CHAPTER 17 – DAHLIA ---- Ang araw na matagal nang hinihiling ni Miguel ay sa wakas ay dumating na. Tuluyan na ngang naipakilala ni Monica sa kanyang mga anak at sa mga taong naroon na si Miguel ang tunay na ama nina Addison, Alison at Alonzo. Talaga nga namang kahanga hanga ang ginawang iyon ni Monica. Sa tagal nitong inilihim ang lahat ng katotohanan ay sa wakas ay nakakuhan na rin ito ng lakas ng loob. Kaya walang mapaglagyan ang tuwa ng mga taong nakapaligid kay Monica sa araw na yun. Samantala, matapos ang interview na naganap ay gaya ng inaasahan, naging trending na nga agad agad ang muling paglantad ng matagal nang nawawalang anak nina Vice Mayor na si Monica. Pero ang mas pinag uusapan ngayon ay ang pagpapakilala nila kina Monica at Miguel bilang mag asawa. Syempre, maraming natuwa pero marami ring nalungkot lalo na sa parte ng mga kababaihan na tila daig pa ang na-broken hearted nang malamang hindi na available ang puso ng napakakisig na Doctor. --- LORENZO MIGU
CHAPTER 18 - CHAOS IN THE ST. ROSE ---- Sa tulong ni Miguel ay tagumpay na nakagawa ng resignation letter ang magkaibigang sina Riley at Monica. At ito ay matapos silang bigyan ng ultimatum ng Head Doctor ng St. Rose Hospital kung saan, kung hindi sila papasok kinabukasan o kahit mag report man lang ay hindi sila magdadalawang isip bigyan na bigyan ang mga ito ng negative feedback sa kanilang halos dalawang taong paninilbihan sa Hospital. Ginawa ito ng pamunuan ng St. Rose Hospital dahil sa desperado na silang mapauwi ang magkaibigan, lalong lalo na si Monica. Dahil kasalukuyang nagkakagulo ang mga tao roon. Araw araw nilang tinatamasa ang galit ng tila'y nababaliw nang Doctor na si Dr. Blaire. Dahil simula nang umalis si Monica ay halos araw araw na itong sinusumpong kung saan madalas ay nakakapanakit na ito sa kanyang mga empleyado sa tindi ng kanyang galit. Kaya wala silang ibang maisip na paraan kundi ang takutin nalang ang mga ito. Samantala, tila tuloy na tuloy na ang pag
CHAPTER 19 - THE CONFESSION --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Mula pa lang sa di kalayuan, tanaw ko na ang nagkukumpulan mga tao sa labas ng St. Rose Hospital. Makikita ang tensyon sa paligid-mga pulis ang mahigpit na nagbabantay, habang may ilang taong nagmamasid, puno ng tanong at takot. Sa gilid, nakita ko si David, isa sa mga bodyguard na ipinadala ko, na kasalukuyang iniinterbyu ng mga awtoridad. Halatang pagod siya, may mga bahid ng dugo sa kanyang uniporme, at may benda ang kanyang braso. Agad akong bumaba ng sasakyan, hindi na inalintana ang malamig na hangin sa mga oras na to. Tumakbo ako palapit kay David, ramdam ang mabilis na tibok ng puso ko sa kaba. "David! Ano'ng nangyari? Nasaan sila?!" tanong ko, halos habol ang hininga. Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang tumingin siya sa akin. "Boss, nasa loob sila... sa emergency room. Kritikal ang sitwasyon," sagot niya, nanginginig ang boses. Tumitig ako sa benda sa braso niya, kita ang bahagyang pagdurugo. "Ano'ng nang
