya naaksidente!" Deretsang sabi nito.

    Last Updated : 2021-09-07
  • PERFECT STRANGER   CHAPTER 1

    ✨ CHAPTER ONE ✨ ESTELLA'S POV 5 years later. "Hi mahal, sorry if ngayon lang ako nakadalaw sayo ah, super dami kasing sched ko this week kaya hirap akong isingit yung oras ko dito. " Sabi ko kay David, habang hinahawi ang mga ilang dahon na nakaharang sa kanyang pangalan. "Wag ka magtampo mahal ah, ay--! May pasalubong pala ako sayo, TA-DAHH~, favorite flowers mo. Sayang lang di ko na nagamit yung ganitong klase ng bulaklak." Sabi ko dito sabay pakita ng isang bouquet ng David Austin Roses. Nung nagseset-up palang kami para sa kasal namin ay sya mismo ang nagdecide, nagdesign ng kasal at nabigay ng theme. Even though ako ang w

    Last Updated : 2021-09-07

Latest chapter

  • PERFECT STRANGER   CHAPTER 4

    ESTELLA'S POV7:35 am.Nang marating namin ang Resort ay pinaasikaso na namin sa mga bell boy ang bagahe namin at sinabi namin sa receptionist ang reservation namin dito. Naconfirm naman nila kaya pinapunta na nila kami sa aming magiging kwarto.It was a deluxe room na good for three person. We choose the room that's near at the sea view, mas nakakarelax tignan kapag gigising kami sa umaga o kung gusto man namin makita ang sunset."Wow, ang ganda." Manghang sabi ni Ely pagkapasok ng kwarto. tumakbo ito papunta sa kama, saka sumalampak doon."Yeah, sarap ng simoy ng hangin talaga dito, di kagaya sa Manila puro tambotso ang naamoy mo!" Grace said at tinanawa ang buong

  • PERFECT STRANGER   CHAPTER 3

    ESTELLA'S POVBZZT!BZZT!BZZT!BZZ---!Mabilis kong tinignan ang alarm clock ko, pagkamatay ng tunog nito. Kahit antok na antok pa ay, pinilit ko bumangon."Seven a.m.--ugh!" sabay inat, tayo at exercise sandali tsaka ginawa ang daily morning routine ko.Maligo. Prepare my clothes i need to wear today. Cleanse my face and wear my simple make up.Napili kong suotin today is my blue spaghetti strap, na panloob, white coat, blue skinny ripped jeans, and a black stalletos, of course my brown Hermes bag.

  • PERFECT STRANGER   CHAPTER 2

    ESTELLA'S POVPagkarating ko ng office ay dumeretso agad ako sa aking table at nagpahinga sandali. Naabutan kasi ako ng traffic, kaya past 6 na ako nakarating.Napansin ko namang wala sila Ely, Tessa ang Grace sa mga pwesto nila kaya sinubukan kong hanapin sila sa mini pantry namin baka nagpofood trip nanamn sila."Ely--"Sabay sabay silang lumingon sa akin at natigil ang kanila kanya kanyang ginagawa.Unti unti silang humarap sa akin at malamig ko naman silang tinignan."A-Ate, nandyan ka na pala? Kanina ka pa?" Utal na tanong ni Ely at pasimpleng tinatago

  • PERFECT STRANGER   CHAPTER 1

    ✨ CHAPTER ONE ✨ ESTELLA'S POV 5 years later. "Hi mahal, sorry if ngayon lang ako nakadalaw sayo ah, super dami kasing sched ko this week kaya hirap akong isingit yung oras ko dito. " Sabi ko kay David, habang hinahawi ang mga ilang dahon na nakaharang sa kanyang pangalan. "Wag ka magtampo mahal ah, ay--! May pasalubong pala ako sayo, TA-DAHH~, favorite flowers mo. Sayang lang di ko na nagamit yung ganitong klase ng bulaklak." Sabi ko dito sabay pakita ng isang bouquet ng David Austin Roses. Nung nagseset-up palang kami para sa kasal namin ay sya mismo ang nagdecide, nagdesign ng kasal at nabigay ng theme. Even though ako ang w

  • PERFECT STRANGER   PROLOGUE

    "Ate!" "Ate!" Sigaw ni Ely ang bunso kong kapatid sa labas ng simbahan. Kasagsagan ng pagaayos at pagpapraktis sa magaganap naming kasal ni David. My long term boyfriend, for ten years. Sobrang excited ako kasi, this time mangyayari na ang matagal na naming gusto at balak. "Ano ba yun Ely? Nagpapraktis pa tayo oh?"taka kong tanong dito at halatang hingal na hingal. "Ano kasi ate-- si kuya--," "Yeah i know, papunta na yun dito." Sabi ko dito at tinalikuran na sya. "Ate, si kuya naaksidente!" Deretsang sabi nito.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status