Isang simpleng maong shorts na tinernuhan ng black shirt ang pinili kong suotin tapos black slides flip flop sa pangibaba, Nag-suot din ako ng sumblero na puti para matakpan kahit papaano ang mga mata kong namumugto pa rin, Simple lang ang sinuot ko para hindi agaw pansin. Kinuha ko ang susi ng kotse, phone at wallet ko bago lumabas ng kwarto.
Tama nga si Penelope malapit lang ang Coffee shop ni Chad sa condo ko, sabay kaming bumaba ni Penelope sa kotse, tipid akong napangiti sa labas palang ang ganda na, paano pa kaya sa loob?
"Let's go." Nakangiting lumapit sa'kin si Penelope bago kumapit sa braso ko at hinila ako papasok sa loob.
Maganda nga ang loob at ambiance ng shop, Aroma ng kape ang sasalubong sa'yo pag-pasok, Panigurado ang mga katulad namin ni Penelope na Coffee lover ay magugustuhan ang lugar na 'to, siguradong masarap din ang kape nila,
Vivien Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa unit ko. Nanghihinang naglakad ako patungo sa kwarto, I want to lie down first, my headache gets worse, I'll rest first before going to our house to confront dad, I feel like I've exhausted all my energy talking to Loraine. Malapit na ako sa pinto ng kwarto ng tawagin ako ni Penelope. "Girl, wait." Walang lakas akong lumingon sa kanya. "Why girl? I want to rest first for sure dad isn't home yet so let's leave here in the afternoon. Is it ok?" Mahina kong sabi. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Nag-aalala naman siyang lumapit sakin. "Tatanungin ko nga sana kung ok ka, you look pale kase, Siguro dahil sa nangyari kanina. Uh, While your resting, I'll cook our lunch, Gisingin na lang kita kapag natapos na ako, Sinigang na b
Vivien Biglang tumayo si Loraine at yumakap kay Daddy, gumanti naman ng yakap si Dad, May kung anong kirot akong naramdaman sa d****b ko, masakit...Mapakla akong ngumiti. Kitang kita sa mga mata ni Dad ang pag-aalala kay Loraine, samantalang ako dalawang buwan mahigit na nawala dito sa bahay, but he never text me, hindi man lang niya ako kinamusta, hindi man lang siya nag-alala para sa'kin. Lumayo ng konti si Loraine sa pagkakayakap kay dad at tiningala ito habang luhaan ang mga mata, Tsk, what a best actress. Kung si daddy mapapaniwala niya sa kaartehan niya ibahin niya ako at ang ibang kasama ko dito. Alam ko at ramdam na ramdam ko ang pag-iinarte niya at pag-papaawa. "D-dad, si Ate Vivien ang sumampal sa'kin, nagulat na lang po ako kanina ng bigla siyang maupo sa harap ko tapos bigla na niya po akong sinampal. Wala naman akong ginagawa dad." Umiiyak na sambit nit
"What?! Ganyan na ba kayo ka desperada ate Vivien? Iipitin niyo ang kasiyahan ni Dad? Gagamitin niyo ang annulment? What a childish act! Pinagsisiksikan niyo pa rin ang mga sarili niyo kahit hindi na masaya sa'inyo si Dad. Mga makasarili!" Bigla na naman nag init ang ulo ko. "Coming from you talaga Loraine? Kami pa talaga ang desperada huh? Sayo pa talaga nangagaling ang mga salitang 'yan? Parang sa lagay kami pa 'yung pangalawa at kabit? Kapal din talaga ng mukha niyo. Saka napag hahalataan kayo kung ano ang tunay na agenda niyo." Bumaling ako kay Vanessa na hindi na maipinta ang mukha ngayon. "Akala mo makukuha mo na ang lahat? Akala niyo mag-tatagumpay kayo? Dream on! Hindi ka magiging legal, hindi mo mararanasan maging buhay reyna, hindi niyo magagamit ang pera ng tatay ko!" sigaw ko. "Paano mo nasabi?! Ikaw ba ang may karapatan sa pera ni Dad? Ikaw ba ang hum
