CHAPTER 34 – INTO THE PARADISE----GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVSobrang saya ng naging adventure namin sa Disneyland. At ang dami din naming nabili na mga souvenirs like stuff toys and shirts. At sobrang saya din ng mga bata at pati na din ang pamangkin kong si Tintin na sobrang close na close na sa mga anak ko. Halos hindi na nga sila maubusan ng kwento kaya pinagdesisyunan nalang namin na dito na rin makitulog sa room namin ang pamangkin ko tutal dalawang malalaking mga kama naman ang meron kami kaya talagang kasyang kasya kami dito sa room.Yakap yakap ko naman si Miguel buong magdamag dahil wala lang, I feel so grateful lang to have him. Isa pa eh bukas ay ang 1st anniversary namin kaya sweet sweetan kaming dalawa tutal tulog na rin naman ang mga bata.At nagkekwentuhan lang kami nito habang sinusuklayan niya ako.Napagkwentuhan namin ni miguel ang naging adventure namin dito at syempre, nagpasalamat na muna ako sa kanya dahil siya naman talaga ang rason kung bakit naging posible
CHAPTER 35 – NON-STOP SURPRISE----GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV“ Welcome to Maldiiiives!”sigaw nila nang makarating kami ni Miguel sa restaurant.At hindi naman ako makapaniwala na Maldives pala itong resort na kanina pang sinasabi sa akin ni Miguel. Kaya pala habang naglalakad kami ay parang namumukhaan ko ang napakagandang lugar na ito.Grabe! Sobrang ganda dito at sobrang linis. Umiiwas nga akong tanungin si Miguel kung magkano na ang nagastos niya dahil baka bigla nalang akong himatayin.Hayy, grabe hindi talaga ako makapaniwala. Sobrang mahal talaga ako ni Miguel dahil handang handa itong bumutas ng bulsa masurpresa lang ako, but knowing yung mga kinikita niya sa araw araw sa kanyang work at businesses ay maaaring barya lang ito sa kanya.Samantala, tuwang tuwa naman ako nang makitang muli ang pamilya ko at grabe, sumalubong din sa amin ang napakadami pagkaen sa sa lamesa.Nakangiti nga din kaming binati ng mga waiter sa restaurant.Actually, hanggang ngayon ay hindi pa din sa
CHAPTER 36 – NEWEST MEMBER----GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVActually, sa Hongkong ko pa ito natuklasan sa tulong ng aking Kuya. Hindi ko lang talaga agad nasabi kay Miguel dahil sa sobra nitong busy kaya naisip ko na sa ibang araw ko nalang ito sa sabihin. And tonight is the perfect chance para sabihin kung ano nga ba ang natuklasan namin ni Kuya.And I can see in their faces ang magkahalo halong mga reaksyon nila like sina Mom and Dad na parang mga worried unlike nina Tito at Tita na parang mga excited naman tapos si Mama ay nakangiti lang the whole time at itong Fiance ko ay alalang alala at tinabihan pa ako.At ang lahat ay tahimik na nag aabang sa sasabihin ko.“ Love, and everyone...nais ko lang ipaalam sa lahat na...”“ Buntis po ako.”At right on cue, nagwala bigla ang lahat ng mga taong nasa loob ng restaurant. Lalong lalo na si Miguel na nagtatalon pa sa tuwa.“ YEEEEES!!” sigaw ni Miguel sabay himas sa tiyan ko.At isa-isang naglapitan sa akin ang mga magulang namin.At nau
