Tanghali na nang nagising si Caroline. Wala siyang balak pumasok sa trabaho dahil makikita niya na naman ang mga magulang niya. Pagod na pagod ang kaniyang buong katawan. Gusto niyang matulog buong araw.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata ng may kumatok sa pintuan. Nagpanggap siyang tulog. Napakagat labi siya nang naamoy ang masarap na pagkain. Kahapon pa siya hindi nakakakain ng maayos. Binuksan niya ang isa niyang mata at tiningnan kung sino ang nagdala ng pagkain para sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo dahil iba ang naghatid sa pagkain. Tinitigan niya ng mabuti ang binatang nakasuot ng black suit. "Breakfast in bed, Mahal na Reyna!" Nagtiim bagang si Caroline ng nakita niya si Miguel na may hawak na food tray. Bakas sa boses ng binata ang pang-aasar sa dalaga. "Get out! Hindi ako nagugutom!" galit na singhal niya sa binata habang nasa pagkain ang kaniyang paningin. "Hindi ako aalis kung hindi ka babangon at kainin ang mga pagkaing inihanda ng cook niyo." Matapang na sabi ni Miguel at naglakad siya patungo sa kama ng dalaga. "Baka nakalimutan mong personal bodyguard ka lang at wala kang karapatan para pumasok sa kuwarto ko!" Asik ni Caroline. "Mawalang-galang na po, Ma'am Caroline. Pinapasabi po ng inyong ama na kailangan kayong pumasok ngayon. May mga report pa raw kayong hindi natapos." Magalang na sabi ni Miguel at inilagay sa bedside table ang food tray. "Pasok po kayo Manang Cristy." Mabilis naman pumasok ang katulong na si Manang Cristy. "Kanina pa po tumatawag si Sir Samson, Ma'am Caroline..." Sabi ng kanilang katulong habang nakayuko. "Sabihin mo kay Daddy na hindi ako papasok ngayon!" Utos ni Caroline. Umigting ang panga ni Miguel. Hindi siya makapaniwala na ganito niya pakitungohan ang mga taong naninilbihan sa kaniya. Wala itong respeto sa mga nakakatanda. "Babangon ka ba o iba-blocked nila ang mga ATM Cards mo?" Pagbabanta ni Miguel dahil alam niyang pera ang nagpapagana sa dalaga. Nanliliit ang mga mata ni Caroline habang masamang tinitingnan ang binata. Ito ang kahinaan niya. Natatakot siya na mawala ang bagay na nagpapasaya sa kaniya. Ang pagkakaroon ng pera. Inilabas ni Miguel ang kaniyang cellphone para tawagan ang ama ng dalaga. Kanina pa paulit-ulit na tumatawag si Samson sa kaniyang anak pero naka-off ang cellphone nito. "I'll call your father and-" "Oo na! Babangon na ako! Damn it!" sigaw ni Caroline at mabilis na bumangon. "Masunorin ka naman pala," biro ni Miguel at ibinalik sa kaniyang bulsa ang cellphone. Palihim siyang napangiti dahil ang bilis naniwala ng dalaga na tatawagan niya ang ama nito. Huling-huli niya ang kahinaan ni Caroline. Natatakot ito na mawalan ng pera at mapagalitan na naman ng kaniyang ama. "Kumain ka muna bago maligo. Pagkatapos mong maligo at mag-ayos ay aalis na tayo." Sabi ni Miguel. Umawang ang labi ni Caroline at masamng tiningnan ang binata. "Hindi nga ako gutom!" Padabog siyang pumasok ng banyo pagkaalis nina Miguel at Manang Cristy. Kailangan niyang pumasok dahil may gagawin pa siyang mga reports sa kompanya ng kaniyang mga magulang kung saan siya nagtatrabaho. Pagkatapos niyang mag-aral ay pinapasok agad si Caroline ng kaniyang mga magulang sa kompanya. Siya ang inatasan na maging head sa Finance Department. "Kinain mo ba ang pagkain?" tanong ni Miguel pagpasok ni Caroline sa loob ng sasakyan. Hindi sumagot ang dalaga. Hindi niya alam kung paano pakikitungohan ang binata pagkatapos ng nangyari sa kanila. His personal bodyguard took her virginity. Ipinikit ni Caroline ang kaniyang mga mata at nag-iisip kung papaano niya makakalimutan ang lalaking 'to kung araw-araw niya itong makakasama. