Chapter 269 Maaga pa lang ay abala na kaming lahat sa paghahanda para sa pagdating nina Mommy Janith at Daddy Jayson. Si Manang Inday ay nasa kusina, abalang nagluluto ng paborito nilang mga putahe, habang si Sarah naman ay nag-aayos ng mesa kasama ang triplets. "Mommy, ako na po ang maglalagay ng bulaklak sa lamesa!" sigaw ni Erwin habang maingat na hawak ang isang maliit na plorera. "Ako naman po sa mga kutsara at tinidor!" sabat ni Ethan, sabay kuha ng mga utensils mula sa tray. "Ako po sa baso!" dagdag ni Eralyn, halos hindi maabot ang lamesa kaya tinulungan siya ni Sarah. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang masigasig sa kanilang mga gawain. Ang saya nilang tumutulong, at ramdam ko ang excitement nila na makita ulit sina Lola at Lolo nila. Lumapit ako kay Sarah at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Love, ayos na ba ang lahat?" tanong ko. "Oo naman," sagot niya habang inayos ang isang lobo na nakasabit sa dingding. "Wala nang kulang, at mukhang sobrang excited
Chapter 270Napabuntong-hininga ako, sabay lingon kay Sarah. "Mukhang magiging masaya at magulo ang mga susunod na araw ‘pag nagkita-kita kaming lahat."Natawa siya at tumango. "At sigurado akong hindi lang simpleng reunion ang mangyayari. Feeling ko, may malaking pasabog na naman ang pamilya mo.""At kapag nangyari ‘yun, love, ipapaubaya ko na sa ‘yo ang damage control," biro ko, sabay tawa.Sabay-sabay kaming natawa, habang ang excitement sa puso ko ay lalong lumakas. Matagal ko nang hindi nakakasama ang mga kapatid ko, pero sa pagkakataong ito, alam kong magiging espesyal ang muling pagsasama namin."Pero dad mom, nag-alala ako sa kakambal ko na si Emerald. Sa edad niyang 31 ay wala pa siyang pinakilala sa atin na nobyo niya."Napatingin ako kay Mommy at Daddy habang hinihintay ang sagot nila. Alam kong hindi lang ako ang nag-iisip nito—pati sila, sigurado akong nag-aalala rin."Oo nga, Mommy, Daddy," dugtong ni Sarah. "Lahat ng kapatid ni Emer, kahit paano, may mga naging karelasy
Chapter 271Napatingin kami lahat kay Mom nang bigla tumunog ang kanyang phone kaya agad niyang sagutin ang tawag. Si Emerald pala ang tumatawag. Tahimik kaming nakinig habang kausap niya si Mom."Anak, totoo ba ‘yan? Susunod na linggo ka pa makakauwi?" tanong ni Mom, halatang may bahagyang pag-aalala sa boses niya.Narinig kong bumuntong-hininga si Emerald sa kabilang linya. "Oo, Mom. Pasensya na, may biglaang bagyo dito. Na-cancel ang flight ko at hindi pa sigurado kung kailan ako makakakuha ng bagong schedule."Napansin kong medyo nag-aalala rin si Dad, kaya sumingit siya sa usapan. "Sigurado ka bang ligtas ka diyan, Emerald? Baka naman delikado ‘yang sitwasyon mo.""Okay lang ako, Dad. Nasa hotel lang ako at safe naman dito. Wala namang dapat ipag-alala," sagot ni Emerald. "Pero pasensya na talaga, hindi ko kayo makakasama agad."Sumingit si Sarah sa usapan, malakas ang boses. "Emerald! Sigurado ka bang wala kang kasamang special someone diyan, ha? Baka naman kaya ka naantala sa p
Chapter 272 Janith POV Tahimik akong nakatayo sa harapan ng pintuan habang pinagmamasdan ang eksena sa harapan ko. Si Emerald, ang aking anak, ay may bitbit na malaking sorpresa. Lahat kami ay nag-aabang ng kasunod niyang sasabihin matapos niyang ipakilala ang lalaking kasama niya—si Jaycob Santos. Napansin kong kahit si Brandon, ang asawa ko, ay tila nagtataka rin. Hindi niya iniwan ang tingin kay Jaycob, na sa kabila ng tensyon sa paligid ay nananatiling kalmado. Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanila. Sa loob-loob ko, alam kong may rason kung bakit ngayon lang ipinakilala ni Emerald ang lalaking ito. At bilang ina, ramdam ko ang kaba sa kanyang postura. Ngumiti ako at mahinahong tinanong, "Emerald, sino ba talaga si Jaycob sa buhay mo?" Nakita kong bahagyang nanigas ang balikat ng anak ko bago niya ako tiningnan. Alam kong sinusubukan niyang buuin ang tamang sagot sa isip niya. "Mom..." saglit siyang tumigil at tila nag-ipon ng lakas ng loob. "Si Jaycob... siya ang fi
