Balik po muna tayo sa mga characters para maalala niyo sila dahil sa sobrang tagal na walang update
Elijah- male characterLiah/Juliet- Female characterKara- kaibigan ni LiahAling Myrna - nanay ni karaJulius- boyfriend ni MatetMatet- pinsan ni LiahNanay Let- nanay ni Liah (hindi biological)Ina- kaaway ni LiahAdor- bodyguard ni Elijahkrizia- dahilan bakit nawalan ng alala-ala si Liahkaragdagan: arrange marriage po si Elijah at Liah, nawalan ng alala-ala si Liah dahil sa kagagawan ni Krizia. Napunta si Liah sa isang isla at doon nakilala yung mag-ina sila Matet pero kinidnap siya ni Elijah at ginawang alipin pero unti unting nagbago yung trato ni Elijah kay LiahHindi ko alam kung ilang ang chapter na ma u-update ko everyday, pero try kong damihan. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ngayon. Babawi po ako sa inyo, naging busy lang dahil sa daming ginagawa sa schoolHappy DecemberLiah "Eto bagay to sayo ohh" tinapat ni Kara ang napili niyang puting dress sa akin Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at napa-ngiti, bumabagay sa aking porselanang kutis ang kulay ng damit"Para kang artista Juliet sana all, ang puti puti mo pa tapos ang laki laki pa nang suso at pwet m---" hindi natuloy ni Kara ang kaniyang sasabihin ng sitahin siya ni Aling Myrna Ako naman ay napa iling nalang at hinayaan si Kara sa gusto niya, patuloy ang pag-iikot ng aking mata sa paligid. Nasa loob kamk ng isang affordable na bilihan ng mga damit sa loob ng mall at kakatapos lang namin mamili ng mga grocery's "May napili kana ba Juliet?" Tanong ni Aling Myrna nang lapitan niya akoNgumiti ako at umiling"Wala pa po pero susubukan kong maghanap pa" sagot ko sa kaniyang tanong"Sige, sa labas muna ako para hintayin kayo. Ikaw na muna ang bahala kay Kara" ani niya"Sige po, susunod kami sa labas" aniko bago siya nagpaalam saamin"Hoyy bakla, bagay sayo to" napatingin ako kay Kara ng tawagin n
Liah "Naka-usap na ba si Mr. Santos Nay, dapat mamayang gabi maibenta na yang babaeng yan para makabayad na tayo agad sa utang natin" rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Matet habang nasa loob ako ng aking dating kwarto sa bahay nila Nanay LetMadilim ang paligid at ramdam ko ang mahigpit na tali sa aking kamay at paa, kahit ang aking bibig ay may takip na tela. Mabaho ang paligid at makalat itoHindi ako maka-hinga ng maayos at ramdam ko pa ang sakit ng aking ulo dahil sa pagtama nito kanina sa hamba ng kotse"Huwag mo akong minamadali Matet, alam ko ang ginagawa ko" si Nanay Let iyon "Nag-aalala lang ako Nay, baka mamaya tumakas na naman yan. Sayang ang ino-offer ni Mr. Santos na isang milyon kapag hindi natin ibebenta si Juliet" muling ani ni Matet Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili, ramdam ko ang pamamaga ng aking mata dahil sa kaiiyak. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas ngayon. Nakakatawang isipin na balak nila akong ibenta ngayon para lang mabayara
Liah Hilong hilo ako habang naka sandal sa pader, hindi din matigil tigil ang aking katawan sa panaginginig Mula sa loob ng kwartong kinalalagyan ko ay rinig na rinig ko ang boses ng mga tao sa labas, hindi na din ako magtataka kung sino ang may boses na lalaki na aking naririnig ngayonAng pamilyar na boses ni Mr. SantosNakatali padin ang aking kamay at paa, nanghihina ang aking katawan at wala akong gana para man lang maghanap ng paraan para makatakas dito sa lugar na ito Pakiramdam ko ay ito na ang magiging kapalaran ko habang buhay, imposibleng may makapag liligtas pa saakin ngayon "Gaya ng napag-usapan isang milyon kapalit ng alaga mo Let" halos magsitayuan na ang aking balahibo ng marinig ang boses ni Mr.Santos "Oo naman, handa na puwede mo nang kunin si Juliet. Eh ang pera handa naba Mr. Santos?'' boses naman ngayon ni Nanay Let ang nangibabaw Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon, ni isang malasakit ay wala man lang siyang ipinakita saakin pagkatapos ng matagal naming