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi dahil bigla na naman sumagi sa kaniyang isipan ang mga nangyari sa kanila. The way he thrust and moan. Hindi ito mawala sa isipan ni Caroline. "Ayos ka lang?" biglang tanong ni Miguel sa kaniya ng napansin ang pananahimik ng dalaga habang kagat-kagat ang labi. Idinilat ni Caroline ang kaniyang mga mata at inirapan si Miguel. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Napamura si Caroline sa kaniyang isipin. Umiiling-iling siya habang nakahawak sa kaniyang ulo. Kailangan niyang gumawa ng paraan para mawala sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila. I need to get rid of him. Paulit-ulit niyang sinasabi sa kaniyang isipan. Ngumisi si Miguel at ibinalik sa daan ang kaniyang paningin nang wala siyang nakuhang sagot kay Caroline sa kaniyang mga tanong. "So, nagiging p**e ka na ngayon? Tapos ang ingay mo habang-" "Shut up!" Inis na sigaw ni Caroline dahilan kaya hindi natapos ni Miguel ang kaniyang sasabihin. "Magmaneho ka ng tahimik. Huwag mo akong kakausapin!" Hindi na muling nagsalita si Miguel. Tahimik nilang tinahak ang daan patungo sa kompanya. Naunang bumaba si Caroline pagkatapos i-park ni Miguel ang sasakyan. Hindi niya na hinintay ang binata na pagbuksan siya ng pintuan. Patakbo siyang naglakad papasok ng kompanya at nakasunod naman sa kaniya ang binata. Kapansin-pansin ang pagtili ng ibang mga babaeng empleyado sa tuwing napapadaan sina Caroline at Miguel. Hindi mapaigilan ng dalaga na lingonin ang lalaking nakasunod sa kaniya. Nakatingin din ito sa kaniya. "Yes, Ma'am? May problema ba?" pormal na tanong ng binata sa kaniya. Inirapan siya ng dalaga bago ito nagpatuloy sa paglalakad patungo sa elevator. Palihim na ngumiti si Miguel dahil walang tao pagbukas ng elevator. Mabilis silang pumasok sa loob. Pagsirado ng elevator ay agad niyang kinuha ang palapulsohan ng dalaga. Nanlalaki ang mga mata ni Caroline na nakatitig sa kamay ng binata na nakahawak sa kaniya. Clinick ni Miguel ang ikasampung palapag kung saan ang opisina ni Samson. "Let me go!" reklamo ni Caroline at pilit na binabawi ang kaniyang kamay ngunit masyadong malakas si Miguel kaya hindi niya ito mabawi. Hinarap niya si Caroline."May problema ka ba sa akin? Kanina mo pa ako pinagsusungitan. Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko sana marunong ka rin makisama sa mga taong nasa paligid mo." Suminghap si Caroline at marahas na binawi ang kaniyang kamay. "Wala kang pakialam kung ganiyan ako makitungo sa 'yo. Isa ka lang hamak na personal bodyguard ko kaya huwag kang kumilos na parang close tayo." "Miss Caroline, baka nakakalimutan mo na may pinirmahan akong kontrata sa mga magulang mo. Isa na roon ang tulongan kang makitungo ng maayos sa ibang tao." Caroline shrugged. "I can't believe this!" Tumunog ang elevator ng nasa ika-sampung palapag na sila. Tumayo ng maayos si Miguel at sumunod sa dalaga na nauunang naglakad. "Dito ka lang. Bawal kang pumasok sa opisina ni Daddy." Sabi ni Caroline at mabilis niyang sinarhan ng pintuan ang binata. Umupo si Miguel sa bakanteng upoan sa labas ng opisina ni Samson habang hinihintay ang dalaga. Luminga-linga siya sa