Chapter 20 Subsititute?...Ha! Kailangan pa ba niyang isipin kung sino ang tinutukoy nito? Malamang! Siya lang naman iyon! Halata naman. Nagpapaliwanag ito tungkol sa marriage certificate nila dito sa sweetheart niya.Pakiramdam ni Aliyah ay isa siyang kontrabida na pumipigil kay Romeo at Juliet.Nahihiwagaan pa siya dati kung bakit siya ang pinili ni Jacob para maging asawa nito. Ngayon hindi na. Alam na niya ang dahilan kung bakit siya pinili nito. Kaya pala...Kaya pala sinabi ni Jacob sa kanya na siya ang pinaka pasok para maging asawa nito. Iyon ay dahil magkahawig sila ng babae! Kung hindi nga lang siguro sila magkakilala, malamang ay mahihirapan itong makahanap ng babaeng kahawig ni Kylie. No wonder she was just a substitute. Kylie's substitute.Hindi malaman ni Aliyah kung matutuwa ba siya sa coincident na ito. Dahil kung hindi siya ang magiging substitute wife nito, wala siyang makukuhang pera na gagamitin para sa pagpapagamot ng kanyang ina.Tinignan naman ni Kylie si Ali
Chapter 21 Kinakabahan man si Aliyah, pero itinuloy niya pa rin ang pagpunta sa bahay ni Mr. Dela Fuente dahil nag-message ito sa kanya patungkol sa Hans Project!Malawak ang ngiti niya habang pinipindot ang password sa bahay ni President pero bago niya maituloy na buksan iyon ay bigla siyang napatigil. Napaisip siya kung basta na lamang siya papasok sa bahay nito ay wala kaya dito ang girlfriend niya? Baka mapahiya lang siya kapag bigla siyang pumasok! Sa isiping iyon ay nagpasya na lamang si Aliyah na mag-doorbell na lamang. Agad namang may nagbukaa ng pinto at si Jacob iyon. Napansin niya kaagad ang hitsura nito.Nakasuot lamang si Jacob ng pambahay na damit. Nakapagpalit na ito mula sa suot-suot kanina na business attire. Ang buhok nitong palaging nakaayos at nakasuklay na nakikita kapag nasa kumpanya siya ay medyo magulo na ngayon. Simpleng white t-shirt at boxer shorts ang suot nito ngayon. Mula sa eleganteng suot nito kanina sa kumpanya, ngayon ay maaliwalas na damit na lama
Chapter 1“Have you ever done it with a man?”Sa isang gabing puno ng katahimikan, si Aliyah na kagagaling lamang sa isang business trip ay malapit na sanang matulog dahil sa kanyang kalasingan. Ngunit naudlot iyon nang makita ang mensahe sa kanya ng kanyang best friend na si Rina sa chat.“Hurry up and hook up with a handsome guy while you are still young! Paano mo mararamdaman ang ganoong feeling kung hindi mo gagawin? Trust me, you can just describe it in one word! Huwag ka nang mahiya. I have all kinds of videos that can help you open the door to a new world!”Napahiga na lamang sa kama ng hotel room niya si Aliyah.Ano bang sinabi ko sa kanya dati? Hindi ko na matandaan.Bagsak ang mukha ni Aliyah dahil sa sobrang kalasingan sabay pa na nakabuhaghag ngayon ang mahaba at makapal niyang buhok nang mahiga siya sa kama.Sa susunod na buwan ay 26 years old na siya. Sobrang tanda na at hindi pa nagkakaroon ng nobyo kahit kailan. Kaya rin siguro kinukulit na siya ni Rina dahil matanda n
