Umaga na naman at pasukan na ulit. Wala pa ring nagbago, maayos pa rin ang trabaho niya at binibigyang distansiya ni Leah ang sarili niya kay Troy. Gusto man niyang lumipat ng ibang trabaho ay wala siyang magagawa dahil maganda ang sweldo niya at mahirap na rin maghanap ng trabaho ngayon kaya naman ay nilalayo niya ang sarili niya sa binata. Napapasama siya sa meeting ng binata pero hanggang doon lang iyon. Trabaho lang. Wala namang kakaibang kilos ang binata sa kanya na ipinagpapasalamat niya. Nagunat-unat si Leah ng makaramdam ng sakit sa likod at saka sumandal sa upuan niya. Napaikot naman siya ng kanang kamay ng mangalay iyon. Mahigit dalawang oras na siyang nagsusulat at nagtitipa sa kompyuter pero parang hindi pa rin nababawasan ang mga gawain niya. Ang desk niya ngayon ay tambak ng mga folder at papel at sumasakit na rin ulo niya. "Oo, sekretarya niya ako, pero ba't kasi ako ang gumagawa na dapat iba ang gumagawa. Hayst." Hindi mapigilan na angil ni Leah. Wala siyang pak
"Mama, gising!" Naalimpungatan naman si Leah ng maramdaman niyang niyuyugyog siya ng anak niya na si Carlo. Pero hindi pa rin binubuksan ni Leah ang mga mata niya dahil sa inaantok pa siya. Hindi kasi siya makatulog kagabi dahil hindi niya malimutan ang nangyaring paghatid sa kanya pauwi ni Troy.Kaya heto siya ngayon ay antok na antok. "Mama, gising! Nasa baba si Daddy Ariel!" Napabalikwas naman agad ng bangon si Leah ng marinig ang pangalan na "Ariel". "Ariel?" Tiningnan niya ang anak niya na nakaupo sa hita niya at masayang nakangiti. "Nasa abroad ang Daddy Ariel mo, baby. Kaya h'wag kan---""But, Mama. Nasa baba talaga si Daddy Ari---""Carlo, gising na ba mama mo?"Napatingin naman si Leah sa may pinto ng magbukas iyon. Hindi niya alam ang gagawin niya ng makilala ang isang lalaki na naka-puting polo at may suot na apron sa harap ng pinto niya. "Daddy Ariel! Gising na si Mama. Ayaw niyang maniwala na nandito kana." Doon lang natauhan si Leah ng magsalita ulit ang anak ni
"You're here." Sabay naman napalingon sila Leah at Ariel sa likod kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nagulat naman si Leah ng makilala ang nagsalita. "S-Sir!" Tiningnan lang siya ni Troy pero agad naman itong ibinaling ang tingin kay Ariel. Medyo naging hindi komportable ang pakiramdam ni Leah dahil pinag-gigitnaan siya ng dalawang binata. Tiningnan niya ang dalawa at mayroon siyang nakikitang kuryente sa pagitan ng mga mata nila.Bago pa sa kung saan mapunta ang sitwasyon ay tumikhim naman si Leah na dahilan para ibaling ng dalawang binata ang tingin nila sa kanya. Mukhang nakuha rin naman nila ang nangyayari kaya inilibot nila ang tingin sa paligid. "Umagang-umaga ay nakikipag-landian na agad at sa harap pa mismo ng kompanya ko." "What...?"Napa-awang naman ang bibig ni Leah sa sinabi ni Troy. Kaya naman ay hindi mapigilan ng dalaga ang inis at humarap sa boss niya. Tumingin rin sa kanya si Troy pero agad naman ito iniiwas ang tingin. "Pumasok kana dahil marami kapang
