'Mayaman siya! Galing siya sa isa sa pinakamahal na hospital dito sa Monte Carlos. Tumakas kaya siya roon? Anong ginagawa niya rito?' piping sigaw ng utak ng nurse. "Diretso lang po ma'am tapos kapg nakita niyo po ang CT-Scan room area, kumaliwa po kayo. Lakad lang po kayo ng diretso hanggang sa mar
"Sir, maraming salamat po sa pagdakip sa kaniya. Isa po siyang takas na pasyente sa OLHOS. Nais lang po naming malaman kung ano ang pakay niya rito," ani ng nurse habang nagpapa-cute kay Jacob. Mabilis na itinaas ni Freya ang isa niyang labi. Nakalimutan niyang nasa bisig siya ng dati niyang nobyo.
"Ang kapal ng mukha mong tawaging anak si Yael," nagngangalit na turan ni Freya. Nanginginig ang kaniyang kalamnan sa sobrang galit. Durog na durog ang kaniyang puso dahil sa kaniyang natuklasan tungkol kay Yael pero mas nangingibabaw ngayon ang galit sa kaniya. Kung hindi lamang kasalanan ang pumat
Parang nauupos na kandila si Freya habang palapit siya nang palapit sa may morgue. Naalala niya ang masasayang ala-ala nila ni Yael. Mahirap man ang buhay nila noon, nag-uumapaw naman ang kasiyahan sa kanilang mga puso. Napuno ng mga katanungan ang isip niya. Paano kaya kung hindi niya nakasalamuha
Tulala si Freya habang nakatingin sa kabaong sa kaniyang harapan. Luok na luok na ang kaniyang mga mata dahil sa walang habas na pag-iyak niya buong araw. Nakasuot siya ng itim na bistida, itim na salamin at itim na sandals. Tila naging manhid na ang buo niyang katawan. Minsan ay bigla-bigla na lama
"Ayoko. Ilang araw ko na lang makakasama ang anak ko. Ayokong umalis sa tabi niya," walang emosyong tugon ni Freya. Galit pa rin siya sa kaniyang sarili lalo na tuwing sumasagi sa isip niya ang araw kung kailan nawala si Yael sa piling niya. "Pero sobrang laki na ng eyebags mo. Namumungay na rin an
"Freya," tawag ni Jackson. "I'm sorry. Ano nga ulit 'yong tanong mo?" tugon ni Freya. "Nevermind." Tumayo si Jackson at kinuha ang tasa sa tabi ni Freya. "May gusto ka bang kainin? Mag-aalas otso na. Hindi ka pa nag-uumagahan," aniya. "Wala akong ganang kumain. Salamat na lang," sagot ni Freya.
Napatayo si Freya sa kaniyang upuan nang makita niya si Ivana. "Please put all those flowers there," utos ni Ivana sa kaniyang mga bodyguards. Naglakad siya papunta sa kabaong ni Yael at inilagay ang puting sobre sa lagayan ng mga abuloy. Nang makita niya ang hitsura ng bangkay ay nagkanda-duwal-du