ISANG buwan nang lumipas ay hindi pa rin dumarating ang buwanang dalaw ni Jewel. Hindi siya ignorante sa kalakaran kung paano mabuntis ang isang babae. Malakas ang kutob niya. Mixed emotion ang nararamdaman niya. Tuwa, takot at kaba. Kailangan niyang tiyakin kung tama ba ang kanyang hinala. Kinakabahan ngunit nakangiti siya nang kunin sa loob ng dresser ang kanyang cellphone. Hindi kasi siya pinapayagan ng ina na gumamit ng telepono. At kung may tumawag man sa bahay nila ay wala siyang karapatan na sagutin 'yon. Tumayo siya mula sa kama na kinauupuan. Tinungo niya ang pinto at ni-lock ito. Hindi siya pwedeng makita ng ina na may hawak na cellphone lalo na’t naroon ito ngayon sa bahay nila kasama ang nobyo nitong si Mr. Delgado. Napag-alaman niyang isang abogado ang kasintahan ni Mama Sonia. Lihim niya kasing sinundan ang dalawa sa library na dating opisina ng kanyang Papa. “May I talk to Rochelle Panganiban, please?” “Sandali lang po, ma’am.” “Salamat,” aniya. Habang naghihintay
PINAGDIKIT nila ang kanilang mga baso. “Cheers!” “Imagine, having good looks like Red Collins–very loyal boyfriend and maybe a good husband too.” “Tama!” sang-ayon ng apat kay Migs. “Grabe talaga, pare!” si Mark. “Hands-up kami sa ‘yo. But wait, baka naman isa kang… alam mo na?” dagdag pa nito sa pinalambot na boses. “You’re crazy!” ani Red. Pinitik niya ang nguso nitong nakaumang sa kanya. Nais niya pagsisihan ang pagsisinungaling sa matalik na mga kaibigan. Pero kung ano man ang kanyang dahilan sa pagtatago ng totoong naganap sa kanila ng babae, siya na lamang ang nakakaalam. “Hintayin n’yo ‘till I got married at patutunayan sa inyo ng magiging asawa ko ang kakisigan ng kaibigang n’yong ito!” “Let’s wait and see!” panabay pang sambit ng mga ito. Minsan pang nagpanagpo sa ere ang kanilang baso ng alak. SA kabilang banda… Kabado si Jewel habang hinintay ang sasabihin ng OB-gyne. “Binabati kita, misis. You’re six weeks pregnant!” ang masayang pahayag ni Dra. Carmella Fuentevilla
NANG makaupo si Sonia sa sofa ay agad na lumapit dito si Jewel. “These high heels are killing me!” “Good afternoon, Ma.” Ibinigay ng dalaga sa ina ang maliit na brown envelope. “Ano 'to?” kunot ang noo na tanong ni Sonia. “Wala akong panahon sa mga kalokohan mo, Jewel. Nakita mo nang kauuwi ko lang galing trabaho. I'm tired!” Gamit ang tuhod ay umupo siya sa harap nito. Hinubad niya ang suot nitong high heels shoes. Ngunit tulad ng dati, sinipa siya nito sa braso. Sanay na siya kaya hindi 'yon ininda. “P-pregnancy test result, Ma,” halos hindi makahingang hayag niya. Pinatunog niya ang mga daliri sa kamay. Mannerism niya ‘yon, lalo na kapag kinakabahan siya. Kitang-kita ni Jewel ang pagkakaroon ng biglaang ningning sa mga mata ng ina matapos pasadahan ng tingin ang prenatal check-up niya. “Is this true?” nakangiting tanong ni Sonia ngunit sandali lamang iyon at naging matigas na naman ang anyo. “Kapag nalaman kong pinagloloko mo ako, Jewel, makakatikim ka talaga sa ‘kin!” “Tot
