Share

Chapter 5

Author: nexirie
last update Last Updated: 2022-02-01 13:03:03

Chapter 5: Mom

"Hoy! Wala sa usapan 'yong dito tayo titira!" Mariing bulong ko kay Khalil noong naglalakad na kami papunta sa kwarto ng anak niya.

"Do you think alam ko 'yon? Hindi ko rin naman alam na ganoon ang gusto niya!" Mariin din ang pagkakasabi niya noon at pabulong.

"Ano na? Paano 'yon? Dito talaga tayo titira? Maganda naman yung bahay niyo, e. Kahit sino siguro gustong tumira rito pero ano ba naman 'yan Khalil, hanggang kailan?" Sinamaan niya ako nang tingin kaya napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam kung makakaya ko na tumira rito kasama ang nanay niya. Ang sama pa naman ng aura niya, parang suplada. Ano naman ang ibig niya sabihin kanina na kailangan ko patunayan ang sarili ko? Totoo naman talaga iyon at hindi lang puro salita. Kung sakali na girlfriend ako ni Khalil sa totoong buhay tatanggapin ko talaga si Jana kasi parang mabait naman siya na bata. Ang sweet niya.

Huminto kami sa isang room sa taas. Naunang pumasok si Khalil habang si Jana naman ay hinawakan ang kamay ko kaya nagbaba ako nang tingin sakanya at ngumiti. Matamis siyang ngumiti sa'kin. Makikita mo sakanya na masaya siya.

"Let's go. I will show you my room and my toys," sabay kaming pumasok sa loob.

Agad kong inilibot ang mga mata ko sa loob. Malaki ang kwarta niya na halos ikalaglag ng panga ko. Iba talaga kapag mayaman ang isang tao. Sobrang laki ng kwarto niya. Mas malaki pa siguro ang cr niya kesa sa kwarto ko. 

"Dada? Will you going to sleep with me here tonight?" Tanong ni Jana habang hatak-hatak ako papunta sa kama niya. 

"No, baby. Maybe for the next days? Yes, for the next days I'm going to sleep with you... together with her." Tinuro niya ako kaya namilog ang mga mata ko. "Right, Solene?"

"Yeah, of course... I mean if you want? But if you just want to sleep with your dad it's really okay for me," ngumiti ako sakanya.

"Yes! You know what Mommy Solene, I really want to sleep with my Mom and Dad beside me," ngumuso siya na parang nalungkot bigla pero bigla rin ngumiti. "I missed you Mommy!" Nagulat ako noong bigla niya akong niyakap.

Nagulat ako sa tinawag niya sa'kin at nagulat ako sa biglang ginawa niya. Kitang-kita mo sakanya na uhaw siya sa pagmamahal ng isang ina kaya niyakap ko rin pabalik at hinalikan ang ulo niya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa pinakita at isinabi niya. Ramdam ko ang nararamdaman niyang lungkot. Ramdam ko ang pagka-uhaw niya sa pagmamahal ng isang ina. Ramdam ko kung anong sakit yung lumaki ka na walang ina sa tabi mo. Parang nahulog ang puso ko.

"Don't leave me again..." Mas humigpit ang yakap niya sa'kin kaya nakagat ko ang labi ko bago napatingin kay Khalil.

"I will not leave again." Sagot ko.

"Did you heard that Dad? She won't leave again. I will stop worrying." Nakatingin ako sa mukha ni Khalil habang sinasabi iyon ng anak niya.

Nakita ko yung lungkot na dumaan sa mga mata nito habang sinasabi iyon ni Jana. Ngayon medyo naiintindihan ko na kung bakit gusto niya nakuha ang anak niya. Hindi niya lang gusto bumawi kundi gusto niya rin punuin ito ng pagmamahal na hindi nito naramdaman sa sariling ina.

Naka-upo si Jana sa hita ko habang nakasandal ang likod sa dibdib ko. Kasalukuyan siyang binabasahan ng bedtime story ni Khalil. Sa'ming dalawa ni Jana ay mukhang ako pa 'yong nagkakainteres sa binabasa ni Khalil dahil wala siyang ginawa kundi ang mag-angat nang tingin at ngumiti sa'kin.