paligid at inoobserbahan ang mga kinikilos ng empleyado. "Good Morning, Sir Alexander!" Bati ng mga empleyado pagdating ng manliligaw ni Caroline. Hindi pinansin ni Alexander ang mga bumabati sa kaniya. Kilala siya ng lahat at natatakot ito sa kaniya kahit alam nilang unti-unti na itong nagbabago para kay Caroline.Dumapo ang paningin ni Alexander kay Miguel na tahimik na nakaupo malapit sa pintuan habang nakatingin sa paligid. Lumapit siy kay Miguel at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. "Bagong empleyado ka ba rito?" Supladong tanong ni Alexander sa binata. Nag-angat ng tingin si Miguel at hindi agad nakasagot sa tanong ni Alexander. Pinag-aaralan niya ang bawat galaw nito. "Bingi ka ba? Tinatanong kita kung bagong empleyado ka ba rito." Bakas sa tono ng pananalita ni Alexander ang pagkairita. Nakaagaw ng atensiyon ang boses ni Alexander sa mga empleyado. Huminto sila sa kanilang mga ginagawa at tumingin kina Miguel at Alexander. Nagsisimula na naman silang pag-usapan ang walang modong manliligaw ni Caroline.Nag-angat ng tingin si Miguel nang napansin niya si Alexander na nakatayo sa kaniyang harapan. Nakakunot ang noo at nasa bulsa ang mga kamay nito. "Sorry? Ako ba ang kinakausap mo?" tanong ni Miguel at tinakpan ang kaniyang ilong dahil amoy sigarilyo ang binatang kaharap niya. "Ika
CAROLINE'S POV "Let's go." Sabi ko kay Miguel paglabas ko sa opisina ni Daddy. "Pupunta tayo ng mall. Bibili ako ng damit na susuotin ko mamaya at regalo para kay Avery." Sabay kaming pumasok sa loob ng elevator. Nilingon ko siya nang napansin ko ang pagiging tahimik niya. Naninibago ako dahil madaldal naman siya kanina. Nakayuko siya at paulit-ulit na tinitingnan ang kaniyang relo. Hanggang sa nakarating kami sa mall. He's busy texting on his phone. Hindi niya maalis ang kaniyang paningin sa phone niya. Nakasunod siya sa akin habang abala ako sa pamimili ng damit na susuotin ko mamaya sa birthday ni Avery. "May pupuntahan ka pa ba ngayon pagkatapos natin dito?" Bigla niyang tanong paglabas ko ng dressing room. "Salon? Why?" Tanong ko sa kaniya at inilagay sa cart ang dress pagkatapos ko itong isukat. "May pupuntahan kasi ako mamaya. Nagpaalam na ako sa Daddy mo kaninang umaga." "Sinong maghahatid sa akin mamaya kung wala ka? You're my personal bodyguard, remember? Hindi rin ako
MIGUEL'S POV Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo sa hospital nang nabalitaan ko na inaatake na naman si Michelle sa puso. Nag-aalala ako para sa aking kapatid. Kanina lang ay kausap ko siya. Nanginginig ang aking mga kamay habang nagmamaneho ng sasakyan. Malaking pera ang kakailanganin ko para saoperasyon ni Michelle. Hindi ko pa nakausap si Sir Samson kung pwede ba akong mag-cash advanced sa kaniya dahil kasisimula ko pa lang sa trabaho at liliban na ako agad. Alam ni Sir Samson ang tungkol sa kalagayan ng aking kapatid. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil naiintindihan niya ang aking sitwasyon. Dinial ko muli ang numero ni Mama. Pangatlong tawag ko na ito at hindi pa rin sumasagot ang aking ina. Nag-aalala ako kay Michelle. May sakit siya sa puso. Kailangan itong maoperahan agad. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip ng paraan kung saan ako kukuha ng pera. Hindi rin ako sigurado kung papayagan ako ni Sir Samson na mag-cash advanced sa kaniya. Mabilis akong tumakbo papasok n