NAGNININGNING ang kagandahan ng kanyang Ate Vivian. Lalong kuminis ang mamula-mulang kutis nito. Lalong higit na nagkaroon ng dahilan para taas-noo itong humarap sa mga tao. Lalo pa’t merong naka-spot na press. “Congratulations, Miss Buenavista. You won the title as a famous fashion model in France.” “Well, sa katunayan ito ay isang tagumpay para sa 'kin. At ito ay buong puso kong inaalay sa ating bansa.” “May katotohanan ba ang aming nabalitaan, gusto mo na raw lumagay sa tahimik? Is it true?” “I think I have no comment on that.” Ngumiti nang ubod tamis si Vivian. “Pero iyon ang naisulat sa magazine these past few days. According to our source, your fiancé is a millionaire.” Umarko ang kilay ni Vivian. She did not regret her decision when she called one of the most famous magazines and inform them of her upcoming wedding. Gano’n talaga siya, gusto niyang laging nasa kanya ang atensyon ng mga media press. “Miss Buenavista,” untag ng makulit na reporter. Nakikipagsiksikan ito sa
MALAMBING na nangunyapit sa leeg ni Red ang nobya. “Oh, sweetheart! I’m sorry to hear that. Hayaan mo’t lagi akong nasa tabi mo.” “Thanks. Pero hindi ko naman mapapayagang pati ikaw ay masangkot sa aking kinakaharap na suliranin. I can handle this problem.” “Oh, no, sweetheart. Alalahanin mo, magiging mag-asawa na tayo at ano mang problema mo at magiging problema pa ay magiging problema ko rin. Kaya ngayon palang, gusto ko nang sanayin ang sarili ko sa mga kalakaran mo sa buhay.” Wala nang nasabi pa si Red kung hindi ang umayon na lamang sa nais ng nobya. Sa kabila ng katotohanang inuusig siya ng kanyang konsensya. Bakit nga ba hindi? Ang lahat ng ipinahayag niya sa nobya ay pawang mga kasinungalingan. Dahil ang totoo ay wala siya lagi sa opisina. At lalong walang problema siyang kinakaharap na may kinalaman sa negosyong pinamamahalaan niya. Iba ang problemang kinakaharap niya. Malaki at halos hindi na magpatahimik sa kanyang katinuan. Sikolohikal na problema ang kinakaharap n
“NGAYONG may nangyari na sa ‘tin, hindi na dapat nating patagalin ang usapin tungkol sa ating kasal. No’ng kasalukuyang nasa kasagsagan ako sa tagumpay ng aking modeling career, ikaw ‘tong ayaw pumayag na hindi tayo makasal. Ngayong narito na ako, tuparin na natin ang ating pangako sa isa’t isa,” sambit ni Vivian nang bumangon at makalapit kay Red nang hindi niya namalayan. Iniyapos pa sa likuran niya ang hubad nitong katawan. Hinarap naman ni Red ang nobya. “Tama ka. Ngayong mayroon nang nangyari sa atin. Taliwas doon sa plano kong sa honeymoon na sana natin gagaw–” naputol ang sasabihin niya nang biglang magsalita ang babae. “Oh, sweetheart… because you can’t resist my sexy body. My charms.” Dinampian nito ng pinong halik ang dibdib ni Red. “Sabihin pang mahusay ako magpaligaya ng kapareha sa kama.” Hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ni Vivian dahilan para lalong madagdagan ang pag-aalinlangang nadarama niya sa nobya. “Red, sweetheart?” “Katulad ng dapat mangyari, we will
HEAVEN BAR & RESTAURANT “She’s a virgin?” halos panabay na sambit ng lima niyang kaibigan. Nagpasya na rin si Red sabihin sa mga ito ang bumabagabag sa kanya. “Hindi ako makapaniwala sa sinasabi mo, Red!” si Akio. Sa kalituhan, walang maapuhap isipin. Ito kasi ang tumawag sa apat na kaibigan para pag-usapan ang gagawin nilang gimmick sa shower party ni Red noong gabing iyon. “Nalilito talaga ako.” “Pero ‘yon ang totoo. Birhen ang babaeng nasa loob ng malaking kahon. Kaya nga gusto ko siya muling makita at makausap para magkaroon ng solusyon ang lahat. Hindi ako matahimik. Hindi magkakaroon ng katahimikan ang married life ko kung patuloy akong inuusig ng aking konsensya.” “Imposible kasi ang sinasabi mo, Red. Kilala namin ang babaeng ‘regalo’ namin sa ‘yo that night. B-baka nagkakamali ka lang ng iyong akala, pare. Alam naming iyon ang unang experience mo sa s*x,” protesta ni Mark na ilang beses ring naka-table ang babaeng nasa isip nito na siyang laman ng kahon. “I admit, it was
