Ngayon ay nandito ako sa veranda ng kwarto kung saan ay ito ang inilaan sa akin ng pamilya ko na matutulugan ko sa oras na makita nila ako. Muntik nang may mangyari ulit sa amin ni Jonas kahapon pero mabuti nalang at hindi na niya naituloy ang binabalak niya sa akin dahil sa pag-iyak ko.Pinunasan ko ang luhang kumakawala sa mga mata ko. Nasasaktan ako, alam kong nagseselos lang siya pero hindi ko aakalain na masasaktan na niya ako.Nagising na lamang ako nang naaalala ko na ang lahat tungkol sa pagkatao ko. Pagkagising ko kanina ay bigla nalang sumakit ang ulo ko hanggang sa tuluyan ko nang maalala ang buong memorya ko. Ayokong sabihin sa kanila na nakakaalala na ako dahil hindi ko pa rin matanggap ang lahat-lahat lalo na sa pagbabago ni Jonas.Tama nga ako, kahit magbalik na ang alaala ko ay hindi nagbago ang katotohanang si Josiah na ang mahal ko.Sinabi noon ni Jonas na ang isip ay makakalimot pero ang puso ay hindi, tama siya. Hindi ko siya nagawang makalimutan dahil noong unang
Nakauwi na kami ni Jonas sa Maynila at nandito na ulit kami sa malawak niyang condo unit. Naisip ko ngang huwag na munang sumama sa kanya pero wala na akong nagawa nang si Nanay ang nakiusap sa akin na samahan si Jonas dito.Nang makita ako ni Tatay na umiiyak ay pinatahan niya lang ako kahit hindi niya alam ang dahilan ng pag-iyak ko. Natatakot akong ikwento sa kanya na nakakaalala na ako at si Josiah na ang mahal ko. Mas mabuti pa sigurong si Kuya Macky muna ang makaalam saka ko na sasabihin kina Nanay at Tatay ang tunay kong nararamdaman kapag handa na ako."I will go to company now. Dito ka lang sa condo. Don't leave." Madiing sabi ni Jonas habang nagsusuot ito ng business suit niya.Hindi ko siya inimik. Ayoko na siyang kausapin dahil pakiramdam ko ay masyado na niyang kinokontrol ang buhay ko at gusto niyang siya nalang ang masunod sa lahat. Malayong-malayo na talaga siya sa Jonas na minahal ko.Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila ni Jonas at pinaharap sa kanya."You're g
Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Andy pero nandito kami ngayon sa isang malaki at malawak na mansyon. Wala rin akong ideya kung bakit niya ako dinala dito at ang ikinakabahala ko lang ay baka sabihin ni Jonas na tinakasan ko siya samantalang bigla nalang sumulpot si Andy sa condo building at binugbog pa si Randel saka niya ako hinila papunta dito."Andy, iuwi mo na ako please. Baka hinahanap na ako ni Jonas." Pakiusap ko kay Andy na nakatingin lang sa akin.Ngumiti naman siya. Kung hindi lang sinabi sa akin ni Josiah na may Obsessive Disorder si Andy ay iisipin kong normal lang itong si Andy pero hindi. May sakit siya at sana ay maagapan iyon kaagad."Easy, Mirae. Iuuwi din kita. I just want to spend time with you. Hindi pa naman ako baliw para kidnappin ka." Tumatawa niyang sabi pero imbes na makampante ako sa sinabi niya ay mas lalo lang akong natakot doon.Baliw siya. Alam ko iyon lalo na sa ginawa niya kanina kay Randel. Para bang iniisip niyang pag-aari niya ako pero hindi n
Naihatid na ako ni Andy sa labas ng condo building na pinagtutuluyan namin ni Jonas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang pumasok sa loob. Tulala lang ako at halos parang wala na rin'g buhay. Sobrang nasasaktan ko, ang sakit-sakit na. Para bang lahat nalang ng nakapaligid sa akin ay kaya akong saktan kahit pa lubos ko silang pinagkakatiwalaan.Ang mga lalakeng nakapaligid sa akin. Lahat sila pinagkatiwalaan ko, minahal ko at ang akala ko ay poprotektahan nila ako pero nagkakamali pala ako dahil lahat sila ay sinaktan ako.Ayokong makita muna si Jonas ngayon dahil panigurado ay hinahanap na niya ako mula pa kahapon. Hindi ko siya kayang makita. Minahal ko siya at lubos na pinagkatiwalaan pero sa huli ay sinasaktan niya lang rin ako.Imbes na umuwi na ay nagpunta nalang ako sa katabing parke ng condo building ni Jonas. Tulala akong umupo sa isa sa mga bench at ilang saglit pa ay kusa nalang tumulo ang mga luha ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.Litong-lito, nasasaktan, a