"Khalil," tawag ko sakanya kaya napatigil siya sa pagbabasa ng kuwento.

"What? Istorbo, nagbabasa 'yong tao, e."

"Wow naman 'no? Sa sobrang pagbabasa mo r'yan hindi mo na namalayan na tulog na si Jana. Kung magbasa ka parang nagbabasa ka lang ng report, walang ka puso-puso," komento ko.

"Say by the who looks sleepy now? Parang inantok ka nga dahil sa pagbabasa ko rito tapos sasabihin mo na walang ka puso-puso?" Inikutan ko lang siya ng mata. "She fell asleep. Bigay mo na siya sa'kin, ako na maglalapag sakanya sa kama niya—"

"Mommy..." Balak niya na sanang kunin ito pero biglang niyakap ni Jana and braso ko.

"Or maybe not? Pakilapag naman siya sa kama niya, pwede?" Ngiti lang ang naging sagot ko sakanya.

Inayos ko sa pagkakabuhat si Jana bago dahan-dahan na naglakad papunta sa kama niya. Dahan-dahan ko siyang nilapag at kinumutan. Inayos ko rin ang buhok niya na nagulo.

"I won't sorry nor be thankful to you because of what you did. It's part of the agreement, you will get paid of it. Dadagdagan ko nalang yung pera na ibabayad ko sa'yo dahil dito." Nakapamulsa na sabi niya.

"Alam mo ang sama talaga ng ugali mo 'no?" Inikutan ko siya ng mata bago ko dinampot ang heels ko sa gilid ng sofa.

"Masama talaga ugali ko so you must be thankful kasi mabait pa ako sa'yo," 

"Nakakahiya naman talaga Khalil Alegro. Mabait ka sa'kin? Wow, salamat naman," mahina siyang tumawa.

"Ikaw mabait ka." Nagulat ako roon. "Dahil mabait ka naman bakit hindi ka na mauna sa langit? Mabait ka, right? Una ka na roon." Dagdag pa niya bago ako iwan doon.

Halos malaglag ang panga ko roon sa sinabi niya. Hindi ko alam na may side siya na ganoon. Sinabi niya na tapos binawi pa. Akala ko ba serious type of person siya? Ano 'yon? Ibang pagkatao niya 'yon? Siraulong lalaki 'yon.

Sumulyap muna ako kay Jana bago ako lumabas sa kwarto niya. Doon ko nakita si Khalil na labas, nakasandal sa pader at nakapamulsa. Parang ang lalim nang iniisip niya. Sobrang lalim ng iniisip niya. Napaayos lang ito noong maramdaman siguro ang presensya ko. 

"Let's go?" Naglahad siya ng kamay sa'kin at tinanggap ko naman iyon. "My daughter looks happy with you. Akala niya ikaw 'yong mother niya. Akala niya binalikan na siya ng mama niya."

"I feel her pain," mahina akong natawa noong maalala kung anong buhay ang binigay sa'kin.

"What you've said earlier... is true? Iniwan ka talaga ng parents mo? Akala ko gawa-gawa mo lang 'yon," ani pa nito.

"Oo, sa Auntie ko nga ako lumaki kasama yung Lola at Lolo ko."

"So that's why iba 'yong tingin mo sa anak ko kanina? You pity her because you remembered yourself to her?"

"Hindi lang awa 'yong naramdaman ko sakanya. Kung hindi pa kasi kayo ready sa obligasyo ninyo magproteksyon kayo. Kung kailan andyan na, may nabuo na, doon niyo naman iiwan. Pero infairness naman sa'yo, mabuti at naisip mo na bumawi sa anak mo? 'Yong nanay ba non sa tingin mo wala?" 

Matagal siya bago nakasagot. "I don't know? Wala naman akong pake if babalik siya o hindi. I can provide my daughter. Pwede ulit ako mag-asawa, maghanap ng asawa para magkaroon siya ng isang ina. Madaming babae r'yan na puwedeng magmahal sa'kin at sa anak ko."

"Take note: hindi lahat ng babae na mamahalin ka ay pwede rin mahalin ang anak mo. Hindi sakanila 'yong bata, e. Anak mo 'yon. Kaya kung maghahanap ka 'yong maayos ha? Your daughter deserves to be loved." Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin iyon habang siya naman ay natahimik at hindi na sumagot pa.