Gusto kong umatras sa ganitong trabaho at umuwi na lang. Ngunit nakakasilaw ang mga perang ibinibigay ng mga guests sa mga kalalakihan. Kailangan kong ibaba ang pride ko para sa kapakanan ng aking kapatid. Umupo si Kaiden sa kandungan ng matandang babae. Pinaglalaruan niya ang buhok nito. May ibinubulong siya kaya tumawa ang ito. "Bago ka rito?" Tanong ng lalaki sa akin bago siya naghubad ng damit sa harap ng kaniyang customer. Napalunok ako nang biglang hawakan ng matandang babae ang kaniyang pagkalalaki, hinahaplos. Mas lalo akong nakaramdam ng pandidiri. "Ano pa ang hinihintay mo riyan, Migs? Pasko? Hindi ka magkakapera kung titingin ka lang diyan sa mga ginagawa namin." Sabi ni Kaiden at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. I can't do this kind of job. I'm a fuckboy pero never akong pumatol sa mga matatanda. Mas matanda pa ang mga 'to ng ilang taon sa aking ina. Umatras ako ng kaunti. "Come on, Miggy. Gumalaw ka riyan." Natatawang sabi ni Kaiden sa akin. May sumasayaw, nag
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at binuhat si Caroline palabas ng bar dahil paika-ika na siyang lumakad. Nakapikit ang kaniyang mga mata habang binubuhat ko siya na parang bagong kasal. Maingat ko siyang ibinaba sa loob ng sasakyan. Inayos ko ang suot niyang damit dahil halos lumabas na ang kaniyang dibdib. I took off my coat, which I wore earlier, and used it as a cover for her body. Inayos ko ang aking suot na damit and glanced at her before starting the car engine. She's sleeping.Binagalan ko ang pagmamaneho ng sasakyan patungo sa kanilang bahay para hindi siya mahilo at magsuka habang nasa biyahe kami. "Anong nangyari kay Ma'am Caroline, Miguel?" Takang tanong ni Manang Cristy pagpasok ko sa loob ng mansiyon habang binubuhat si Caroline. "Umattend siya ng birthday sa kaniyang kaibigan, Manang." Sagot ko. "Mapapagalitan na naman siya kapag nalaman ito ni Sir Samson." Sabi ni Manang habang nakasunod sa akin paakyat ng hagdan. I carefully laid Caroline down on her bed. M
CAROLINE'S POV Nagising ako sa malakas na tunog ng aking alarm clock. Tiningnan ko kung anong oras na. It's seven o'clock in the morning. Napamura ako nang naalalang Sabado pala ngayon at nakalimutan ko itong i-off. Bumangon ako para gawin ang aking morning routine. Pumasok ako sa banyo para makapaghilamos. Mamaya na lang ako maliligo dahil masakit pa ang aking ulo. Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto para mag-breakfast. Kumunot ang aking noo nang nakita ko si Ate Cecile na natutulog sa couch dito sa sala. Hindi pa siya nakapagbihis ng pambahay. Paniguradong umaga na siya nakauwi. "Good morning, Ma'am." Rinig kong bati ni Manang Cristy. Agad akong lumingon sa kaniya. May dala siyang kumot. "Maayos na po ba ang pakiramdam niyo?" "Good morning, Manang. Maayos naman po. Thank you nga pala kagabi." Nakangiting sabi ko at kinuha sa kaniya ang dalang kumot. Inilagay ko ito sa aking kapatid. "Anong oras na po ba nakauwi si Ate?" "Madaling araw na po, Ma'am. Lasing na