Chapter 273 Napangiti ako. Sa sagot pa lang niyang iyon, alam kong tama ang anak ko sa pagpili. Pero syempre, iba ang quadruplets ko. Hindi pa sila tapos sa interrogation nila. "Hmm…" tumingin si Elian kay Elara. "Ano, sis? Pasa o bagsak?" Nagtagal ang tingin ni Elara kay Jaycob, bago siya bahagyang ngumiti. "Pasa," sagot niya. At doon lang kami lahat nakahinga nang maluwag.Napangiti ako habang pinagmasdan silang lahat—si Emerald, na masaya sa piling ng fiancé niyang si Jaycob, ang kakambal niyang si Emerson, na ngayon ay asawa na ni Sarah, at ang quadruplets naming sina Elian, Elias, Elrico, at Elara, na tila may secret mission sa pagtutok kay Jaycob. Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang eksenang ito.Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na palad na humawak sa aking kamay. Paglingon ko, naroon ang aking asawa—si Jayson, nakangiti nang matamis habang nakatingin sa akin."Kumpleto na naman ang pamilya natin," mahina niyang sabi, ngunit ramdam ko ang saya at pagmamalaki sa boses
Chapter 274 Jayson POV Habang nakaupo ako sa aking swivel chair, hindi ko maiwasang mapangiti habang binabalikan ang nakaraan—kung paano nagsimula ang kwento ng pag-ibig namin ni Janeth. Flashback Ako si Jayson Hanson, 28 taong gulang, isang businessman at may-ari ng isang malaking kumpanya—ang JH Company. Matagumpay kong napalago ang negosyo, pero ang dahilan nito ay hindi lang dahil sa sipag at tiyaga, kundi dahil na rin sa pangungulila ko sa aking fiancée. Anim na taon na ang lumipas mula nang mawala siya, at sa loob ng panahong iyon, inialay ko ang sarili ko sa trabaho para hindi ko maramdaman ang sakit ng pagkawala. Isang araw, nirekomenda ng kaibigan ko ang isang babae na magiging personal assistant ko. Kaibigan daw ito ng kanyang asawa, kaya pumayag na rin ako na subukan siya. Noong una kong makita si Janeth, may hawig siya kay Jeannie—ang dating fiancée ko. Pero sa ugali, malayong-malayo sila sa isa’t isa. Si Jeannie ay mabait, pero maarte sa paligid. Hindi naman
Chapter 275Janeth POVNapangiti akong lumapit kay Jayson. "Hon, anong ini-isip mo?" tanong ko dito. "Ang nakaraan natin," sagot niya sa akin. "Hahaha, kapag naisip ko yun ay hindi ko maiwasang mapatawa," sambit ko saka ako nag baliktanaw. Flashback..... Pagkalabas ko ng opisina ni Boss, hindi ko maiwasang mapailing. Hindi ko gusto ang aura ng babaeng iyon—si Miss Liezel Rosal. Ang yabang! Pakiramdam niya ata, pagmamay-ari niya ang mundo. Pero teka, bakit ba ako naiinis? Ano ba naman sa akin kung may kausap si Boss?Napabuntong-hininga ako at bumalik sa aking desk. Pero kahit anong pilit kong bumalik sa trabaho, hindi ko maiwasang lumingon-lingon sa pinto ng opisina ni Boss Jayson. Ilang beses kong naisip kung ano kaya ang pinag-uusapan nila sa loob.“Wala kang pakialam, Janeth. Trabaho mo lang ‘to,” paalala ko sa sarili ko.Pero bakit ba parang gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila?Hindi ko na rin napansin na kumuyom na ang aking kamay. Tsk! Ano bang nangyayari sa a
Chapter 276 Ilang sandali ay lumapit ang aming mga anak ni Jayson. Napangiti ako habang tinitingnan ang aming mga anak. Hindi ko akalain na darating ang araw na magkakaroon kami ng ganito kalaking pamilya ni Jayson. "Mom, anong pinag-uusapan niyo ni Dad?" tanong ni Eme habang nakasandal sa balikat ni Jacob, ang fiancé niya. Napatingin ako kay Jayson na ngayon ay may mapanuksong ngiti sa labi. "Wala naman, anak. Pinag-uusapan lang namin ang nakaraan," sagot niya. "Kayo talaga, Mom, Dad! Ang tanda-tanda niyo na, nagkukulitan pa rin kayo," natatawang sabi ni Elias, ang isa sa aming quadruplets. "Hindi naman porket matanda na, hindi na pwedeng maging sweet," sabat ni Elena habang inirapan ang kakambal niya. "Tama si Elena," sang-ayon ni Sarah, ang asawa ni Emer. "At saka, kita niyo naman, hanggang ngayon, parang bagong kasal pa rin sina Mommy at Daddy." Napatawa ako habang hinawakan ang kamay ni Jayson. "Siyempre naman! Hindi ba’t kayo rin ang patunay na hindi lang basta pagmamahal
Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....
Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan
Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom
Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do
Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo
Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may
Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba ‘to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana ‘wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babae—may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya ‘to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal
Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, boss—" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag
Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana