Selene Ilang oras na akong nakahiga sa kama,wala akong kaalam alam kung ano ang mangyayari saakin ngayon araw na ito at hindi ko din alam kung ano ba dapat ang kailangan kong gawin Kanina pa nag riring ang cellphone ko pero Hindi ko iyon sinasagot,pinikit ko ang aking mata ng marinig ulit ang pag riring ng aking cellphone.Sa huli ay malakas na lamang akong bumuntong hininga at kinuha iyon bago sinagot "Ano?"pagod kong bungad kay Lisa pagkasagot ko ng tawag niya "Anong ano.Ilang araw kang nawala tapos iyan lang ang sasabihin mo ano?"sakristo niyang ani "Anong gusto mong sabihin ko,sorry Lisa please huwag ka ng magalit I kiss nalang kita mamaya"sakristo ko ding sagot pabalik sa kaniya at narinig ko ang kunwari niyang pagsusukaWala sa sarili akong napangiti ng marinig iyon "Yuck bhe huwag na,ang gusto ko lang naman malaman ay kung saan saan ma nagsisipunta dahil yung boss mo Galit na galit at mukhang gusto ka ng patayin.Biruan mo na naman kasi Yan ginawa mo nang holiday ang workin
Selene Nagising ako dahil sa tawanan at ingay ng mga baso.Dahan dahan kong minulat ang pagod kong mata Bumungad saakin ang maliwanag na Lugar,Nanlaki ang aking mata ng Makita ang abandonang Lugar sa aking harapanNakaupo ako sa isang upuan at nakatali ang dalawa kong kamay sa likod ng upuan na inuupuan ko.Suminghap ako at sinubukang kumawala sa upuan at tanggalin ang Tali sa aking kamay ngunit napatigil ako dahil sa isang malakas na tawa at palakpak "Gising na ang reyna"Kaagad akong nag angat ng tingin sa lalaking naglalakad ng dahan dahan palapit saakin,punong puno ng tattoo ang kaniyang katawan Kaagad akong binalot ng kaba ng lumapit ito saakin at lumuhod sa aking harapan, linapit niya ang kaniyang mukha saakin kaya inatras ko ang aking ulo Isang singhap ang pinakawalan ko bigla nalang niyang tanggalin ang tape sa aking labi,kaagad akong naghabol ng hininga ng tuluyan na itong matanggal saakin Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niyang hawakan ang aking leeg at pilit na pinag
Selene Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong paligid dahilan para mapasigaw ako ng malakas"Tang Ina bilisan ninyo"sigaw ng lalaki sa akong harapan at nagpaputok ng barilMalakas akong napasigaw muli kaya pinikit ko ang aking mga mata dahil sa takot "Ayan na sila"rinig kong sigaw nila at nalunod ng putok ng baril ang buong paligid.Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa takot na baka matamaan ako ng bala Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at bumungad saakin ang pangyayaring hindi ko inaasahan,halos lahat sila ay nagpapatayan.Ang iba ay nasa sahig at na duguan,ang iba naman ay wala ng malay Pinagmamasdan ko kung paano iputok ng lalaki ang baril sa Isa ding lalaki,parang babalikatad ang aking sikmura ng tumalsik ang dugo nito sa sahig bago ito natumba Patuloy ang paghulog ng aking mga luha,gusto kong ipikit nalang ang mata upang hindi Makita ang disgusting pangyayari na naganap sa aking harapan pero kailangan kong hanapin si Klyde "Aghhhhhh"malakas kong siga
Selene Patuloy ang paghahabol ko ng hininga habang tumatakabo "Please tulungan niyo siya"pagmamakaawa ko sa mga nurse at doctor na nasa gilid lang din nakaalalay sa pagtulak sa kama na hinihigaan ni Klyde Wala siyang Malay at unti unti na ring namumutla ang kaniyang balat,punong puno ng dugo ang kaniyang katawan.Natatakot ako para sa kaniya"Klyde"patuloy ang pagtawag ko sa kaniyang pangalan,wala na akong pakialam kung para na akong Tanga dito na umiiyak"Ma'am kami na po ang bahala sa kaniya,maghintay na lamang po kayo dito"bigla na lamang akong pinigilan ng babaeng nurse sa pagpasok sa loob ng operating room "Please gawin niyo ang makakaya niyo,m-magbabayad ako Basta i-iligtas niyo lang siya"nanginginig ang boses kong ani "Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin ma'am"aniya at ngumiti bago tuluyang sinarado ang pintuan nito Nanginginig ang tuhod ko habang pilit na tumayo ng maayos,wala na akong ibang naririnig sa paligid kung hindi ang malakas na kabog ng dibdib ko na lamang