Tumayo si Alexander at lumapit sa akin. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin nang tingnan ko siya sa salamin. May itsura naman si Alexander. Sadyang hindi ko lang talaga siya type dahil marami siyang mga tattoos sa katawan at hindi maganda ang background niya. Kung hindi lang mayaman ang pamilya niya, hindi ko alam kung makakalabas ba ito agad sa kulongan. Hinawakan niya ang aking dalawang balikat. "You're gorgeous," he whispered. Nagsitayoan lahat ng aking mga balahibo. "May ginagawa pa ako, Alexander. Doon ka muna sa kama umupo. Hindi ako makakapag-focus sa pag-aayos kung nandiyan ka." Sabi ko sabay alis ng kaniyang kamay ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang paghawak ng aking balikat."I want to watch you while doing your makeup, Caroline.""You can still watch me without touching me, Alexander.""Am I not allowed? But why are other men allowed to watch and touch you?" Hindi ako nakapagsalita agad. Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha habang nak
Nanatili akong nakayakap kay Miguel hanggang sa dumating ang mga pulis. Maingat nilang pinunasan si Alexander kahit wala pa itong malay. "Kailangan po kayong sumama sa presinto, Ma'am." Sabi ng babaeng pulis sa akin. "Ako na po ang bahala sa kaniya, Ma'am. I'm his personal bodyguard naman po." Sabi ni Miguel kaya napalingon ang mga pulis sa kaniya. "Hindi ba ikaw rin ang sumundo sa kaibigan mo kanina?" Tanong ng babaeng pulis sa kaniya. Lumingon muna sa akin si Miguel bago sumagot." Yes po." Tipid niyang sagot. Muli silang tumingin sa akin. "Sasama ka ba sa amin o magpapahatid ka na lang po sa kaniya?" "M-Magpapahatid na lang po ako sa kaniya..." Sagot ko. The police nodded before leaving my room. I released my embrace on Miguel and sat on my bed. He walked towards the door and locked it."Get dressed so we can go to the police station," he said, facing away from me.I didn't move or speak. I still couldn't believe what Alexander had done to me. He almost raped me. Tears started
Hi, everyone! I just uploaded the epilogue. Balak ko sanang dagdagan ng special chapters, pero baka huwag na lang. Gusto niyo? HAHAHAHA I'm planning to write a novel sa mga anak kasi nila. Kung sisipagin, gagawan ko ng story sina Kalix, Marco, Morgan, at Maximo. So, bali naka-series po siya. What do you think? Kindly comment below your suggestions. Thank you!🥹🤍 To all my readers who read this book until the end, maraming salamat sa pagsubaybay ng kwentong pag-ibig nina Miguel at Caroline. Sana patuloy ninyo pa rin akong susuportahan sa mga susunod ko pang mga libro. Pasensiya na po sa mga typographical at grammatical errors. Love, Deigratiamimi 🤍
Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang tumugma ang DNA Test Results naming dalawa ni Kalix. Lahat ng hinanakit ko para sa bata ay biglang naglaho. Mas lalo akong naging pursigidong makuha uli ang loob ni Caroline. I want to win her heart again. Itatama ko ang lahat ngayong alam kong may anak pala kami. Worth it lahat ng mga pagtitiis ko. Kaya siguro ako baliw na baliw sa kaniya dahil may koneksiyon pa rin kami sa isa't isa. At 'yon ay ang anak namin. Pinagmasdan ko si Caroline na nakikipagkulitan sa anak namin. Hindi ko mapigilang matawa sa tuwing naaalala ko kung paano ako nag-propose sa kaniya. Sa tindi ng selos ko ay hindi ko mapigilang mag-propose sa kaniya kahit nasa ganoong sitwasyon kami. Gusto kong patunayan sa buong mundo na pagmamay-ari ko lang siya. Wala akong pakialam kung obsess ako sa kaniya. "Dahan-dahan baka mabinat ka," saad ko pagpasok niya sa loob ng kotse. She's six months pregnant. I made sure she would get pregnant right after our wedding. I never expecte