Naabutan namin sa ibaba 'yong mama niya kaya nagkatinginan kami ni Khalil bago pinagpatuloy ang paglalakad. Nagtungo kami sakanya at tipid naman siya na ngumiti bago kami inalok na umupo.

"So, hija, ayokong madaming tanong pa, gusto ko malaman kung ano at paano mo nagustuhan ang anak ko." 

Napalunok ako roon. Hindi ko naisip na puwede niya iyong itanong. Hindi ko rin alam paano ko siya sasagutin. Kailangan ko nalang na magsinungaling. 

"Khalil is a good man—"

"No he's not."

"Mom!" Parang isang bata na inagawan ng candy si Khalil dahil doon.

"Maybe for the others? Oo, para sainyo but for me? He's not just a good man,  for me, he's perfect. He treats me so well. Madaming meron sakanya na wala sa iba. Yes, maybe hindi pantay ang estado namin sa buhay but he still accept me," tumingin ako kay Khalil at hinawakan ang kamay nito. "Hindi ko nakikita sakanya 'yong sinasabi ng iba na masama ang ugali, arogante at bastos." Kabaliktaran iyon, lahat ng sinabi ko kabaliktaran. "Hindi ko rin siya minahal dahil lang sa mayaman siya. Hindi niya pinapakita iyon sa'kin, hindi niya iyon pinaparamdam  na magkaiba ang estado namin sa buhay. Pinaparamdam niya sa'kin na pantay lang kami."

Hindi ko siya mabasa. Magaling siya pagdating sa panloloko na kahit ako ay maniniwala talaga na may gusto siya sa'kin dahil sa mga tingin niya.

"Oh my goodness! Tumindig ang balahibo ko," naputol ang pagtitinginan namin ni Khalil noong biglang sumigaw ang nanay niya. "I like her Khalil! I really like her. This is the kind of woman I like for you and for Jana. But, both of you still need to prove to me that you can be a good parent to Jana."

Pagkatapos noon ay umuwi narin kami sa bahay niya. Walang umimik sa'min mula pagsakay namin sa sasakyan niya hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Nakangiti lang din siya na parang may naiisip na maganda.

Paakyat na sana ako sa hagdanan papunta sa kwarto ko noong bigla siyang magsalita.

"He's not just a good man, he's perfect." Pag-ulit niya sa sinabi ko kanina.

"Heh!" Inikutan ko lang siya ng mata bago siya iwan sa baba.

Hindi ko alam paano ako nakatulog ng gabing iyon. Sari-saring emosyon 'yong nararamdaman ko; andoon 'yong kaba, saya, inis at awa. Nagkahalo-halo na yung nararamdaman ko na halos hindi ko narin alam pa ang mararamdaman ko.

Muntik na akong mapatalon noong biglang lumubog ang gilid na parte ng kama ko. Naramdaman ko rin na may umangat ng kumot ko at... kamay? May naramdaman akong kamay sa bewang ko. Hinatak niya ako palapit sakanya. Kasunod noon ang mabangong amoy na naglaro sa ilong ko kaya iminulat ko na ang mga mata ko.

"Anong ginagawa mo rito?! Bakit wala kang damit?!" Itinulak ko siya palayo sa'kin pero agad niya rin na hinuli ang kabilang kamay ko at hinatak ako palapit ulit sakanya.

"Shut up!"

Balak ko sanang sumigaw kaso bigla niyang tinakpan ang bibig ko at pinukol ako ng isang nakamamatay na tingin.

"My Mom and Jana is here! Kailangan makita ni Mom na natutulog tayo sa isang kama kasi nga we're married remember?! Kasal tayo, mag-asawa, kailangan niya itong makita para maniwala siya!" 

"Ano—"

"Basta!" Pinatalikod niya ako at niyakap. Naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. Ramdam ko ang katawan niya sa likod ko. 

Balak ko pa man sana siyang itulak pero narinig ko na bumukas ang pintuan. Kasabay noon ang sunod-sunod na yabag papasok sa loob kaya ipinikit ko ang mga mata ko.

