Third person point of view"Totoo ba iyan Arisson?" Pag-uulit niya sa tanong niya ng hindi nito sagutin ang una niyang tanong."I'm sorry," malungkot na wika nito dahilan para mapapikit siya ng mariin at mas lalong bumuhos ang luha."W-W...hy? H-How?" Hindi na niya naiwasan ang pagpiyok ng boses niya dahil sa sakit na bumalot sa buo niyang pagkatao.Umiling ito at at malungkot na tumingin sa kaniya."A-Ariss..h-hindi k-ko...SHIT!" Marami siyang gustong sabihin dito pero hindi niya na alam kung paano pa tatapusin ang mga gusto niyang sabihin.Pero ang malungkot nitong tingin ay unti-unting napalitan ng ngisi at kasunod niyon ay malakas na halakhak, "hahaha! You should see your face Love, you're so funny," nang-aasar na sambit nito habang tinuturo ang mukha niya.Ang luhaan niyang mukha ay napalitan ng magkahalong inis at galit. Hindi siya natuwa sa ginawa nito kaya naman pinagpapalo niya ito habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya, "bwisit ka, akala ko ay nangyayari na ang
Third person point of view"Paano nangyari na buhay ka?" Tanong ni Joana Mei habang hindi pa rin makapaniwala sa lalaking kaharap nila."It's-" sagot ni Sebastian na kaagad naputol dahil biglang sumingit si Arisson."LOVE, doon na tayo sa sala mag-usap," sambit ni Arisson sa seryosong tono pero pinagdiinan ang salitang love.Nanigas siya sa kinatatayuan ng balingan ni Sebastian si Arisson at pagtaasan ng kilay, bago bumaling ang malungkot yet mapanuring tingin nito sa kaniya."Yes Love," sagot niya at hinawakan ang kamay ni Arisson bago tumalikod."Pinagpalit mo na ako? Hindi mo na ako hinintay?" Nang-aakusang tanong ni Sebastian dahilan para mapatigil sa tangkang paglalakad si Arisson at manginig ang mga kamay.Tinignan niya si Arisson at kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Dahan-dahan itong nagtangkang humarap kay Sebastian pero bago pa ito tuluyang makaharap ay mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito at sa kaniya niya iniharap bago walang pagdadalawang isip na
Third person point of viewKinabukasan ay tahimik na nag-aagahan si Joana Mei at Arisson ng biglang magtanong si Arisson sa kaniya."Who's that guy, and why is he claiming to be his girlfriend?" Tanong nito na tuluyan ng ibinaba ang hawak na kutsara at tinidor.Napatigil siya sa tangkang pagsubo para tignan ito na titig na titig sa kaniya.Kagaya nito ay ibinaba na rin niya ang hawak na kutsara at tinidor bago huminga ng malalim habang hinahanda ang sagot sa mga katanungan nito.Habang nakatingin siya dito ay nagbalik-tanaw siya sa nakaraan kung saan masaya sila ni Sebastian."Sebastian used to be my boyfriend until he died," simpleng sagot niya.Napataas ang kilay ni Arisson habang nakatingin sa kaniya."That's it?" Hindi makapaniwalang tanong nito."Sebastian and I grew up together, we were best friends until one day he confessed his feeling towards me and I told him I love him too. He died protecting me," hindi niya maitago ang lungkot na nararamdaman niya."Masaya ka siguro na naki