DC department store. Kasama ni Jewel ang kaibigang si Rochelle upang mamili ng mga nursery clothes at iba pang kakailanganin ng magiging anak niya. “You’re so lucky, Jewel!” humahagikgik na bulong ni Rochelle sa kanya. Kasalukuyang naroon sila sa baby’s section ng naturang department store. “Mantakin mo ba namang halos gabi-gabi akong kinukulit ni Red. Siya pala ang lalaking pinagregaluhan sa ‘yo ng mga kaibigan niya. Jeez! He’s so handsome and macho. Bukod doon ay mabait pa. Kaya pala in-snob niya ang beauty ko dahil ibang babae ang hinahanap sa bar. Naku, bakit ba ikaw pa ang ipinasok ko sa kahon na ‘yon. 'Di sana ako ang nakakulong sa mga bisig niya.” Parang wala naman naririnig si Jewel. Patuloy siya sa pamimili ng mga lampin. “Ito pa, talagang kinukulit niya akong samahan siya sa bahay n’yo para ma-meet ka ulit. Grabe talaga! Nakakainggit ka ‘day!” Pinandilatan niya ang kaibigan. “Iyon ang huwag na huwag mong gagawin, Rochelle. Magkakagalit talaga tayo. Bilin sa ‘kin ni Mama,
“R-Red…” nahihirapang sabi ni Jewel. “Paano ako makakasiguro na tunay ang pagmamahal na sinasabi mo? K-kung sinasabi mo lang ‘yan ay dahil sa anak ko, mabuti pang umalis ka na. Pinapangako ko sa ‘yo, hindi ko pababayaan ang aking anak. Bubusugin ko siya ng pagmamahal na hindi kailangan ng pagmamahal ng isang ama.” “Anak natin, huwag mong solohin. Ilang pruweba ba ang puwede kong ipangalandakan sa ‘yo para paniwalaan mo ang iba pang sasabihin ko? Isa pa, nariyan si Rochelle, siguro naman, sa loyalty sa ‘yo ng kaibigan mong ‘yun, hindi niya ako papayagan makalapit sa ‘yo kung alam niyang niloloko lang kita.” May katuwiran ito. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Mayamaya, kinabig siya ni Red at niyakap nang mahigpit. Iyon ang kanina pa niya gustong maramdaman–ang yakap ng lalaki na mag-aalis ng kanyang alalahanin. Buong puso siyang tumugon sa yakap at ipinadama ang pagmamahal niya para rito. Nadama niya ang mabini nitong halik sa kanyang noo. Napapikit siya sa pagsuyong naramdama
IYAK ng sanggol ang nakapagpadilat sa mga mata ni Jewel. “A-ang baby ko…” ‘yon ang salitang unang namutawi sa kanyang bibig. Kahit na nga medyo malabo pa sa paningin niya ang mga taong nasa tabi niya. “Don’t worry, he’s fine…” pabatid sa kanya ng isang pamilyar na tinig. “Ang kailangan lang, magpalakas ka, para makarga mo na ang baby natin.” Nababaghan siya sa mga pangungusap ng pamilyar na tinig na iyon. Anong karapatan nitong angkinin ang anak niya? “Thank goodness!” narinig niyang sambit ng kung sino man. “I can say, it's a miracle. Ang inaasahan ko ay ang muling mapatibok ang puso ng pasyente. Hindi ko inaasahan na magigising siya mula sa pagkaka-coma, kasabay ng muling pagtibok ng puso niya.” Red and Rochelle, they rush her to the operating room for an emergency c-section. However, a blood clot that was loose in her system sent her into a coma. The medical staff caring for her felt defeated. Dahil pagkalipas ng ilang linggo, Jewel was still unconscious and no treatment se