"Dada!" Sigaw ni Jana.

"Oh, hey? Morning," nagkunwari siyang bagong gising at kuhang-kuha niya talaga ang boses ha. "Hi baby, hey Mom? Ang aga pa, a. What are you doing here?"

"Oh please put something to wear, Khalil. Jana let's go out muna," narinig kong sagot nito sakanya. "It's too obvious that both of you enjoyed last night." Napamulat ako roon at mabuti nalang din dahil sa palabas na sila sa kwarto.

"Aw!" Mahinang d***g ni Khalil noong hampasin ko ang braso niya. "Bakit ba nananakit ka?!" Bulong pa nito.

"Kung ano-ano yung inisip niya siraulo ka!"

Ngumisi siya. "What? Mabuti nga na iyon ang naisip niya. Alam naman natin na hindi natin ginawa kaya h'wag ka na umano unless gusto mong gawin talaga natin?" Itinulak ko siya palayo at bumaba na sa kama.

Nauna akong lumabas at iniwan siya roon sa kwarto. Pagbaba ko ay tumakbo kaagad si Jana papunta sa'kin at niyakap ako. Hinalikan niya pa ang pisnge ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag mapangiti. Ang sweet niya! Ang sweet na bata pero bakit kaya iniwan at hindi siya binalikan ng nanay niya?

"Umiyak siya pagkagising niya. Bakit daw wala ka sa tabi niya kaya dinala ko nalang siya rito," iyon ang sinabi ng Lola niya.

"You said that you won't leave me again!" Mahina kong pinisil ang pisnge niya.

"I already told you Jana, inayos lang nila ang gamit nila kasi lilipat na sila roon." singit ng Lola niya.

"When?" Tanong nito pabalik.

"Ngayon," namilog ang mga mata ko. Seryoso naman akong tinignan ng nanay ni Khalil bago ako taasan ng kilay. "Right, Solene? Lilipat kayo sa bahay ngayong araw?"

"Yes po, ngayong araw." Patay.

Related chapters

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 6

    Chapter 6: Maling Akala"Sol," itinagilid ko ang ulo ko noong marinig ko ang pangalan ko na binanggit ni Khalil."Her name is Mommy Solene!" Si Jana na alam ko na ngayon ay nakanguso na."You call her Mommy Solene, I'll call her baby..." Agad kong sinamaan nang tingin si Khalil dahil sa sinabi niya."I am your baby!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Jana.Papunta na kami ngayon sa bahay ng nanay ni Khalil. Hindi parin ako makapaniwala na pumayag ako sa ganitong agreement. Hindi ako makapaniwala na nagpakasal ako kay Khalil at ngayon ay nanay na. Ganito pala yung feeling kapag tinatawag ka na Mommy? Nasisiyahan ako sa pinapakita sa'kin ni Jana."Huwag ka mag-pout, I was the one who's nagtatampo here, bumalik lang yung momma mo hindi mo na ako love!" Ngumuso rin si Khalil.Hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag matawa dahil doon. Malakas talag

    Last Updated : 2022-02-01
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 7

    Chapter 7: “My wife”"Jana?" Sinubukan kong kunin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko iyon nakuha, mahigpit ang pagkakahawak niya kaya akala ko gising pa siya.Noong tinignan ko siya ay nakapikit na ang mga mata nito. Katulad ng pwesto namin noong nakatulog din siya sa'kin, nakaupo ito sa hita ko. Nakasandal ang likod niya sa'kin at nakapikit na ang mga mata at parang mahimbing na ang tulog. Nag-uusap lang kami e tapos sabi niya kantahan ko siya, biglang nakatulog. Nakatulog ba siya dahil sa boses ko? Hindi naman maganda ang boses ko? Siguro inaantok na siya kakaantay kay Khalil.Nilapag ko siya sa kama ko— kama namin ni Khalil bago humiga sa tabi niya. Itinukod ko pa ang isang siko ko sa unan at ipinatong ang ulo ko sa kamay ko."Paanong nakayanan ng nanay mo na iwan ka? Ang sweet at ang bait mo na bata. Sa tingin ko rin ay may pera naman ang nanay mo, makakayanan

