"Gan'yan din ang akala ko pero…mali tayo ng iniisip. Akala ni Rhea ay patay na kayo ni Freya. Pinaikot at pinaglaruan siya ni Ythan Marcus. Tulad mo, akala ng asawa mo ay tagapagligtas din niya si Ythan. Kung ano-ano sigurong kasinungalingan at pambobola ang ginawa ni Ythan sa kaniya. Pare-pareho ta
"Galvez, bilisan mo ang pagmamaneho," utos ni Ythan. "Opo, kamahalan. Pasensya na po," tugon ni Galvez. "Bakit ba maya't-maya ang pagtingin mo sa cell phone mo? May problema ba?" Tiningnan ni Ythan si Galvez sa rearview mirror. "Wala naman po, kamahalan. Hinihintay ko lang po ang mensahe mula sa
May ibinulong ang isa sa mga tauhan ni Ythan sa kaniya. "Let them in," Ythan said. "Masusunod po, kamahalan," nakayukong tugon ng tauhan ni Ythan. Naka-de-kwatro si Ythan habang humihithit ng sigarilyo. Napawi ang ngiti sa kaniyang labi nang lumabas mula sa pinto si Ramil. "Ikaw?" bulong ni Ytha
"Halughugin niyo ang bawat sulok ng mansyon na ito! Huwag kayong titigil hangga't hindi niyo nakikita ang mag-ina!" sigaw ni Ramon. "Masusunod po, kamahalan!" tugon ng kaniyang mga tauhan. Kasalukuyang nasa basement si Ramon. Halos mukha ng basurahan ang dalawang silid sa basement nang ipagtatapon
Tinamaan ng bala ng baril si Ramil sa kaniyang kanang braso. Patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo niya mula rito. Dalawang minuto matapos kalabitin ni Ythan ang baril ay agad na rumesponde ang mga pulis. Agad siyang nilapatan ng first aid ng mga ito. "WALA KANG UTANG NA LOOB! KUNG HINDI DAHIL SA AKI
"Kaya ko na ang sarili ko, kuya," ani Ramil. "Sigurado ka?" tanong ni Ramon. Tumango si Ramil. "Sige. Tara na! Malakas ang kutob kong nandoon sa silid na iyon ang iyong asawa," aya ni Ramon. ~~~ "Set, halika," sabi ni Don Vandolf. "Bakit po, senior? May masakit po ba sa inyo?" nag-aalalang tan
La Niños Group of Companies Hindi mapakali si Diana. Kanina pa siyang lakad nang lakad habang kagat-kagat ang isang ballpen. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya kahit naibalita na niya iyon sa kaniyang papa. Tatawagan pa sana niya sina Jacob at Freya nang bigla namang namatay ang cell p
"Darating na po ba rito si mommy?" tanong ni Yael. Tumango si Diana. Mayamaya ay kumunot ang kaniyang noo. "Sino pala ang nagligtas sa'yo buhat sa kamay ng tauhan ni Kuya Jackson?" Tumingin si Yael sa matandang babaeng kasama niya. "Hindi ko po siya kilala, tita…pero kilala po siya ni lola," tugon