Vivien Nagising ako kinabukasan na mahapdi ang mga mata, Buong gabi akong umiyak, Iniyak ko lahat ng sakit at hinanakit sa mga taong naging mahalaga sa'kin, sa minahal ko pero sa huli sinaktan at niloko lang ako.Tinext ko si Penelope kagabi na 'wag muna niya ako katukin sa kwarto at wala akong gana kumain, Alam kong nag-aalala siya pero mas maganda na nilabas ko na lahat ng sakit at luha ko kagabi para makapag trabaho na ako ng maayos ngayon. Pababa na ako ng kama ng mapahawak ako sa bibig ko, nangangasim na naman ang sikmura ko, Napatakbo ako sa banyo at sumuka sa sink, Nanghihinang tumingin ako sa salamin, Pinagpapawisan ako ng malamig, Mukhang lipas gutom ang nangyayari sa akin, Hindi na naman kase ako nakakain kagabi, Hindi kaya Ulcer na to?Siguro kailangan ko na mag-patingin sa doctor, Kailangan ko ng agapan baka mas lumala pa, namumutl
"Magpapacheck tayo mamaya sa Ob gyne." Huh? Ob gyne?"Ha?" Bumuntong hininga ito tapos malamlam na ang mga matang tumingin sa'kin."Girl, nagkaroon ka ba ng mens last month?" Napaisip naman ako, last month?"Hindi, kahit ngayon month hindi pa ako dinadatna----" Napatigil ako sa sinasabi at namimilog ang mga matang tumingin kay Penelope na ngayon ay naiiyak na. Oh my god...Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Nangilid na rin ang mga luha, Hindi ako nagkaroon noong isang buwan, tapos ngayon matatapos na ang buwan na 'to wala pa rin ako."Girl, nung una akala ko baka pagod ka 'o kaya ulcer nga pero sobra na 'yung pagtataka ko, Ibang iba ang kinikilos mo, lagi ka ring may morning sickness, umarte ka sa pagkain na dati hindi mo naman gawain, Cravings, kahit gabi na naghahagilap pa tayo, tapos naiinis ka kapag hindi mo naka
Nanghihina akong napahawak sa Sofa, doon na gulat na napatingin sa akin si Penelope, mabilis itong tumayo para alalayan ako, Ngayon niya lang ako napansin dahil tulala din ito sa news sa TV."Oh gosh! Ok ka lang ba Girl?" Nag aalalang tanong niya."Whats that Girl? Anong nangyayari? Bakit nasa news si Kuya?" Bumuntong hininga ito."Mukhang alam na ng mga tao ang tungkol sa kalokohan ng Daddy mo, Alam mo naman na isa ang kompanya niyo sa sikat na kompanya dito sa pinas, Saka kilalang kilala ang mommy at daddy mo bilang isang matagal at sweet couple, kaya parang bomba sa mga tao ang balita na may kabit ang daddy mo. Hindi nila inaasahan na sa likod ng matatamis na ngiti, kilos, pagsasama ng parent mo meron palang tinatagong baho, Isang kasinungalingan lang pala ang pinakita ng daddy mo." Hinihingal ako, naninikip ang dibdib ko dahil sa sinabi ni
Uminit ang ulo ko dahil sa mga narinig, What the heck? That's too much to ask! Para sa bastarda niya gagawin niya ang lahat? Hindi niya talaga inisip ang nararamdaman ko? Ang nararamdaman ni kuya?. Mapakla akong natawa,"Your request is to much! You want me to talk and pretend we're ok with that girl? and Lie to a lot of people for the sake of that bitch!? NO! over my dead body I will never allow what you want! Hindi niyo na nga nirespeto si mom, pati ang nararamdaman ko at ni kuya hindi niyo din nirespeto?! Ano kami lagi ang mag-aadjust sa mga kasalanan at kalokohan niyo? Mga abosado kayo!" Galit na sigaw ko, matalim ang tingin ko kay Dad, I hate him!"Your words Vivien! don't scold me because I'm still your father!" Galit na sigaw nito, namumula na rin ang mukha."Then leave! Stop wasting your time, I won't do your crazy plan, You did this so face it! harapin niyong ta
"Gosh! Now I understand, Hindi madali ang pinag-dadaanan mo ngayon, isabay pa 'yang pag-bubuntis mo." Malungkot akong ngumiti at tumango."Yeah, sobra ang stress na naranasan ko sa mga nakalipas na linggo, Sinabi nga sa akin ng doktor na iwasan ko mag-isip at ma-stress, Kontrolin ko ang emosyon ko dahil makakasama kay Baby, Maselan ang pag bubuntis ko sis, Bed rest ang kailangan ko. Kailangan ko ring alagaan ang sarili, kumain sa tamang oras at matulog ng maaga." Mahabang sabi ko. Bakas sa maganda niyang mukha ang pag-aalala."May dahilan talaga kaya nang-yayari ang mga ito, Look nagkaroon ng isyu sa pamilya mo dahilan para hindi ka makalabas at makapag work, Kailangan mo mag bed rest right? Kaya ayan, May dahilan talaga lahat ng nangyayari. Bilib nga ako dahil lahat ng dumating na problema sayo kinaya mo, naging matapang at matatag ka. Sobrang hirap ng kalagayan mo ngayon at alam kong mas