    Last Updated : 2022-02-02
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 8

    Chapter 8: Boss"Hey drink your milk," inabot ni Khalil kay Jana ang baso ng gatas pero hindi siya nito pinansin. "Here we go again! Come on, drink your milk na!""I'm already big, I don't need to drink milk!" sabat naman ni Jana bago niya hinawakan ang kamay ko.Itinigil ko ang pagkain. Binaba ko ang mga tingin ko kay Jana at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin at nakanguso na parang sinasabi na kampihan ko siya roon sa sinabi niya. Tinitignan niya ako na parang nagpapaawa siya kaya ngumiti ako sakanya."You need to drink your milk. Ako nga umiinom ng milk para mas lalong gumaganda kaya inumin mo narin ang sa'yo," kinuha ko kay Khalil ang baso ng gatas at binigay iyon kay Jana.Nagpakawala lang siya ng isang buntong hininga at kinuha narin sa'kin ang baso na hawak ko. Ngumiti muna ito sa'kin bago ininom ang gatas niya. Napangiti naman ako bago ko tinignan si Khalil na nakan

    Last Updated : 2022-02-03
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 9

    Chapter 9: His wife"You have a meeting to Mr. Samonte at 10 am..." Pinagmasdan ko ang korte ng katawan niya.Mula sa malalaking pwet, mayayaman na dibdib at may korbang katawan masasabi mo na pwede siyang mag-model. May itsura rin siya at medyo maputi. Ito yung mga babae na alam mo na magugustuhan talaga ng mga lalaki. Syempre, ngayon pa sa henerasyon na ito na kapag maganda ka e gusto ka na kaagad. Itong secretary ni Khalil full package. May itsura, magandang katawan at may utak din pero medyo malandi.Paano ko nasabi iyon? Si Khalil na mismo ang nagsabi na ang secretary niya ang may gusto ng set-up nila. Itong si Khalil magaling din mamili. Ang sarap niya pektusan."Excuse me," napatingin silang dalawa sa'kin noong magsalita ako."Yes baby?" Tumaas ang kilay ni Khalil, nagtatanong.Tumayo ako at pumunta kay Khalil pero ang mga tingin ko ay nanatili r

    Last Updated : 2022-02-05
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 10

    Chapter 10: “Anything for you”"Ma'am Solene," agad akong napatayo noong biglang pumasok yung secretary ni Khalil. May hawak-hawak pa siyang bouquet of roses."Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay."Pinabibigay ni Sir Khalil." sagot niya gamit ang mahinang boses nito bago naglakad papunta sa'kin.Binigay niya sa'kin ang bulaklak at pekeng ngumiti. Halata sa mukha niya na napipilitan lang siya na pumunta rito at ibigay ito sa'kin. Halata sa mukha niya na naiinggit siya sa bulaklak. Halata sakanya na katulad ng ibang babae ay may gusto rin siya kay Khalil. The way palang siya magsalita sa harap nito at yung mga tingin niya ay halata na iyon.Inamoy ko ang bulaklak ang napangiti. Yung secretary niya naman ay hindi parin umaalis. Nakatayo parin siya sa harapan ko at noong mapatingin ako sakanya ay nahuli ko siyang nakatingin sa kwintas ko. Tinitignan niya iyon na paran

    Last Updated : 2022-02-06
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 11

    Chapter 11: Asawa ko"Para saan 'to?" tanong ko sa sarili ko noong makakita ako ng bulaklak sa side table. "Para sa'kin ba 'to?"Kinuha ko ang bulaklak at inamoy iyon. Napangiti ako noong isang pamilyar na pabango ang naamoy ko. Katulad ito ng binigay ni Khalil noong nasa opisina niya ako noong nakaraan."Hi good morning!" Agad kong nilingon ang nagsalita galing sa pintuan. Nakangiti siya sa'kin habang may hawak-hawak na tray ng pagkain. "Breakfast in bed?""Anong— good morning baby," balak ko na sanang magmura kaso nahagip ng mga mata ko ang nakasunod sakanya. Pilit ako na ngumiti. "Good morning po Ma." bati ko sa nanay ni Khalil na nakasunod sakanya."You two are so cute!" Ngiting-ngiti siya habang sinasabi iyon."Galing ko humahanap ng babae 'no?" Preskong sabi ni Khalil noong umupo na siya sa kama."Solene is v