She's happy with someone else now. Hindi ko kayang sirain ang pamilya niya. Nakita ko lang siyang masaya kasama ang ibang tao, bigla akong natakot. Umatras lahat ng katapangan kong bawiin siya. Pakiramdam ko, kapag binawi ko siya uli, sisirain ko lang ang binuo niyang pamilya. "Babalik na ako sa Pilipinas. Bantayan niyo siya ng maigi. Masaya na ako kapag alam kong nasa mabuti siyang kalagayan," mapait kong saad kay Seb bago siya tinalikuran. Years had passed. Hindi ko pa rin siya nakakalimutan kahit ilang babae naang naka-date ko. Araw-araw ko pa rin tinatanong sa mga tauhan ko ang tungkol sa buhay niya. I'm madly in love with her. I helped her family regain the popularity and increase their sales. Nag-invest ako sa kompanya nila ayon sa plano. Napag-alaman ko kasi na pagmamay-ari pala ng ina niya ang Brooks Industries. Nakasulat ito sa last will ng yumaong ama ni Tita Roxanne. Pero binago nila ang pangalan ng kompanya. Abala ako sa pagbabasa ng mga reports nang bigla na lang puma
Simula nang nakita ko ang sekretong kwarto na 'yon sa CR nila. Halos araw-araw ko ng binibisita si Cecile. Mas lalo ko pang ginalingan ang pagpapanggap na interesado ako sa kaniya para hindi niya mahalata na iba pala ang pakay ko. "Seb, I need your help," diretsong sabi ko nang sagotin niya ang tawag ko. "Mamayang gabi. Sabayan mo akong pumunta sa bahay nila Cecile. Gusto kong tingnan ang laman ng sekretong kwarto na 'yon. Baka nandoon si Caroline. Ikaw na ang bahala kung papaano mo patutulogin ang mga tauhan nila." Desidido na akong makita at mapasok ang kwarto na 'yon. Pakiramdam ko nandoon si Caroline. Baka itinago nila sa loob. Pagsapit ng gabi, dumiretso na ako sa bahay nila Cecile. Doon na ako naghaponan. Habang abala siya sa kinakain niya, palihim ko namang inilagay ang gamot pangpatulog sa juice niya. "How's the food?" tanong niya at inilagay sa mesa ang cellphone niya. Ininom niya ang juice niya. "Delicious," tipid kong sagot at hinawakan ang kamay niya. Hinaplus-haplos
Miguel's POV I am holding her hands habang naglalakad kami patungo sa puntod ni Mama. It's been five years since she passed away, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Mula nang nawala siya, halos araw-araw ko siyang binibisita. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ns matagal na pa lang patay si Tita Mary?" tanong ni Caroline pagkatapos niyang ayosin ang mga bulaklak. Humiga naman sa damohan si Kalix. "You never ask," tipid kong sagot. Napabuntong-hininga si Caroline at umupo sa tabi ko. "Can you tell me what happened?" Saglit akong napatitig sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ito. "It was a long story, Caroline. But to make the story short, before she died she kept looking for you because she want to give you the last will of your grandfather. Ang buong akala kasi ni Mama, matagal na ring patay si Tita Roxanne. Sa kaniya kasi iniwan ang last will bago siya kinidnap ng sarili niyang kapatid. When I woke up, wala na si Mama. So, I promised her to find you no m
I glanced inside his room impatiently when I realized he had no plan of letting me in after we escorted Kalix to Don Ernesto's room."Aren't you going to let me in?" He looked pained as he opened the door wider. I glared at him, slightly offended that it seemed to pain him to let me in. I entered his room and sat on the bed. I furrowed my brow when I caught him staring at me."Why does it seem like you're forcing yourself to let me in here?" I couldn't hide my disappointment. I crossed my arms and walked towards him. Mas lalong kumunot ang noo niya habang palapit ako. The way he looked at me, even in his dimmed lights, made me realize that he was desiring something so much. He is fighting it so hard. He swallowed and open his mouth to speak but he didn't continue. "Miguel?" I probed. I saw how his eyes tore off from my body painfully. I smirked and started walking towards him. Pakiramdam ko gusto niyang umatras, pero nang nakita ang pagngiti ko, alam niyang gagamitin ko ang pag-at