KABABAKASAN ng tuwa ang mukha ni Vivian nang makita si Red. “Sweetheart, mabuti naman at nagpakita ka na sa akin,” malambing nitong sabi. Matalim ang mga matang tumingin ito kay Jewel. “Sabihin mo sa babaeng ‘to, hindi ka niya pwedeng kunin sa akin. Ako ang mahal mo, ‘di ba?” Aalis na sana si Jewel, nang matigilan. Nararamdaman niya ang masakit na paghilab ng kanyang tiyan. “Jewel!” Narinig niya ang boses ni Rochelle, nakita niya ang kaibigan at may kasama itong apat na lalaki. “Saan ka pupunta, huh?” Hinila ni Vivian ang buhok ni Jewel. “Akin lang si Red! Tandaan mo ‘yan!” “Vivian, stop it!” dumagundong ang sigaw ni Red, mabilis na nilapitan ito at tinanggal ang mga kamay na nakasabunot sa buhok ni Jewel. “M-manganganak na yata–” hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Jewel nang maramdaman unti-unting dumidilim ang kanyang paningin. Mabilis na naagapan ni Red ang pagbagsak ni Jewel sa sementong sahig. “Ipagdasal mong walang masamang mangyari sa mag-ina ko, Vivian. Dahil kapag n
AGAD na pinuntahan ni Sonia ang anak sa kwarto nito matapos makausap sa cell phone. “Vivian!” “Ma…” “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin matalikuran ang bisyong ‘yan!” galit na turan ni Sonia na isa-isang ipinagtatapon ang mga ipinagbabawal na gamot na nagkalat sa ibabaw ng kama ng anak. “Gusto mo ba talagang tuluyang sirain ang buhay mo, huh?!” “Kailangan ko ang mga ‘yan, Ma. Give it to me, please…?” umiiyak na pakiusap ni Vivia sa ina. “Makakatulong sa ‘kin ang mga ‘yan na makalimutan ang lahat ng problema ko.” “Tumigil ka!” “Si Red, hindi niya ako sinipot sa simbahan kanina, Ma…” humahagulgol na sumbong nito sa ina. “Mahal na mahal ko siya, Ma!” “Ano’ng gusto mong gawin ko, huh? Hanapin si Red, lumuhod sa harapan niya at pakiusapang ituloy ang kasal n’yo, gano’n ba ang gusto mo?” lumuluha na ring turan ni Sonia. Niyakap nito nang mahigpit ang anak. “Alam mo bang pinatalsik na rin ako sa kumpanya? Lahat ay unti-unti nang nawawala sa atin.” Natigil sa pag-iyak si Vivian. “What d
“ANO ang ibig sabihin nito?” nanggagalaiting sigaw ni Sonia. Halos manlaki ang ulo nito sa nabungarang tagpo. Nakakalat ang mga kagamitan nito sa labas ng opisina. “Sino ang may gawa nito?”“Ma’am, kahit ano pong awat namin sa kanila, ayaw nila kaming pakinggan. Hindi na raw ikaw ang Managing Director ng kumpanya,” pabatid kay Sonia ng kanyang sekretarya. “Si Mr. Carlo Burgos, siya po ngayon ang nakatalagang papalit sa iiwan n’yong posisyon sa kumpanya, ma’am.”“At sinong baliw ang nagsabi?”“Ako.”“Who are you?”“Ako si Atty. Macnel Rojo. Isa ako sa mga abogadong pinagkakatiwalaan ng nasira mong asawa na si Mr. Cesar Buenavista.”“Hindi ikaw ang abogadong kinuha ng asawa ko. Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng kumpanya!” pagbabanta ni Sonia sa lalaki.“Si Atty. Delgado ba ang tinutukoy mo, Mrs. Buenavista?” seryoso ang mukhang patanong na sabi ng abogado. “Umamin na si Atty. Delgado. Binalak n’yong manipulahin ang iniwang testamento ni Mr. Buenavista. At itong Bue
NIYAKAP ni Vivian si Red. “Sweetheart, please… patawarin mo ako. Simulan natin muli ang lahat. Mahal mo naman ako, ‘di ba? It's not too late, mag-aampon tayo. I swear, you will learn to love the child we will adopt.” “Whose child? Kay Jewel na kapatid mo?” Patda si Vivian. “P-paano mo nakilala si Jewel?” “And that's what I wonder about. You didn't tell me you had a sister.” “For what? She is not part of our family. I don't even consider her a sister.” “Hindi mo siya itinuturing na kapatid pero interesado ka sa pinagbubuntis niya. How dare you na angkinin ang anak na hindi naman sa ‘yo!” “N-nagkakamali ka,” napalunok na turan ni Vivian. “S-siya mismo ang may gustong ibigay sa akin ang bata–” “Enough!” ani Red, marahas na inihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Napahagulgol naman ng iyak sa mga palad nito si Vivian. “Matagal mo nang alam na hindi ka na maaaring maging ina. Kaya nga gusto mong angkinin ang bata pagkatapos manganak ni Jewel, right?” “Si Mama ang may idey