Vivien's pov Tatlong araw na ang lumipas pero nandito pa rin ako sa hospital at nag-papagaling. Hindi ko akalain na mangyayari sa buhay ko ang ginawa ni Loraine. Parang napapanood ko lang sa TV ang ganoong scenario pero nangyari sa akin. Dahil sa ginawa niya naging usap-usapan ang pamilya namin, Trending sa lahat ng social media. Kahit sa news. Pati sila Xander ay nadamay, pero agad din naman nagawan ng paraan. Binigyan din ako ng one month leave ng boss ko dahil sa nangyari sa akin. Nandito din sa hospital na ito naka-confine si Loraine, okay naman na siya at stable pero kailangan pa rin mag-pahinga dahil baka bumuka ang sugat niya sa tagiliran. Doon ito nabaril ni Xander. Si Vanessa at Daddy pala ay ikinulong ni Loraine sa bahay nila kaya hindi alam ng mga ito ang ginawa ng anak nila. Nagulat nalang sila sa nalaman. Galit na galit si Grandma kela Vanessa dahil sa malaking gul
Tumawa naman ito na parang demonyo bago tumingin sa akin.“Napaka boba mo talaga, alam mo 'yon? Tingin mo ba hahayaan kita na makaalis ng buhay dito? Hindi mo ba naisip na kaya kita pinasama kay Alex ay para mapatay na kita? Para mawala na 'yung hadlang sa akin!”Galit na bulyaw nito. Nanlilisik ang mga mata niya. “Loraine, hindi ito ang usapan natin! Sinabi mong ibabalik mo si Alexis kay Dawn at ako naman ay sasama sa'yo! Ano itong ginagawa mo!” Galit na rin na sambit ni Xander.Binalingan naman siya ni Loraine.“Shut up, Alex! Hindi ako tanga, kailangan ko masigurado na wala ng hahadlang sa pagmamahalan nating dalawa! Kailangan mawala ni Vivien sa mundong ito!”
Isang warehouse na abandonado malapit sa riles ng tren malapit sa Alabang ang sinend sa aming address ni Loraine. Ala's tres ng madaling araw ang sinabi niyang oras na magkita kita kami. Hindi pumayag ang angkan ni Xander na walang gawin, Buti nandoon ang isang pinsan ni Xander at Hinack ang isang CCTV para doon kami mag-usap usap sa isang kwarto. Habang ang iba ay naiwan sa malaking sala para hindi mahalata ni Loraine. Kumilos ang ibang tito ni Xander ng palihim para makausap ang mga pulis. Pinaderetso pa rin nila ang pulis sa mansion pero ang iba ay naka-pwesto sa bawat kanto, Pero mga nakasibilyan para hindi mahalata. Nag-pasya kaming dalawa lang ni Xander na pupunta, nag-suot lang kami ng Invisible micro bluetooth earpiece na bigay ng pinsan ni Xander para marinig nila ang pinag-uusapan namin at isa na rin GPS para ma locate kami kung sakaling mag-ka
MAKALIPAS ANG ISANG ORAS unti-unti ng bumabalik ang ibang miyembro ng pamilya pareho-pareho lang ito ng sagot. Wala si Alexis. Kahit ang mga kasambahay ay hindi rin nakita ang anak ko.Nanghihinang napaupo ako habang nanginginig ang mga kamay, nag-simula ng mangilid ang aking mga luha. My Baby..where are you?Halos lahat ay nandito na pwera kay Alec at Xander. Maya maya ay sabay sabay kaming napatayo ng makita sila Xander na tumatakbo papalapit sa amin, Namilog ang mga mata ko ng makita ang hawak hawak ni Xander! Nanlalambot ang mga tuhod ko ng sinalubong ko sila.Wala sa sariling kinuha ko sa kamay ni Xander ang Ipad ni Alexis! Nang tignan ko iyon ay napasinghap ako ng makitang basag at may bahid ng dugo! Doon na kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan."Oh god! Where is my son?!" Hindi kona napigilan ang sarili na mag hesterikal