"Isasama ko si Kalix sa opisina. Doon na rin kami kakain ng breakfast," sabi ni Miguel pagkatapos niyang ayosin ang necktie niya. Sinilip ko si Kalix sa kaniyang likuran. Nakapagbihis na rin ito. "Kalix, stay here. Your Dad won't be able to work properly if you go with him.""Mommy, I'll go with Dad," Kalix rolled her eyes. "No. Hindi ka pwedeng sumama sa kaniya," pag-uulit ko at inilagay sa ibabaw ng mesa ang gatas. "Drink your milk." "Drink your milk first, Kalix, so we can go," saad ni Miguel pagkatapos niyang ubosin ang kape niya. "Yes, Dad," tugon ni Kalix. Umupo siya sa harapan ko pero nasa kay Miguel pa rin ang paningin niya. "Miguel, baka makaabala si Kalix sa 'yo -" "Never siyang nakakaabala sa akin, Caroline. Gusto niya rin namang sumama," malamig niyang saad. Ngumiti na lang ako ng pilit at nilingon ang anak namin. "Huwag kang malikot doon. Pupuntahan kita roon mamaya para sabay na tayong mag-lunch." "Sa labas kami kakain ni Kalix. Huwag kang mag-aksaya ng oras para
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Pasado alas sais na ng gabi pero hindi pa rin tumatawag si Miguel sa akin. Umuwi na rin ang ibang mga empleyado. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero niya. Ring lang ito nang ring. Nag-text na lang ako sa kaniya na magta-taxi na lang ako pauwi sa condo ko. Hindi ako pwedeng gabihin sa pag-uwi dahil naghihintay ang anak namin sa bahay. Hindi kakain ng haponan si Kalix ng wala ako o hindi niya kami kasama. Papasok na ako sa loob ng elevator nang pag-vibrate ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang nakita ang pangalan ni Ate Norma. "Mommy, where are you?" tanong agad ni Kalix sa akin. "I'm on my way home, Kal," I replied and pressed the ground floor button."Make it quick, Mom. I'm hungry," Kalix said."Yes, Kalix. If you can't wait any longer, go ahead and eat first. You might get a stomach ache again. I'll end the call now. I love you," I said. Napatingin ako sa labas nang napansing marami pang t
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Miguel matapos kong basahin ang liham ni Daddy para sa akin. Paulit-ulit siyang humihingi ng kapatawaran sa akin. Para akong nawalan ng tinik sa puso nang mabasa ko sa liham niya ang salitang mahal niya ako. Gusto niya lang ako bigyan ng magandang kinabukasan pero sa maling paraan niya ito nagawa. Hindi niya inisip kung ano ang mararamdaman ko. Nagsisisi siya dahil mas binigyan niya ng atensiyon si Cecile. Hindi ko rin siya masisisi dahil pareho naming hindi alam ang totoo na anak pala sa labas si Cecile. Bumuhos lalo ang mga luha ko nang naramdaman ang mahigpit na yakap ni Miguel habang hinahaplos niya ang likod ko. "At last, nakita ka niya bago siya namatay, Caroline," bulong ni Miguel at hinalikan ang buhok ko. "Baka ikaw lang ang hinihintay niya. Sa ngayon, makakapagpahinga na siya ng maayos. Hindi na siya masasaktan pa at magtitiis sa sakit niya. He died peacefully because you forgave him." "Ang hirap tanggapin. Hindi ko aakalain na 'yon n