Chapter 2Nagising ng madaling araw si Aliyah na yakap yakap ng lalaking katabi niya. Nilingon niya ito at nakita ang ling mahimbing nitong pagkakatulog. Halos sakop din ng mabigat na braso nito ang buong katawan ng babae. Dumeretso ng higa si Aliyah nang maramdaman na isiniksik pa ng lalaki ang mukha nito sa leeg dahilan para makaramdam siya ng bahagyang kiliti na nanggagaling sa matangos nitong ilong.Sinubukan ni Aliyah na bahagyang igalaw ang katawan niya ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang pagkababae. Napaigik siya ng kaunti at doon napagtanto ang mga nangyari kagabi.Ano nga ulit ang dahilan ko bakit ko ginawa ‘yon?Nahihibang na ba ako? Siguro nga. Because she actually slept with the President!Pikit ang matang huminga siya ng malalim. Dahan dahan na inalis ni Aliyah ang pagkakayakap sa kanya ng Presidente saka lumayo ng kaunti mula sa kama. Umikot siya sa buong kuwarto at hinanap ang kanyang mga gamit. Nang makita niya ang mga iyon ay madalian niyang nilagay sa
Chapter 3Madaldal talaga si Rina! Ang lakas pa ng boses niya kaya narinig ng mga taong nasa paligid. Pati sina Jacob ay napalingon sa direksiyon nila.Tumingin si President kay Aliyah at basta na lang nito iniwas kaagad ang tingin saka tumalikod at walang sabi-sabing umalis para lisanin ang hotel.Nang makumpirmang umalis na sila, nilingon ni Rina si Aliyah na may tsismosang mukha dito na tila ba naguguluhan sa kung ano mang nangyayari.“Bakit gano’n?” tanong ni Rina sa kanya.“Anong bakit?”“Bakit nagtatanong si President Dela Fuente kung sinong nakatira sa room 1501?” tanong nito sa kanya.“Aba malay ko!” halos pasigaw na sagot ni Alyanah sa kaibigan na ikinagulat naman nito pati rin siya. “I-I m-mean… hindi ko alam. Malay mo mas gusto niya ang view doon sa kuwarto ko na 1501 kaya gusto niyang makipalit? I mean ‘di ba, he’s the President, you know…”Tumango-tango naman si Rina na siyang ikinahingang malalim ni Aliyah. Parang kumbinsido na ito sa kanyang sinabi. Pero may bahagya pa
Chapter 4Aliyah knows that being in public relations is good for investments banks. ANg kaso nga lang, gaya ng nakararami, ito ay para sa entertainment purposes lamang.Bahagyang napaisip si Aliyah. Ganoon ba ang iniisip ni President Dela Fuente tungkol sa kanya? O baka naman iniisip niya na pakana ni Manager Lim ang nangyari sa kanila kagabi kaya gano’n na lamang itong magtanong ngayon?Thinking of last night, bahagyang namula ang mga pisngi ni Aliyah. Itinago niya agad ang sensasyong iyon dahil maraming tao ang nakapaligid sa kanila at hindi lang basta ang Presidente ang kaharap niya ngayon.Ilang minutong namayani ang katahimikan sa kanila dahil halos nagkakatinginan lamang ang dalawa. Nang mapansin siguro ni Manager Lim na medyo lumalamig na ang paligid nila, bigla itong nagsalita.“She has always been an assistant, Mr. Dela Fuente. I just thought that she may have common topics with you since pareho naman kayo ng paaralan na pinasukan noon kaya inimbita ko siya rito. But… if you
Chapter 5Kung susuriin mo, mapapansin mo na hindi bago ang tattoo ni Jacob sa balat niya. Para bang matagal na iyong nakaukit sa kanya at dikit na dikit na ang tinta nito sa kanyang balat.Kung tama man ang sinabi kanina ni Rina. Malamang ang mga numerong nakaukit doon ay birthday ng babaeng minamahal niya. Posible kaya?Isa pa, alam ni Aliyah na hindi kay President Jacob ang birthday na iyon na nakaukit sa collarbone niya. Dahil sa pagkakatanda niya, sa April ang birthday nito at hindi sa August. Kahit na ang mga magulang ni Jacob na may-ari ng Dela Fuente Group of Companies ay alam niyang parehong July ang mga kaarawan ng mga ‘yon kaya imposible ding sila.Hindi rin naman siya ang tinutukoy nito dahil ang birthday pa lang niya ay sa November 14.Argh! Bakit niya ba inisip iyon? Wala na siya doon!Pero kung susumahin, wala sa mga naisip niyang numero ang tugma sa numerong nakita niya kay Jacob. Akalain mo nga naman, ang isang malamig na pusong katulad niya ay gagawa ng isang pambata