Pagkatapos naming mag-usap ni Ysmael ay nandito kami ngayon sa loob ng kwarto niya. Nakaligo't nakabihis na ako ng isang puting t-shirt at boxers shorts na ipinahiram niya muna sa akin. Kitang-kita ang legs ko dito pero wala naman akong magawa dahil ito lang ang available na masusuot ko dito.Nakahiga ako sa kama ni Ysmael habang siya naman ay nasa lapag na may nakalatag na comforter at foldable foam. Ayaw niyang magtabi kami sa kama dahil baka raw ay masapian siya bigla ng demonyo at may kung ano pang gawin sa akin. Hindi ko aakalain na malaki ang respeto niya sa akin. May mga ginawa man siyang masama noon ay maaari naman siguro siyang magbago ngayon.11pm na at alam kong hindi pa rin natutulog si Ysmael. Nakaunan ang mga braso nito sa ulunan niya habang nakatingin lang sa kisame at mukhang malalim ang iniisip.Hindi ko naman siya magawang tignan ng matagal dahil wala siyang suot na pang-itaas at boxer shorts lang ang suot niya. Hindi raw kasi siya sanay na matulog nang may damit kay
THIRD PERSON'S POVMaayos na ang kalagayan ni Mirae kaya napanatag na ang kalooban ni Jonas ngunit sinisisi niya ang sarili niya dahil nagtangkang magpakamatay ang kanyang nobya dahil marahil siguro ay nasasakal na ito sa kanya.Hindi niya pa rin matanggap na may iba nang mahal si Mirae at iyon ay walang iba kundi si Josiah. Nasasaktan lamang siya sa kaisipan na iiwan at sasama na si Mirae sa ibang lalake na mas lalo pang nagpatindi ng kanyang emosyon.May isa pa siyang ikinakabahala, buntis si Mirae.At hindi niya alam kung sino ba sa kanila ni Josiah ang ama ng batang dinadala ni Mirae sa sinapupunan nito. Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang bata sa loob ng tiyan ni Mirae dahil sa tangkang pagpapakamatay nito. Lubos niyang sisisihin ang sarili niya kapag namatay ito kung sakali man na anak niya nga ito.Hanggang ngayon ay wala pa rin'g malay si Mirae na nakahiga sa hospital bed. Ayaw man niyang gawin ito ay pinahanap niya sa sekretarya niya ang contact number ni Josiah para maka
Ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano dahil alam kong mai-istress lang mula sa sinapupunan ko ang magiging baby ko. Kung sinuman ang ama sa kanila ay bahala na dahil kagagawan naman ng tatlong iyon kung bakit ako nabuntis.Ipinaalam na namin ni Jonas sa pamilya ko na buntis ako pero hindi pa namin sinasabi na hindi ko alam kung sino ang magiging ama ng baby ko. Ang akala nina Nanay at Tatay ay si Jonas lang ang ama nito pero hindi nila alam na pwede rin na si Josiah iyon o si Andy.Dahil sa nalaman iyon ni Kuya Macky ay luluwas siya dito sa Maynila para tignan ang kalagayan ko. Alam kong lubos siyang nag-aalala sa akin at alam rin naman niya na bumalik na ang memorya ko.Kahapon ay nagpatest na kami nina Josiah at Jonas para sa DNA Paternity Test bago ako madischarge sa Ospital dahil sa tangka kong pagsusuicide. Kung pareho man silang mag negatibo sa test ay awtomatikong si Andy na ang ama ng magiging anak ko at kailangan ko nang aminin iyon sa kanila.Nandito ngayon sa condo unit namin
The son of a sinnerJOSIAH'S POVAfter Jonas said to me that Mirae got pregnant, I'm so shock about that. Hindi ko alam kung ano rin bang ginawa ni Jonas kay Mirae para mabuntis ito, baka pareho lang kami ng ginawang paraan kaya mas lalo lang akong naguguluhan kung sino ba talaga ang ama ng dinadala ni Mirae.I deal with Andy about not getting Mirae pregnant before but I broke it when we're having a sex. Andy doesn't know about it pero ngayon ay alam na niya.I don't know if he's really sincere nang sinabi niyang ipapaubaya na niya sa akin si Mirae but I need to trust him because he's my bestfriend.Andy is a good friend to me. Naging magkaibigan kami nang lumipat kami sa biniling bagong bahay ni Dad para sa amin nina Mom at Avi nung 7 years old pa lang ako. He's my neighbor. Sa katauhan niya ay nagkaroon ako ng kapatid na lalake.Palagi kaming pinagkukumpara noong mga bata palang kami at napapansin ko ngang kadalasan ay ako ang pinapansin at pinupuri ng mga tao. Andy doesn't speak ab