“MA!” Kinalampag ni Jewel ang saradong pinto. “Utang na loob, ‘wag n’yong gawin sa ‘kin ‘to! Palabasin n’yo ako rito, Ma!” “Nararapat lang sa ‘yo ‘yan!” mula sa labas ng basement, narinig niyang sigaw ni Mama Sonia. “Mula sa araw na ito, hindi ka na makakalabas diyan!” Matapos i-lock ni Sonia ang pinto ng basement, may ngiti sa mga labi na umalis ito roon. Naiwan naman si Jewel sa loob ng basement na walang patid ang iyak habang himas-himas ang nananakit na tiyan. Hinintay lang ni Clyde na pumanhik sa ikalawang palapag si Mrs. Buenavista, saka lumabas sa pinagtataguan. Kinuha nito ang bungkos ng susi na itinago ng babae sa loob ng vase. Natigil sa pag-iyak si Jewel nang makitang gumalaw ang seradura ng pinto. Mabilis na dinampot niya ang monoblock chair. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Inihanda niya ang sarili. Wala siyang mapagpilian. Kailangan niyang makalabas ng basement. Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa monoblock chair. Oh, God! Patawarin n’yo ako
NAMUTLA si Vivian nang makapasok sa private clinic ni Dra. Angela Muñez–asawa ni Akio na kaibigan ni Red. Dra. Angela Muñez, Obstetrician-Gynecologist. Masama ang loob na tumingin si Vivian kay Red. Hindi nito alam kung ano ang nasa isip ng lalaki. “What does this mean, sweetheart?” Vivian tried to calm herself even though she was nervous at that moment. “I thought we were going to meet the owner of the flower shop who will supply flowers for our wedding?” “Gusto ko lang masigurong maayos ang pagbubuntis mo,” kaila ni Red. Bago pa sabihin sa kanya ni Vivian na nagdadalang tao ito, nasabi na sa kanya ni Rochelle ang pinaplano ng mag-inang Buenavista. Hindi siya nagpahalata sa nobya na alam niya ang totoo. Sa kabila ng mahigpit na ginawang pagtutol ni Vivian na samahan niya itong mag-prenatal check up sa Ob-Gyne, nagkaroon siya ng ideyang dalhin ito sa private clinic na pag-aari ng kaibigan niyang si Akio nang hindi nito nalalaman. Dahil alam niyang hindi ito papayag. “Mr. Collins
“Red, narito ka pala. Wala ka bang pasok?” tanong ni Sonia nang mabungaran ang nobyo ng anak sa may sala. “W-wala, Ma.” Tumikhim si Red upang alisin ang kung anumang bumara sa lalamunan niya. “I let my brother manage the Collins Center for a few days. Magiging abala na po kasi ako sa pag-aasikaso ng nalalapit na kasal namin ni Vivian.” “How sweet of you, sweetheart. Kaya mahal na mahal kita!” tinig ni Vivian, halatang kinikilig na lumapit ito kay Red at siniil ng halik ang nobyo. “Gusto n’yo po bang sumama?” “Lakad n’yong dalawa ‘yan ng unica hijo ko. Isa pa, pinapagawa ko ang gripo sa shower room.” “Okay,” nakangiting turan ni Red. “We’ll go ahead, Ma!” paalam ni Vivian, humalik ito sa pisngi ng ina. “Red, take care of my daughter!” Nakangiting tumango siya bilang tugon. Napatingin siya sa kusina, nakita niya si Jewel na lumabas mula roon. Iniangkla ni Vivian ang isang kamay sa braso ni Red at lumabas ng sala ang dalawa. PAGPASOK sa kotse ay agad naging abala sa pakikipag-u