PEONY's POV
I know challenges lie ahead. Marriage is no small commitment, and there will be hurdles to overcome. But for now, the immediate concern is ensuring Papa's care. And if aligning my fate with Luigi's can guarantee that, then I am resolved to see it through.I'll have to discuss this with Luigi, of course. There are conversations to be had, details to sort out. But one thing is clear: whatever it takes, I'm ready to do it for Papa.Matapos magdesisyon ay hindi ko muna kinausap si Luigi dahil maaaring magbago pa ang isip ko. Binigyan naman niya ako ng isang linggo para pag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon ko. Kung may iba pang paraan para mabayaran at mabili ko lahat ng gamot ni Papa, hindi ako magpapakasal kay Luigi.Bumuntong-hininga ako bago sumampa sa kama para mahiga. Nang walang magawa ay kinuha ko ang aking phone sa gilid ng kama. Pag-open ko ng screen, bumungad sa'kin ang mensahe ni tita Audrey.From: Aunt AudreyKailan ka makadadalaw ulit sa papa mo? Kailangan ko magtrabaho bukas, kung wala ka, walang magbabantay kay Paul.Si Paul ang papa ko, si tita Audrey naman ay ang nakatatandang kapatid ni papa. Siya lang ang kapalitan ko sa pagbabantay kay papa sa hospital. Kung hindi mababantayan ni tita si papa, bukas, paano na si papa?Tiyak ako na alam ni Luigi ang kalagayan ni papa, kung magpapaalam ba ako sa kaniya, papayagan niya ako?Bumuntong-hininga ako saka umupo, nakatitig pa rin sa mensahe na pinadala ni tita.Kailangan ko na makausap ngayon si Luigi para wala ako na akong problema bukas.Tumayo ako para tawagan si Luigi. Ni-press ko ang number 1, ilang sandali lang ay sinagot na ni Luigi ang tawag ko."What's wrong?" tanong niya. Wala man lang hello or hi?I let out a sigh, speaking, "Can we talk?""Sure, I'll be right there," tugon niya. Akala ko ay ibababa na niya ang tawag pero narinig ko pa ang boses niya sa kabilang linya. "I-usog mo ang meeting. May gagawin lang ako saglit," sabi niya. Mukhang malayo na siya sa telepono dahil humina ang boses niya."Hello?" nagsalita ako para kumpirmahin kung ako ba ang kinakausap niya. Naghintay ako ng ilang minuto pero walang sumagot kaya naman binaba ko na lang ang tawag.Umupo ako sa upuan habang hinihintay si Luigi, makalipas lamang ang ilang sandali ay may kumatok sa pinto at nang bumukas iyon, bumungad si Luigi.Naka-formal attire siya, mukhang may pasok siya ngayon sa trabaho. Oo nga pala, hindi ko pa alam kung ano ang trabaho niya. Pero kahit hindi ko tanungin, mukha naman siyang successful sa buhay niya. Hindi pa nga ako nakalalabas ng kwarto pero sigurado ako na malaki ang bahay niya.Pag-upo niya sa harap ko ay inayos niya ang kaniyang coat. "Ano ang sasabihin mo?" tanong niya, saglit na sinulyapan ang kaniyang relo.Naghahabol ba siya ng oras? Kung gano'n, kailangan ko maging direct to the point.Tumikhim ako bago nagsalita. "Kailangan ko bantayan si papa sa hospital bukas dahil may pasok sa trabaho ang tita ko at walang magbabantay kay papa. Alam mo naman ang kondisyon niya 'di ba?"Tumango siya. "What time?" tanong niya, seryosong nakatitig sa'kin."8 A.M.," tugon ko.Muli siyang tumango. "Alright. Ihahatid kita sa hospital, sabay na tayo umalis ng bahay bukas."Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling. "H-Hindi na! Ako na lang! Hindi mo naman kailangan na gawin 'yon."Nagtaas siya ng kilay. "What are you saying? My friend is still here and he might see you tomorrow if you get out of this room without a plan. Don't misunderstand."Agad na umakyat lahat ng dugo ko sa'king mukha at naramdaman ko ang pag-init no'n. Nakahihiya!"Ahh... Ha-ha!" nagpeke ako ng tawa sabay kamot sa ulo."Are we done? Kung wala ka nang sasabihin ay aalis na ako. May meeting pa ako na kailangan attend-an," sabi niya at akmang tatayo na siya nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang matigas niyang braso. Agad kong ni-withdraw ang kamay ko at umayos ng upo.I cleared my throat to compose myself. "Uhm, I just want to thank you. That's all," I smiled."No problem," pagsabi niya no'n ay umalis na siya ng silid.Pagsara ng pinto ay napasabunot na lamang ako sa sarili kong buhok. Damn, Peony! Nakahihiya ka! Noong una nagmukha akong assumera, sunod naman ay nagmukha akong manyakis. Argh!Kinagabihan, sabay kami ulit kumain ni Luigi at sinabi rin niya ang plano namin sa paglabas ng bahay ng sabay para bukas. Pagtapos ng discussion na 'yon ay tahimik lang kaming nagpatuloy sa pagkain.Kinaumagahan, naging successful naman ang strategy naming dalawa. Nakaupo na ako ngayon sa shotgun seat at pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas habang si Luigi naman ay tahimik lamang na nagmamaneho.Hindi nga ako nagkamali, malaki ang bahay niya. Mansion o hacienda na nga iyon kung tatawagin dahil sa sobrang laki ng lote at lawak. Ilang magagarang sasakyan din ang nakita ko na pagmamay-ari niya. Hindi ko nga lamang alam kung ano ang mga brand no'n dahil hindi naman ako maalam sa mga sasakyan. Pero kahit gano'n, sigurado ako na mamahalin ang mga 'yon.Hindi ko maiwasang mainggit. Kung siguro ay may pera rin ako na katulad ng kay Luigi, magaling na ngayon si papa o 'di kaya ay napoprovide ko ang mga kailangan niya. Hindi rin sana kami baon ngayon sa utang. Hindi ko na nga alam kung paano tataguan ang iba kong inutangan tuwing maniningil sila. Gusto na nga rin kami paalisin sa bahay na tinitirhan namin dahil hindi na ako nakababayad.Hindi ko naiwasang maglabas ng malalim na buntong-hininga dahil sa naiisip. Kung may sapat lang sana akong pera, gusto ko tapusin ang pag-aaral ko pero lahat ng ipon ko ay nagastos ko na para kay papa."What's on your mind that made you sigh so deeply?" tanong ni Luigi.Lumingon ako sa kaniya, sumagot, "Huh? Wala."Nakatutok pa rin ang tingin niya sa daan nang magsalita siyang muli. "You can tell me everything. Do you want to buy your father a flower and fruit?"Hindi 'yon ang na sa utak ko pero na tempt ako sa tanong niya. "Can we?"Tumango siya at niliko ang sasakyan. "Of course."Napangiti ako habang nakatitig sa kaniya. Kung hindi lang talaga malamig ang awra niya, magiging crush ko siya. Isipin niyo, ha, mayaman, pogi, maganda ang pangangatawan, at mabait. Sino ang hindi mabibighani sa kaniya?Pagtapos namin mamili ng bulaklak at mga prutas ay dumiretso na kami sa hospital, pero syempre ako lang ang bumaba ng sasakyan dahil kailangan niya dumiretso sa trabaho niya. Bago pa siya umalis ay may inabot siya sa'king papel na may nakasulat na mga numero, sabi niya ay kaniyang number 'yon. Tawagan ko na lang daw siya kapag uuwi na ako.Hindi kaya siya late? Na sayang ang oras niya sa pamimili namin kanina. Hmp! Sana hindi siya ma-late dahil mabait siya.Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa kwarto ni papa. Pagbukas ko ng pinto ay mas lalo ko pa nilawakan ang ngiti ko."Peony!" sigaw ni papa, binuka niya ang kaniyang braso, naghihintay na yakapin ako.Agad kong binaba ang bulaklak at mga prutas saka tumakbo sa kaniya para bigyan siya ng mahigpit na yakap."I miss you, pa," bulong ko na tinawanan lang niya."Baka pinapagod mo ang sarili mo, ha? Sabi ko sa'yo, hindi ko kailangan magpa-opera," sabi niya nang bitiwan niya ako.May cancer si papa at kailangan niya ma-operahan, iyon ang dahilan kung bakit kailangan ko ng malaking pera, hindi lamang para sa gamot niya. Ang sabi ng doktor, tatlong buwan na lang ang itatagal ni papa, at kung maging successful ang operasyon, maaari pa siyang tumagal ng labing dalawang buwan.Umiling ako at tinignan siya ng mabuti. Sobrang payat na niya, hindi lang ng katawan niya, pati na rin ng mukha. Naiiyak ako. Kung kaya ko lang pasanin ang paghihirap ni papa ay pinasan ko na. Kung sana ako na lang ang na sa kalagayan niya ay matutuwa pa ako."Kailangan mo ng operasyon, pa. Ayaw mo na ba ako makasama ng matagal?" biro ko.Lumungkot ang mukha niya. "Kung mapapagod ka lang dahil sa pag-iipon ng pang-opera ko, hindi na ako magpa-oopera, anak. Ayokong nahihirapan ka. Magtrabaho ka na lang para ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo, alam kong gusto mo pa mag-aral. Ilang taon ka pa lang naman."Nagtubig ang mga mata ko. Pinigilan ko na lumabas ang aking mga luha. Ayokong makita ako ni papa na umiyak. "Ano ka ba, pa? Mas importante ka pa rin sa'kin. Saka hindi ko kailangan 'yang pag-aaral na 'yan 'no! Marami naman akong p'wede na maging trabaho kahit hindi ako nakapagtapos."Bahagya niyang ginulo ang buhok. Kita ko ang pang-gigilid ng luha niya. "Hindi ako mananalo sa'yo. Sige, gawin mo kung ano ang mas gusto mo."Ngumiti ako. "I love you, pa," ani ko at muli siyang niyakap ng mahigpit.Binantayan ko si papa hanggang kinabukasan. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako sa pagbabantay, nagising na lamang ako nang may tumapik sa balikat ko.Kinusot ko ang aking mga mata bago tignan kung sino ang kumalabit sa'kin. "Oh, tita!" wika ko nang mamukhaan kung sino iyon.Ngumiti siya. "Umuwi ka na. Day off ko ng dalawang araw kaya okay lang kahit ako na muna magbantay kay Paul."Tumayo ako para yakapin si tita. "Salamat, tita. Susuklian ko lahat ng kabutihan mo."Tumawa siya at hinaplos ang likod ko. "Ikaw talagang bata ka!"Nag-almusal muna kami ni tita sa canteen ng hospital bago ako umalis. Tinawagan ko si Luigi gaya ng sabi niya pero hindi siya ang nagsundo sa'kin, kun'di ang sekretarya niya.PEONY's POVPinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan ng lalaki, hindi ko alam kung sekretarya ba siya ni Luigi o driver. Hindi naman kasi niya sinabi. Noong bumaba siya sa sasakyan para pagbuksan ako ng pinto, nagpakilala lang siya at sinabi na pinapasundo raw ako sa kaniya ni Luigi dahil na sa meeting pa ito.Habang na sa sasakyan, tahimik lamang ako. Hindi naman kami close at ngayon ko lang siya nakita kaya hindi ko alam kung paano mag-start ng conversation.Tanghali na nang makarating kami sa isang matayog na building. Pagtapos ay dumiretso kami sa silid ni Luigi ngunit wala siya ro'n. Sinabi na lamang sa'kin ng lalaki na hintayin ko rito si Luigi at pagtapos no'n ay lumabas na siya, naiwan tuloy akong mag-isa.Hindi ko pala dapat siya tawagin ng 'lalaki' lang, ang pangalan niya ay Riley Morgan.Dahil wala naman akong magawa, nigala ko na lang ang mata sa silid. The office is spacious with a big desk and a comfy chair. There's a fancy computer, a big window with thick curtains, and sh