"We need to talk, hija." Ani ng ina ni Troy saka hinawakan ang kamay ni Leah. Nagulat naman si Leah sa ginawa nito pero nangingibabaw sa kanya ang kuryosidad kung ano ba ang tunay na nangyari kay Troy ng iwan niya ito. Lumabas naman sila sa kwarto at umupo sa upuan katapat lang ng kwarto ng binata. Nang makaupo ay napatingin naman si Leah sa ginang. "Ano po iyong gusto niyong pag-usapan?" Tumingin naman sa kanya ang ginang at bumuntong hininga bago ito magsalita. "It's about Troy, hija." Bigla naman siyang kinabahan at naalala niya bigla ang pangloloko na ginawa sa kanya ni Troy. Hindi naman niya mapigilan ang mapakuyom ng kamay niya. Oo, mahigit limang taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sakanya ang mga sinabi nito at pangloloko na ginawa sa kanya ng binata.Napansin naman ng ginang ang kamay ng dalaga na nakakuyom kaya naman ay hinawakan niya ito kaya napatingin sa kanya ang dalaga. "Don't be mad at Troy. I know na nasaktan ka ng anak ko noon but I know my son and he
"T-Troy...?" Gulat na nakatingin si Leah kay Troy na nakatayo sa harapan ng pinto ng bahay niya. "B-Bakit ka nandito?" Nagulat naman siya ng mapagtanto na suot pa ni Troy ang hospital gown nito. "T-Teka nga! Tumakas ka---""I'm sorry for everything. I miss you." Agad na niyakap siya ng binata dahilan para maputol ulit ang sinasabi niya ngunit agad rin siyang bumitaw dito at tiningnan ulit ito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito. "Nakakaalala na'ko. Naalala na kita. I'm sorry for everything I've done---""Eh ano naman kung nakakaalala kana?" Putol ni Leah sa binata. Ngayong nalaman niya na nakakaalala na ang binata ay may parte sa kanya na masaya at galit. Nakaramdam siya ng galit dahil hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa nito sakanya.Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Troy sa mga braso niya at itinulak ito paalis ng tapat ng bahay niya. "Umalis kana, Troy---""W-Wait! Let me explained. Gusto ko lang linawin ang nang---""Wala ka ng dapat linawin pa, Troy. Past
Nagising si Leah ng may liwanag na tumatama sa mukha niya. Agad naman siyang bumangon at inilibot ang tingin ng mapagtanto niyang nasa kanyang silid siya. Napahawak naman si Leah sa ulo niya ng kumirot iyon ng kaunti hanggang sa may narinig siyang kumatok at nagbukas ng pintuan niya. Sinilip naman niya kung sino iyon. "Ariel..." Saad niya ng makita niya ang taong pumasok na may dalang tray ng pagkain. "Gising kana pala. Heto, pinagluto kita, hindi ka na naka-kain kagabi." Saad nito saka ipinatong sa ibabaw ng kama niya ang dala nitong tray."S-Saglit lang!" Saad ni Leah saka kumaripas ng takbo sa banyo. Napatawa na lang dito si Ariel. Hindi na rin nagtagal si Leah sa loob at saka lumabas ng banyo. Umupo naman siya ulit sa kama kung saan naka-upo si Ariel.Hindi niya tuloy mapigilang ngumiti dahil sa kabaitan ng binata. Napaka-swerte niya at naging kaibigan niya ito. Umayos naman siya ng upo at saka tiningnan ang nakahandang pagkain sa harap niya. Mayroong sinangag na kain, sunny
Agad na sumakay ng sasakyan si Troy pabalik ng ospital. Nang maka-alis si Leah at ang anak nito na si Carlo ay may bumabagabag sa kanya. Hindi niya maalis sa isip niya ang itsura ni Carlo. Kahit ayaw man niyang aminin sa sarili. Carlo is really his carbon copy. Kaya naman para makumpirma ang hinala niya ay may tinawagan siyang numero. Nakailag ring ito bago sagutin. 📱: "What?" Rinig na sigaw ni Troy sa kabilang linya. "I need help. Meet me at the hospital. Now." Maotoridad na ani ni Troy at saka pinatay deretso ang selpon. "Sana tama ang hinala ko." •*•*•*•*•*"What's your problem?" Saad ng isang lalaki ng makapasok ito ng silid ni Troy. Si Troy naman ay napatingin sa kararating lang na si Nathan. Umupo naman ito sa harap niya at umayos naman siya ng upo saka tiningnan sa mga mata si Nathan. "May kailangan akong ipa-imbestiga sayo." Seryosong saad ng binata dito. "Alam mong matagal ko ng itinigil iyan, Troy. At wala akong balak gawi---""Just this time. This is my last fav
