"Maya! Bumalik ka rito!" Buong pwersang sigaw ni Shane habang pasakay si Maya sa loob ng sasakyan ni Brian. Nanlulumong mga braso at paa ang makikita sa katawan ni Shane pagkatapos na talikuran siya ng kaniyang anak. Pakiramdam nya ay hindi sya naintindihan ni Maya kahit ilang beses nyang sabihin kung gaano kasakit ang naranasan nya nung araw na 'yun.
Nakita nyang may ibang babae ang first love nyang si Daniel, ang daddy ni Maya at parehong araw nang nalaman nyang namatay na ang kanyang Papa dahil hindi naagapan sa ospital. Kahit sinong dumanas ng parehong sakit ng pagkawala at pagkabigo ay nanaising kamuhian ang mundo sa lahat ng nangyayari sa kanya. Saglit pang nagflash back ang huling eksena ni Shane sa harap ni Daniel at Penny habang nakapinid ang kanyang luhaang mata sa blangkong espasyo ng pinto.
"Pinabayaan mo ang Papa ko dahil sa kalandian mo?" Mala- leong titig ang ibinigay ni Shane kay Penny habang nasa isip nya ang kalagayan
Napatungo na lamang si Maya pagkatapos nyang magpakita ng pagkabigla sa doktora. Dala - dala pa rin nya sa kanyang dibdib ang nangyaring pagtatalo nilang mag- ina. Hindi man ito big deal sa iba, ngunit para sa kanya ay isa itong turning point sa buhay nya, mas pinili kasi nyang puntahan ang dati nyang kaaway at tinalikuran ang kanyang ina na naging kakampi nya sa lahat ng panahon na absentee- father si Daniel sa kanilang pamilya. Nilapitan ni doktora Penny si Maya at ramdam nyang nag-aalangan ito sa kanya habang paliit ng paliit ang pagitan nilang dalawa at nang hawakan ni Penny ang kaliwang balikat nito, "Ang sabi ko buti pinayagan ka ni Shane na dumalaw dito kay Neal." Bahagyang umangat ang ulo ni Maya upang makita ang reaksyon ng mukha ni Penny, " A... ang totoo po tita, nagkasagutan po kami ni Mommy, (binawi nya ang pagkailang at ngumiti sya sa doktora) pero ok lang po 'yun, maiintindihan din po 'yun ni M
Halos tatlong minutong katahimikan mula sa grupo nina Maven, ang lahat ay naghihintay kung sino ang unang sasagot sa binitawang salita ni Diana. Ang lahat ay maraming naiipong tanong sa kanilang isip ngunit..."Toot.""Ay bakit mo naman pinatay ang call Maven?!" Sumimangot ang labi ni Maya.Tumayo na si Maven mula sa kanyang kinauupuan dahil bigla syang pinagpawisan ng malamig, "Hayaan mo na yang si Diana, pinagbabayaran lang ni Alvin ang ginawa nya kay Neal.""Naku, sandali ha, maiwan ko na kayo, kung kayo man ang mag- aalaga sa batang 'yan, eh kayo na ang bahala, basta kampante na akong may magbabantay kay Neal." Inaayos ni Mang Tony ang kanyang damit at nagsisimula ng humakbang papalapit sa pinto."Sige po tay, thank you po, ingat po kayo. Heto po pang merienda nyo manlang." Inakbayan ni Brian si Mang Tony at inabutan ito ng 500 peso bill, ngumiti lamang ang matanda.Binasag ni Maya ang katahimika
"Narinig mo Payne? Ifelt something in his eyes, at 'yung something na 'yun ay kami lang ang nagkakaintindihanni Neal. Uulitin ko pa ba o lalayuan mo na sya?" Pagyayabang ni Diana sa harap ni Payne dahil pakiramdam nya ay titiklop ang dalaga kapag tinitigan nya ito."Bakit kaya ayaw pa ring tumigil ni Diana sa kaniyang ilusyon at pagkagusto kay Neal? Ano ba talaga ang motibo ni Diana kaya ayaw nyang i-give up si Neal?" Ito ang katanungan na gumugulo sa isipan ni Payne at para bang hinihintay niya ang pinaka- masakit na isasagot ni Diana.Nakahanda ang isipan ni Payne sa anumang ire- reveal ni Diana kung bakit ayaw pa rin nyang tantanan si Neal, ngunit hindi handa ang kanyang damdamin. Kahit sino naman, hinding - hindi maiihanda ang damdamin sa anumang rebelasyon lalo pa at tungkol ito sa karibal nya sa pagmamahal sa taong nagbigay sa kanya ng bagong pag - asa.Pag - asa na magmahal ng normal, pag - asa na makaramdam