Chapter 6 Ano nang gagawin ko? Babalik ba ako doon? Aligaga na palakad-lakad si Aliyah ng pabalik-balik sa kanyang inookupang kuwarto. Hindi malaman kung ano ba ang gagawin. Hanggang sa napagdesisyunan niya na tawagin ang kaibigan."Rina!" sigaw niya nang sagutin ng kaibigan ang kabilang linya ng telepono."Hmm..." tanging sagot ni Rina."Rina! Makinig ka. Importante 'to. May number ka ba ni President Jacob Dela Fuente? O kaya may alam ka ba kung paano ako makakakuha ng cellphone number niya? Just please, please, please I need it!"Tahimik lamang ang kabilang linya ng telepono kahit na halos magsisisigaw na si Aliyah dahil sa nerbyos na nararamdaman."Huh? Nahihibang ka ba? Itulog mo na lang 'yan, Aliyah.""No, No, No, No, No... Mali ka ng iniisip kung ano man yang iniisip mo. Importante lang kasi. I don't have time to explain! Just please help me get his number! I just need to talk to him.""Hindi ko alam ang number niya pero may alam akong solusyon kung gusto mo siyang makausap. J
Chapter 21 Kinakabahan man si Aliyah, pero itinuloy niya pa rin ang pagpunta sa bahay ni Mr. Dela Fuente dahil nag-message ito sa kanya patungkol sa Hans Project!Malawak ang ngiti niya habang pinipindot ang password sa bahay ni President pero bago niya maituloy na buksan iyon ay bigla siyang napatigil. Napaisip siya kung basta na lamang siya papasok sa bahay nito ay wala kaya dito ang girlfriend niya? Baka mapahiya lang siya kapag bigla siyang pumasok! Sa isiping iyon ay nagpasya na lamang si Aliyah na mag-doorbell na lamang. Agad namang may nagbukaa ng pinto at si Jacob iyon. Napansin niya kaagad ang hitsura nito.Nakasuot lamang si Jacob ng pambahay na damit. Nakapagpalit na ito mula sa suot-suot kanina na business attire. Ang buhok nitong palaging nakaayos at nakasuklay na nakikita kapag nasa kumpanya siya ay medyo magulo na ngayon. Simpleng white t-shirt at boxer shorts ang suot nito ngayon. Mula sa eleganteng suot nito kanina sa kumpanya, ngayon ay maaliwalas na damit na lama
Chapter 20 Subsititute?...Ha! Kailangan pa ba niyang isipin kung sino ang tinutukoy nito? Malamang! Siya lang naman iyon! Halata naman. Nagpapaliwanag ito tungkol sa marriage certificate nila dito sa sweetheart niya.Pakiramdam ni Aliyah ay isa siyang kontrabida na pumipigil kay Romeo at Juliet.Nahihiwagaan pa siya dati kung bakit siya ang pinili ni Jacob para maging asawa nito. Ngayon hindi na. Alam na niya ang dahilan kung bakit siya pinili nito. Kaya pala...Kaya pala sinabi ni Jacob sa kanya na siya ang pinaka pasok para maging asawa nito. Iyon ay dahil magkahawig sila ng babae! Kung hindi nga lang siguro sila magkakilala, malamang ay mahihirapan itong makahanap ng babaeng kahawig ni Kylie. No wonder she was just a substitute. Kylie's substitute.Hindi malaman ni Aliyah kung matutuwa ba siya sa coincident na ito. Dahil kung hindi siya ang magiging substitute wife nito, wala siyang makukuhang pera na gagamitin para sa pagpapagamot ng kanyang ina.Tinignan naman ni Kylie si Ali
