Hinihimay ng isip ni Shane ang mga salitang binitiwan ni Penny. Unti- unting tinatanggap ito ng puso nya kaya sa isang iglap napawi ang poot, hinagpis at lahat ng alinlangan ni Shane... sa kanyang asawa, kay Penny at maging sa kanyang sarili. Sa wakas, naramdaman na nya ang salitang "pagpapatawad."Mangiyak - ngiyak si Shane dahil ang buong akala nya ay mas pinili ng kanyang asawa na mamatay sa bisig ng kanyang ng babaeng kinamumuhian nya kaysa sa kanya na unang minahal ni Daniel, "Totoo ba 'tong sinasabi mo Penny? Ako ang hinanap ni Daniel? Akala ko...""Naging maramot ako Shane, ayaw kong ibigay sya sa'yo akala ko kasi hanggang sa huli ako ang pipiliin nya. Anyway, natanggap ko na 'yun. Naresolve ko na ang conflict sa sarili ko at sa kanya. Napatawad ko na ang sarili ko, sana napatawad mo na rin ako Shane."Iniba ni Shane ang tono ng kanyang boses mula sa mahinahon ay tumaas ang tono ng boses nito u
Bakas sa mga tuyong labi ni Neal na nahihirapan pa syang magsalita. Hindi rin niya maigalaw mabuti ang kanyang mga kamay at braso, tanging ang mga daliri niya sa kamay ang pilit nyang iginagalaw upang magbigay senyales sa lahat ng tao na nasa loob ng kwarto nya na may malay na siya."Anak, huwag mong piliting magsalita. Ito lang na naiimulat mo ng mabuti ang mga mata mo ay napakalaking kaligayahan na ang dulot sa amin." Sa nanlulumong mga mata ni Penny at maluha - luhang boses ay hinawakan nya ang ulo ni Neal.Nasulyapan ni Neal si Shane na nakangiti sa kanya at nakatitig katabi ni Maya, "T..tt...tita Shane?""Ako nga Neal, mabuti naman at nagkamalay ka na." Hopeful na ngiti ni Shane."Pa... paano pong?" nais itanong ni Neal kung paano nangyaring nagkasundo na ang kanilang mga ina.Si Ayla ang sumagot, lumapit ito sa gilid ng kama malapit sa bintana, "Neal, may mga
Lumapit ang pulis kay Alvin at tinulungang itayo ang binata, "Narinig mo pinapatawad ka na at hindi kana idedemanda.""Anak...?" Naguguluhang tawag ni Penny kay Neal."Tama po ang narinig nyo Ma, gusto ko na pong matapos ito. Gusto ko na po agad gumaling, pagkagaling ko, gusto ko pong magsimula tayong muli. Hilumin po natin ang nakaraan Ma, kasama sina Tita Shane at Maya."Napatakbo si Penny kay Neal at pinalibutan nya ng mapagmahal nyang mga braso ang di makagalaw nakatawan ng anak. Ramdam na ramdam ni Neal ang pagmamahal ng kanyang ina sa mga bisig nitong punung - puno ng pangungulila. Hindi napigilan ng lahat na maging emosyonal at mapaluha ng bahagya sa nasaksihan."Anak, napaka - buti ng puso mo, ayaw mong maghiganti sa taong nagkasala sayo. Proud ako, ganyan pala kita pinalaki.""Ma, deserve ko po lahat ng nangyari sa akin at gusto ko na pong itama ang lahat.