PEONY's POVPagtapos kumain ay napagpasyahan na naming umuwi. Gusto ko na rin magpahinga pero parang pinipigilan pa ako ng tanawin kanina umuwi. Sobrang nag-enjoy talaga ako sa view and impyernas ang sarap ng dishes nila. Kaya pala sobrang mahal ng halaga kasi sobrang sarap din.Paglabas namin ng five-star hotel, sinalubong kami ni Riley. Oo nga pala, nakalimutan kong itanong kay Luigi kung sekretarya niya ito o driver lamang. Pero hayaan na, mayro'n pa namang next time. Sa ibang araw ko na lang siya tatanungin. Nakahihiya naman kasi kung magtatanong ako about kay Riley tapos kasama namin siya.Pinagbuksan niya kami ng pintuan. Pinauna ako ni Luigi na pumasok sa loob bago siya sumunod. Habang na sa byahe, pinagmamasdan ko lamang ang tanawin na nadaraanan namin. Si Luigi naman ay nakatutok sa ipad niya, mukhang tungkol 'yon sa company niya. Si Riley naman ay tahimik lang din na nagmamaneho hanggang sa marating na namin ang bahay ni Luigi.Bumaba kami sa garage kung saan naka-display la
PEONY's POVKinabukasan, tinawagan ako ni Luigi sa phone at sinabi na p'wede na ako kumain sa kusina. Kung ayaw ko raw kasabay ang kaibigan niya na kumain, p'wede raw ako magpahatid sa kwarto ng pagkain. Pero nakahihiya naman kung magpapahatid ako ng pagkain kaya sa kusina na lang ako kakain kahit na ayoko makasabay si Russell.Pagpasok ko sa loob ng dining area, sakto namang katatapos lang kumain ni Russell. Nanlaki pa ang mata niya na tila nagulat nang makita ako, pero agad din 'yon napalitan ng pagngisi."Good morning!" bati niya sa'kin at kumaway pa.Ayoko siya i-ignore kaya ngumiti ako. Paglipat ng mga mata ko sa lamesa ay para akong nalula sa dami ng pagkain na nakahain doon. Grabe! Para lang 'to sa iisang tao?"May birthday ba?" tanong ko habang na sa lamesa pa rin ang titig."Pinahanda 'yan ni Matty bago siya umalis kanina," sagot ni Russell. "Hindi mo ba kaarawan ngayon?"Huh? Pinahanda ito ni Luigi? Hindi kaya ay siya ang may kaarawan ngayon?Lumingon ako sa kaniya at umilin
PEONY's POVI sighed. Ilang segundo akong nanatili roon, nakatingin lamang sa pinto kung saan pumasok si Russell, bago ko sundin ang sinabi niya. Hindi ko alam, habang naglalakad ay nakararamdam ako ng kaba at hiya. Nahiya ako dahil narinig ni Russell na pinag-uusapan ako ng mga katulong.Hmm... Nahihiya ako hindi dahil may nabanggit ang mga katulong na hindi maganda tungkol sa'kin. Ang kinahihiya ko ay bago pa lamang ako rito pero may galit na agad sa'kin. Parang ang ibig kasi sabihin no'n para sa'kin ay hindi ako naging mabuti sa paningin nila at hindi ako marunong makisama.Hindi ba ang pangit naman tignan kung bago ka pa lang sa pamamahay pero hindi ka na agad nagustuhan ng mga taong kasama mo?Malamya akong bumalik sa kwarto. Pagpasok ko sa silid ay agad kong binagsak ang aking katawan sa higaan. Para tuloy akong starfish dahil sa posisyon ko."May ginawa ba akong hindi maganda sa paningin nila? Bakit sila agad galit sa'kin? Iniisip ko lang naman na masasayang ang pagkain kung it