Chapter 19 Napahinto ng matagal si Aliyah. Hindi ito makapaniwala at tila ba nananaginip lang siya sa kausap niya ngayon. Ang malamig na boses nito ang nagpabalik ng kanyang presensiya.She badly smiled without her eyes. Paano nga ba siya papayagan ni President Dela Fuente na maging pasado ang in-apply-an niya? Bakit? Sino ba siya? Hindi porque nakipag siping siya dito ay susundin na nito ang mga utos niya. Nakaramdam ng bahagyang pait si Aliyah. Tama naman. Binayaran siya nito. Iyon ang kapalit."Wala na. Wala na akong tanong, Mr. President. Pasensiya na sa abala."Mabilisan na pinatay ni Aliyah ang tawag nang hindi pinapakinggan ang sinabi nito. Masyado lang siguro siyang tiwala sa kanyang sarili at sa tingin niyang may tutulong sa kanya pero wala. Wala pala. Parang sinampal ng napakalakas si Aliyah sa isiping iyon.Sa labas naman, nakatanggap si Manager Lim ng email kapa paniguradong alam na nito ang nangyari. Pumunta ito sa kanya nang galit na galit."I told you! You won't succe
Chapter 18 Halos tatlong oras lang din ang itinulog ni Aliyah nang gabing iyon. Pagod na pagod siya at halos masakit din ang buong katawan niya sa ginawa nila ni Jacob kagabi. Tumingin naman siya sa gilid niya at nakitang wala na siyang katabi pagkagising niya kinaunagahan.Bumangon si Aliyah at dumeretso sa kusina. Doon ay nakita niya ang mga nakatakip na pagkain na nasa lamesa. Mainit init pa ang mga iyon. Saka niya napansin ang piraso ng papel na nasa gilid. Kinuha niya iyon at binasa kung ano ang nakasulat."I'll be gone for a week. I'm on a business trip. I'll see you next week when I come back." sabi nito sa note na iniwan niya sa lamesa.Napatitig na lamang si Aliyah sa papel at pati na rin sa mga pagkain na nasa hapag. Hindi niya talaga maintindihan si Jacob. Kapag nasa pribado sila na sila lang dalawa at nasa bahay ito, makikita mong may pagka maalaga ito. Kahit pa nung nagsasalo sila sa kama kagabi, he was gentle with her. Lagi siya nitong tinatanong kung nasasaktan ba siy
Chapter 17 "Okay..."Hindi alam ni Aliyah kung talaga bang lasing ang kasama o hindi. Dahil kung lasing ito, masasabi niyang magiging agresibo ito sa kanya at baka bubuhatin pa siya sabay dadalhin sa kuwarto. Ang nakikita niya sa lalaki ngayon ay para itong teenage boy na sabik na sabik sa kanyang girlfriend. Ibang iba sa Jacob na kilala niya na isang cold hearted ceo.Pakiramdam ni Aliyah ay nalalasing siya. Umiikot ang buong paligid niya. Tila ba nahihilo sa nangyayari. Sa huli, iniabot niya ang katawan ni Jacob na nakapatong sa kanya. Hinanap niya kaagad ang collarbone nitong may tattoo. Kinagat niya iyon dahilan para dumaing sa sakit ang lalaki. Humiwalay si Jacob mula sa pagkakapatong kay Aliyah. "I-I'm sorry...""Jacob... Pwede bang ito na ang huli ngayong araw?" sabi ni Aliyah kay Jacob. Mababa ang boses nito at para bang nakikiusap sa lalaki.Hindi sumagot si Jacob. Sa halip ay tumayo lang ito at pumunta ng banyo. Mukhang nakuha ni Aliyah ang tamang tiyempo para patigilin
Chapter 16 Mahirap para kay Alena na makita ang pagod sa mukha ng kanyang anak. Halata dito na wala itong masyadong tulog at tila ba pagod na pagod. Bumuntong hininga na lamang siya pagkatapos ay inangat ang isang kamay para haplusin ang pisngi ng kanyang anak."Pasensiya ka na, anak. Naging pabigat pa ako sa 'yo." mahinang sabi niya dito. Alam naman ni Alena na hindi niya dapat turuan ang anak na maging matakot sa isang lalaki. Dahil alam niya balang araw, magpapakasal din ito. Pero natatakot pa siya. Natatakot siya na baka malito at masaktan na naman ang kanyang anak."Ano bang sinasabi mong pabigat diyan, Ma?! Ang sabi ng doktor kapag successful ang operasyon mo, lalakas ka na at pwede ka nang lumabas ng ospital. At pag nangyari 'yon, lulutuan mo dapat ako ng paborito kong sinigang! Gusto kong kumain ng ganoon." saad ni Aliyah.Bahagya lamang ngumiti si Alena. "Sige..." sagot nito pagkatapos ay may biglang naalala. "Siya nga pala, papuntahin mo ang boyfriend mo dito. Gusto ko siy