Limang minuto bago mag ala- sais nang lumapat ang kaliwang kamay ni Neal sa kaniyang kaliwang mata upang kuyumusin ito. Espesyal ang araw na ito para sa kaniya, bukod sa kaarawan niya, ngayon rin ang unang pagkakataon na mayroon siyang makakasamang girlfriend sa kaniyang kaarawan.Madalas kasi sa mga nauna na niyang relasyon na wala namang nagtagal, bago sumapit ang kaniyang kaarawan ay naghihiwalay na sila. Tinuring na nga niya itong kamalasan dahil kahit anong pilit niya ay mas pinipilit ng panahon na mag- isa siya sa kaniyang kaarawan.Bukod sa nabulabog ang kaniyang tainga sa alarm ng kaniyang cellphone, napilitan siyang buksan ang natutulog niyang mga mata at diwa sa pag- hawi ng kurtina ng nurse na nag- check ng kaniyang vitals.Maayos na ang pakiramdam ni Neal, at nakakagamit na rin sya ng cellphone, naiigalaw na niyang maayos ang kanyang mga kamay at braso. Sa ilang segundo ay itiniklop niyang muli
Ilang minuto na ang nakakalipas at nagtatalo ang mga mata nina Shara at Gilbert kung sino ang magbubukas ng pinto, nagsalubong ang mga nakangiting mata nina Alvin at Neal ngunit inihakbang ni Maya ng mabilis ang kaniyang mga paa at lumapit sa pinto, bumuntong hininga.Kung gaano kabilis ang hakbang ni Maya ay ganun rin naman kabagal ang kaniyang kamay para abutin ang doorknob. Napapikit siya ng ilang segundo at inilapat ang kaniyang kanang kamay sa malamig na metal ng doorknob.Sinadya ni Maven na itaas ang kaniyang boses sa nakatalikod na si Maya, Sige na buksan mo na, parang alam mo na din naman kung sino 'yang kumakatok."Nagkibit - balikat lamang si Maya at dahan - dahang binuksan ng pinto...Naunang magpakita ang cake na may kandilang hugis letra, "16" na hinahawakan ng mga malalambot at maputing mga kamay ni..."Tita? Tita Penny? ... Mm... Ma? " Sa mga sandali
Sa isang slow motion effect ay makikitang nagtatawanan sina Gilbert, Maven, at Alvin habang pinagsasaluhan ang inihanda nilang pagkain sa kaarawan ni Neal. Habang si Neal naman ay pigil na pigil sa pagtawa at halos sumakit na ang tyan sa corny jokes ni Gilbert.Sa paulit- ulit na tukso ni Maven kay Gilbert ay mukhang gusto na nga niyang totohanin ang panliligaw kay Shara, ngunit katulad ng iba na may separation anxiety ayaw rin niyang pumasok sa isang relasyon lalo pa nga at malapit na ang graduation nila.Hindi rin siya sigurado kung pareho sila ng papasukan sa college, ngunit si Neal naman ay nagpayo ng "It's better to take the risk than regretting it" pagdating sa love.Kagaya ng ibang typical high school students, masyado pa rin naman silang newbie sa karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon, at si Maven naman, sa pagiging relihiyoso niya ay mas pinipili niyang makapagtapos mun
Dahan - dahang iminumulat ni Payne ang kaniyang mga mata, nararamdaman niyang parang may naka dagan sa kaniyang buong katawan. Mula ulo hanggang sa kaniyang mga paa ay hirap na hirap niyang igalaw. Tanging ang kaniyang mga daliri ang may natitirang lakas para damhin ang hangin sa kaniyang paligid.Tila hinaharangan ng hangin ang kaniyang mga tainga kung kaya't sinasala nito ang mga tunog bago pa pumasok sa loob at iproseso ng utak niya. Ang kaniyang pang - amoy ay mas naging sensitibo, ngunit hindi mawari kung anong amoy ang nag- aagawang pumasok sa kaniyang isipan. Nagugulan. Namamagha. Naaaliw. Dahil sa unang pagkakataon, ang kaniyang kaisipan ay malaya at naninibago.Sa kabigatan ng nararamdaman ni Payne sa pagkakataong iyon ay minabuti niyang muling pumikit at damhin ang lamig ng kapaligiran. Ang lamig na dumadaloy sa bawat balahibo ng kaniyang mga braso. Dahan - dahang makikita sa kaniyang mga labi ang kaligayahan sa sandali
Sabado. Mag - aalas - singko ng hapon. Sa isang madilim at puting kwarto na may malaking salamin ay makikitang nakaupo si Payne na naka - khaki shorts with brown sleeveless top sa dulo ng kama, at si Neal na nakadamit ng white t-shirt at faded jeans ay nakatungo habang nakaupo sa silyang malapit sa isang 32 inches na TV.Mag sasampung minuto nang nababalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang mga buntong - hininga ng magkabilang panig ang maririnig sa bawat sulok ng silid.Biglang tumayo si Payne at itiniklop ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniynag dibdib, "Fine! Nakapag - desisyon na ako. Ako rin naman ang mahihirapan kapag tinuloy ko ito, hindi ba? Katawan ko ito, buhay ko ito. Wala kang pakialam!" Nanginginig ang mukha ni Payne at pinipigalan ang kaniyang mga mata na ilabas ang luha dahil nagtatapang - tapangan siya sa harap n Neal.Tumalikod si Payne at humarap sa bintana upang hindi makita ni Neal ang kaniya