    Last Updated : 2022-02-07
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 12

    Chapter 12: Jealous"Excuse me Ma'am hindi pa po uwian. Kung meron kayong susunduin sa labas nalang muna kayo maghintay at wala rin po kayong id na suot." Sinunod ko ang sinabi ng guard at napapikit pa nga dahil sa hiya.Itong si Khalil sabi niya pwede na raw pumasok. Dapat talaga hindi ako nagtitiwala sakanya, napahiya tuloy ako. May id pa pala na hinahanap at hindi pa uwian tapos ako naman ay dirediretso lang."Hi," napatigil ako sa paglalakad noong may tumawag sa'kin. Alam ko kaagad na ako ang tinawag niya kasi sa'kin siya nakatingin. "May hinihintay ka rin?""Ah, oo?" Ngumiti ako sakanya pabalik."Kailangan ng id d'yan. Ang mga sumusundo sa mga anak o kapatid nila kailangan ng id." saad niya at ngumiti."Ay? Hoy hala hindi ako kidnapper ha! Baka isipin mo na kaya wala akong id at kaya gusto kong pumasok doon para mang-kidnapp ng bata. Yung asawa ko kasi y

    Last Updated : 2022-02-08
  • One Rule: Don't Fall   Chapter 13

    Chapter 13: Baby"Morning," napangiti ako noong pagmulat ko ng mata ko ay isang anghel ang nakita ko. Gusto pa pumikit ng mga mata ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag mapatitig sa lalaking kaharap ko ngayon. Ang maamo niyang mata, matangos na ilong at... parang malambot na labi ang siyang bumungad sa'kin.Sandali. Anghel? Ikinumpara ko siya sa isang anghel?Agad ako na napa-ayos nang upo at kinusot-kusot ang mga mata ko noong mapagtanto ko na ikinumpara ko siya sa isang anghel. Hindi ako makapaniwala roon."Kanina ka pa ba gising?" tanong ko."Uhuh,""As in kanina pa?""Yup." tipid na sa sagot niya bago kinuha ang damit nito sa gilid at sinuot. Hindi ko namalayan na natulog siya sa tabi ko na walang pang-taas na damit. "Kung magtatanong ka kung kanina pa ako nakatingin sa'yo at bakit ako nakatingin sa

    Last Updated : 2022-02-09

Latest chapter

  • One Rule: Don't Fall   Epilogue

    Epilogue: “No rule anymore”"I do have a girlfriend, Mom, and actually we're planning...""Planning about what, Khalil?""Oh didn't I tell you? I forgot to inform you. Matagal na naming inaayos ang kasal namin. Our relationship is you know... kinda lowkey. Pero hindi ko ba talaga nasabi sa'yo ang tungkol doon? Oh... maybe I forgot?" I lied."Okay, introduce her to me. I want to know her. Make it sure that your soon to be wife is a decent woman. I want a woman, Khalil, a woman and not a party girl who's actually your type. If your soon to be wife is just like to the girls you bring here before, then, you can't have Jana, you can't have your daughter." she said in a serious tone that's why I forced a smile.Umalis ako ng nakabusangot. I even kicked the door of my car because of frustration. Now I don't know where I am going to find a decent woman that she wants. I mean yes, I have a lot of girls. But where the fuck I am going to find a decent woman? Madaming babae ang naghahabol sa akin

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 38

    Chapter 38: Masamang Nangyare"Oh ano meron?!" Mukhang naintriga rin ang kaibigan ko at bakas din sa boses niya ang pag-aalala.Balak ko pa sanang sumagot sa sinabi ni Jana, magtanong kung anong nangyare at kung anong ibig n'ya sabihin roon sa mga sinabi niya ang kaso ay binabaan na ako. Napatingin nalang ako sa kaibigan ko na nakalukot ang mukha."Sino 'yon? Anak ni Khalil? Bakit daw?" tanong pa niya."May nangyare ata Bri," sagot ko at binaba narin ang cellphone. "Pero bakit si Jana ang may hawak ng cellphone? I mean, oo, marunong siya gumamit ng cellphone pero may password iyong cellphone ng tatay n'ya? Alam niya?"Umikot ang mga mata ng kaibigan ko. "Gaga, anak niya e! Baka alam syempre! Ano ba bakit ayan pa iyong inaalala mo? Ano ba nangyare? Ano sabi n'ya?"Nabalik ako kay Khalil dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Napatingin din ako sa cellphon