Third person point of viewHabang nagmamaneho si Brenda ay paulit-ulit niyang tinatanong sa sarili niya kung dapat ba siyang pumunta sa bahay nila Lauren sa kabila ng nangyari sa kanila. Ilang beses muna siyang nagpaikot-ikot sa kahabaan ng highway bago nagdesisyon na dumiretso na sa bahay ng kaibigan niya para humingi ng tawad dito. Kahit na walang kasiguraduhan kung papansinin ba siya nito.Hindi nagtagal ang byahe niya at wala pang isang oras ay narating niya ang bahay nila Lauren.Kaagad niyang hininto ang kotse niya at ipinarada sa harap ng nakasaradong gate. Pagkatapos ay bumaba siya at nagtungo sa gate.Muli siyang nakaramdam ng pagdadalawang isip pero after makailan ng buntong hininga ay nag-doorbell siya.Kaagad naman niyang narinig ang pagbukas ng pinto. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon pero nawala ang kaluwagan na nararamdaman niya ng makita na isa lang sa mga tauhan nila Lauren ang humarap sa kaniya.Nakaramdam siya ng disappoinment dahil iniisip niya na si Lauren an
Third person point of viewIsang oras na ang nakalilipas mula ng gamitin siya ni Lancellot at iwan na para lang isang basahan. Isang oras na din siyang nakatingin lang sa kisame.Pero bago ito umalis ay nag-iwan ito ng pagbabanta na tigilan na niya ang anak nito.Habang nakatingin siya sa kisame ay bigla nalang siyang napahagulhol dahil sa sobrang sama ng nararamdaman niya.Hindi niya alam kung ano ang gagawin, ni hindi niya alam kung paano tatayo para magsuot ng damit.Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa namalayan nalang niya na wala na siyang iniluluha.Tumalim ang tingin niya sa kisame bago dahan-dahan na tumayo at nagbihis. Pagkatapos isuot ang lahat ng mga damit niya na nagkalat ay saka siya umalis ng bahay.Habang palabas siya ng bahay ay nakasalubong niya ang ilan sa mga tauhan ni Lancellot na seryoso ang tingin na pinupukol sa kaniya.Hindi niya pinansin ang mga iyon at nilagpasan niya lang pero wala pang dalawang hakbang ang nagagawa niya ay huminto siya at binalingan ang
Third person point of view"What the fuck did you do to her Dad!? Galit na sigaw ni Lauren sa daddy niya na nasa kabilang linya.Umiling-iling siya at mahipgit na kumuyom ang kamay niya dahil sa galit. Mas lalo pang tumindi ang galit na nararamdaman niya para sa Daddy niya ng bigla itong humalakhak kasunod ng pagpatay ng tawag"AAH DADDY!" Galit na sigaw niya at ibinalibag ang vase na nasa kaniya lamang tabi.Hindi niya alam kung gaano niya katagal na pinalipas ang gallit niya basta ang alam niya ay pagkatapos niyang palipasin ang galit niya ay mabilis niyaang tinungo ang kotse niya at inutusan ang driver nila na ihatid siya sa airport.Habang nasa byahe sila papuntang Wy Airlines ay tinext lang niya ang pilot nila para ihanda ang eroplano.Wy Airlines ay pribadong airlines na pagmamay-ari ng pamilya nila, she rarely used it, tanging ang Daddy lang niya ang gumagamit nito pero ginagamit nila ito kapag kailangang-kailangan at kapag nagmamadali sila kagaya nalang ngayon."Manong wala
Third person point of view"Anong ginagawa mo dito, hindi pa ba sapat ang ginawa ninyong mag-ama sa akin?" Galit na tanong ni Brenda pagkakita kay Lauren na kasalukuyan nakanganga habang tinitignan ang kaibigan at isang lalaki.Parang walang pakielam ang mga ito na makita niya ang hubad nitong mga katawan.Kaya siya na shock kanina pagkabukas niya ng pinto ay dahil nakita niya ang mga ito na abala sa isa't-isa."Brenda sorry sa ginawa ni Daddy," paghingi niya ng paumanhin. Umingos ito at umirap bago tumayo at lapitan siya.Pagkalapit nito ay kaagad siya nitong tinulak ng mahina na naging dahilan para mapapaatras siya. "Umalis ka dito dahil hindi kita kailangan, parehas lang kayo ng ama mo na walang hiya at rapist!" sigaw nito at mas lalo pa siyang pinagtulakan.Nasaktan siya sa sinabi nito pero hindi niya na kailangan na ipakita pa dito iyon."Hindi ako yung may ginawa na masama sa iyo it was my father hindi ka dapat sa akin nagagalit," pangangatwiran niya."Humingi ako ng tulong sa