CHAPTER 37 – MAGICAL NIGHT----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVWe are on our way para sa aming last trip para sa huli ko ring surpresa para kay Monica. Sa isang buwan kong pagpeprepara para dito sa anniversary namin ni Monica ay talagang ginawa ko itong espesyal. I really made sure na magiging memorable ang lahat para sa amin ni Monica at sa pamilya na rin namin.But this time, in this last trip ay hindi na namin sila kasama at tanging kami lang na mag pamilya ang magkakasama dito sa eroplano. Bukod kasi sa may pasok ang karamihan sa amin ay nais ko lang din na masolo ang mag iina ko dahil malamang pag balik namin ng Pilipinas ay matagal ulit bago mangyari ang ganitong bonding namin.Like spending the whole day nang kasama sila at walang ibang iniisip kundi ang magsaya lang...“ Edi hindi pala natin sila kasama, love?” tanong ni Monica sa akin nang malaman nitong nakalipad na pala kami.“ Yeah, and they were on the other plane.”“ Ohh, okay...” maikli nitong tugon at sinabi ko rin sa ka
CHAPTER 38 – BABY DRAGON ----GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVOmg! Sobrang surreal ng experience na yun. Kahit na naglast lang siya ng mga ilang minuto ay sobrang saya ko pa din dahil napakaganda talaga niya dahil napakatingkad nitong mga ilaw.Napaka kapal din nito kaya sobra niyang liwanag. Nangingibabaw ang kulay nitong berde na may halong purple at pink na pasayaw sayaw.Tuwang tuwa nga ang mga bata na halos magka-stiff neck sa pagtingala, yakap yakap naman ako ni Miguel habang parehas na nakatitig sa sumasayaw na ilaw.Hanggang sa unti unti na itong mawala at takpan na ng mga ulap hanggang sa nagdecide na kaming umuwi dahil nakita namin na kami nalang pala ang naiwan sa labas.---Kinabukasan...---Yaaawn!Time Check, it’s 6am in the morning. Maaga akong nagising at pagtingin ko sa mag aama ko ay sobrang himbing pa ng pagkakatulog nila kaya naisipan ko nang bumangon dahil parang nakakaramdam ako ng gutom.“ Aba, mukhang maaga ding nagising ang baby dragon ko ah.” kausap ko ang tiy
CHAPTER 39 – LAST DAY IN ICELAND----GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVNang matapos kaming magbreakfast ay naisip namin ni Miguel na tumambay muna sa labas kasama ang mga anak namin para makapagpahangin dahil iba talaga ang ambiance dito. At ramdam ko din na kalmado lang ang baby ko kapag nandirito kami sa labas.Hanggang sa makapagkwentuhan kami ni Miguel ng mga bagay bagay tungkol sa naging travel namin at sa mga sunod sunod niyang surprises sa akin hanggang sa mapunta naman kami tungkol sa aming kasal.Hindi ko tuloy maiwasang maging emosyonal nang mabanggit ko ang nais kong petsa para sa magiging kasal namin ni Miguel. Dahil naisip kong isabay ito sa kaarawan mismo ng espesyal na tao sa buhay ko.At ito ay walang iba kundi ang Mama Emma ko. Totoong utang ko ang buhay ko sa kanya dahil siya talaga ang nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataong mabuhay dahil kundi dahil sa kanya ay baka hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin.Dahil maka-ilang beses na niyang sinagip ang buhay
CHAPTER 40 – D.X----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVIlang araw na din ang lumipas matapos ang mahaba naming bakasyon at back to work na kami ni Monica.At hindi nga namin inasahan na abot pala hanggang dito sa Hospital ang pagiging viral namin ni Monica dahil maraming fans ang nag aabang sa amin tuwing papasok kami.Binabati naman namin sila tuwing nakakasalubong namin sila sadyang hindi lang kami sanay. Kahit nga ang mga Nurses at Doctors dito ay mga fan din.Gaya nitong dalawang Nurse namin na sina Nurse Amy at Nurse Hazel na nagshare ng opinion nila about sa trending na proposal sa Maldives.“ Grabe ka Doc ha, napakaromantic ng proposal mo kay Ma’am Monica. Naiinggit tuloy ako, sana may mag aya din sakin sa Maldives tapos bigla ring magpropose! Jusko day, mahimatay talaga ako dun sa sobrang kilig.”“ Kaya nga eh, tapos yung slow dance? Ayyyyy!! Sobrang panalo! Parang fairytale lang. Sana may mag aya din sa aking mag slowdance, tapos habang sumasayaw may maririnig ka pa ng paghampas
CHAPTER 41 – PURE HEART----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVAfter the call ay lumabas na ako ng room at nagulat ako nang si Jeric nalang ang nakita ko sa lamesa." Ohh, they're gone?" pagkagulat ko nang mapansing wala na sina Monica." Yes, boss. Need pa daw nilang dumuty kaya nauna na sila." sagot naman sa akin ni Jeric na kumakaen sa lamesa.Sinamahan ko na din ito sa pagkaen dahil naalala kong hindi pa nga pala ako tapos.Hanggang sa matapos kami at naupo na muna ako sa sofa para magpahinga nang bigla kong makita sa side table ang mga gamot ni Monica at dinampot ko ito.Nako, mukhang naiwan nya yung mga gamot niya at hindi pa bawas.Kaya agad akong tumayo at tinawagan ang head nurse kung nasaan si Monica. At ayon nga kay Head Nurse Ivy ay nasa counter pala ito kaya agad akong lumabas ng office para ibigay itong vitamins na naiwan niya sa may side table.Mabilis lang akong nakarating hanggang sa nakita ko na si Monica kaya agad akong lumapit dito. At malayo pa lang ay binati na niya a
SPECIAL EPISODE -------- GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV Hampas ng alon, halimuyak ng preskong hangin, at yung huni ng mga ibon. Hinding hindi ako magsasawa sa ganitong pakiramdam. Pakiramdam na aking uulit ulitin hanggang sa ako’y tumanda. At ngayon, pinagmamasdan ko ang payapang dagat habang nakaupo at gayun din ang mga batang masayang naglalaro. “ Mommy! Mommy! Tawag ka na ni Daddy, kakaen na daw po tayo.” pagtawag sa akin ng anak kong si Addison. “ Okay, anak. Tatawagin ko lang din ang mga kapatid mo...Athena at Alison! Halika na at kakaen na tayo.” At nag uunahan pa silang lumapit sa akin. “ Haha! Mommy!” natatawang pagyakap sa akin ni Alison, at dahil sa nauna ang ate niya kaya bigla nalang umiyak ang bunso kong si Athena. Kaya niyakap ko ito. “ Mommy, I hate ate! Because she always makes me cry! And she doesn’t want me to win! I hate her mommy.” pagsusumbong ni Athena sa akin. Pero agad ko rin siyang pinakalma at sinabihan. “ Athena anak, ano ang paulit ulit na sinasa
CHAPTER 51 – THE UNENDING LOVE----Pagkatapos ng wedding ceremony ay diretso silang lahat sa venue ng reception para sa Kasal nina Lorenzo Miguel at Gabriella Monica. It was an evening wedding. Ngayon ay mag aalas sais na at sakto lang iyon para pakainin ang mga bisita ng Dinner.----GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV“What food do you want Love?” Tanong sa akin ni Miguel na nakaupo sa tabi ko.Sobrang gwapo niya lalo ngayon sa suot niya.“Anything Love, Mukhang masarap naman lahat ng nasa mesa natin e. Pati bumalik na naman yung pagkagusto ko sa ibang pagkaen kaya pwede ko na ulit silang kainin.” Pagkasabi ko kay Miguel pinag lagay na niya ako sa plato ko ng pagkaen.“Thanks love.” dagdag ko pangsabi sa kanya habang nakangiti.Agad naman kaming kumaen dahil kanina pa talaga kami nagugutom ni Baby Dragon habang nag pipictorial pa lang kami kanina sa beach.“Attention everyone.” sabi ng host na ikinalingon ng lahat sa gitna ng stage sa harapan.” Habang kumakain ang lahat, panoorin nati
CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE----GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVSa wakas, dumating na din ang araw na ito, October. 07. Ang petsang napakaimportante para sa buhay ko, dahil hindi lang ito basta para sa kasal namin ni Miguel kundi araw din ng isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko...Kaya pag gising ko ay sinigurado kong ako ang mauuna sa kanya para isurpresa.“ Happy birthday to you, happy birthday to you...” pag awit namin kay Mama na kasalukuyang natutulog sa mga oras na yun.At nagising ito ilang segundo lang nang marinig kami nitong kumakanta.At pagmulat niya ay agad siyang napangiti at ako’y niyakap at hinalikan. Inabot ko sa kanya ang kanyang cake para nang sa gayon ay makapag wish ito at maiblow ang cake.“ Make a wish! Make a wish!” paulit ulit naming sabi.Halos maluha luha pa nga si Mama.“ Syempre ang wish ko na maging maayos ang buhay ninyong lahat. Good health at nawa’y gabayan pa tayo para mas humaba pa ang ating pagsasamahan. Tapos syempre, maging successful
CHAPTER 49 – THE PREPARATION----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVMatapos ang malasawang palabas mula sa mga kaibigan ko ay nagbihis na sila at matapos nun ay may iniabot naman silang cake sa akin na may nakasulat na “ Last shot before knot”.“ Aww, thanks guys. Salamat sa pag aabala. Although halos sumakit ang sikmura ko sa mga pinagagagawa ninyo sa makailang beses kong pagpigil ng suka pero you guys did a great job.” at sabay sabay kaming nag palakpakan.Hanggang sa makarating na kami sa bababaan namin.At napangiti ako nang makita ko pa lang ang mga puno puno at yung kulay berde na mga bundok. At hindi ako maaaring magkamali.“ Hi, welcome to Royal Sea Resort po.” isa isang bati sa amin ng mga crew na sinalubong kami sa aming pagbaba.“ Uyy sir, welcome po and congratulations.” bati naman nila nang makababa ako.At may dala dala din silang cake at kaya agad akong nagpasalamat sa effort ng mga ito.“ Salamat, salamat.” nakangiti kong sabi.At nang makalakad kami ng kaunti ay may sumalu
CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVSa wakas!My mind is now at peace dahil finally ay nagkaayos na rin sina Lolo Clifford at Monica. Kaya sobrang sarap ng kwentuhan namin. Hagikhikan at tawanan at makikita mo kung gaano rin nila kamiss ang isa’t isa.“ Pero ito ang kamukhang kamukha mo apo, si Alison. Pero grabe, ang lakas ng dugo nito ni Miguel kaya mabuti nalang at magandang lalaki ang napili mo apo.” nakangiting sabi ni Lolo Clifford.“ Aba’y dapat lang Lo, kasi kung hindi ay nako baka pinakulong ko na agad yan.” sabay tawanan nilang mag lolo.At ako pa talaga ang ginawang taya sa asaran nila.“ Alam mo apo, meron pa akong ipagtatapat sayo. Si Lucille Trinidad, kilala mo yun diba?”“ Lucille Trinidad? Uhm...Opo? Siya po yung nanny nitong mga anak ko po, si Ate Lucy. Bakit po Lo? Tsaka paano niyo po pala siya nakilala?”At bigla namang napangiti si Lolo Clifford.“ Dahil isa siya sa mga tao ko. At inutusan ko siya na mag apply sayo bilang maging isang Nan
CHAPTER 47 – PEACE AND LOVE----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVAnd I now fully understand kung bakit ganun na lang kalaki ang galit niya sa lolo niya. At maging kahit sino naman siguro na magsuggest na ipalaglag ang anak mo ay sasama rin siguro ang loob.Actually, ilang beses nang nakwento ni Monica sa akin pero never niyang sinabi na nais rin palang ipalaglag ni Lolo ang mga bata dahil ang sinasabi lang sa akin ni Monica noon ay nais lamang siyang palayasin nito.Kaya ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat.Kaya agad kong niyakap si Monica.“ Love thank you ha.” sabi ni Monica habang pinupunasan niya ang luha niya.“ Thank you saan love?”“ Thank you for listening. Alam mo parang gumaan ang pakiramdam ko..” nakangiti niyang sabi.“ Dahil ngayon ko lang nasabi ang totoong dahilan kung bakit ako galit na galit kay Lolo. It’s like finally, nailabas ko na rin yung sama ko ng loob sa kanya. Dahil parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon eh.” dagdag pa ni Monica.“ Kung ganun love, nai