PEONY's POVPagtapos namin kumain, gaya ng sinabi ni Luigi, namili kami ng mga gamit na gagamitin ko para bukas. Sa totoo lang, pwede ko naman suotin ang mga luma kong damit pero mas pinagpilitan ni Luigi na bumili ng bago. Pero sabagay, mayaman ang pamilya niya kaya mas mabuti kung magmumukha akong desente sa harapan nila.Kasama namin mamili si Russell. Ayaw nga siya isama ni Luigi, nagpumilit lang din siya. Hinayaan na namin siya sumama since kaibigan naman siya ni Luigi at mukhang makatutulong siya sa'min pumili ng mga damit.Pag-uwi, nakahanda na agad ang mga pagkain at kakain na lamang kami. Ang sarap ng ganitong buhay, 'yong pag-uwi mo may nakahanda na agad na pagkain para sa'yo. Kung pagod kang uuwi, hindi mo na kailangan paghandaan pa ang sarili mo dahil may nakahain na sa lamesa at isusubo mo na lang ang mga 'yon.Kinabukasan, nagising ako nang marinig na may kumakatok sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto, isang katulong ang bumungad sa'kin at sinabi na pinasusundo ako sa kaniya
PEONY's POVNakarating kami sa isang lugar na sa tingin ko ay doon nakatira ang pamilya ni Luigi. Kami lang dalawa ni Luigi ang pumunta, at pinag maneho kami ng secretary niya. Hindi namin kasama si Russell dahil kami ni Luigi lang naman ang inimbitahan sa dinner.Nang ma-park na ang sasakyan, pinagbuksan kami ni Riley ng pinto. Unang bumaba si Luigi, pagtapos ay nilahad niya sa 'kin ang kaniyang kamay. Inabot ko 'yon saka bumaba ng sasakyan.Nakahawak ako sa kaniyang braso habang naglalakad kami. Malaki ang lote ng bahay ni Luigi pero mas malaki ata ito. Kung titignan din ang tayog ng pagkatayo ng bahay, masasabi mo rin na mas malaki ang bahay na 'to. Hindi ko lang sure kung dapat ko pa 'tong tawaging bahay o dapat ay mansion na.Pagpasok namin sa mala mansion na tirahan, talaga namang namangha ako sa 'king nakita. Hindi ko alam kung paano i-describe ang napaka ganda nilang interior. Kulang pa ata ang salitang 'wow' at 'ang ganda' para puriin ang bahay na 'to.Nagliliwanag ang buong b
LUIGI's POVNang makauwi na kami sa bahay, umakyat ako agad sa 'king kwarto para magpalit ng damit. May kailangan akong puntahan kasama si Russell ngayong araw. Naka set na ang time kaya hindi pwedeng madelay pa ito.Saktong pagtapos ko magbihis ay may kumatok sa pinto. Si Russell na ata iyon.Hindi ako nagkamali sa 'king hinala nang bumungad sa 'kin si Russell pagbukas ko ng pinto. Ang lawak ng ngiti niya sa labi na hindi ko malaman ang dahilan, pero isa lang ang alam ko; nang aasar siya ngayon.I rolled my eyes and went back to my room. Nag spray lang ako saglit ng pabango bago lumabas ng silid. "Stop smiling, idiot," sita ko sa kaniya."So... How was dinner?" tanong niya, hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi."Nothing special. Kumain lang naman kami, ano bang ine-expect mo?" pagsusuplado ko sa kaniya.Tumawa siya ng mahina bago nagtanong ulit. "Tanggap ba ng family mo si Peony?"I glanced at him briefly. "Why? Do you think they would give her money to break up with me?"Pabir