ElijahI can feel my heart being shattered like a glass while staring at herKanina lamang ay nanginginig siya, but now as i look into her i know she's finnaly safe. The way her body melts after she saw its me, alam kong matagal na niya akong hinintay para iligtas siya "I will make them pay for what they did to you" i whispered when she finnaly slept, muli kong hinaplos ang kaniyang buhok, my eyes caught a glimpse of her red wrist Kumunot lalo ang aking nuo ng mapansin ang mga hickey sa kaniyang leeg at balikat and to my fvcking rage it looks like someone did it to her just a few hours agoAgad na namuo muli ang galit sa aking sistema, naalala ko kanina kung paanon siya huminga ng malalim ng tanggalin ko ang tali sa kaniyang kamay at paaSinulyapan ko ang side mirror ng sasakyan, a smirk formed my lips when i saw the scene outside the car. Malakas ang apoy nakapaligid sa bahay ng mag-ina, the 3 people who was kneeling infront of Ador makes me full in rage Hindi din nakatakas saa
Liah Pinagmasdan ko ang namumulang sugat sa aking kamay at saka ito hinaplos, bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang paligid Nasa kwarto ako ngayon ni elijah pero mag-isa lang ako, nagising ako kaninang madaling araw nang mag-isa kaya hindi na ako nakatulog pa dahil sa bangungot ko sa nangyari. May mga puting tela na nakapulupot ngayon sa aking nuo, kamay at paa kung saan alam kong naroon ang iba kong sugat at pasa Hindi ko alam kung anong nangyari o kung anong ginawa ni Elijah kila Nanay Let pero laking pasasalamat ko padin kay Elijah dahil sa pagliligtas niya saakin, gusto ko siyang tanungin kung paano niya nalamang naroon ako at kung paano niya ako iniligtas Naputol ang aking malalim na pag-iisip ng may kumatok sa pintuan, sumulyap ako doon bago nagsalita "Pasok" mahina ang aking boses na lumabas dahil nadin siguro sa panghihina Bumungad saakin ang isang babaena katulong, nakayuko siya habang may hawak na tray na puno ng pagkain Biglang kong naalala sila Aling Myrna at Kar
Liah "We will go after lunch baby so stop being a brat" bulong ni Elijah saaking tenga habang naka-upo ako sa kaniyang hita Kasalukuyan kaming nasa loob padin ng kaniyang opisina pagkatapos ko siyang kausapin kanina, he agreed to what I said kaya pinilit ko siyang ngayon na dapat namin puntahan para mapalabas sila Aling Myrna at Kara sa prisinto pero pinipilit niyang mamaya na daw dahil kailangan ko pang magpahinga "Baka nagugutom sila doon, paano kung hindi sila nakakain ng maayos don?" Dahil sa pag-aalala ay kung ano ano na ang naiisip ko He chuckled on my ear, nagsitaasan ang aking balahibo ng naramdaman ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking balat "I thought i lost you baby" bigla niyang ani dahilan para matigilan ako Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking balikat "I'm so scared the second i found out you were missing" dagdag niya, his voice is low alam kong sincere siya sa kaniyang sinasabi dahil napaka seryoso ng boses niya ngayon Sinandal ko ang aking ulo sa