Napahampas na lamang si Troy sa kanyang manibela ng maalala niya ang paglapit niya sa dalaga. Her scent is so addicting. Kaya hindi niya mapigilan ang sarili na dampian ng halik ang tenga at leeg nito. Buti na lamang ay nagbukas agad kanina ang elevator sa ground floor, kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila ng dalaga sa elevator."Mababaliw nako. F*ck!" "H-Hindi totoo iyan. At may tatay ang anak ko at isa pa wala kang katunayan na anak mo nga si Carlo." Habang pinapakalma ang sarili ay bigla naman bumalik sa alaala niya ang sinabi sa kanya ni Leah. Kahit ayaw aminin ng dalaga na anak niya si Carlo, malakas ang kutob niya na anak niya talaga ito. Habang nagiisip ng malalim ay tumunog naman ang selpon nito. Tiningnan niya iyon at sinagot ito ng makilala niya ang pangalan kung sino ang tumatawag.Inilagay niya sa harapan ang selpon niya at pinindot ang loud speaker sa selpon nito."Hey. It's done?" Tanong agad ni Troy sa kabilang linya. 📱: "Yes. It's done. I sent it to you
Tulad nga ng sinabi ni Troy ay kinabukasan agad ang kasal nila. Hindi pa rin makapaniwala si Leah na ikakasal na agad siya matapos mag-proposed ng binata sa kanya kagabi. Akala niya ay nagbibiro ito na bukas agad ang kasal nila ngunit nagkakamali siya, dahil naging totoo ito.Kaya heto siya ngayon naghihintay sa isang lounge room. Naka-ayos na siya, ngunit may isang oras pa bago magsimula ang kasal nila Troy. It's a simple wedding church lang ang kasal nila at mga piling tao lang rin ang mga inimbeta ng binata. Nakasuot naman si Leah ng off-shoulder wedding dress na may pa letrang V ang design sa likod at pinalibutan naman ng mga puting perlas at mga kumikinang na glitters.Habang nakatingin sa salamin ay hindi maiwasan ni Leah ang mamangha sa sarili. Hindi niya aakalain na napakaganda niya sa suot niyang wedding gown at hindi rin siya makapaniwala na dadating ang araw na ikakasal na siya. Akala niya noon ay hindi niya iyon mararanasan ngunit heto siya at nakasuot siya ng wedding gow
Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig sa hapag kainan. Tahimik at walang nagsasalita na mas lalong nakadagdag tensiyon sa loob. Nandito sila Leah sa bahay nila Troy kasama ang anak nilang si Carlo upang ipakilala silang dalawa ni Carlo sa mga magulang ng binata. Kaninang pag-uwi niya kasi ng hapon matapos ang pakikipagkita niya kay Sabrina ay sumalabong agad sakanyaang binata pagkapasok pa lang ng pinto sa bahay niya. "Oh. You're here. You're coming with me." Saad ni Troy sabay hila kay Leah. "H-Huh? T-Teka nga! Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Leah na nagtataka pa rin sa ginagawa ng binata. "Hurry up, Papa! I'm so excited!" Sigaw naman ni Carlo at nauna ng tumakbo sa sasakyan ng binata. Tumigil naman si Troy at tumingin kay Leah. "You heard it? Bilisan na daw natin." Saad nito sabay buhat kay Leah na parang sako. Napasigaw na lamang ang dalaga dahil sa hindi inaasahang gagawin ng binata sa kanya. Pinali naman niya ang likod nito ngunit hindi natinag hangga