CHAPTER 20 - GETTING CLOSER ---- Matapos ang madugong engkwentro sa St. Rose Hospital, agarang ginamot ang mga nasugatan sa parehong ospital. Nagtamo ng tama sa binti si Blaire, habang sa bansang dibdib naman ang tinamo ni Jeric. Samantala, tanging mga galos lamang ang natamo nina Riley, Monica, at ng dalawang bodyguard na ipinadala ni Miguel. Bantay-sarado si Dr. Blaire matapos marinig ng mga pulis ang pahayag ng kanyang ninong, si Dr. Paul. Isiniwalat nito ang lumalalang kondisyon ng utak ni Dr. Blaire, na nagdulot ng kanyang unti-unting pagiging marahas. Dahil dito, minabuting bantayan siya nang maigi at pagtuunan ng atensyon ang kanyang kalagayan. Samantala, tila nagkaroon ng mas makulay na eksena sa gitna ng tensyon at mga sugat. Hindi na kinaya ni Miguel ang pagtitimpi-sa wakas, inamin niya ang kanyang nararamdaman kay Monica. Sa hindi inaasahan, tinanggap ni Monica ang intensyon ni Miguel at pumayag na manligaw ito. Sa kabila ng hirap at sakit ng araw na iyon, tila wala n
CHAPTER 21 – THE SUITORS ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Maaga pa lang, gising na kami. Ayon kay Miguel, maaga ang operasyon ni Mama, kaya halos 6:00 AM pa lang, abala na ang buong kwarto—lahat nag-aayos at naghahanda. Matapos mag-alay ng dasal para kay Mama, sabay-sabay na kaming nag-almusal. Natural na hindi mawawala ang kwentuhan at chismisan habang kumakain. At syempre, sino pa ba ang bida? "Ate, Boyfriend mo na ba si Dr. Miguel? Kasi parang sobrang sweet niyo na, eh," tanong ni Faith, na may malisya sa kanyang tono. Napabilaukan si Riley sa tanong ni Faith, kaya hindi ko na maiwasang matawa. "Bunso, alam mo, friendly lang ako kay Dr. Miguel. Tsaka, ano ka ba, Daddy 'yan ng mga anak ko. Dapat lang na pakisamahan ko siya," sagot ko, pinipilit maging seryoso. Biglang ngumisi si Riley, parang may itinatagong lihim. "Haha! Hoy, anong nirereact-react mo diyan? Totoo naman ang sinasabi ko, 'di ba? We're just friends!" sabay irap ko kay Riley. "Bwahaha! Ayy, hala, 'yung bestfr
CHAPTER 22 – MISSION IMPOSSIBLE --- Habang nag iintay sina Monica sa operasyon ng kanilang Mama Emma ay sunod sunod naman ang pagdating nga mga surpresa sa kanila na galing sa mga, obvious na mga tagahanga nila. 25 na piraso ng dhalia ang natanggap ni Monica samantalang 2 piraso ng sunflower naman ang kay Riley. Ito ang ginawang nilang pampakalma habang nag iintay sa kanilang mahal na ina. Samantala, halos tatlong oras naman ang tinagal ng operasyon at naging tagumpay ang kanilang pag opera kay Emma. Agad naman itong nilipat sa ICU kung saan masusi itong babantayan ng 1 to 3 days depende sa magiging reaksyon ng katawan nito. At nang magdiwang sina Miguel sa kanilang successful na operasyon ay bigla na lamang itong nakaramdam ng pagkahilo, panlalamig, hanggang sa mawalan ito ng malay. Mabuti nalang at nandun ang katuwang nitong Doctor na si Dr. Fabian Dominguez at agad niya itong tinulungan. Hanggang sa magkamalay ito at inabisuhan ito ng Doctor na magpahinga na muna dahil lowbloo
CHAPTER 23 - SURPRISE! --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Hoo! Nakahinga na rin ako nang maluwag. Sa wakas, nakita ko na rin siya-at ang swerte ko pa, hindi siya nagising sa biglaan kong pagsigaw kanina. Dahan-dahan akong pumasok sa loob, iniwan muna ang mga anak ko sa labas na mukhang nagkukumpulan pa sa pintuan. Mula sa malayo, kita ko agad na may dinaramdam si Miguel. Halata ang pangangayayat niya, at ang mukha niyang pagod na pagod na tila bang ilang linggo nang hindi nakakapahinga ng maayos. Hay, kawawa naman 'tong taong 'to. Pasensya ka na, Miguel, nagkasakit ka pa dahil sa amin... Lumapit ako sa kanya nang marahan, sinusuri kung may lagnat ba siya. Naka-kumot siya nang mahigpit, naka-off ang aircon, at wala ring bukas na bentilador-signs na baka mainit ang pakiramdam niya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa noo niya para tingnan ang temperatura. Pero bago ko pa maabot ang noo ni Miguel... "Hehehe..." Narinig ko ang mahinang hagikhikan mula sa likuran ko. Sinilip k