Liah "Kaya ko ng mag-isa, hintayin mo nalang ako dito" malumanay kong ani kay Ador na siyang nag drive saakin para makarating dito sa prisinto, lumabas din ang tatlong malalaking lalaki na inatasan ni Elijah bilang guard ko daw dahil hindi ko siya kasama sa kadahilanang may importanteng nangyari sa kompanya nito kaya kailangan niyang ayusin ito, kaya ang kasama ko ngayon para mailabas sina Kara at Aling Myrna ay si Ador at tatlo pang bodyguard "Ma'am samahan na po namin kayo iyon po kasi ang utos ni Sir saamin" ani ni Ador at sumagot ang isang kasamahan nito na nasa likuran niya, ito ang pinakamaliit sa kanila "Sabihin mo baka pugutan tayo ni Sir kapag nalaman niyang hinayaan nating pumasok mag-isa si ma'am" bulong nito kay Ador pero napalakas ata ang boses niya, siniko siya ng dalawa nitong kasama pero napalakas rin yata kaya napa atras ito at umubo ubo "Bunganga mo ang baho" komento ng isa at tahimik lang naman ang isa "Mas makakabuti po kapag sasamahan namin kayo para
Liah Pagdating ng hapon ay naghahanda na ang lahat para makapaghanda ng panghapunan. Tumulong ako kila Aling Myrna sa kusina dahil na e-enganyo rin akong makipag kuwentuhan kasama ang ibang katulong, kwine kwento kasi nila ang experience nila sa loob ng kulungan at laking pasasalamat ko dahil wala silang na kwento tungkol sa nangyari saakin, ayaw ko pa namang mapag usapan ang tungkol doon "Aba eh may boyprend kana pala Kara, hindi mo sinabing sa pulis mahuhulog ang puso mo" Nagtawanan ang lahat sa sinabi ng isa naming kasamahan "Akala ko nga sa afam eh" pakikipag biruhan din ni Kara "Ikaw kaya Juliet kailan makakahanap ng boyprend mo, kay ganda mong bata eh" biglang napunta saakin ang usapan kaya nahiya akoUmubo ubo pa kunwari si Kara na parang may alam at ngumisi ngisi "A-ah eh-- w-wala pa po akong balak" iyon nalang ang tangi kong nasagot "Assus kailan lang ng nakita ka ni Sator na lumalabas sa maid quarter kapag gabi, siguro katawag mo ang boyprend mo ano, huwag ka ng mahiy
LiahHalos hindi ko na alam ang gagawin habang pilit kong hinihila si Manang Ana palabas ng boutique. Pero bago pa man kami makalayo, tumigil siya. Bakas sa mukha niya ang galit na pilit niyang pinipigilan.“Manang, alis na tayo, please,” pakiusap ko habang hawak ang braso niya.Tumingin siya sa akin, pero parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko. Bigla niyang hinarap ang saleslady.“Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal?” tanong niya, mahigpit ang boses.Napangisi ang babae, halatang iniinsulto kami. “Asal? Eh paano ko irerespeto ang tulad n’yo? Obvious namang wala kayong pambili!”Halos gusto kong itulak si Manang Ana palabas, pero bigla niyang itinaas ang kamay niya. Isang malakas na plak! ang narinig ko. Sinampal niya ang saleslady.Napatigil ang lahat. Ang ibang customer ay tumingin sa amin, habang ang ibang staff ay hindi makapagsalita.“Manang! Bakit mo ‘yun ginawa?” tanong ko, gulat na gulat habang hinawakan ang kamay niya.“Hindi ko kayang makita na binabastos ka,” sagot niya
LiahPagkatapos naming mag-grocery, ngumiti si Manang Ana sa akin habang sinisiguradong maayos ang mga pinamili sa trunk ng sasakyan. "Liah, gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi? Parang kanina ka pa tahimik ah," sabi niya, bahagyang nakakunot ang noo.Ngumiti ako nang mahina at tumango. "Opo, Manang. Kahit saan po... basta may chicken."Napahagikhik siya at inalog ang ulo. "Chicken? Sige, sa Jollibee tayo. Alam kong magugustuhan mo."Habang nasa sasakyan kami, tila hindi maiwasan ni Manang Ana na mapansin ang pananahimik ko. Bumaling siya sa akin nang saglit habang maingat na nagmamaneho. "Liah, okay ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo."Saglit akong nagdalawang-isip bago ngumiti. "Wala naman po, Manang. Nag-e-enjoy lang po ako. Ang dami nating nabili."Ngumiti siya nang mas malaki. "Ay oo naman. Siguradong magugustuhan ni Elijah ang mga pinamili natin. Saka, mas mabuti na ring nasasanay ka na dito sa lugar."Tahimik akong tumango at tumingin sa bintana. Ang dami palang ta