Selene Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang doctor na lumabas sa operating room.Hindi ako mapakali kahit na nakaupo lang ako sa upuan,para akong nasasaniban dahil sa nararamdaman ko ngayon "Sinong kamag anak ng pasyente?"Nag angat ako ng tingin at agad na napatayo ng Makita ang paglabas ng doctor sa operating room,abala ito sa pagtanggal ng surgical mask na suot niya "I'm his mother"ani ni tita Christina na nasa aking tabi lamang,kaagad akong napa atras doon "Stable na ang lagay ng anak ninyo,hindi ganon kalalim ang naging Tama ng bala sa katawan niya kaya natanggal namin kaagad ang bala sa katawan niya,ang kailangan nalang nating hintayin ay ang paggising niya.Maaaring ilang araw pa bago siya magising pero wala tayong magagawa sa bagay na iyon,Kailangan nalang natin hintayin ang paggising niya sa ngayon ay ang magagawa niyo muna ay bantayan siya.Maari kayong pumunta sa opisina ko kung may gusto pa kayong itanong pero sa ngayon ay mauuna na muna ako dahil mad
Selene Hindi ko namalayan na nakatulog na pala sa ako sa upuan dahil sa pagod ko, nagising lamang ako dahil sa malakas na sigaw at iyakDahan dahan akong nagmulat ng mata at napatingin sa kabilang hallway kung saan naroon nakita ko ang isang babae na umiiyak habang kaharap nito ang doctor.Nasa likuran nung babae ang ibang nurse na pilit siyang pinapakalma Humikab ako at dahan dahang inayos ang pag upo,binasa ko ang nanunuyong labi at napasulyap sa aking gilid.Nanlaki ang aking mata ng Makita si Tita Christina na naroon at tulog, nakasandal din siya sa upuan Ilang sandali pa bago ko naisipan na tumayo, naglakad ako palabas ng hospital hanggang sa makarating sa pinakamalapit na coffee shop.Bumili ako ng dalawang kape at cinnamon rolls at bumalik din kaagad sa hospital Pagkabalik ko doon ay naabutan kong gising na si Tita Christina, nakatingin lamang siya sa pader at hindi gumagalaw.Napatingin ako sa hawak kong kape at cinnamon rolls bago napagdesisyonan na lumakad palapit sa kaniya
Selene Dalawang araw Dalawang araw na akong nandito sa hospital,hindi ko maalala ang huling pagtayo o pag alis ko sa kwarto ni Klyde.Maghapon lamang akong nakaupo sa kaniyang tabi habang hawak hawak ang kaniyang kamay,hindi ko inaalis ang tingin sa kaniyang mukha.Mabuti na lang ay kasama ko minsan si Tita Christina o kaya naman si Jordan sa pagbabantay pero dahil may trabaho din sila ay minsan lang sila nakakdalaw,pero nagpapaalala sila ng makakain ko Minsan ay bumisita si Lisa dito sa hospital,nagpadala ako sa kaniya ng mga damit ng sa ganon ay hindi ko na abalain pa ang sarili kong umuwi para kumuha ng damit, dito nadin ako naligo at nagpalit ng damit.Ayaw kong iwanan si Klyde mag Isa dito,natatakot ako na baka kapag iwanan ko lang siya sandali ay may mangyayaring masama sa kaniya Minsan ay inaabala ko na Lang din ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit sa bag,paglilinis sa kwarto at pag aayos sa mga kinainan ko.Mabuti nalang ay may tv sa loob kaya nakakanood ako minsan pero sa
Selene Ilang araw pa ang nagdaan ngunit Hindi padin nagigising si Klyde ngunit kahit hindi padin ako nawawalan ng pag asa,naniniwala ako sa sinabi ng doctor na magigising din siya at kailangan lamang maghintay.Kahit pa na araw araw akong umiiyak sa tabi niya at palaging hinihiling na magising na siya.Gigising ako sa umaga at palaging maga ang aking mata dahil sa kaiiyak ko sa gabiNgunit kahit na ganon ay palagi naming nariyan sila tita Christina,Jordan at higit sa lahat si Lisa.Nandiyaan sila sa tabi ko kapag minsan ay nawawalan ako ng tiwala sa sarili na gigising pa si Klyde.Lalong Lalo na si Lisa,siya palagi ang nagpapalakas sa loob ko kahit na minsan ay dinadaan Daan niya lang sa joke niya ang mga motivation na sinasabi niya saakin,palagi din siyang nag eefort na kausapin ako sa gabi para hindi ako ma bored o kaya naman matakot kapag umuulan at kumikidlatFeeling ko nga ay mag jowa kami Ngunit iba ang timpla ng araw ko ngayon Lalo na ng mabalitaan na mukhang matatagalan pa daw a