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 37

    Chapter 37:"Morning," bati sa akin ng kaibigan ko kinaumagahan paglabas ko sa kwarto."Wala siya?" tanong ko sakanya noong wala akong makitang ni anino ni Khalil. "Mabuti naman at wala siya. Sabi ko na sa'yo kahapon, titigil din iyon, susuko rin siya at tignan mo naman, tama ako." Pilit akong ngumiti."Tumigil kasi napagod. Binigyan mo ng rason para tumigil, ikaw ang gumagawa ng paraan para mapagod tapos ngayon hahanapin mo? Sinabi ko narin sa'yo kahapon na sa huli ma-re-realize mo iyong mga ginagawa mo at magsisisi ka Solene. Sus!" Napa-iling-iling siya."Tinatanong ko lang okay? Hindi ko sinabing hinahanap ko siya—""Tanga, Solene! Tinatanong pero hindi hinahanap? Dati ka bang tanga? Tinatanong mo kung asan siya so obviously hinahanap mo siya. Siraulo 'to! Pagtatabuyan tapos ngayon naman hinahanap!" Inirapan niya ako at pinagpatuloy na ang pagkain niya ng agahan.

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 36

    Chapter 36: Usap"Welcome po..." nakangiting bati ko noong may pumasok pero ang ngiting iyon ay nawala rin kaagad noong makita ko kung sino ang pumasok. "Marissa? Anong ginagawa mo rito? Sino kasama mo?""If you're expecting that I am with Khalil and Jana then you're wrong. Ako lang mag-isa. I need to talk to you, we need to talk.""Bakit naman kita kakausapin aber? Wala naman tayong dapat pag-usapan. Hindi ako makikipag-usap sayo at paano mo ba nalaman kung saan ako nagtatrabaho huh?" Tinaasan ko siya ng kilay."I followed Khalil and then of course alam ko na kaagad kung sino ang pupuntahan n'ya sa ganoong klaseng lugar, ikaw. Pinuntahan ka niya, sinundan ko siya, at noong umalis siya naghintay ako sa labas hanggang sa lumabas ka at sinundan ka. Ugh! Bakit ba ako nag-e-explain? Can we just talk? Mag-usap tayo babae sa babae." inikutan niya na ako ng mata pagkatapos niya sabihin iyon.&n

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 35

    Chapter 35: “Flowers for you”"Teh?! Asan na yung asawa mo? Umalis na?" Iyon ang naging bungad ni Bri noong makabalik na siya."Umalis na," simpleng sagot ko sakanya."Bakit ba raw pumunta rito beh?""Namimiss na raw ako ni Jana. Baka hinahanap ako gano'n. Ewan, iyon ang sinabi niya. Hindi ko siya naiintindihan Bri," napapikit ako dahil sa iritasyon na biglang naramdaman ko. "Ginugulo niya iyong isip ko!""Bakit?" naguguluhan na tanong ng kaibigan ko."Ang sabi niya bakit daw hindi ko siya pagbigyan na magsalita, na sabihin sa'kin iyong nararamdaman niya. Hindi ko alam kung ano ang gusto n'yang sabihin kasi hindi ko siya pinagbigyan na magsalita. Hindi ko siya hinayaan na sabihin ang gusto n'yang sabihin para sa akin ay ito ako ngayon, naguguluhan, nagtataka, naiinis. Na-curios ako bigla sa gusto niyang sabihin, Bri. Anong nararamdaman?" tan