CHAPTER 24 – POUTY LIPS --- Tila isang himala ang nangyari. Agad na bumuti ang pakiramdam ni Miguel matapos siyang pakainin ni Monica. Mula sa itsurang nangayayat at hinang-hina, ngayo'y masigla na siyang nakikipaglaro at nakikipagkulitan sa mga anak. Parang biglang nagbalik ang dati niyang sigla, na ikinagaan ng loob ni Monica. Ngunit hindi nila inaasahan ang isang nakakabiglang tagpo sa parehong araw—ang biglaang pagbisita ng mga magulang ni Miguel sa opisina nito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasilayan ng mga ito ang dalawa na magkadikit ang mga labi at parehong nakahiga sa sahig! Subalit isang aksidente lamang iyon. Sa sobrang bilis ng pagtakbo ni Monica habang naglalaro, hindi niya nakontrol ang sarili at nabunggo niya si Miguel. Ang resulta? Ang hindi nila inaasahang awkward moment na nasaksihan pa ng kanyang mga magulang. Ngayon, habang pauwi sa kanilang kwarto, tila isang bagong problema naman ang bumabagabag kay Monica. Ramdam na ramdam niya ang pamamaga ng kanyang l
SPECIAL EPISODE --- 20 YEARS LATER Isang malaking araw para sa pamilya ng Samaniego—Lorenzo Miguel has just been elected as the new Governor. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang talunin ang matagal nang nakaupong gobernador. Kaya ngayon, hawak na niya ang panibagong responsibilidad para sa kanilang lungsod. Walang kapantay ang tuwang nararamdaman ni Miguel. Kaya mula sa kanilang mansion ay magkasamang nagbunyi ang mag asawa. __ GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV "Love, I am so proud of you," halos maluha-luha kong sabi habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Miguel. "Sabi ko naman sa'yo, kakayanin mo 'to, diba? Lahat kami, naniniwala sa'yo." We were both teary-eyed at that moment. Miguel never imagined himself as a politician. Sa totoo lang, pakiramdam niya noon, wala siyang laban sa mundo ng pulitika—lalo na't batikang politiko ang nakalaban niya. Pero hindi ko hinayaang panghinaan siya ng loob. Every single day, I reminded him of his purpose—of the people he
CHAPTER 51 - THE UNENDING LOVE ---- Ang reception ng kasal nina Lorenzo Miguel at Gabriella Monica ay naging isang engrandeng pagdiriwang na puno ng kasayahan, tawanan, at walang katapusang pagmamahalan. Matapos ang isang napakagandang seremonya, lahat ng bisita ay nagtungo sa venue, kung saan isang mala-fairytale na setting ang bumungad sa kanila-mga eleganteng chandelier na nagbibigay-liwanag sa buong lugar, mga puting bulaklak at luntiang dekorasyon na nagpaparomantiko sa paligid, at banayad na musika na nagdadala ng aliwalas at kasiyahan. The atmosphere was truly magical. It was an intimate yet grand evening wedding, perfectly timed as the golden hues of the sunset melted into the deep blues of the night. Eksaktong alas-sais ng gabi, at tamang-tama ang oras para sa isang masarap at eleganteng hapunan kasama ang lahat ng mahal nila sa buhay. --- GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV Habang nakaupo kami sa presidential table, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Miguel
CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Sa wakas, dumating na rin ang araw na ito—Oktubre 8. Isang petsang hindi ko kailanman malilimutan. Hindi lang ito ang araw ng kasal namin ni Miguel, kundi kaarawan din ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko—si Mama. Kaya naman, bago pa man magsimula ang napakaespesyal na araw na ito para sa akin, sinigurado kong ako ang mauunang gumising para bigyan siya ng sorpresa. Habang tahimik siyang natutulog, dahan-dahan naming inilapit ang birthday cake na may sinding kandila. Kasabay nito, nagtipon ang ilan sa aming mga kapamilya at kaibigan, at sabay-sabay kaming nagsimulang umawit: "Happy birthday to you, happy birthday to you..." Bahagyang gumalaw si Mama sa kanyang pagkakahiga, at ilang segundo lang ang lumipas bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Nang makita niya kaming nakapaligid sa kanya, agad siyang napangiti. Ang saya sa mukha niya ay parang musika sa puso ko. Mahigpit niya akong niyakap at h******n
CHAPTER 49 - THE PREPARATION ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Matapos ang isang napakasabog na gabi—na puno ng mga malaswang sayaw, kagimbal-gimbal na costume, at hindi ko malilimutan na eksenang muntik akong mawalan ng ulirat sa ginagawa ng mga siraulong kaibigan ko—sa wakas, nagbihis na rin sila. Akala ko tapos na ang lahat, pero mali ako. Dahil bigla nilang inabot sa akin ang isang cake, at sa ibabaw nito, nakasulat ang mga salitang: "Last Shot Before the Knot." Tangina. Ang kulit talaga ng mga ‘to. Pero kahit anong pikon ko sa kanila, hindi ko rin napigilang matawa at mapangiti. Sa kabila ng lahat, ramdam kong mahalaga ako sa kanila. “Aww, thanks, guys. Salamat sa pag-aabala.” Malakas kong sabi habang umiiling. “Kahit halos sumakit ang sikmura ko sa kakatawa at ilang beses akong muntikang masuka sa inyo, you guys did a great job.” Sabay-sabay kaming nagpalakpakan—as if hindi nila ako pinahirapan kanina. At matapos naming magligpit, sumakay na kami sa sasakyan na magh
CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Sa wakas! Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ngayon, tuluyan nang nawala ang mga alinlangan at bigat ng nakaraan. Sa wakas, nagkaayos na rin sina Lolo Clifford at Monica. Habang pinagmamasdan ko silang masayang nag-uusap, kitang-kita ko kung gaano sila nasabik sa isa’t isa. Ang saya ng kwentuhan nila—punong-puno ng halakhakan, hagikhikan, at alaala ng kanilang pinagdaanan. "Pero ito, kamukhang-kamukha mo apo! Si Alison!" Natutuwang sabi ni Lolo Clifford habang hinahaplos ang buhok ng anak namin. "Pero grabe, ang lakas ng dugo nitong si Miguel. Mabuti na lang at magandang lalaki ang napili mong mapangasawa, apo." Nagkatawanan kaming lahat, pero si Monica? Bigla akong tinapunan ng malagkit na tingin. "Aba’y dapat lang, Lo! Kasi kung hindi, naku, baka pinakulong ko na agad ‘yan!" sagot niya, sabay tawanan nilang mag-lolo. Napailing na lang ako. Ako pa talaga ang naging tampulan ng asaran! Hay, salamat na lang at
CHAPTER 47 - PEACE AND LOVE ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Now, I fully understand kung bakit ganun na lang kalaki ang galit ni Monica sa lolo niya. Sino nga ba naman ang hindi magagalit kung may magsasabi sa'yo na ipalaglag ang sarili mong anak? Kahit sino, siguradong masasaktan at magagalit rin. Actually, ilang beses nang ikinuwento sa akin ni Monica ang nangyari alitan , pero never niyang sinabi na nais din palang ipalaglag ni Lolo Clifford ang mga bata. Ang akala ko, ang issue lang ay ang pagtakwil sa kanya bilang apo nito. Kaya ngayon, mas lumalim ang pang-unawa ko sa sakit na dinadala niya. Dahan-dahan kong niyakap si Monica, hinayaan siyang ilabas ang emosyon niyang matagal nang kinikimkim. "Love, thank you ha," mahina niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "Thank you saan, love?" tanong ko, hinahagod ang kanyang likuran upang pakalmahin siya. "Thank you for listening. Alam mo, parang gumaan ang pakiramdam ko. Dahil ngayon ko lang nasabi nang