PEONY's POVPagbaba ko sa sala, nakita kong may ibang kasama si Luigi bukod kay Russell. Baka kaibigan niya rin?Dumiretso ako sa kanila at binati sila kahit na hindi pa gaanong nakalalapit. Saktong pagbati ko ay tinawag na kami ng isang katulong para ipaalam na handa na ang almusal.Habang kumakain, doon lang pinakilala sa 'kin ni Luigi ang isa nilang kasama. Siya si Giovanni De Luca, hindi ko maiwasan magandahan sa pangalan niya.Ngumiti si Giovanni at kinamayan ako, sabay sabing, "Wow, tama nga ang sinabi ni Russell, nagbago nga talaga ang taste mo sa babae."Agad na kumunot ang aking noo, hindi nagustuhan ang sinabi niya. Gusto ko tanungin kung ano ba ang tipo ni Luigi sa paningin nila para lagi nilang sabihin na nagbago ang taste niya sa babae. Nakakainis. "I didn't expect him to be in a serious relationship nga e," ani Russell, nakatingin kay Giovanni tapos ay sabay silang tumawa.Sa totoo lang, nakakabastos. Gusto ko silang sampalin na dalawa."Why don't you just eat?" sabi ni
PEONY's POV Nag-iihaw sa labas sina Riley at Gio, si Russell naman ay may inaasikaso sa kusina. Hindi ko alam kung ano 'yon, basta ang alam ko lang ay hindi siya nagluluto, dahil hindi naman siya marunong sa bagay na 'yon. Habang busy ang iba, kasama ko si Luigi sa living area, nanonood kami ng action movie. Na-curious tuloy ako bigla; kaya ba siya marunong gumamit ng baril at ibang patalim ay dahil mahilig siya sa action movies? Bahagya akong tumikhim para kunin ang atensyon niya, at nang lingunin na niya ako ay saka ako nagsalita, "Mahilig ka sa mga action movies?" "Not really," sagot niya, halatang naboboring. Hindi ko alam kung naboboring ba siya na kasama ako o naboboring siya sa pinapanood namin. "Ahh... akala ko mahilig ka, e, sagot ko na lamang na may pagtango pang kasama. "Do you like action movies?" tanong niya, sa TV na ngayon nakaharap. Tumingala ako saka nag-isip ng isasagot Paglipas ng ilang segundo, saka ako sumagot, "Sakto lang. Maganda ang action movies kung wa
PEONY's POV Ilang araw na ang lumipas matapos no'ng may mangyari sa hotel na pinuntahan namin. Dapat nag-enjoy kami no'ng araw na 'yon, pero nalagay pa sa panganib ang buhay namin. Nasayangan tuloy ako sa mga mamahalin naming damit at alahas, napuno ba naman ng dugo! Ang sabi ni Luigi, sasagutin niya ang mga tanong ko kapag tapos no'ng nangyari, pero hindi ko naman na nagawa pang magtanong. May side ako na gustong malaman kung sino ang mga foreigner na 'yon, at bakit sila kilala ng mga 'yon. Pero may side rin sa 'kin na takot sa maaari nilang isagot sa 'kin. Ilang araw na ang lumipas at parang wala lang nangyari. Pag-uwi nga namin galing doon, naligo agad sila tapos pinatawag ako ni Luigi sa office niya. Sabi niya, magtanong lang daw ako ng mga gusto kong itanong at sasagutin niya iyon ng walang palya, pero hindi na ako nagtanong pa. Hindi na rin naman siya nagpumilit na magtanong ako. Na sa hapag-kainan kami ngayon. Tahimik lamang ako habang nagkukwentuhan sina Riley, Russell at G