Inasikaso naman ni Xander ang pagkain ko, habang si Grandma ay siya na ang nag-asikaso ng pagkain ni Alexis. 'siya daw ang nakatoka ngayon sa aming anak. Bago kumain nilingon kopa sila Mommy, nakakaintinding ngumiti at tumango lang naman ito. Gano'n din sila kuya. Tahimik akong kumain dahil gutom na rin talaga ako. Anong oras na rin kase kaya nakaramdam na ako ng gutom. Then ng matapos ang pagkain ay may speech si Grandma para sa mga kabusiness partner niya. Tinawag pa nga ni Grandma sa stage si Mommy at Kuya para ipakilala sa lahat. Nagulat pa nga ako dahil sa isang hindi inaasahan na anunsyong ginawa ni Kuya.Once na makasal na daw kami ni Xander ang Herrera Furniture and Manufacturing Corp. Ay imemerge sa Montenegro Empire. Hindi ako makapaniwala habang nakatingin kay Kuya kanina.Nakangiting tumango lang naman siya sa akin. Alam ko meron akong parte sa
Agad kaming sinalubong ni Grandma ng makita niya kami ni Xander. Agad na nag-mano si Xander sa kanyang lola, Ako naman ay bahagyang yumuko para nag-mano tapos ay pinasadahan nito ng tingin ang aking kabuuan. "You are so beautiful Iha, the dress I chose is suit on you." Nahihiyang ngumiti naman ako. "Thank you Grandma, kayo din po napakaganda nyo sa suot niyong dress." Kimi namang ngumiti ang matanda. Totoo naman ang sinasabi ko kahit matanda na ito ay kitang kita pa rin ang kagandahan. "Thank you Iha, Let's go on our table." "La, Bakit ang Fiance ko lang ang binati mo, samantalang ako na Apo niyo hindi niyo man lang ako tinignan, buong atensyon niyo ay nasa kanya," Kunwareng nagtatampong sambit ni Xander, Tinignan siya ni Grandma mula ulo hanggang paa tapos sabay ismid. Napamaang tuloy si Xander sa ginawa ng lo
KINABUKASAN Hindi ako pumasok sa kompanya dahil hindi ako pinayagan ni Kuya kahit ala sais pa naman ang start ng engagement party namin ni Xander. Mag-relax at pahinga lang daw muna ako. Wala naman akong nagawa kung hindi umabsent, kahit sa agency ay gano'n din. Pupunta rin si Annie mamaya dahil ininvite ko siya. Pag-gising ko kanina ay abala na ang lahat, si Manang Fe ay inaayos ang mga susuotin at pinapadala sa kanya ni Mommy, Habang si Alexis ay hindi ko naabutan dahil sinundo pala ng kanyang lola sila daw ang mag-aassist sa mga mag-aayos sa mansion at sa catering. Feel na feel nila maglola ang ginagawa. Si Xander naman ay sumaglit sa Montenegro Empire dahil may isang meeting na sobrang importante na kailangan siya. Buti pa nga ito pinayagan na pumunta ng kompanya. Samantalang ako hindi. Bali ako lang ang wal
Habang abala ang lahat at kinakausap ni Xander si Alexis ay napansin ko ang pananahimik ni Alec sa isang gilid habang umiinom ng wine. Mula kanina ay nandoon lang siya, hindi man lang ako nilapitan para batiin kahit ang kanyang pinsan. Nang mapansin niya na papalapit ako ay umayos ito ng tayo. Malamig ang tingin na ginawad niya sa akin."What are you doing here? Bakit hindi ka nakiki-sali sa kasiyahan?"Marahan kong tanong kahit na naiilang ako sa ginagawa niyang paninitig. "I'm ok here." Seryosong sagot nito sabay simsim sa kanyang wine glass. "Come on join us, hindi 'yung nandito ka. Feeling ko tuloy ayaw mo talaga pumunta dito." Pangungulit ko sa kanya. Narinig ko ang pag-Tsk nito bago binaba ang hawak na wine glass sabay may kinuha sa kanyang suot na coat. Nakatingin lang
"My Dawn..My Baby..Will you marry me?" Natuptop ko ang aking bibig, ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay unti-unti ng nag-baksakan habang nakatingin sa lalaking nakaluhod sa aking harapan. Totoo ba itong nakikita ko? Nagpopropose siya sa akin? Hindi naman ito isang panaginip right? Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Kakaiba ang intensidad ng mga tingin niya sa akin na siyang mas nag-papakabog sa aking dibdib. "Baby, we've been through so much, maybe it's time for the two of us to be happy and build our family. I am not a perfect man but I promise you that I will love you and Alexis more than my life. Babawi tayo sa panahon na inagaw sa atin. Sana ay isang matamis na 'Oo' ang isagot mo. I love you Dawn. Please marry me.."Ang mga mata nito'y nagsusumamo. Nakatingin lang ako sa kanya habang lumuluha. He'