LiahMaagang umalis sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan, kaya nagdesisyon akong gumala sa garden para maglibang. Tahimik ang paligid, ang hangin ay banayad na humahaplos sa balat ko. Pero kahit na wala si Elijah, parang nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya, gaya ng dati—palaging nandiyan kahit wala naman sa harap ko."Liah," tawag ni Manang Ana mula sa likuran. "Samahan mo ako mamaya. Mag-grocery tayo. Maganda rin siguro na makalabas ka at makita mo ang paligid dito."Napatingin ako sa kanya, at may bahagyang excitement akong naramdaman. Matagal ko na rin gustong makalabas sa malaking bahay na ito. "Talaga po? Sige po! Gusto ko rin pong makapaglibot."Ngumiti siya, halatang natuwa sa sagot ko. "Aba, ayos! Pero ayusin mo na ang sarili mo, hija. Hindi tayo pwedeng magtagal kasi may mga kailangan pang bilhin para sa bahay."Pagkatapos naming mag-ayos, handa na kaming umalis nang biglang dumating ang isa sa mga bodyguard ni Elijah. May seryosong ekspresyon ang mukha niya, h
LiahMaaga pa lang ay bumangon na ako, naligo, at nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto, naisipan kong maglakad-lakad muna sa garden. Doon ko nakita sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan—sina Drex, Dark, at Endrick. Nasa ilalim sila ng puno, nagtatawanan habang hawak ang mga tasa ng kape.Napansin ko agad si Elijah. Habang abala sa kwentuhan ang mga kaibigan niya, nanatili siyang tahimik, malamig ang ekspresyon, pero hindi maikakaila ang presensiya niyang nangingibabaw sa grupo. Mukhang may iniisip siya, gaya ng dati.Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga tanong sa isipan ko. Sa halip, nagdesisyon akong bumalik sa loob at pumunta sa kusina.“Good morning, hija,” bati ni Manang Ana, abala sa paghahanda ng almusal.“Good morning po, Manang,” sagot ko habang lumapit. “Mukhang marami po kayong ginagawa. Tulungan ko na po kayo.”Napangiti si Manang Ana. “Naku, kaya ko ‘to, hija. Pero sige, kung gusto mo talagang tumulong, ikaw na lang ang maghiwa nitong sibuyas at bawang.”Habang nagh
Liah Pagkatapos naming mag-ayos mula sa mahabang biyahe, bumaba kami ni Elijah para maghapunan kasama si Manang Ana. Ang mahabang dining table ay punong-puno ng masasarap na pagkain—tinolang manok, sinigang na baboy, at iba't ibang ulam na parang niluto mula sa isang espesyal na okasyon. Tahimik lang si Elijah habang inaasikaso ako. Siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko, at pinunasan pa ang gilid ng labi ko nang hindi ko namalayang may sabaw ng sinigang doon. "Eat properly, baby," seryosong sabi niya, pero halata sa boses niya ang lambing. Napangiti ako nang bahagya. "Kaya ko naman mag-ayos mag-isa," sagot ko, pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Habang kumakain kami, nagsimula nang magkuwento si Manang Ana. Mukha siyang masaya, na parang sa wakas ay bumalik ang isang nawawalang kapamilya. "Alam mo, hija," simula niya habang nagsasandok ng tinola, "noong nandito ka pa sa mansiyon, napakasipag mong tumulong sa gawaing bahay. Kahit sinasabi ko n