PEONY's POV"Where should we go next?" nakangiti tanong ni Riley kay Russell.Imbis na sagutin siya, lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil nawala ang ngiti sa kaniyang labi, at natuon ang tingin niya sa 'kin.Kanina damit niya lang ang may dugo, pero pati mukha niya ay mayro'n na rin. Yes, I should be scared of him after what I witnessed, but I know him. Hindi niya ako sasaktan katulad ng ginawa niya sa lalaking 'yon.Nag-aalala ko siyang tiningnan. "Anong nangyari sa 'yo? Okay ka lang ba? S-Sorry kung tumakas ako, concern lang talaga ako kay Luigi."Saglit nang liit ang mga mata niya bago hawakan ang aking ulo at guluhin iyon. "I'm okay. Okay na rin tayo, since nag-sorry ka na. Just don't do it again or I'll be dead."Nagtataka ko siyang tiningnan. Mamamatay siya dahil lang sa tumakas ako? Wala naman sa 'kin ang puso niya, ah. Wait, is this kind of confession? N-no way!Bago pa ako maka-react, hinila na ako palayo ni Russell kay R
PEONY's POVTulala lamang ako habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Ako lang ang tao rito, wala sina Russell, at Gio, si Riley naman ay na sa labas ng sasakyan na tila may hinihintay.Gusto ko magtanong kung anong nangyayari, pero I couldn't bring myself to do it. Natatakot ako... lalo na sa posibleng mangyari kay Luigi sa loob ng hotel.Bakit ako ang binabantayan ni Riley? Hindi ba dapat tulungan niya sa loob si Luigi? Kahit na magkaibigan silang dalawa, boss niya pa rin 'yon. He needs to protect him and I want him to protect Luigi rather than staying here. Mas kailangan ni Luigi ng katulong sa loob, hindi naman ako importanteng tao kaya walang magbabalak na pumatay sa 'kin.Wala ngang nakakakilala sa 'kin, e. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago lakas-loob na binuksan ang pinto ng sasakyan. Kaagad na napalingon sa gawi ko si Riley."Why? You need to stay inside," ika niya."Naiihi na ako," pagsisinungaling ko. "Gusto mo ba akong maihi rito?" "Hindi pa safe ang lugar kaya kung ka
PEONY's POVHabang naglalakad palayo, napangiti ako. Feeling ko, mas pinili niya ako kaysa sa babaeng 'yon. Kanina lang naiinis ako, pero parang good mood na ako ngayon. May dissociative identity disorder na ata ako.Talaga pa lang sikat sa mga babae itong si Luigi, hindi ako nagkamali sa naisip ko dati. Pero kung sikat naman pala siya sa mga babae, lalo na sa mga magagandang katulad ni Elise, how come na ako ang pinili niya na magpanggap bilang asawa niya?Nagda-doubt pa rin ako na kaya ako ang pinili niya, dahil gusto niyang suklian ang kabutihan na ginawa ko sa kaniya dati—iyong paggamot ko sa sugat niya. But never mind muna, malalaman ko rin naman ang totoo kung mayro'n man talagang ibang dahilan.Pumunta kami ni Luigi sa lamesa na puno ng mga pagkain. Saglit na lumayo sa 'kin si Luigi para kunan kami ng pagkain. Habang naghihintay, hinanap ng mga ko si Elise. Tumaas ang isa kong kilay nang mapansin na naroon pa rin siya sa pwesto namin kanina, ngunit nagbago rin agad ang ekspresy
PEONY's POVNgayon na ang araw na pupunta kami sa ball na sinabi ni Luigi. Hapon pa lang pero inaayusan na ako, malayo ata 'yong venue kaya pinaghahanda na niya ako. Excited ako at medyo kinakabahan, ito ang unang beses ko na makapupunta sa gano'ng event. Kahit kasi na mayro'ng gano'n sa eskwelahan ko dati, hindi naman ako pumupunta at ang dahilan? Pera. Wala akong pera pang bayad at pang bili ng gown and accessories.Simula nang makilala ko si Luigi, pakiramdam ko naging maluwag at swerte ako sa buhay. Lahat ng mga hindi ko naranasan no'n, ay nararanasan ko na ngayon. Iyong mga pagkain na hindi ko nakakain dati ay nakakain ko na ngayon. Ang mga mamahaling damit na hindi ko afford ay nasusuot ko na ngayon. Nakapupunta na rin ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan, at na-experience ko mamuhay na hindi iniisip kung mahal ang isang bagay para bilhin dahil may ATM card na ako. Lahat ng mga nararanasan ko ngayon, ay dahil nakilala ko si Luigi.Napangiti ako habang nakatingin sa salam