Chapter 15 Sa buong byahe papuntang opisina, nagkukwento si Troy ng mga kaganapan na ginawa nila noong mga bata pa sila kasama si Kyla. Pero ni isa sa mga kwentong iyon ay walang pumukaw sa atensiyon ni Jacob. Kahit nga nang makarating sila sa kumpanya ay umalis lang basta si Jacob at hindi man lang ito nagpaalam sa kaibigan. Dumeretso kaagad ito sa elevator para pumunta sa kanyang opisina. Pagkarating na pagkarating doon ay umupo siya kaagad sa kanyang working table. Sunod naman na kumatok ang kanyang sekretarya pagkatapos ay pumasok na may dalang mga dokumento. "Mr. President, patungkol po sa infringement lawsuit ng Gewel Company, gusto mo bang kumuha pa tayo ng mga abogado para rito? Nabalitaan ko po kasi na kumuha sila ng kilalang abogado mula sa ibang bansa." Iniayos lamang ni Jacob ang pagkakasabit ng kanyang salamin sa mata. Pagkatapos ay kinuha ang mga dokumentong dala-dala ng kanyang sekretarya at pinirmahan ito. "Hindi na. Maaayos naman ang mga legal na paraan
Chapter 14 Tahimik lamang na nakatitig si Jacob kay Aliyah. Nabigla ata sa sinabi niya. Napansin naman kaagad ito ni Aliyah kaya naman agad siyang tumikhim pagkatapos ay dumeretso ng tayo. "Ang ibig kong sabihin... Magluluto rin ako ng almusal bukas." Alam naman niya ang mga resposibilidad niya dito lalo at mukhang dito na rin siya patitirahin ng lalaki. Bakit naman pagsisilbihan pa siya ng lalaki? Nakarinig si Aliyah ng bahagyang pagtawa. Pinatay ni Jacob ang kalan pagkatapos ay nagsalin ng lugaw sa dalawang maliit na bowl. Inilagay niya iyon sa lamesa pagkatapos ay umupo. Saka ni Aliyah napansin ang suot nito. He was wearing a gray loose t-shirt and boxers. Bagay na bagay dito ang suot niya dahil simple at talagang nakapambahay lamang. "You don't need to be so formal. Kapag nakapagpa-rehistro na tayo ng kasal mamaya, legal na asawa na kita." Bahagya namang nag-init ang pisngi ni Aliyah senyales ng pamumula nito sa sinabi ni Jacob. Iminuwestra ng lalaki ang upuan sa b
Chapter 13 Bahagyang nanlaki ang mga mata ng assistant sa sinabi ni Mr. President. Hindi lang pala si Aliyah ang nagulat sa sinabi nito kundi ito rin. Sa tinagal-tagal niyang naninilbihan sa amo, hindi nito sukat akalain na magpapabili ito ng ganoon ngayon. Bahagya itong napangisi pagkatapos ay itinuon ang atensiyon sa kalsada. Kilala niya ang amo niya. Alam niya kung saan at bakit ito nagpapabili ng ganoon."Right away, Mr. President." Napatingin naman si Aliyah sa assistant nito sa kanyang sagot. Bahagyang namula ang magkabilang pisngi niya nang bigla dumako ang tingin niya sa katabi. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at pinakalma ang sarili. Ayaw niyang may makakita ng reaksiyon sa mukha niya. Baka mahalata pa ng mga ito ang pamumula niya kaya naman itinuon na lang niya ang paningin sa labas ng bintana ng kotse.Malalim na humugot ng hininga si Aliyah habang nakasandal sa bintana ng kotse. Kung iisipin, pumayag siya sa lahat ng kondisyon ni Jacob nang tinanggap niya ang alok nito