Third person point of viewPagkalabas ni Lauren ng unit nung kasama ni Brenda ay kaagad na sumama at tingin niya sa kawalan at mabilis na naglakad para gawin ang gustong mangyari ni Brenda.Walang kaso sa kaniya kung saktan niya ang ama niya dahil ikalulugod niya iyon pero ayaw niyang bigyan ng satisfaction si Brenda napwede siya nitong utus-utusan.Habang naglalakad siya palabas ng condominium ay kaagad niyang tinawagan si Derick ang isa sa mga tauhan ng pamilya niya.Matiyaga niyang hinintay na sagutin nito ang tawag niya na hindi naman nagtagal dahil halos limang ring pa lang ay bumungad na kaagad sa kaniya ang baritono nitong boses."Hello," monotonous na bati nito."I need your help," sambit niya lang pagkatapos nitong sagutin ang tawag niya.Hindi na niya hinintay pa ang isasagot nito dahil alam niyang nakuha na nito ang mensahe na gusto niyang iparating.Pagkatapos ng tawag ay may huminto na heavily tinted na kotse sa harapan niya at biglang bumukas ang pinto at mula doon ay b
Third person point of viewSix months later.......Maaga pa lang ay tumulak na papuntang simbahan si Arisson. The same church kung saan sila ikinasal ni Joana Mei.Pagkarating niya sa simbahan ay marami na ang tao, ilan sa mga ito ay pamilyar na sa kaniya dahil sa dalawang dahilan, either nakilala niya dahil sa business or dahil sa family.Habang naglalakad siya papasok ng simbahan ay nakita niya hindi kalayuan sa entrance si Brent kasama si Lauren. Pagkakita niya sa dalawa ay kaagad niyang naalala si Brenda.Brenda got killed right after nitong makipagkasundo sa kanila ni Joana Mei. It was the reason kung bakit pinostpone nila ang kasal.They checked the CCTV footage that time at kaagad nilang nalaman na si Bastien ang dahilan ng pagkamatay nito.Sa loob ng anim na buwan ay ginawa nila ang makakaya nila para mahanap si Bastien pero nung araw na nagkaroon sila ng lead dito ay natagpuan nila itong wala ng buhay sa sarili nitong bahay, may hawak itong isang calibre 45.It was traumatiz
Third person point of view"Brenda!" Matalim na tawag ni Joana Mei sa pangalan nito.Ngayon kaharap na niya ito at bumalik na ang mga ala-ala niya ay unti-unti niya ng nararamdaman ang paghuhulagpos ng galit at kagustuhang saktan ito kagaya ng ginawa nitong pananakit sa kaniya.Tumingin ng masama si Brenda sa kaniya pagkatapos nitong marinig ang pagtawag niya at mula sa pagkakatayo nito sa tapat ng nakabukas na pinto ay naglakad ito palapit sa kinaroroonan nila."Galit ako sa iyo-!" Panimula nito.She roll her eyes, "the feeling is mutual!" She commented dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita.Mas lalong umasim ang hilatsa ng mukha nito pagkatapos niya iton putulin sa dapat nitong sasabihin."Will you fvcking listen!?" Singhal nito."Brenda! Watch your word!" Arisson shouted angrily.Brenda flinched upon hearing Arisson's words."Coming in here is not a good idea," sambit nito at naiiling na tumalikod."Ano ba ang dahilan ng pagpunta mo dito? Pumunta ka ba dito para pagtawanan ako