Liah Sa biyahe papunta sa mansion ay hindi na maalis ni Elijah ang kamay niya saakin, humahaplos na ang palad niya sa aking mga hita at braso. Hindi ko tuloy mapigilang mag-init dahil sa mga haplos niya, dagdag pang tumatama ang mainit niyang hininga sa aking balat habang nagpapahinga ang ulo nito sa aking leeg Pagkarating namin sa mansiyon, hindi ko mapigilang humanga sa lawak at ganda ng lugar. Parang palasyo ang dating nito, may malalaking bintana at malalawak na hardin sa paligid. Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin. Para akong batang lumilinga linga habang hila hila ni Elijah ang kamay ko"Careful baby" ani niya ng muntikan na akong madapa dahil sa kapabayaan ko, mabuti nalang at nasapo niya kaagad ang aking bewang "S-sorry" nahihya akong ngumitiPagpasok sa loob, agad kong napansin ang masiglang atmospera ng lugar. Mula sa magagarbong chandelier na nakasabit sa kisame hanggang sa mabangong amoy ng mga bulaklak na nakaayos sa malalaking paso, parang ang saya ng lugar na it
Tahimik ang paligid sa loob ng sasakyan habang bumibiyahe kami papunta sa mansiyon na sinasabi ni elijah. Nakasandal si Elijah sa dibdib ko, mukhang pagod mula sa biyahe at sa lahat ng nangyari ngayong araw. Ang kamay niya ay mahigpit na nakayakap saakinHindi na naman kasama ang tatlo niyang kaibigan dahil sa ibang mga kotse ito sumakay kaninang nakarating kami Habang tinatanaw ko ang mga naglalakihang gusali sa labas, naalala ko ang kwento ni Kara tungkol sa mga mall sa Maynila. “Elijah,” mahina kong tawag, tinutulungan siyang mag-adjust sa posisyon niya para mas komportable siya.“Hmm?” aniya, hindi binubuksan ang mga mata pero alam kong gising pa siya.“Pwede ba nating puntahan yung mall? Gusto ko lang makita kung ano yung sinasabi ni Kara.” Hindi ko mapigilang ngumiti habang iniisip ang mga kwento ni Kara tungkol sa magagarbong tindahan, malalaking escalator, at mga bagay na hindi ko pa nakikita.Dahan-dahang iminulat ni Elijah ang kaniyang mga mata at tumingin sa akin. “Are yo
LiahTahimik akong naupo sa tabi ni Elijah, pero ramdam ko ang panunukso at matatalim na titig ng tatlo niyang kaibigan na parang hindi makapaniwala sa kanilang natuklasan. Sa gilid ng mata ko, nakita kong nakakunot pa rin ang noo ni Elijah, ang panga niya’y mahigpit na nakaigting habang nakasandal siya sa upuan, parang inis na inis sa nangyari.“Teka lang,” si Endrick ang unang bumasag sa katahimikan. “I’m sorry, did we miss something?” Napatingin siya sa amin ni Elijah, kaliwa’t kanan ang tingin, parang nag-aabang ng paliwanag.“Hindi naman kami mga tanga, Elijah,” dagdag ni Drex, sabay turo sa direksyon ko. “Huwag mong sabihing totoo ‘to?”“Hindi naman siguro ‘yan part ng household staff orientation, ‘di ba?” si Dark naman, nakaangat pa ang kilay habang nakatingin nang diretso sa akin.Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko’y parang spotlight ang bawat tingin nila sa akin, at hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kanila. Nilingon
LiahMasamang masama ang mood ni Elijah habang kumakain siya kasama ng mga kaibigan niya, halos tapunan niya na nga kanina ng kape si Endrick dahil sa inis. Pagkatapos nilang kumain ay sila ang naatasang linisin ang hapagkainan habang ang magkakaibigan ay nasa sala kaya naririnig ang pinag-uusapan nila"Let's go to a bar" yung Drex ang pangalan"Pupunta ako kapag pupunta si Dark" ani nung Endrick at ang sagot naman nung Dark ay "I'll go if Elijah will go" Masamang masama ang tingin ni Elijah na nagsalita"Shut up hindi ako pupunta" sagot nito "Ouch ang cold" komento ni Endrick at binato siya ng pillow ni Elijah "Come on ang tagal na nating hindi nakakapag hangout, huwag kang Kj elijah" ani ni Drex at sumang-ayon ang dalawang kaibigan pa ni Elijah "No, I have my schedule with my wife" si Elijah Nagulat ako ng sikuhin ako ni Kara habang nililinisan ang lamesa kaya sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ito, sumulyap muna ako ng isa sa gawi ni Elijah at naabutang abala ito sa