Share

Chapter 21

Pangalawang araw na namin ni Jonas sa San Alfonso at habang nag-leave muna siya sa trabaho niya ng isang linggo ay sinusulit na namin ang nalalabi naming mga araw dito.

Gusto kong samahan pa rin siya sa Maynila para kahit papaano naman ay may mag-asikaso sa kanya dahil mag-isa lang siya sa condo unit niya. Utos rin iyon sa akin ni Nanay dahil baka malungkot raw si Jonas kapag hindi ako sumama sa kanya.

Ngayon ay napagpasyahan nila Kian, Claire at Kuya Macky na maligo daw kami sa dagat na malapit dito. Pumayag naman kami ni Jonas dahil gusto rin naming makabonding ang mga kapatid namin.

Nandito na kami ngayon sa dagat at nagsuot lang ako ng t-shirt na kulay pula at maong shorts. Bigla ay lumapit sa akin si Claire at halos namangha ako sa ganda ng katawan niya dahil sa two piece nitong suot.

"Ate Mirae!" Nakangiting bati niya nang makalapit ito sa akin.

"Oh, Claire. Bakit hindi ka pa magswimming?" Tanong ko.

Hinawakan niya ang isang braso ko. "Syempre kapag maliligo ako ay dapat kasama
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status