Third person point of viewOne year has passed..."Love, how are you feeling?" Tanong ni Arisson sa babaeng nakaupo sa kama habang hawak nito ang isang batang lalaki.Nagbuntong hininga si Joana Mei at medyo iritableng tumingin sa kaniya.Nasaktan siya dahil sa inakto nito pero bumalik sa memorya niya yung araw na sinabi ng doctor na hindi sila sigurado kung may magiging side effect ang ginawang operation dito.At ito na ang side effect na sinabi ng doctor. Isang taon. Isang taon na siyang paulit-ulit na nagpapakila at nagpapaalala sa pinakamamahal niyang babae kung sino siya pero isang taon na din siya nagsa-suffer dahil pakiramdam niya ay walang nangyayari. Hindi pa rin siya nito nakikilala.Four weeks after nitong ma-hospital ay nagising ito. Yung araw na iyon ang masasabi niyang isa sa pinakamagandang araw na nangyari sa kaniya sa buong buhay niya dahil wala na sa kapahamakan ang mahal niya pero kasabay ng pagkakahinga niya ng maluwag ay ang pag-guho ng mundo niya lalo na nung tu
Third person point of view"Why didn't you let me in with her!?" Singhal ni Arisson sa mga magulang niya. Kanina pa sila dito sa labas ng operating room pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga doctor na tumitingin sa fiance niya. Kanina pagkadating nila sa hospital pagkakita pa lang ng doctor kay Joana Mei ay kaagaad na ng mga ito idinala ng operating room si Joana Mei. Hindi niya mapigilan ang magwala dahil hindi siya hinayaan ng mga ito na makapasok sa operating room. "Arisson, will you stop shouting for goodness sake, we're in a hospital!" Madiing pagalit ng Mommy niya. Umigting ang panga niya at hindi niya maiwasan na masaktan dahil sa pananalita ng Mommy niya."Hindi mo naiintindihan Mom, si Joana Mei iyon, yung fiance ko nanganganib ang buhay niya at nandito lang ako at walang ginagawa!" Malakas na wika niya at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil sa magkahalong takot at frustration."Anong magagawa mo kung nasa loob ka ng operating room? Do
Third person point of view"W-What d-did you do to her?" Nahihintakutang tanong ni Lauren.Kanina matapos kumidlat ng malakas ay nakita niya ang pagbagsak ni Arisson kasabay ng pagtama ng liwanag ng kidlat sa kinaroroonan ni Sebastian. Maging siya ay gusto niyang bumagsak nalang dahil sa nakita niya. Hindi niya maiwasan ang maawa kay Arisson lalo na ng pagkatapos nitong tawagin si Joana Mei ay biglang bumukas ang ilaw sa buong paligid at doon ay malaya na nilang nasasaksihan ang hitsura ni Joana Mei.Puno ng dugo ang ulo nito na umagos na hanggang sa mukha nito."H-Hayop k-kayo!" Nanginginig ang boses na sigaw ni Brent.Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit nangyayari ito. Noong una ay tinutulungan niya si Brenda dahil malaki ang utang nang loob niya dito pero nung tinraydor siya nito ay nagkaroroon siya ng pagdududa hanggang sa pilit niyang hinahanap sa kaibuturan ng utak niya ang dating Brenda na nakilala niya pero tuluyang naw
Third person point of viewInihinto ni Arisson ang kotse niya sa entrance ng isang malawak na mansiyon. Tinignan niya ang cellphone niya para siguraduhin na tama ang address na napuntahan niya at nung makasiguro na ay saka lang siya bumaba.Kasabay sa pagbaba niya ay ang pagdating ng sampung magkakasunod na sasakyan. Sa pinakaunang sasakyan ay bumaba ang Daddy niya at Daddy ni Joana Mei, sa ikalawa at ikatlong kotse ay ang mga tauhan nila kasama si Kaloy na nagising na pala mula sa pagkaka-comatose. Sa ikaapat na kotse ay bumaba si Lauren at ang isang lalaki, tinignan niya si Lauren at nakita niya na puro galos at sugat ang mga braso nito at mukha.Kaagad siyang nagtaka kung ano ang nangyari dito dahil maayos naman ito ng iwan niya kanina. Sa ikalimang kotse ay bumaba si Lancellot Wy na masamang tingin kaagad ang ipinukol sa anak.Napailing siya dahil mukhang itong mag-ama ay magpapatayan na.Imbes na pagtuunan ang mga ito ng pansin ay nilapitan nalang niya ang kaniyang magulang.