Patuloy sa palitan ng halik sila Leah at Troy hanggang sa makapasok sila sa kwarto ni Leah. Isinandal naman ni Troy ang dalaga sa likod ng pinto ng kwarto dahilan para mas lalong maging mapusok ang halik nilang dalawa. Bumaba naman ang mga halik ni Troy mula pisngi hanggangsa tumigil ito sa leeg ng dalaga."Ohh, Troy..." Ung*l ni Leah ng s******n ng binata ang kanyang leeg dahilan upang magiwan ng marka doon. Napapasabunot na lamang si Leah sa buhok ni Troy dahil sa elektrisidad na binibigay ng binata sa kanya sa tuwing lumalapat ang labi nito sa katawan niya. Maya-maya ay bumalik ulit sa mga labi niya ang labi ni Troy at muli siyang hinalikan. Gumalaw naman ang binata kaya naman ay napahigpit ang pagkaka-kapit ni Leah sa leeg ni Troy. Naglakad ito hanggang sa bumagsak ang likuran ni Leah sa kama. Patuloy pa rin sila sa palitan ng maiinit na halik. Bumitaw saglit si Leah ng hindi siya makahinga habang si Troy naman ay pababa na ang kanyang mga halik at sinisimulan ng iangat ang da
Naglalakad na ngayon pauwi si Leah. Hindi na siya nagpahatid kay Ariel dahil nauna na siyang umalis sa lugar. Bumuntong hininga naman siya ng maalala ang nangyari kanina. "Leah Alcaraz, Will...Will you marry me?" Tanong ni Ariel sa kanya. Hindi siya nakasagot sa mga oras na iyon.. Ngunit isa lang ang masisigurado niya. Habang tinatanong siya ng binata ay naisip niya agad si Troy dahilan upang bumilis ang kanyang tibok ng puso. Napansin agad ni Ariel na matagal sumagot si Leah"Ariel... I---"Hindi na maituloy ni Leah ang sasabihin ng biglang tumayo si Ariel at hinawakan ang kamay niya. Tumingin naman siya sa mga tao sa paligid bago magsalita. "Thank you all for supporting me." Saad ng binata at saka umalis sa lugar na iyon habang hila-hila ang kamay ni Leah. Hindi na rin naman tumanggi si Leah at nagpahila na lamang sa binata. Naiyuko na lamang ni Leah ang kanyang ulo ng makaramdam ng lungkot at sakit. Pakiramdam niya ay alam na ni Ariel ang magiging sagot niya. Iniangat naman
Isang linggo ng pabalik-balik si Troy sa bahay nila Leah upang bisitahin si Carlo at tuwang-tuwa naman ang anak niya. Sa tuwing papasok ng trabaho ay agad-agad siyang sinusundo nito sa kanila at hinahatid sa eskwelahan si Carlo. Hindi naman niya mapigilan ang binata dahil naisip niya rin na ito ang paraan ni Troy upang mabawi ang limang taong nawalay ito sa kanyang anak at naiintidihan niya iyon. Kaya naman ay hinahayaan niya na lamang ito dahil nakikita naman niya ang kasiyahan sa mukha ng anak niya. Habang nagsusuot ng sandals si Leah ay lumapit naman sakanya ang anak niya. "Mama, saan ka po pupunta?" Tanong nito habang kumakain ng tsokolate na dala ni Troy kaninang umaga. "May pupuntahan lang si Mama, saglit, okay? Babalik rin ako agad." Saad niya at saka humarap ng tuluyan kay Carlo at pinunasan ang pisngi nito dahil sa nagkalat na tsokolate. Makikipagkita siya kay Ariel sa mall dahil nag-aya itong mag-date daw sila. Tumawag ito kahapon para magpaalam. Nang marinig ni Carlo k
Tapos na ang party at nagliligpit na sila ng gamit. Siya na ang nagligpit ng iba dahil unti na lang naman itong liligpitin niya. Masaya siya lalo na't naging masaya si Carlo sa kaarawan nito. Hindi naman niya mapigilang ngumiti dahil nasabi na rin niya sa anak niya ang tunay na ama nito. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib niya. At dahil doon ay palagi ng magkasama ang dalawa kanina. Hindi maiwanan at mabitawan ni Troy si Carlo kanina sa party, maging sa pakikipaglaro sa mga kaibigan ng anak niya ay nakabuntot rin ito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya ngunit masaya siya na nagkakamabutihan ang dalawa. Habang nag-aayos si Leah sa kusina ay bumaba naman si Troy galing sa kwarto ni Carlo. Inihiga niya kasi si Carlo sa higaan nito dahil sa pagod at nakatulog na. Hindi naman mapawi sa mga mukha ni Troy ang kasiyahan na nararamdaman niya na ngayong maaari na siyang makalapit kay Leah lalo na sa anak nila na si Carlo. Hindi inaasahan ni Troy na sasabihin ni Leah