PEONY's POVDahil pinatapon lahat ni Luigi ang mga niluto nina Russell at Giovanni, nag-order na lang kami ng makakakain namin. Hanggang ngayon na masarap na ang kinakain namin, nakasimangot pa rin si Luigi. Para siyang bata na nagtatampo pero pogi pa rin.Ano ba kasing nakain ng dalawang 'yon, bakit sila ang nagluto? Halata naman na hindi sila marunong."Hindi ba masarap?" Tanong ko kay Luigi; binaba niya kasi ang kutsara at tinidor niya."Hindi mawala sa isip ko ang mga itsura na niluto nila. Hindi ako makakakain ng maayos," angal niya."Grabi ka magreklamo, ikaw naman ang nagpaluto sa 'min no'n!" Ani Russell.Ha? Pinagluto sila ni Luigi, hindi sila ang nagkusa? Pero bakit?"Tsk. Oo nga! Alam mo naman na hindi kami talaga nagluluto pero pinagluto mo pa rin kami," gatong naman ni Gio.Tumaas ang kilay ni Luigi. "Nagrereklamo kayo?"Agad na ngumiti si Russell at napakamot sa batok. "Syempre, hindi. Sinasabi lang namin na hindi kami marunong magluto pero at least we tried, 'di ba Peony
RUSSELL's POV Pauwi na kami sa mansion ni Matty, at kasama namin siya ngayon ni Gio sa sasakyan. Si Gio ang nagmamaneho, ako sa passenger's seat, at si Matty naman ang na sa likod. Hindi namin kasama si Riley dahil bago pa lang kami makarating sa warehouse kanina, umalis siya para linisin ang ginawang kalat ni Matty sa sarili niyang kwarto. Nakatingin ako sa labas at magdadalawang isip kung itatanong ko ba 'yong tungkol sa nalaman ko sa kanila ni Peony. Alam kong hindi siya matutuwa kapag nanghimasok ako, pero nacu-curious ako sa kung ano talaga ang tingin niya kay Peony. Talaga bang pinakasalan niya si Peony dahil kailangan niya ito o ginawa niya 'yon dahil may nararamdaman siya? I cleared my throat. Na-s-stress ako na ewan, hindi ko naman na dapat pang isipin kung ano man ang namamagitan sa dalawa pero damn, why do I care? "Parang ang lalim ng iniisip mo, ha?" ani Gio. Nilingon ko siya. "Pinagsasabi mo riyan?" Pinatunog niya ang dila niya kasabay ng pag-iling niya. "Tan
PEONY's POV Pagtapos nang nakita ko, hindi ko na nagawa pang makatulog, hindi na nga rin ako nakakain kahit gutom na gutom ako. Nakahawak lamang ako sa 'king tiyan habang naka tagilid na higa. Bakit kasi kailangan ko pang magising sa gano'ng oras? Para makita na may kahalikan si Luigi? Ano pa ang iba nilang ginawa sa kwarto no'ng umalis na ako? Pinukpok ko ang ulo ko sa 'king na isip. Malamang, mas malala pa sa halikan ang ginawa nila. Napakagat labi ako at napahawak sa 'king dibdib nang kumirot iyon. Hindi ko ikakaila na nasaktan ako dahil kasal siya sa 'kin, pero naiintindihan ko rin naman siya. Nakasulat sa kontrata namin na bawal kami mag-kiss o magtalik. Lalaki siya at alam kong may pangangailangan siya sa katawan kaya hindi ko siya masisisi. Gusto ko sana umangal na sana sinabihan man lang niya ako pero hindi naman na niya iyon trabaho. Isa pa, peke lang naman itong lahat; hindi niya ako tunay na asawa at hindi totoong nagmamahalan kaming dalawa. Nang tumunog ang cel