Third person point of view"Wake up Princess, masyado ng mahaba ang tulog mo," ani ni Brenda habang nakatingin kay Joana Mei na unti-unti ng nagigising mula sa mahimbing na pagtulog.Hindi alam ni Joana Mei kung isang oras or may isang araw na ba siyang nananatili dito pero isa lang ang alam niya, nag-aalala na sa kaniya si Arisson.She was unsettled for awhile hanggang sa isang matinis na boses ang nagpabalik sa kaniya sa ulirat.Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya kay Brenda na malaki ang pagkakangisi sa kaniya."How's your stay?" Nang-uuyam na tanong nito.Umigting ang panga niya at ibayong galit ang naramdaman niya."Nasaan ako?" Ganting tanong niya imbes na sagutin ang tanong nito.Lumawak ang pagkakangisi nito, "what a cliche line," pang-aasar nito."Hayop ka Brenda, saan mo ako dinala!?" Pasinghal na tanong niya at nagsimula na siyang magwala sa kinauupuan niya.Nakita niya ang ngiting tagumpay na sumilay sa labi ng demonyong kaharap niya."Kung ako sa iyo ay hindi ko gag
Third person point of view"Nasaan si Joana Mei at Brent?" Inulit niya ang tanong niya dahil hindi ito sumagot sa nauna niyang tanong.Mag-iisang oras na sila dito sa may parking lot ng condominium pero hanggang ngayon ay nakatayo lang ito sa harapan niya at nakangisi.PAK!Dahil sa inis niya ay hindi na niya napigilan ang sarili na sampalin ito ng sobrang lakas dahilan para bumagsak ito at manghina. Wala sa bokabolaryo niya ang manakit lalo na ng babae pero para kay Joana Mei ay kahit ilang babae handa siyang saktan para lang maging ligtas ang fiance niya at ang baby nila sa sinapupunan nito.Sinamantala niya ang panghihina nito, binitbit niya ito at isinakay sa trunk ng kotse niya. "Fuck Arisson palabasin mo ako dito!!" Dinig niyang pagwawala ni Lauren kasabay ng malalakas na kalambog..Hindi niya pinansin ito naglakad siya papunta sa driver side at sumakay ng kotse.Bago paandarin ang kotse ay nag-chat siya sa mga magulang niya para sabihin kung saan siya maaaring puntahan at sina
Third person point of view"Nagawa mo ba yung utos ko? Nakuha mo ba si Joana Mei?" Magkasunod na tanong ni Brenda sa lalaking bagong dating lang.Napabuntong hininga ito at pagod na ibinagsak ang katawan sa malambot na sofa.Napasama ang tingin na ipinupukol ni Brenda sa pagiging carefree ng kaharap niya, kaya naman naisip niya na putulin na ito habang maaga pa."Sebastian, tinatanong kita kung nagawa mo ang inutos ko, nakuha mo ba si Joa-!" Natigil siya sa sinasabi niya ng biglang bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa non ang dalawang lalaki at ang babae na matagal na kating-kati na siyang saktan.Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya si Sebastian na nakangisi habang nakatingin sa kaniya."Unlike your friends man, mas magaling ako pagdating sa ganitong bagay," buong pagmamalaking anito.Napairap siya pero may katotohanan ang sinasabi nito kaya naman hinayaan nalang niya itong magyabang."Magaling dalhin ninyo ang babae na iyan sa basement at siguraduhin ninyo na hindi makakataka