Balik trabaho na ulit sila Leah matapos ang kanilang outing sa Boracay. Naging busy ulit sila dahil sa maraming naiwan na mga gawain at may bago pang kleyente. Maglilimang araw na ang nakakalipas ng humingi ng permiso si Troy sa kanya na manligaw. Wala naman siyang naisagot dito. Ngunit ng malaman niyang handa itong bumawi sa kanila ni Carlo ay hindi niya mapigilang makaramdam ng saya. Nang mangyari ang gabing iyon ay araw-araw na siyang binibigyan ng bulaklak ng binata. Tulad na lamang kanina, may nakita na naman siya sa desk niya na isang rosas. Halos mapuno na ang isang vase niya sa bahay nila dahil sa tatlong beses na siyang nakakakita ng rosas sa desk niya sa isang araw.Hindi niya na kailangan manghula dahil alam niya na kung sino ang nabibigay ng mga iyon. Si Troy. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya dahil sa determinado itong makuha ulit ang loob niya, ngunit aaminin niyang kinikilig siya sa mga ginagawa nito. Hindi niya pa rin nakakausap si Ariel simula ng may tum
Pabalik-balik ang tingin ni Leah sa dalawang binata na nasa harapan niya ngayon. Nandito sila sa isang restaurant sa beach kung saan din sila nagmeeting kanina. Malapit lang kasi ito sa resort na inuukupa nila. Hindi niya kasama ngayon si Carlo dahil tulog ito at napagod rin. Napapikit na lamang si Leah ng mapagtanto ang sitwasyon nila. Tumikhim siya dahilan para mapatingin sa kanya ang dalawang binata. Ginawa niya iyon dahil kanina pa may namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawang binata. Kulang na lang ay magkaroon ng parang electric sa pagitan ng mga mata nila dahil sa talim ng mga titig nila sa isa't-isa. "Uhmm...Ano pala ginagawa mo dito, Ariel? Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong niya kay Ariel na ngumiti naman ito sakanya. "Para kang tuko na laging sunod ng sunod at laging nakadikit sa kanya." Bulong ni Troy na narinig naman ng dalaga. Sinipa naman ni Leah ang paa nito sa ilalim ng lamesa at tiningnan ng "Tumigil ka." Nabasa naman iyon ni Troy ngunit hindi pa rin nito
"And that's for our meeting." Saad ng binata saka ipinatong ang mga kamay sa mesa. "Thank you, Sir.""Thank you po, Sir." Sabay-sabay na tugon ng mga empleyado habang nagliligpit ng mga gamit. Nandito sila ngayon sa isang restaurant sa beach at pinagme-meetingan ang mangyayaring photoshoot para sa ilalagay sa magazine nila. Tatlong araw na rin sila dito sa Boracay at enjoy naman silang lahat. Maganda ang tanawin lalo na tuwing sunset, marami ring pwedeng gawing activities lalo ang scuba diving. Nagustuhan ito ni Carlo dahil marami siyang nakikitang mga ibat-ibang isda.Marami pa silang ginawa at pinuntuhan, halos mapuno na ang selpon ni Leah dahil sa dami ng litrato nila. Hindi doon mawawala ang binata. Kasama nila ito palagi at kasama rin ito sa mga litrato na nakukuha niya. At dahil doon ay, nakita niya kung paano magbonding ang dalawa. Masaya ang mga ito lalo na si Carlo. At dahil sa ala-ala na iyon ay hindi mapigilan ni Leah makaramdam ng sakit. Napabuntong hininga na lamang