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 34

    Chapter 34: “Hi, asawa” "Gago! Bakla ka! Ano na nangyare sa'yo? Wala na akong balita sa'yo. Ilang buwan din akong walang balita sa'yo. Ilang buwan ka rin hindi nagpakita sa'kin. Anyare teh? May nangyare ba sa'yo? Kahit yung auntie mo ay sa'kin ka hinahanap aba malay ko naman kung asan ka! Akala niya pa tinatago kita kaya hinayaan ko siyang tumuloy rito sa loob at hanapin ka. Noong hindi ka makita ay nagalit! Saan ka ba nanggaling? Bumili lang ako noong gabing iyon tapos paglabas ko wala ka na. Akala ko umuwi ka na pero— anong iniiyak mo r'yan? Umiiyak ka ba?" Hindi pumasok sa utak ko yung sinasabi ng kaibigan ko. Sa bahay na ako ni Bri dumiretso dahil sa wala naman akong ibang mapupuntahan pa. Gusto ko rin ng kausap, gusto ko ng may paglalabasan ng nararamdaman ko ngayon. Baka hindi ko kayanin at bigla nalang ako sumabog. Kapag hindi ko nakayanan ay sasabog na talaga ako. "Meron bang problema?" nag-aalalang t

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 33

    Chapter 33: New Life"We're here," napatingin ako sa labas noong sabihin iyon ni Khalil. "Let's go baby!" Agad siyang lumabas at pinagbuksan si Jana ng pintuan.Lumabas narin ako sa sasakyan at napabuntong hininga. Tinignan ko sa labas ang bahay at pilit na ngumiti."Can I sleep with you tonight Dada? Mommy Solene also said that she's going to read me a bedtime story later. So... I am going to sleep with you?" Masiglang sabi ni Jana."Of course baby! You're going to sleep with us tonight!" Pinisil ni Khalil ang pisnge nito pagkatapos niya iyong sabihin. "Right Solene?" Nalipat ang mga mata ko kay Khalil. Tipid akong ngumiti sa sinabi niya bilang sagot."Sir! Andito na pala kayo! Nahanda ko na po iyong mga kwarto. Naglinis na ako at kagaya nang sinabi ninyo Sir Khalil ay magluto narin po ako," may isang babae na lumabas galing sa loob."I forgot to

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 32

    Chapter 32: End"Shit," tuluyan na naglaglagan ang luhang pinipigilan ko pagpasok ko sa loob ng kwarto. Nag-lock ako bago ko inilunod ang sarili ko sa kama.Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak, ang magmura nang magmura. Iba yung sakit na nararamdaman ko kesa sa mga unang naramdaman ko. Hindi lang ito basta selos— naghalo-halo na. Selos, galit, at pagkalungkot. Hindi ko na alam kung kaya ko pa. Sobra na iyong sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit nang narinig ko, ang sakit nang nakita ko.Wala akong ibang ginawa ng gabing iyon kundi ang umiyak. Natulugan ko na ngalang din. Noong magising ako kinaumagahan ay agad na pumasok sa isip ko ang narinig at nakita ko kagabi."Kailan pa ba matatapos ito?" tanong ko sa sarili ko. "Kung alam ko lang na ito pala yung mangyayare edi sana pala hindi na ako pumayag sa gusto ni Khalil. Sana mas pinili ko nalang na manatili kela Auntie at ha

  • One Rule: Don't Fall   Chapter 31

    Chapter 31: “I love you”"Anong tinitingin-tingin mo Solene?" Tinaasan niya ako ng kilay pagkatapos niyang itanong iyon."W-Wala naman..." pagsisinungaling ko.Inikutan niya lang ako ng mata at pinagpatuloy ang paglalaro niya sa hawak niyang phone. Nasa kwarto kami ngayon ni Jana. Nasa kama nsya at ako ay nasa couch. Hindi ko ma-alis-alis yung mga tingin ko sa kwintas na suot n'ya. Pamilyar iyon sa akin. Nakita ko na iyon. Magkatulad na magkatulad ang desenyo ng kwintas na suot ni Marissa sa kwintas na nakita ko sa kabinet ni Khalil.Para sakanya iyon?Hindi ko mapigilan ang magtanong sa sarili ko. Bakit siya binigyan ni Khalil ng kwintas? Nagkabalikan na ba sila? Sila na ba ulit? Sinabi kaya ni Khalil sakanya na itong pagpapakasal ko sakanya ay isang palabas lamang para makuha ang anak nila?Madaming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Pakir

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status