CHAPTER 46 - LEVEL 4 OF ANGER ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV "Sige na! Huwag mo nang patagalin, Miguel! Kung ayaw mong si Monica ang mabaril!" sigaw ni Caleb habang pilit niyang inaagaw ang baril ni Blaire. Pumikit ako ng saglit, ramdam ang bigat ng baril sa kamay ko, kasabay ng bigat ng desisyon na kailangang gawin. Ang hudyat na iyon ni Caleb, alam kong wala na akong oras mag-isip. Dahil kailangan kong kumilos agad, mahigpit kong hinawakan ang baril. Ang bigat ng sitwasyon ay parang nagpapalakas sa bawat pintig ng puso ko. Sa isip ko, isa lang ang kailangan kong gawin: protektahan ang mga mahal ko sa buhay. Tumutok ako kay Blaire, ang taong naging dahilan ng lahat ng kaguluhan. Sa kabila ng paggalaw nila, sinubukan kong manatiling kalmado. Nakalock ang tingin ko sa kanya. Bang! @Samaniego Medical Hospital Dead on arrival. Iyon ang huling deklarasyon na narinig ko tungkol kay Blaire De Guzman—isang bala mula sa baril ko ang tumapos sa kanya, tumama nang diretso sa kanyan
CHAPTER 45 - THE LAST ENCOUNTER --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Nang ibalita sa akin ni Riley na umalis nanaman si Monica nang hindi nagpapaalam, hindi na kami nagsayang ng oras. Agad kaming umalis upang sundan siya. Inaantabayanan ko na ang ganitong pangyayari. Simula pa lang sa bahay, ramdam ko na ang malamig na pakikitungo niya. Hindi pa rin niya ako pinapansin, at alam kong malaki pa rin ang tampo niya sa akin. Kaya naisip ko na baka muli na naman siyang umalis nang hindi ako kasama. Dahil dito, bago pa kami makarating sa ospital kaninang umaga, lihim kong nilagyan ng microchip ang bag niya. Alam kong magiging susi ito para matrack ko kung saan man siya pumunta. Bagamat bahagyang nabawasan ang kaba ko dahil dito, hindi pa rin ako kampante. Malay ko ba kung may mangyaring masama sa kanya? Lalo pa't alam kong hindi niya ako sasabihan kahit may problema siya. Gamit ang tracking device, nasundan namin ang biyahe ni Monica. Positibo kaming nakasakay siya sa isang tricycle, at
CHAPTER 44 - LQ --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Ngayon, naguguluhan ako kung sino ang uunahin ko-si Monica na nawawala o si Gov na papunta na sa dinner namin. Dapat sana ay sorpresa ito para sa kanila pareho, isang pagkakataon para magkausap sila. Pero ngayon, ang tadhana ay nagbiro at halos ilubog ako sa lupa. At ang pinaka-masakit dito, kailangan kong harapin si Gov at sabihin sa kanya na ang apo niya ay nawawala-isang bagay na magpapakita kung gaano ako kapabaya at katanga. Pero wala na akong magagawa kailangan kong panindigan ito, ako rin naman ang may kagagawan nito. Nasa biyahe na ako papunta sa hotel nang makatanggap ako ng mensahe-nasa loob na sila at nag-aantay sa VIP area. Habang binabaybay ko ang daan, inutusan ko si Jeric na maghanap kay Monica at tanungin ang mga tao sa mga lugar na maaaring pinuntahan niya. Pakiramdam ko, hindi pa siya gaanong nakakalayo. Habang nagmamaneho, nagdadasal ako para sa kaligtasan ni Monica. "K