CHAPTER 46 – LEVEL 4 OF ANGER----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV“ Sige na!! Wag mo nang patagalin Miguel! Kung ayaw mong si Monica ang mabaril!!”At sa hudyat na yun ni Caleb...Ay hindi na ako nagdalawang isip na agad na magpaputok dahil kung hindi ko ito ginawa ay mataas ang tsansa na madamay ang mga mahal namin sa buhay.Kaya napabilib ako nito sa tapang na ginawa niya para isakripisyo ang kanyang sarili.Kaya nang itutok ko ang baril ay agad akong nag focus sa target. At kahit na magalaw silang dalawa ay nanatiling naka lock ang tingin ko kay Blaire.Hanggang sa...Bang!@Samaniego Medical HospitalDead on arrival...Yan ang malagim na sinapit ni Blaire De Guzman nang matamaan siya sa pagkakabaril ko.Pero sa kasamaang palad nga lang, ay tila may sa-pusa ata itong si Blaire at nagawa pa nitong makapagpaputok pa ng isa bago pa man siya malagutan ng hininga.At nagresulta ito ng matinding tama sa balikat ni Caleb, kaya isa ako sa mga napasigaw nang makita ito.“ Caleb! Sh*t!”At agad
CHAPTER 45 – THE LAST ENCOUNTER----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVNang ibalita sa akin ni Riley ang tungkol sa pag alis nanaman ni Monica ng mag isa, ay hindi na kami nagsayang pa ng oras at agad kaming umalis para masundan ito kaagad.And I already anticipated na maaari ngang gawin itong muli ni Monica dahil kahit nung nasa bahay pa lang kami ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin at hindi pa rin ako pinapansin kaya nasa isip ko na baka may chance na umuwi nanaman ito nang hindi nagpapaalam o hindi sumabay sa amin.Kaya nung bago pa lang kaming makapunta sa Hospital ay nilaglag ko na ang microchip kung saan ito ang magiging susi ko para ma-track kung saan man maaaring pumunta si Monica.Kaya medyo nabawasan ng bahagya ang pagkakaba ko. Pero yun nga lang, kahit na ganun pa man ay hindi pa rin ako dapat na pakasisiguro. Dahil malay ko ba kung baka may bigla nalang mangyaring masama sa kanya which yun ang sobra kong iniiwasan na mangyare.Kaya sinundan namin ito at positibong na
CHAPTER 44 – LQ----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVProbably not the result that I want.And obviously, ipit na ipit ako ngayon dahil hindi ko malaman kung sino ba ang uunahin ko? Si Monica ba na nawawala o si Gov na papunta na ngayon sa dinner namin.It was supposed to be a surprise para sa kanilang dalawa but this goddamn twist of fate ay halos ibaon ako sa lupa. Sobra pa sa kamalasan itong nangyari sa akin dahil kailangan kong harapin ngayon si Gov para sabihing nawawala ang apo niya which will made me look so f*cking stupid.Pero kailangan kong harapin itong lahat dahil ako rin naman ang may kagagawan nito.Kaya on the way na ngayon ako sa Hotel na sanang pagkakainan namin dahil nakatanggap ako ng message na nakarating na pala sila at nasa loob na ng vip area.Samantala, inutusan ko naman si Jeric na maghanap hanap kay Monica sa maaari nitong puntahan nito at magtanong tanong na rin sa mga nakakasalubong niya dahil wari ko ay hindi pa rin naman siguro ito nakakalayo.Nagdadasal nama