"Bilis na Payne!" Muling sigaw ni Maya habang amoy na amoy nya singaw mula sa banyo dahil sa inilabas ni Payne. Dahan- dahan namang lumabas si Payne mula sa banyo na nakatungo. Habang tumutulo pa ang kaniyang pawis mula sa kanyang mukha apunta sa kaniyang leeg ay nakangiti itong nagsabi ng, "Sorry... di ko na kasi matiis e..." "Ano ka ba?! Anong ngini- ngiti- ngiti mo dyan!? Tulungan mo nga ako dito sa higad na ito at baka makawala!" Sigaw ni Maya sa kaibigan kung kaya't agad na nanlaki ang mga mata ni Payne sa nasaksihan nya. Bigla namang umupo si Diana at umikot para makawala sa mahigpit napagkakahawak ni Maya sa kanyang buhok at mga kamay, "Bitawan mo nga ako! Akala ko si Payne lang ang baliw, pati pala ikaw! Magkaibigan nga kayo! Pareho kayong baliw!"Masakit sa dibdib na sigaw ni Diana dahil pigil ang paglakas ng kanyang boses. Pumasok si Dra. Payne dahil mula sa labas ng pinto ay naririnig nya ang sigawan na nanggagaling sa loob ng kwarto ni neal at ikinabahala nya ito, "Anon
Hinihimay ng isip ni Shane ang mga salitang binitiwan ni Penny. Unti- unting tinatanggap ito ng puso nya kaya sa isang iglap napawi ang poot, hinagpis at lahat ng alinlangan ni Shane... sa kanyang asawa, kay Penny at maging sa kanyang sarili. Sa wakas, naramdaman na nya ang salitang "pagpapatawad."Mangiyak - ngiyak si Shane dahil ang buong akala nya ay mas pinili ng kanyang asawa na mamatay sa bisig ng kanyang ng babaeng kinamumuhian nya kaysa sa kanya na unang minahal ni Daniel, "Totoo ba 'tong sinasabi mo Penny? Ako ang hinanap ni Daniel? Akala ko...""Naging maramot ako Shane, ayaw kong ibigay sya sa'yo akala ko kasi hanggang sa huli ako ang pipiliin nya. Anyway, natanggap ko na 'yun. Naresolve ko na ang conflict sa sarili ko at sa kanya. Napatawad ko na ang sarili ko, sana napatawad mo na rin ako Shane."Iniba ni Shane ang tono ng kanyang boses mula sa mahinahon ay tumaas ang tono ng boses nito u
Bakas sa mga tuyong labi ni Neal na nahihirapan pa syang magsalita. Hindi rin niya maigalaw mabuti ang kanyang mga kamay at braso, tanging ang mga daliri niya sa kamay ang pilit nyang iginagalaw upang magbigay senyales sa lahat ng tao na nasa loob ng kwarto nya na may malay na siya."Anak, huwag mong piliting magsalita. Ito lang na naiimulat mo ng mabuti ang mga mata mo ay napakalaking kaligayahan na ang dulot sa amin." Sa nanlulumong mga mata ni Penny at maluha - luhang boses ay hinawakan nya ang ulo ni Neal.Nasulyapan ni Neal si Shane na nakangiti sa kanya at nakatitig katabi ni Maya, "T..tt...tita Shane?""Ako nga Neal, mabuti naman at nagkamalay ka na." Hopeful na ngiti ni Shane."Pa... paano pong?" nais itanong ni Neal kung paano nangyaring nagkasundo na ang kanilang mga ina.Si Ayla ang sumagot, lumapit ito sa gilid ng kama malapit sa bintana, "Neal, may mga
Lumapit ang pulis kay Alvin at tinulungang itayo ang binata, "Narinig mo pinapatawad ka na at hindi kana idedemanda.""Anak...?" Naguguluhang tawag ni Penny kay Neal."Tama po ang narinig nyo Ma, gusto ko na pong matapos ito. Gusto ko na po agad gumaling, pagkagaling ko, gusto ko pong magsimula tayong muli. Hilumin po natin ang nakaraan Ma, kasama sina Tita Shane at Maya."Napatakbo si Penny kay Neal at pinalibutan nya ng mapagmahal nyang mga braso ang di makagalaw nakatawan ng anak. Ramdam na ramdam ni Neal ang pagmamahal ng kanyang ina sa mga bisig nitong punung - puno ng pangungulila. Hindi napigilan ng lahat na maging emosyonal at mapaluha ng bahagya sa nasaksihan."Anak, napaka - buti ng puso mo, ayaw mong maghiganti sa taong nagkasala sayo. Proud ako, ganyan pala kita pinalaki.""Ma, deserve ko po lahat ng nangyari sa akin at gusto ko na pong itama ang lahat.
Limang minuto bago mag ala- sais nang lumapat ang kaliwang kamay ni Neal sa kaniyang kaliwang mata upang kuyumusin ito. Espesyal ang araw na ito para sa kaniya, bukod sa kaarawan niya, ngayon rin ang unang pagkakataon na mayroon siyang makakasamang girlfriend sa kaniyang kaarawan.Madalas kasi sa mga nauna na niyang relasyon na wala namang nagtagal, bago sumapit ang kaniyang kaarawan ay naghihiwalay na sila. Tinuring na nga niya itong kamalasan dahil kahit anong pilit niya ay mas pinipilit ng panahon na mag- isa siya sa kaniyang kaarawan.Bukod sa nabulabog ang kaniyang tainga sa alarm ng kaniyang cellphone, napilitan siyang buksan ang natutulog niyang mga mata at diwa sa pag- hawi ng kurtina ng nurse na nag- check ng kaniyang vitals.Maayos na ang pakiramdam ni Neal, at nakakagamit na rin sya ng cellphone, naiigalaw na niyang maayos ang kanyang mga kamay at braso. Sa ilang segundo ay itiniklop niyang muli